Month: February 2023

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

(PEBRERO 8, 2023) ISA na namang tourist attraction ang patuloy na dinadayo ngayon sa Kidapawan City. Ito ang LA VILLA AQUA FARM na matatagpuan sa Brgy. Manongol ng lungsod.

Makikita dito ang sumusunod na pasilidad at amenities : Function hall, Dining hall, Springbath (1 pool) para sa mga bata, Bamboo rafting, 100 meter Zip Ride, Fishing at meron silang aabot sa dalawamput-isa o 21 fishponds kung saan labing-pito o 17 fishponds ang bukas para sa tilapia at hito grow out (culture to harvest). Maari ding bumili ng preskong tilapia at hito ang mga bisita.

Pwedeng mamingwit at ihawin ang mga isda sa abot-kayang halaga. Katunayan marami na ang sumubok at nag-enjoy sa inihaw na isda.

Sila ay tumatanggap ng training, family gathering, pre-nuptial , birthday at mahahalagang okasyon.

Dagdag pa rito ang naturang lugar ay isang Aqua Culture Learning Site para sa tilapia at hito grow out and hatchery, kung saan nakikipag-ugnayan na sila sa Tesda at Department of Agriculture.

Kaugnay nito sila rin ang kauna-unahang tilapia at hito breeding and production learning site na accredited naman ng Agricultural Training Institute of Department of Agriculture at siyang unang Agri-Tourism Site na aprubado ng Department of Tourism sa lungsod.

Ang nabanggit na Farm Tourist attraction ay pagmamay-ari ni Emilio N. Lavilla na tubong Kidapawan . Nagsimula ang kanyang negosyo noong 2019 at unti-unting nakikita bilang local tourist attraction. Katunayan ginawaran sila ng National Gawad Saka Aqua Culture Category noong 2018 kung kailan nagsisimula pa lamang sila.

Samantala si Lavilla ay kasalukuyang Chairman ng Kidapawan Inland Fisherfolk Association.

Hindi naman magsisisi ang mga nagbabalak na bumisita sa lugar dahil sa nabanggit na pasilidad kung saan maliban sa family bonding ay angkop din sa mga training ata iba pang aktibidad.

Para sa mga nais gumala doon ay maaring kumuha ng impormasyon sa kanilang facebook page : LA VILLA AQUA FARM o kaya tumawag or magtext sa mga contact numbers : 09163536123 at 09777811320. (CIO)

luntiankidapawan

thumb image

Libreng matutunghayan ng lahat ang December Avenue na mag concert “Live!” ngayong Linggo, February 12, ng alas 6:00 ng gabi sa bagong park sa Barangay Magsaysay bilang hudyat sa pag uumpisa ng buong taong selebrasyon ng 25th Silver Charter Anniversary ng Lungsod ng Kidapawan. Tampok ng banda ang mga mala-hugot nilang bagong release na kanta tulad ng Saksi Ang Langit, Kung Di Rin Lang Ikaw, at Sa Ngalan Ng Pag-ibig na kung iyong intindihin ang mga lyrics ay tiyak mapapaibig ka.Nanawagan naman si Mayor Jose Paolo M. Evangelista sa mga mamamayan na makikiisa sa mga alituntunin upang maging matiwasay ang pag ganap ng unang araw ng selebrasyon. Sa concert ay ipagbabawal ang pagdadala ng back pack at iba pang uli ng malalaking bag, mga deadly weapon, mga alaga tulad ng aso at pusa, pagkakalat ng basura, pagdumi ng kahit saan. Kaya hinihimok niya ang lahat na sundin ang bawat ng kautosan ng pulis, TMEU, at lahat ng mga kasapi ng organizing committee upang walang maabala o maaksidente habang nagsasaya sa musikong palabas. Sa di kalayuan ay nanduon ang mga gender sensitive na mga restroom upang maiwasan ang umihi at magdumi sa tabi tabi.Bawal din magdala ng mahahabang payong dahil matulis ito at maaaring makapinsala ng ibang tao at gagamitin sa pakipagrambulan. Sa halip ay mas mabuti na magdala ng raincoat upang pananggalang sa ulan o payong na folded. Nagpaalala namang kapulisan na dapat maging mapagmatyag ang lahat laban sa mga opurtonista nag naghihintay lamang ng pagkakataong makapagnakaw at iba pang mga masasamang loob. Pansamantala ding di muna padadaanin sa bahaging ito ng highway ang mga mamalaking trak upang hindi lalong sumikip ang traffic dahil sa dami ng taong pupunta doon.May isang malaking entrance ang venue at dapat ay isaisip ng bawat papasok sa venue ang isa ring exit sa kabilang bahagi ng plaza upang duon tumakbo sakaling may emergency. Mayroon ding sariling entrance at exit para sa mga bandang mag perform pati na rin para sa mga bisita kasama ang mga city officials. Tiyak din na makapanood ng maayos ang lahat dahil may dalawang LED Wall na ilalagay para sa mga kababayang nasa malayo mula stage. Tampok din ang mga musikong tubong Kidapawan na tutugtog katulad ng mga bandang Aboriginal at Sora.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 6, 2023) โ€“ POSITIBO at naging maganda para sa business sector ng Lungsod ng Kidapawan ang naging resulta ng isinagawang Electronic Business One-Stop Shop o Electric BOSS sa City Gymnasium at Mega Market (Old Terminal) Site mula Enero 3-20, 2023 at sa ipinatupad na extension mula Enero 21-31, 2023.

Ayon kay Lope Quimco, ang Head ng Business Permits and Licensing Office o BPLO, nakapagtala ang kanilang tanggapan ng abot sa 253 issuances ng bago o new Business Permit at 3,431 renewals ng o kabuoang bilang na 3,684 Business Permit para sa Fiscal Year 2023.

Ito raw ay resulta ng pinag-ibayong pagsasagawa ng Electronic BOSS at ang paghikayat sa mga taxpayers na maagang ayusin ang kanilang mga papeles tulad ng Business Permit at iba pang kailangan dokumento para sa pagpapatakbo ng negosyo, ayon pa kay Quimco.

Masaya ding ibinahagi ni BPLO na nakapagtala sila ng abot sa 487 issuances ng Tricycle Permit sa buong panahon na ipinatupad ang Electronic BOSS.

Dagdag pa rito ay sinimulan ng BPLO ang pagtungo sa ilang mga barangay para sa pagpapatupad ng Electronic BOSS at kabilang dito ang mga barangay ng Sudapin, Lanao, Singao, Balindog, at ang mismong Poblacion (Barangay integration) kung saan doon na kinolekta ang bayad para sa Barangay Business Clearance at ang pagbibigay nito o releasing ay sa BPLO pa rin.

At upang lalo pang mapahusay ang serbisyo para sa mamamayan, simula noong Pebrero 1, 2023 idineklara na ng City Government of Kidapawan bilang isang year-round activity ang Electronic BOSS kung saan maaari ng magproseso ng Business Permit (Business tax payment, Fire Safety Inspection Certificate, at Annual Inspection Fee โ€“ Building) sa loob mismo ng tanggapan ng BPLO at hindi na kailangang magtungo pa sa ibaโ€™t-ibang tanggapan o ahensiya.

Samantala, simula sa Pebrero 23, 2023 ay isasagawa na rin ang Electronic Business One-Stop Shop sa iba pang mga barangay at itataon ito sa pagsasagawa ng Kabaranggayan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo o KDAPS sa fiesta o anibersaryo ng bawat barangay sa Lungsod ng Kidapawan. (CIO-jscj//if//nl)

luntiankidapawan

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Pebrero 3, 2023) โ€“ SA temang โ€œMalinis na Kapaligiran, Gobyernong Maasahan, Disiplinadong Mamamayanโ€ ay ipapakita ng mga mamamayan ng Kidapawan ang pagkakaisa tungo sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod sa ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lungsod ng Kidapawan sa Pebrero 12, 2023.Ito ay sa gaganaping โ€œLUNTIAN MARCHโ€ na pangungunahan ng City Government of Kidapawan kasama ang ibaโ€™t-ibang nagkakaisang sektor sa lungsod. Ang mga opisyal ng Lungsod ng Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, kasama si City Vice-Mayor Melvin Lamata, Jr, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan ang mangunguna sa naturang aktibidad na katatampukan ng mga departamento ng local government unit, national agencies, academe, business, peopleโ€™s organizations, OFWs associations, at iba pang grupo na magkatuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa lugar. Sa kanyang mensahe sa Flag raising and convocation program na ginanap ngayong araw ng Lunes, sinabi ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na magiging tunay na espesyal ang pagdiriwang ng ika-25 Charter Day sa Pebrero 12, 2023.Ito raw ay dahil sa mga sumusunod na dahilan: nagkakaisang mamamayan upang mapanatili ang malinis ang kapaligiran, mga empleyado ng pamahalaan na maasahang tunay pagdating sa serbisyo-publiko at mga residente ng lungsod na pinaiiral ang disiplina sa lahat ng kanilang gawain. Tunay ngang kakaiba ang โ€œLuntian Marchโ€ sa kadahilanang nakapaloob dito ang Zumba March Contest 2023, isang paligsahan na may tatlong kategorya at ito ay ang Category A โ€“ minimum of 20, maximum of 40 participants (20 unrelenting); Category B โ€“ at least 50 to 100 participants (50 unrelenting); at Category C- inter-department o cluster departments ng LGU Kidapawan City โ€“ 30 and above part0cipants (30 unrelenting).Magwawagi naman ang mga grupong makakakuha ng pinakamataas na score base sa inilatag na criteria at ito ay ang Choreography – 40%, Endurance โ€“ 40%, at Visual and Aesthetics โ€“ 20%.Tatanggap ng cash prizes ang mga magwawagi bawat category at ito ay ang mga sumusunod: Category A 1st Place P35,000, 2nd Place P25,000, 3rd Place P15,000; Category B 1st Place P100,000, 2nd Place P75,000, 3rd Place P50,000, at Category C 1st Place P30,000, 2nd Place P20,000, 3rd Place P10,000.Tiyak namang magpapatalbugan ng talento at husay sa Zumba ang mga lalahok sa Zumba March 2023 at maliban rito ay maghahatid ito ng ibayong tuwas sa mga spectators at maging sa hanay ng mga lalahok sa naturang kompetisyon.Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat ng grupong interesadong lumahok na magtungo agad sa Culture and Arts Office na matatagpuan sa City Pavilion, likurang bahagi ng City Tourism Office at katabi ng DILG Kidapawan City Office para sa karagdagang impormasyon. (CIO-jscj//if//nl)#luntiankidapawan

thumb image

The Kidapawan City Tourism and Promotions Office conducted a Branding Workshop last January 28-
29, 2022 at the Hof Mansion Inn, Brgy. Balindog, Kidapawan City having the Technical Working Group
from different agencies and organizations as the participants and respondents.
Mr. Edgar Cadiente was invited as the resource speaker and facilitate the said activity. He is a branding
consultant and specialist who contributed some remarkable outputs in the field of tourism such as the
12th Paradise tourism brand project of Department of Tourism Region 12. During the said workshop, Mr.
Cadiente emphasized the value and importance of sustainability. He effectively let the attendees
appreciate the importance and beauty of knowing what Kidapawan has to offer, what are our
identities and what is our potential brand. The productive output of the workshop will be processed
and will serve as one of the references in coming up with a brand and its literature. This workshop is the
first of many steps we will be working with Mr. Cadiente.
The City Tourism Office is very much excited to share the output of this project in the upcoming months.
Stay updated!

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 2, 2023) โ€“ Wala umanong dapat ikabahala ang mamamayan na kapag naitupi ang sanlibong polymer money ay hindi na ito pwedeng tanggapin.Fake news ang naturang umiikot isang chismis lamang. Maaari nga daw itong i-fold bastaโ€™t isang beses lamang subalit hanggaโ€™t maaari ay huwag namang i-fold o tupiin ng maraming beses, ayon sa mga taga Central Bank.Nasa Kidapawan City kasi ngayon ang mga kawani ng Bangko Sentral ng Pilipinas โ€“ Mindanao Regional Office para sa pagsasagawa ng โ€œKnow Your Moneyโ€ na isang Public Information Campaign ng Central Bank.Ito ay matapos na makipag-ugnayan ang Local Economic and Investment Promotions Office ng lungsod sa pangunguna ni LEDIPO Head Stella Hernandez sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang maisagawa ang mahalagang aktibidad.Si Thea Corrine Traya, Bank Officer II ng Bangko Sentral ang nagbigay ng lecture para sa mga stall owners ng Kidapawan City Mega Market sa Old Terminal ng Mega market na isa sa mga pangunahing target partcipants ng nabanggit na aktibidad.Ipinaliwanag ni Traya na sa kasalukuyan ay may tatlong uri ng currency o pera na umiikot sa bansa at ito ay ang new generation currency, enhanced new generation currency, at ang 1k Piso polymer o 1 thousand pesos polymer banknote.Ibinahagi niya sa mga stall owners ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng lecture at ito ay ang pagsusuri ng pera upang malaman kung ito ba ay peke para makaiwas na mabudol. Ito ay sa pamamagitan ng Feel, Look, at Tilt technique kung saan sa mismong currency malalaman kung genuine o peke ang perang ibabayad sa kanila. Ipinaliwanag din ni Traya na ang bawat denomination tulad ng 20, 50, 100, 500 at 1,000 pesos ay may kanya-kanyang security features tulad ng security paper, embossed print, water mark, security filter, asymmetric serial number, pati na security thread, concealed numerical value, OVP, at iba pang enhanced values.Natuon namam ang lecture sa paglabas ng isang libong pisong polymer money na unang ginamit sa kasagsagan ng COVID19 pandemic noong 2022 kung saan ang mga pera ay hinuhugasan o nilalagyan ng alcohol kayaโ€™t nasisira ang mga ito. Naisip ng bangko Sentral na kapag gawa sa polymer o plastic ang pera ito ay hindi basta-basta mababasa at di agad masisira.Samantala, malaki umano ang papel na ginagampanan ng mga commercial at government banks sa pagkalat ng mga unfit o lumang pera dahil kailangan nila itong tanggapin at palitan ng bago upang mapigil ang circulation ng mga gutay-gutay nang pera matapos itong lukutin, masunog, gamitan ng staple wires, o punitin.Nilinaw naman ng BSP kahit mutilated na ang pera pero may natitira pang 60% sa itsura nito ay tatanggapin pa rin ito ng mga bangko.Sa kabuuan sinabi ng mga taga Central Bank na kailangan ingatan, bigyan ng kaukulang pag-iingat, at gamitin ng tama ang lahat ng currency ng bansa maging bills man o coins.Mananagot naman sa batas alinsunod sa itinatakda ng Presidential Decree 247 o ang Anti-Mutilation Law ang sinumang indibidwal o taong mapatutunayang naninira ng pera.Matapos naman ang mga stall owners o mga nagbebenta sa Mega Market ng Kidapawan ay susunod na bibigyan ng lecture patungkol sa โ€œKnow Your Moneyโ€ ang transport sector partikular na ang mga drivers, conductors, operators ng mga pampublikong sasakyan at ang venue ay sa Kidapawan City Integrated Transport System o mas kilala bilang Kidapawan City Overland Terminal.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 30, 2023) โ€“ ISANG mahalagang araw para sa Lungsod ng Kidapawan ang Enero 30, 2023 partikular na sa kampanya laban sa sakit na COVID-19.
Ito ay dahil sa pagsasagawa ng Special Vaccination Day na laan para sa general population ng lungsod tulad ng pedia, adults, senior citizens at mga persons with comorbidity o immune-compromised individuals.
Ang Provincial Government of Cotabato sa pakikipagtulungan ng City Health Office ng Kidapawan ang nanguna sa pagpapatupad ng special vaccination day.
Layon ng aktibidad na mabigyan ng karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19 virus ang mga mamamayan ng lungsod at mas mapalakas pa ang kanilang immunity, ayon kay Evelyn Cari, ang National Immunization Program Coordinator ng Kidapawan City,
VCโ€ฆ Cari
Nagtalaga ng limang vaccination sites ang City Health Office upang maging sistematiko ang vaccination at hindi na kailangan pang magtungo ang mga nasa malalayong barangay sa CHO para magpabakuna.
Naging mainit naman ang tugon ng mga residente sa mahalagang araw na ito. Sa City Health Office, maaga pa lamang ay dumagsa na ang mga gustong tumanggap ng bakuna at sumailalim sa mga hakbang o steps in vaccination.
Karamihan sa kanila ang mga adults na nagpaturok ng first at second booster shots pero meron pa ring mga ngayon lamang nakapag desisyon na magpabakuna na, ayon sa CHO.
Sa Kidapawan City Pilot Elementary School o KCPES kung saan nagpabakuna ang mga pedia o mga kabataan edad pitong taon pataas ay sinamahan ng kanilang magulang o care takers dala ang kanilang mga birth certificates, vaccination cards at iba pa dokumento bilang patunay sa kanilang edad.
Maliban sa mga mag-aaral ay marami ding guro mula sa Kidapawan City Schools Division ang nagpabakuna dahil para sa kanila sa tuwina ay exposed sila sa ibaโ€™t-ibang tao at kailangan nila ang karagdagang proteksiyon sa pamamagitan ng booster shots.
Pfizer at Sinovac ang brand ng mga bakuna na ibinigay sa mga vaccinees at sapat ang supply nito para sa mga nagpabakuna.
At bilang incentive namahagi naman ang Provincial Government of Cotabato ng P200 bawat vaccinee na ikinatuwa naman ng mga pumila sa vaccination sites
Sa report na ibinigay ng CHO, abot sa 796 ang mga nagpabakuna kahapon mula sa limang vaccination site. Sa bilang na ito ay tiyak na nadagdagan pa ang mga indibidwal na may kumpletong proteksiyon sa katawan laban sa nakamamatay na COVID-19.
Sabi pa nga ng mga batang nagpabakuna sa barangay.
Inaasahan naman na sa susunod na mga araw ay magsasagawa muli ng special vaccination ang City Health Office sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Cotabato upang madagdagan pa ang bilang ng mamamayan na may kumpletong proteksyon laban sa COVID-19.

thumb image

Maliban sa lubak-lubak at maalikabok na daan ay meron ding ilog ang Brgy. Katipunan na umaapaw sa tuwing malakas ang bugso ulan. Ito ay iilan lamang sa pangaraw-araw na hinaharap ng kapwa dumadaan at residente ng barangay na sanhi rin ang mga nakabara na debris sa lumang culvert. Dahil din sa maulan na panahon ay hindi na nakakayanan ng lumang culvert ang dami ng tubig.

Bilang sagot sa hinaharap ng mga residente sa lugar ay agad naman itong pinalagyan ng bagong culvert at rip-rap ng City Government of Kidapawan. Ang paglagay ng naturang mga imprastraktura ay bilang tugon sa dalawang bagay: Una ang pag-apaw ng tubig baha mula sa ilog tuiwng malakas ang ulan. Pangalawa ay upang maituwid ang nakatakdang ilagay na farm-to-market road sa nasabing barangay.

Sobra ang galak ng mga residente at mga dumadaan sa nasabing ilog dahiol hindi na nila kailngan pang magalala nab aka maantala ang kanilang mga lakad o transaksyon dahil sa tubig baha/ Maliban pa dito ay inaasahan nila na mas magiging maginhawa na ang kanilang pamumuhay at sunod-sunod nang darating ang mga pag-unlad sa kanilang barangay.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio