WORLD RABIES DAY GINUNITA SA LUNGSOD, LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION IBINIGAY PARA SA MGA ALAGANG ASO AT PUSA

You are here: Home

[tfg_social_share]


NEWS | 2021/09/28 | LKRO


thumb image

KIDAPAWAN CITY – NAMIGAY ng libreng anti-rabies vaccination ang Office of the City Veterinarian o OCVET para sa mga alagang aso at pusa sa City Pavilion ngayong araw Ng Martes, September 28, 2021.

Bahagi ng observance ng World Rabies Awareness Day na ipinagdiriwang sa nasabing petsa kada taon ang aktibidad.

Maaga pa lang ay pumunta na ang mga pet owners sa City Pavilion para magpabakuna ng kanilang mga alagang aso at pusa.

Kalakip din ang libreng ‘pagpapakapon’ sa mga aso at pusa sa aktibidad.

Patuloy naman ang panawagan ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga pet owners lalo na yung nag-aalaga ng mga aso na panatilihin ang pagiging responsible pet owners.

Maliban sa regular na pagbabakuna ng anti-rabies at proteksyon laban sa mga sakit, pagtiyak na may sapat na pagkain at maiinom na tubig sa araw-araw, malinis na tirahan at kapaligiran, responsibilidad din ng may-ari na masegurong hindi makakagat at makaperwisyo sa iba ang kanilang alagang aso.

Nakamamatay ang rabies lalo na kapag hindi agad naturukan ang taong nakagat ng aso o maging pusa babala ng OCVET.

Mandato din ng OCVET na manghuli ng mga asong gala para hindi makakaga at matiyak na hindi kakalat ang rabies sa mga komunidad.

Nagpatupad din ng programang ‘dog adoption’ ang City Government of Kidapawa para naman sa mga nagnanais mag-ampon ng mga aso.

Matatagpuan ito sa City Dog Pound facility ng OCVET.

Nagpasalamat naman ang mga pet owners sa City Government at OCVET dahil sa kabila ng pagtutuon ng pansin sa pandemya, ay nakapagbigay pa rin ng serbisyo para sa kanilang mga alagang aso at pusa. ##(CIO)



@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio