Month: October 2022

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 3, 2022) – SAMA-SAMANG nakiisa sa pagbubukas ng Elderly Filipino Week celebration ang mga miyembro ng Pederasyon ng Kapisanan ng Senior Citizens ng Kidapawan City, Inc. (PKSCKCI) sa City Convention Center ngayong araw na ito ng Lunes, October 3, 2022.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang Holy Mass na pinangunahan ni Fr. Fred Palomar, CDK at sinundan ito ng opening program na hudyat ng pagsisimula ng 4-day activity ng PKJSCKCI.

Nagbigay naman ng opening remarks si Daisy P. Gaviola, City Social Welfare Development Officer kung saan kinilala niya ang malaking kontribusyon ng mga senior citizens sa pangunguna ni Renato B. Torralba, President ng PKSCKCI sa larangan ng pag-unlad ng pamayanan. 

Bahagi din ng unang araw ng pagdiriwang ang mga paligsahan na kinabibilangan ng comical play, sayawit, at folk dance. Sa pamamagitan nito ay maipapakita ng mga senior citizen ang kanilang angking talento at sa kabila ng kanilang edad ay may ibubuga pa sila sa acting, singing and dancing, ayon naman kay Susana L. Llerin, Head ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA).

Sa ikalawang araw, October 4, 2022 ay tampok naman ang competition sa chorus o choral, harana, at Zumba. Kasama pa rito ang parlor games at blood letting naman na gaganapin sa Senior Citizens’ Social Hall.

Gagawin naman ang synchronized barangay level celebration sa ikatlong araw, October 5, 2022 at sa ikaapat o huling araw ng aktibidad, October 6, 2022 ay gaganapin ang Gala Search for King and Queen of Senior Citizens 2022 at ang Culmination Program and Awarding of Prizes.

Samantala, kabilang din sa line-up of activities ng Elderly Filipino Week ang pamamahagi ng libreng eyeglasses para sa mga senior citizens hindi lamang sa Kidapawan City kundi pati na rin sa iba pang bayan sa 2nd District of Cotabato sa pamamagitan  ni Senior Board Member Joseph A. Evangelista, ayon kay OSCA Project Coordinator Melagrita S. Valdevieso.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang PKSCKCI sa pagsisikap nito na mapanatili ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng senior citizens at patuloy silang maging kabahagi sa pag-unlad ng lungsod.

Batay sa Presidential Proclamation No. 470 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong September 26, 1994, itinakda ang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week sa bawat unang linggo ng Oktobre kada taon sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD kasama ang iba’t-ibang organisasyon ng mga senior citizens sa bansa. (CIO-jscj//if//nl)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio