<iframe src=”https://www.facebook.com/plugins/video.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2F1780407158868616%2Fvideos%2F388727871917601%2F&show_text=1&width=560″ width=”560″ height=”485″ style=”border:none;overflow:hidden” scrolling=”no” frameborder=”0″ allowTransparency=”true” allow=”encrypted-media” allowFullScreen=”true”></iframe>
Bookkeeper nagpasalamat kay Mayor Evangelista sa pagkakabalik ng kanyang pera
KIDAPAWAN CITY – ABOT LANGIT NA PASASALAMAT ANG IPINAAPAABOT NI MS. CELINE LINARES –Bookkeeper ng Notre Dame of M’lang kay City Mayor Joseph Evangelista matapos maibalik ang kanyang P5000 na cash at mga pertinenteng dokumento.
Inabot ng alkalde ang mga nabanggit matapos itong matagpuan at ireport ng tricycle driver na pinagsakyan ni Ms. Linares sa kanyang opisina.
Hindi sinadyang makalimutan ni Ms. Linares ang kanyang pera sa sinakyang tricyle na may KD Number 1-998 matapos niya itong iclaim sa sangay ng Palawan Pawnshop sa lungsod umaga ng February 8, 2019.
Ipinahanap ni Mayor Evangelista si Ms. Linares kung saan ay kinontak muna niya ang Palawan Pawnshop at ND M’lang base na rin sa mga dokumentong nasa loob ng sisidlan na natagpuan sa tricycle.
Agad nakontak si Ms. Linares na mabilis namang nagtungo sa opisina ni Mayor Evangelista kung saan ay inabot nga ng alkalde ang kanyang natagpuang pera at mga pertinenteng dokumento.
Pinasalamatan din niya ang katapatan ng tricycle driver na kinilalang si Danipol Alvarado ng Barangay Kalasuyan sa pagkakatagpo ng kanyang pera at agarang pagreport nito kay Mayor Evangelista.
Tunay ngang mabubuti ang mga tsuper ng tricycle sa lungsod at mabilis din ang pagtugon ni Mayor Evangelista na maibalik ang kanyang pera, wika pa ni Ms. Linares.
Nakatakda namang gagawaran ng City Government si Alvarado ng Plaque of Recognition dagdag pa ang cash award sa naka schedule na February Convocation Program.##(CIO/LKOasay)
Photo caption : City Mayor Joseph Evangelista ibinalik ang perang nawawala ni Ms. Celine Linares February 8, 2019 = Personal na iniabot ni Mayor Evangelista ang P5000 cash at pertinenteng dokumento ni Ms. Linares matapos itong matagpuan at ireport sa kanyang opisina.(CIO Photo)
Mayor Evangelista nananawagan sa pagbabakuna kontra tigdas
KIDAPAWAN CITY – MAGPABAKUNA KONTRA TIGDAS.
Panawagan ito ni City Mayor Joseph Evangelista sa lahat ng mga magulang na hindi pa nagpapabakuna ng anti measles vaccine sa kanilang mga anak.
Ligtas at matagal ng ginagawa ng Department of Health ang pagbabakuna sa mga bata kontra tigdas, paniniyak pa ni Mayor Evangelista.
Bumaba ang porsyento ng nagpapabakuna kontra tigdas sa buong bansa dahil na rin sa takot at agam-agam ng mga magulang dala ng Dengvaxia issue.
Paulit-ulit ng nananawagan ang alkalde sa kanyang mga constituents na gawin ang pagbabakuna sa kanilang mga anak upang maiwasan na magka tigdas.
Bago lang ay nagdeklara ng measles outbreak ang DOH sa Kalakhang Maynila, bagay na maiiwasang mangyari sa lungsod kung makikipagtulungan ang mga magulang sa pamahalaan.
Kung sakali mang magkaroon ng pabalik balik na lagnat at skin rashes, na mga pangunahing simtomas ng tigdas, pinapayuhan ang mga magulang na agad ipagamot ang kanilang mga anak.
Maari ring dumulog sa mga barangay health centers upang mabigyan ng sapat na impormasyon kontra tigdas, wika pa ni Mayor Evangelista.
Libre ang pagpapabakuna kontra tigdas. ##(CIO/LKOasay)
(photo is from philstar.com April 13, 2018)
PRESS RELEASE
February 1, 2019
Kidapawan City nakahanda na para sa 21st Charter Day sa Pebrero 12, 2019
KIDAPAWAN CITY – SI PRESIDENTIAL SON Sebastian ‘ Baste’ Duterte ang espesyal na bisita ng ika 21st Charter Day ng lungsod sa Pebrero 12, 2019.
Makakasama niya si Cotabato Governor Emmylou Talino Mendoza bilang mga panauhin sa okasyon kung saan gagawin naman sa City Gymnasium.
Inaasahang ibabahagi ng Presidential Son ang mensahe ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa mismong araw ng anibersaryo ng pagsasa-lungsod ng Kidapawan City sa petsang nabanggit.
Ilan lamang sa mga tampok na aktibidad ng okasyon ay ang mga sumusunod:
February 5- Elementary Drum and Lyre Competition, Mayor JAE 3 cocks Derby, Hastang Lami-a Culinary Festival; Agro Trade Fair and Food Exhibit; Ukayan sa Kidapawan.
February 6 inter High School – Collegiate Music and Dance Festival.
February 7 Balik Ta sa Kidapawan Homecoming Tour; February 8 High School Drum and Lyre Competition; February 9 Paralympic Games, Motocross, 4X4 Off Road, Kidapawan City Mindanao Wide Hip Hop Street Dance competition at Zumba and Fun Run.
February 10 Balik Ta sa Kidapawan Homecoming Night; February 11 Barangay Night.
February 12 Civic Military Costume Parade, Culmination program; Lechon Festival; Rock Jam Concert with the Aegis at Fireworks Display.
February 13 Rock Wars Battle of the Bands.
February 14 Kalilangan sa Kidapawan Muslim Wedding at Employees Night.
February 16 Mobile Passporting
Iniimbitahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng ika 21st Charter Day ng lungsod.
Kaugnay nito ay hinihingi din ng mga otoridad ang kooperasyon ng publiko sa mga isasagawang security checks sa venue ng mga aktibidad para na rin sa kanilang kaligtasan.
Tema ng pagdiriwang ay Kidapawan City at 21 Celebrating Life, Sustaining Peace and Envisioning Prosperity.
Sa bisa ng Republic Act number 8500 na nilagdaan ni dating pangulong Fidel Ramos, naging ganap na component city sa lalawigan ng Cotabato ang Kidapawan noong February 12, 1998.##(CIO/LKOasay)
PRESS RELEASE
February 1, 2019
Hapsay Pasada Search for Best Tricycle at Best Driver umarangkada na
KIDAPAWAN CITY – UMARANGKADA na ang Hapsay Pasada Search for Best Tricycle and Best Driver Enero 31, 2019.
Animnapu at dalawang mga units ang nag-qualify sa patimpalak kung saan isa sa mga magsisilbing highlights ng ika 21 Charter Day ng lungsod sa Pebrero 12, 2019.
Ito ay handog ni City Mayor Joseph Evangelista katuwang ang City Tricycle Franchising Regulatory Board at Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Associations – FKITA bilang pagkilala sa mga natatanging tsuper at may-ari ng mga tricycle na bumibyahe sa Kidapawan City.
Dalawang kategorya ang pagpipilian sa patimpalak.
Ito ay ang Best Tricycle at Best Driver 2019.
P15,000 na grand cash prize ang naghihintay sa mananalong Best Tricycle at Best Driver.
Sinimulan ng husgahan ng mga hurado ang animnapu at dalawang units na napili ng kani-kanilang mga asosasyon sa ilalim ng FKITA.
Ang mga hurado ng patimpalak ay sina Kidapawan LTO Head Genalinda Ganotice at kanyang deputy na si Sajid Abutasil, TMU Head Rey Manar, KCGEA President Alex Macasaet at ABC Vice President Morgan Melodias.
Maliban sa pinagandang unit, kinakailangan din na sumusunod sa itinakdang palisiya ng CTFRB ang bawat tricycle at higit sa lahat, walang kinakaharap na reklamo o violation sa TMU at LTO ang driver para mag-qualify sa patimpalak.
Ibababa sa dalawampu ang matitirang entries na siya namang pipiliing mananalo sa patimpalak ngayong Pebrero 11.
Mainit na pasasalamat naman ang ipinapaabot ng pamunuan ng FKITA kay Mayor Evangelista sa pagbibigay pugay at suporta nito sa sektor ng tricycle.##(CIO/LKOasay)
Photo caption – SEARCH FOR BEST TRICYCLE 2019: Sinuri ng mga hurado ang entry number 17 na unit ng tricycle na isa sa mga entries ng Hapsay Pasada Search for Best Tricycle 2019. Ang patimpalak ay isa sa mga tampok na aktibidad ng 21st Charter Day ng Kidapawan City sa Pebrero 12, 2019.(CIO Photo)