Month: October 2022

You are here: Home


thumb image

Everyone has left except ECHO since the 2019 Series of Strong Earthquakes in Mindanao of humanitarian interventions until this post-pandemic period. With the rapid response of MOVEUP 4 in Kidapawan on October 2019 due the earthquake disaster, hundreds of displaced families from the landslide high risk areas have availed of emergency cash assistance while the project also went hand in hand with the City DRRM Council in the Camp Coordination and Camp Management. The Community Savings Group was formed to financially capacitate at least 31 affected groups cum financial literacy build up. All of the assisted CSGs have raised their start up capital up to ten folds in two years.

SUPPA II on the other hand has capacitated most of the barangay LGU surrounding the foothill of Mt Apo. Enhancement of their barangay Contingency Plans with Anticipatory Actions mechanism is seen as an unprecedented strategy of a Community-Based DRRM approach to eliminate disaster impact. Resilience is being guaranteed through the integration of the global parametrics in the management of hydro-meteorological hazards with the CDRRMO Emergency Operation Center.

Both programs that run in Kidapawan for years now is funded by European Union Humanitarian Aid (ECHO). Ms Arlene Aquino, ECHO official came to visit and checked the impact of the two projects to its beneficiaries in Kidapawan.

City Mayor Jose Paolo M. Evangelista has executed an order earlier to form a group that ensures project continuity and well-managed despite transition from change of leadership since forging of previous terms and agreements during the term of former Mayor Joseph A. Evangelista.

CDRRMO has presented measures and interventions in the four thematic areas that has greatly contributed to its DRRM in Kidapawan that are being done in partnership with MOVEUP and SUPPA projects. It includes crafting of flash flood AA protocol and the establishment of its corresponding Early Warning Device for effective monitoring and management of flooding incidents that affects vulnerable communities.

Challenges are bared especially on the supposed behavioral change of people towards disposal of their solid waste. Dumping of garbage to bodies of water such as rivers, creeks and canals is validated as mainly aggravating to recent flash flood incidents. It is seen as potentially next to maybe given due course with the future funding of ECHO.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 10, 2022) – PORMAL ng nagbukas ang bagong Trading Post o Bagsakan ng gulay sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City ngayong araw na ito ng Lunes, Oct. 10, 2022.

Kaugnay nito, “ibinagsak” sa lugar ang mga preskong gulay at isda (tilapia at hito) para sa mga wholesalers (10 kilos above) ng mga nabanggit na produkto sa murang halaga lamang.

Mga miyembro ng Kidapawan City Vegetable Growers Association at mga fisherfolks mula sa mga barangay ang “nagbabagsak” ng kanilang  produkto sa Trading Post.

Kabilang sa mga gulay na mabibili sa “bagsakan” ay pechay, talong, kalabasa, pipino, broccoli, radish, pati na sibuyas at kamatis.

Mga naglalakihang hito at tilapia naman ang maaaring mabili ng mga consumers.

Layon nito na matulungan ang mga local vegetable at local fisherfolks na magkaroon ng sure market ang kanilang ani o produkto at palakasin pa ang food production and sustainability sa lungsod, ayon kay City Agriculturist Marissa T. Aton.

Samantala, nagsimula na ring magbenta ng bigas ang mga local rice farmers sa Trading Post at ito ay maaaring wholesale at per sack – 50kg (P1,800.00), 25kg (P900.00), habang mura lang din ang presyo bawat kilo ng bigas sa halagang P37.00.

Nakapaloob naman ito sa buy-back program ng City Government of Kidapawan na naglalayong mabigyan ng mas malaking oportunidad ang mga local rice farmers.

Pinondohan ng Dept. of Agriculture 12 sa ilalim ng Agri-Business and Marketing Assistance Division ang nabanggit na Trading Post ng abot sa P3M kung saan isinagawa ang turn-over ceremony mula sa kamay ng DA12 patungong City Government of Kidapawan noong Sep. 21, 2022.

Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay bukas ang Trading Post para sa mga retailers at mga consumers sa pangkalahatan.

Sa kabilang dako, patuloy naman ang retail o pagbebenta ng tingi ng mga preskong gulay, hito, at tilapia sa Kidapawan Farmer’s Market sa harap ng City Hall sa mababang halaga mula Lunes hanggng Biyernes. Ito, ayon kay Aton ay upang mapagsilbihan o mabigyan naman ng pagkakataon ang mga households na makabili ng nabanggit na mga produkto sa mas murang halaga direkta mula sa mga vegetable farmers at wala ng middlemen. (CIO-jscj//if//photos CIO/OCA)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 7, 2022) – UPANG magampanan ng mahusay ang kanilang mga trabaho at responsibilidad bilang mga tagapangalaga ng daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan sa kalsada o road safety, sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang mga miyembro ng Traffic Management Unit (TMU) ng Kidapawan City.

Ito ang Traffic Management Skills Training Seminar and Proper Hand Signal na isinagawa sa City Convention Center mula October 5-7, 2022 na dinaluhan ng abot sa 30 partisipante kabilang ang ilang police personnel na nakatalaga sa Municipal Police Traffic Section ng Antipas at Arakan.

Si 2nd District of Cotabato Senior Board Member Joseph A. Evangelista ang nagbigay ng mensahe sa pagbubukas ng nabanggit na training kung saan hinimok niya ang mga TMU personnel na gawin ang sinumpaang tungkulin at panatilihin ang propesyonalismo sa trabaho.

Lecturer sa unang dalawang araw ng training si Land Transportation Office Kidapawan District TRO I Adjudicator Sahid D. Abutazil kung saan ipinaliwanag niya ang nilalaman at kahalagahan ng Republic Act 4136. nd for Other Purposes.

Samantala, ibinahagi naman ni TMU Kidapawan OIC Richelle L. Taclindo ang tungkol sa Norms and Conduct, Enforcement Role of TMU kung saan nakapaloob ang Responsibilities and Characteristics of a Traffic Enforcer.

Kabilang din sa itinuro sa mga partisipante sa kanilang first two days ang Creation of Traffic Management Emergency Unit, Road Safety at Defensive Driving habang ang karagdagang lecture sa City Ordinances, Traffic Signs and Signals ay ibinahagi naman ni Maricel Regis ng TMU Kidapawan.

Sa ikatlong araw naman ay nagsagawa ng actual demonstration at actual traffic management ang mga lumahok na TMU at police personnel kung saan sa bahagi intersection ng P.C. Barracks, Barangay Sudapin pumuwesto. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (October 7, 2022) TINIYAK ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na maaasahan at mapagkakatiwalaan ng mamamayan ang kanyang administrasyon. Nakasentro ang First 100 Days State of the City Address o SOCA ng alkalde sa larangan ng good governance, transparency, competence, responsiveness at reliability na ini-report niya sa mamamayan ng lungsod ngayong araw ng Biyernes, October 7, 2022. Ibinahagi ni Mayor Evangelista ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng unang isang daang araw na naglalayong makapagbigay ng ibayong serbisyo at makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, maayos na pamamahala at magkaroon ng de-kalidad na kabuhayan para sa lahat. “The role of government is to help provide quality life for our people. This is our principle of governance.”, pahayag ni Mayor Evangelista. Nakapaloob ang mga naunang accomplishment at mga gagawin pa ni Mayor Evangelista sa konseptong LUNTIAN KIDAPAWAN na siyang kasangkapan para makamit ang inaasam na maaasahan at mapagkakatiwalaang pamamahala para sa lahat. Kabilang sa highlights ng accomplishments ni Mayor Evangelista sa kanyang unang 100 days ay ang mga sumusunod: Paglulunsad ng Kid I-Report App para sa mas madali at mabilis na transaksyon sa City Government, transparency sa paggamit ng office supplies at fuel sa mga sasakyan, carpooling ng mga sasakyan ng iba’t-ibang tanggapan sa City Hall, paglalagay ng Global Positioning System at Monitoring Devices sa mga heavy equipment para sa matipid at wastong paggamit ng fuel allocation, 60% na pagbaba sa paggamit ng fuel allocation sa mga nakumpletong road rehabilitation projects. Ipinatupad din ang Public Assistance Desk sa City Hall na siyang tumutulong para sa pagbibigay serbisyo sa mga senior citizens at persons with disabilities, Free WiFi internet services para sa lahat ng pumupunta sa City Plaza, pagtatayo ng bagong Operations Center na siyang tatanggap ng reklamo ng mga mamamayan sa kakulangan halimbawa ng serbisyo mula sa City Government, improved connectivity ng digital connection ng City Treasurer, Assessor at Bureau of Fire Protection para sa mas mabilis na application at renewal ng business permits at licenses, operation ng Plastic Recycling Facility na nagpo-proseso ng mga basura tungo sa eco-bricks, hollow blocks at iba pang mapapakinabangan na mga bagay, pagbabawal sa paggamit ng mga single use plastic sa mga opisina ng City Hall, pagbibigay ng libreng digital mental health vouchers medical consultation at subscription para sa mga empleyado ng City Government, pagbubukas ng kauna-unahang City Museum, pagbubukas ng Bagong Bagsakan Center para sa mga produktong agrikultura at pagkain na mula sa mga magsasaka ng lungsod.Dagdag pa ang road concreting ng mahigit isang kilometrong farm-to-market road na nagkokonekta sa mga barangay ng Ginalitan, Balabag at Perez, pagbuo ng KIDCARE o Kidapawan City Anti Vice Regulation and Enforcement Unit, at ang matagumpay na pagdiriwang ng Kasadya sa Timpupo 2022 Fruit FestivalHinati naman sa 10 na ‘areas of priority’ ang LUNTIAN KIDAPAWAN na isinusulong ni Mayor Evangelista. Ang mga ito ay ang sumusunod: Reliable Governance, Digital Infrastructure and Connectivity, Waste Management, Health Care and Well Being, Education Culture and Arts, Food Production, Safety and Security, Access to Basic Utilities, Support to the Growth of Tourism, at Social Capital. Pinasalamatan ng alkalde si City Vice Mayor Melvin Lamata, Jr. at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pagsasa-ordinansa ng Luntian Kidapawan na siyang magiging sistema ng paglilingkod at pamumuno ng City Government. Dumalo sa SOCA ni Mayor Evangelista ang kanyang maybahay na si Atty. Anj Evangelista, kanyang ama na si dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista, Cotabato Provincial Vice Governor Efren Piñol, mga pangunahing opisyal ng government line agencies na nakabase sa lungsod, Department Heads ng City Government, mga opisyal sa 40 barangay ng Kidapawan City, mga barangay workers, mga representante mula sa people at civic organizations, at mga empleyado ng City Government. Isinagawa ni Mayor Evangelista ang kanyang First 100 days SOCA sa City Gymnasium ganap na 8:30 ng umaga at tumagal ng halos isang oras. Live din itong napanood sa pamamagitan ng live streaming mula sa City Government of Kidapawan Official Facebook page. ##(CMO-cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (October 6, 2022) IKINATUWA ng pamunuan ng St. John Marie Vianney Quasi-parish ng lungsod ang natanggap na ‘Eco-Bricks’ mula sa City Government of Kidapawan. Personal na ibinigay ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang abot sa 147 na eco-bricks na gawa pa mismo ng City Government, kay Father Hipolito Paracha, DCK nitong araw ng Miyerkules, October 5, 2022 kung saan ay ginanap sa mismong simbahan ng Parokya sa Barangay Singao ng lungsod. Pinasalamatan ng quasi-parish si Mayor Evangelista dahil maliban pa sa makakatulong ang eco-bricks sa proyektong kanilang ipatatayo ay pagpapakita na rin ito ng suporta ng alkalde sa mga isinusulong na programa ng Simbahang Katolika para sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran. Ang paggawa ng eco-bricks ay isa sa mga pet project ni Mayor Evangelista na resulta ng waste segregation campaign ng City Government. Bukod pa sa nare-recycle ang basurang nakokolekta sa pamamagitan ng paggawa ng eco-bricks ay nababawasan din nito ang mapanirang epekto sa kapaligiran. “ Mapapakinabangan natin ang mga basurang nakokolekta ng CENRO sa mga tahanan at establisimento sa Kidapawan City. Magagamit natin ito sa paggawa at pagproseso ng mga bagay gaya ng eco brick na bukod pa sa mapapakinabangan ng marami ay makakatulong din sa environmental protection”, wika pa ni Mayor Evangelista. Hiniling naman ng alkalde sa kura-paroko na hikayatin ang mga mananampalatayang Katoliko na ibigay ang mga nalilikom na mga basura gaya ng basag na bote, plastic at iba pang pwedeng mare-recycle na bagay para gawing eco-bricks ng City Government. Planong gawing sahig at dekorasyon para sa itatayong ‘Belen’ ng Parokya sa panahon ng Kapaskuhan ang natanggap na eco-bricks mula sa City Government. May pasilidad at kagamitan na nilagay ang City Government sa City Environment and Natural Resources Office o CENRO na siyang gumagawa at nagpo-proseso ng eco-bricks mula sa mga basurang nakokolekta sa lungsod. Yari sa buhangin, semento, mga basag na bote at plastic ang eco-brick na ginagawa ng City Government. Kayang gumawa ng mahigit sa isangdaang eco-bricks ang pasilidad ng CENRO kada araw. Sa ngayon ay pwedeng gamitin ang eco-bricks para sa pavement at decorative purposes habang pinag-aaralan pa ng City Government na i-improve ang kalidad nito para gawing construction material base sa standards ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Bukas si Mayor Evangelista na magdonate ng mga eco-bricks sa mga organisasyong nagnanais magkaroon nito para sa kanilang mga proyekto. ##(CMO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 6, 2022) – MAGLILIWANAG na at makikinabang na sa serbisyo ng kuryente ang abot sa 38 na kabahayan sa Lungsod ng Kidapawan na dati ay walang koneksyon ng kuryente at hirap kung gabi dahil sa madilim na paligid.

Ang naturang bilang ng mga household ay matatagpuan sa Purok 2, Barangay New Bohol ng lungsod na pawang mga benepisyaryo ng Energization Project sa ilalim ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

Nanguna sa ginawang Turn-over at Ceremonial Switch-on sa Covered Court ng Barangay New Bohol alas-10 ng umaga ang mga kinatawan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc o COTELCO, Inc at COTELCO West District Board of Director Alzen Ryan Embodo kasama si Pepito Iremedio, Sr., ang Punong Barangay ng New Bohol pati na mga kagawad.

Sa pamamagitan ng proyekto mula sa LGSF-CBDP ng NTF-ELCAC ay nabiyayaan ng libreng koneksyon ng kuryente ang naturang bilang ng mga household at nabigyan ng tugon ang matagal na nilang kahilingan na magkaroon ng kuryente.

Ipinaliwanag ng COTELCO sa mga benepisyaryo na libre ang lahat ng gastusin sa pagpapakabit ng kuryente tulad ng elect wirings, electric meter, pipes at iba pang materyales na ginamit sa connection ngunit kailangan nilang bayaran ang monthly bill kung saan sila ay ganap na miyembro na ng kooperatiba

Katuwang naman ang NTF-ELCAC ang City Government of Kidapawan sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga barangay na may presensiya ng armadong grupo o impluwensiya ng communist terrorist group at himukin silangh mnagbalik-loog sa gobyerno.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na nilagdaan ni President Rodrigo R. Duterte noong Dec. 2018 ay inilatag at ipinatupad ang whole-of-nation approach upang tuluyang sugpuin ang armadong pakikibaka laban sa pamahalaan at pakinabangan ang tulong ng pamahalaan tungo sa pangmatagalang kapayapaan. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 5, 2022) – NAGWAGI bilang Second Placer sa Search for Outstanding Rural Women in Region 12 ang isang lady agripreneur mula sa Barangay Sumbac, Kidapawan City

Ito ay sa katauhan ni Shiela F. Livera, may-ari ng SJC Products na isa sa mga local producer ng premium coffee.

Ginanap ang awarding sa Agua Frio Hotel and Restaurant sa Koronadal City kung saan dumalo si Livera at iginawad sa kanya ang isang Plaque of Recognition na may lagda ni DA12 OIC Regional Executive Director Sailila E. Abdula, Ph.D.

Kasamang dumalo sa okasyon si Corafer I. Moreno, Agriculture Technician mula sa Barangay Sumbac.

Bahagi ng Gender and Development program ng Dept. of Agriculture o DA 12 ang pagbibigay ng parangal o pagkilala sa mga natatanging agripreneur sa Region 12 o SOCCSKSARGEN Course kung saan nagpakita ang mga ito ng best practices at natatanging kontribusyon sa larangan ng negosyo at agrikultura.

Bilang isang Agripreneur, isinusulong ni Livera ang paggawa ng mga na gumawa ng mga kalidad na kape gamit ang makabagong teknolohiya at maayos na koordinasyon sa ahensiya ng gobyerno, ayon kay Marissa T. Aton, City Agriculturist.

Kabilang rito ang Kape Kidapawan premium coffee, Kape Kidapawan Arabica kung saan nabibili sa mga piling outlet at sa pamamagitan ng kanilang Facebook account na SJC Food Products. (CIO-jscj//if//photos by OCA)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 5, 2022) – HANGAD ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na maging Champion of Education.

SInabi ito ng alkalde sa kanyang mensahe sa mahigit dalawang libong guro mula sa pampubliko at pribadong eskwelahan ng lungsod sa pagdiriwang ng National Teachers Day ngayong araw ng Miyerkules October 5, 2022.

Nais ni Mayor Evangelista na maging committed at matiyak na walang batang maiiwan sa larangan ng edukasyon sa Lungsod ng Kidapawan.

“𝘛𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘱𝘰𝘴𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘳𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘶𝘮𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯”, sinabi ni Mayor Evangelista.

Bilang bahagi ng kanyang commitment ay hiniling niya sa mga guro na dadalo siya at uupo sa loob ng klase upang direktang maobserbahan kung papano naibibigay ang lessons sa mga bata.

Kakausapin niya ang mga mag-aaral at mismong mga guro at magulang upang malaman ang hinaing ng mga ito sa pagpapa-aral sa mga bata.

Nagbigay pugay din ang alkalde sa mga guro na nagsisikap na magturo sa mga bata sa araw-araw.

Si Mayor Evangelista ay siyang panauhing pandangal sa launching ng Division Educational Development Plan o DEDP ng Kidapawan City Schools Division noong September 30, 2022.

Ang DEDP ay magiging gabay sa kung papaanong ipatutupad ng DepEd ang mga programa nito mula taong 2023 hanggang 2028.

Bilang pakikiisa sa okasyon ay nagbigay si Mayor Evangelista ng cash prizes para sa mga mananalo sa patimpalak ng National Teachers Day sa lungsod ng Kidapawan na ginanap sa City Gymnasium.

##(CMO-cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 4, 2022) – NABIYAYAAN ng 50,000 fingerlings ng isdang tilapia at 12,500 hito fingerlings ang abot sa 28 fish farmers o mga nagpapalago ng fishpond sa Lungsod ng Kidapawan.

Ito ay sa ilalim ng Cost Recovery Program ng City Government of Kidapawan na ipinatutupad ng Office of the City Agriculturisty o OCA.

Layon ng naturang programa na mapalakas ang food production and sustainability at makabawi ang mga fish farmers sa lungsod sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic nitong nakalipas na dalawang taon, ayon kay City Agriculturist Marissa T. Aton.  

Kaugnay nito, masayang tinanggap ng mga benepisyaryo ang ayuda sa distribution na ginanap sa Farmer’s Market o bagsakan ng gulay na malapit lamang sa City Hall at nangakong palalaguin ang kabuhayan sa pamamagitan ng naturang programa.

Kabilang sa mga fish farmers na nakatanggap ng mga tilapia at hito fingerlings ay sina Rolando Ramos – Balabag, Dary Pagatpatan- Perez, Rey Balili – Perez, Elmer Occillada – Binoligan, Henry Neyra – Indangan, Jacinto Banga- New Bohol, Marciano Obrador – Singao, Edgardo Jaso – Kalaisan, Bernabe Pagatpatan- Indangan, Marlyn Hilot – Sumbac, Loveine Kate Layaoen – San Isidro, Pionio Julio – Ilomavis, Teresita Igharas – Balindog, Ian Capilitan – Perez, Teresita Martin – Ginatilan, Sonny BoyAdriatico – Ilomavis, Rosally Cay-an – Ginatilan, Jevelyn Diaz- Ilomavis, Danilo Lontoc- San Roque, Josefino Pantorilla Jr- Perez, Lauro Alcantara -Mua-an, Cristopher Macalipes – Ginatilan, Abelardo Cay-an – Ginatilan, Roger Dela Cruz- Ginatilan, Ricky Dela Torre- Nuangan, Benedicto Salvador- Ginatilan, Ric Madeja -Ginatilan

(CIO-jscj//if//aa)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 4, 2022) – NASA 97% na ang completion rate ng paglalagay ng first batch ng mga solar street lights sa 40 barangay sa Lungsod ng Kidapawan.

Nasa 600 ang kabuuang bilang ng solar street lights na nakapaloob sa first batch kung saan 582 dito ay na-install na sa 39 barangays – pinakahuli ay ang installation ngayong linggo sa mga barangay ng Kalaisan, Sumbac, Macebolig, at Onica habang ang nalalabing barangay ng Patadon ay palalagyan sa Miyerkules, Oct. 5, 2022.

Nasa 15 solar street lights ang inilagay sa bawat barangay at itinatayo ang mga poste nito sa bawat kanto kung saan marami ang dumadaang sasakyan at naglalakad na mga residente.

Ang Office of the City Engineer (OCE) sa pamamagitan ng Task Force “Kahayag” ang naatasan sa naturang proyekto na naglalayong mapailawan at maging mas maliwanag ang mga barangay sa Kidapawan City.

Isa ito sa priority projects ni City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista na kanyang ipinatupad sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan bilang alkalde.

Nais ni Mayor Evangelista na maging maginhawa ang mga mamamayan sa pamamagitan ng proyektong pailaw maliban pa sa kaligtasan ng mga residente laban sa magnanakaw at iba pang uri ng kriminalidad.

Hindi naman magtatagal ay madadagdagan pa ang mga solar street lights sa mga barangay sa oras na simulan ang second batch ng installation, ayon sa CEO.

Panibagong 600 units ng solar street lights ang muling ilalagay sa ibang pang lokasyon sa mga barangay.

Nasa kabuuang P5.9M ang halaga ng solar street lights project kung saan P2.9M ang pondong inilaan para sa 1,200 solar lights at karagdagang P3M naman ang inilaan para sa mga accessories nito tulad ng G.I. pipes, deformed bars, cement, welding rod, gravel, fine sand, coarse sand, epoxy primer, at paint brush.

Nagmula ito sa Supplemental Budget No.1 for CY 2022. (CIO-jscj//if)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio