Month: May 2023

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( Mayo 16, 2023) Giila isip ika unom nga pinakamaayong Mayor sa mga dakbayan sa tibuok Pilipinas si Kidapawan City Mayor Atty, Jose Paolo Evangelista para sa unang quarter ning tuiga base sa Boses ng Bayan independent and non commissioned survey sa RP Mission and Development Foundation Incorporated.

Nakakuha og 83.57โ„… nga Job Performance Rating si Mayor Pao sigon pa sa nasampit nga survey nga naglangkob niadtong Pebrero 25 – Marso 8, 2023.

Ang maong survey nagapakita sa pagkamaayo sa pipila ka mga lider sa nasud nga nagpakita og maayong pagdumala, epektibong paghatag serbisyo publiko, husto ug tinu-oray nga paggamit sa pondo sa gobyerno, ug pagtubag sa suliran sa katawhan nga ilang ginadumalahan ug ginaserbisyohan.

Usa ka non-government organization kining RPMD nga ang tinguha mao ang makuha ang pulso sa katawhan kung unsa ka maayo ang ilang gipili nga lider pinaagi sa maong survey.

Bisan pa nga makunsiderang bagito sa politika kay mao pay pagsugod sa iyang termino isip mayor ning dakbayan, nakakuha og taas nga grado sa iyang performance si Mayor Pao sa pito ka mga criteria nga gitagana sa RPMD Boses ng Bayan survey nga gilangkuban sa: service delivery, financial management, economic development, governance and leadership, environmental management, social services and public engagement.

” People of Kidapawan, this is for you”, reaksyon pa sa mayor sa naasoy nga pag ila.

Aminado si Mayor Pao nga dili lamang kini personal nga dungog isip amahan ning dakbayan, apan, repleksyon sab kini sa determinasyon ug pakiglambigit sa mga opisyal ug empleyado sa mga katawhan aron mahatag sa pinaka maayong pamaagi ang mga programa, proyekto ug mga batakang serbisyo ngadto sa tanan. ##(CMO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 15, 2023) โ€“ TANGING ang Kidapawan City ang siyang nanguna at nag-iisang Local Government Unit sa buong Pilipinas na nakapagbenta ng bigas sa mababang halaga na  P25 hanggang P20 bawat kilo, na mithiin at ipinangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa mamamayang Pilipino.

Ito ang isa sa mga nakapaloob sa ulat ni City Agriculturist Marissa Aton sa ginanap na flag-raising ceremony at employees convocation ngayong araw na ito ng Lunes, Mayo 15, 2023, kung saan ang Office of the City Agriculturist ang sponsoring department.

Sinabi ni Aton na habang ang ibang LGUโ€™s ay nagsisimula pa lamang sa pagpaplanong makapagbenta ng mababang presyo ng bigas ay sinimulan na ito sa Lungsod ng Kidapawan batay sa  kautusan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista nito pang nakalipas na Disyembre 2022 (KDAPS Program) sa halagang P25/kilo at sa pagbubukas ng Merkado Kidapaweno ay pinababa pa ito sa P20/kilo.

Kaugnay nito, nakapagbenta na ang Office of the City Agriculturist sa abot 10,508 recipients/customers sa halagang P25 per kilo (up to 4 kilos per customer) o katumbas ng 42,032 kilos ng bigas at abot sa 4,769 recipients/customers sa halagang P20 per kilo (up to 5 kilos per customer) o katumbas ng 23,845 kilos ng bigas.

Abot ito sa kabuoang 65,877 kilos (65.877 tons) sold to customers/recipients na madaragdagan pa sa susunod na mga araw, ayon sa Office of the City Agriculturist.

Malaking tulong naman ito sa mga Kidapaweno sa harap na rin ng nagmamahalang presyo ng pangunahing bilihin kung saan ang kanilang matitipid mula sa murang bigas ay magagamit pa sa pagbili ng iba pang pangangailangan.

Samantala, iniulat din ni Aton na maliban sa mababang presyo ng bigas sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Evangelista ay patuloy ang implementasyon ng mga programa/proyektong laan para sa mga local farmers tulad ng seedlings and fertilizers distribution, fingerlings distribution, agri-marketing, farm development, pagpapalakas ng support learning site, farm tourism accreditation at iba pang ayuda..

Taglay din ng kanyang report  ang mga sumusunod – apat na farms ang na-accredited ng Agricultural Training Institute ng DA12 kung saan ang dalawa rito ay aprubado na bilang mga Farm Tourism Site, nasa 8,881 assorted seedlings ang naitanim ng mga partner farmers para sa CANOPY 25 Project, at ang patuloy na registration ng mga local farmers sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) lalo na ngayong nagbabadya ang El Nino Phenomenon o matinding tag-init sa darating na Hulyo 2023 kayaโ€™t  hinihikayat ang mga magsasaka na magtanim ng gulay at iba pa sa kanila mismong mga bakuran.

Bilang panghuli ay nanawagan si Aton sa mga mamamayan na suportahan ang mga local farmers at fisherfolks sa pagdiriwang ngayong buwan ng Mayo, 2023 bilang Farmers and Fisherfolks Month na may temang โ€œMasaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiyaโ€ at ito ay sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga lokal na produkto tulad ng gulay, prutas, isda, karne ng baka, manok, at baboy at iba pa. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 13, 2023) โ€“ MAINIT na binuksan ang 2023 Inter-Department Sports Competition ng City Government of Kidapawan sa City Gymnasium nitong Huwebes, Mayo 11, 2023 alas-tres ng hapon.

Si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang pormal na nagdeklara ng pagsisimula ng laro (Declaration of Opening) na dinaluhan ng mga Department Heads/Heads of Offices at mismong mga empleyado na nakasuot na ng kani-kanilang uniporme.

โ€œIsang magandang pagkakataon ang Inter-Department Sports Competition para sa mga empleyado ng City Government of Kidapawan para mapalakas ang sportsmanship and camaraderie ganundin ang physical and mental healthโ€ ayon kay Mayor Evangelista.

Inaasahan ng alkalde na sa lalo pang titibay ang samahan at paguunawaan sa pagitan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan dahil sa aktibidad.

Sumunod naman ang Oath of Sportsmanship na pinangunahan ni Jezzalyn Mae Tagum ng Office of the City Mayor.

Matapos nito ay agad ding sinimulan ang opening game kung saan naglaban sa basketball ang Civil Security Unit (CSU) at ang Office of the City Treasurer (CTO).

Dumagundong ang city gym sa hiyawan dahil sa mahigpitang laro kung saan sa bandang huli ay nanalo ang CTO sa score na 100-92.

Samantala, 16 na mga team ang maglalaban-laban sa naturang palaro. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Office of the City Mayor (Admin, Pag-Amuma Unit, BPLO, Barangay Affairs), Office of the Vice Mayor/Sangguniang Panlungsod, Office of the City Treasurer and City Civil Registrar, Civil Security Unit, Traffic Management and Enforcement Unit, City Disaster Risk Reduction and Management Office and City Information Office, City Hospital, Economic Enterprise Management Office and Kidapawan City Integrated Transport System, Office of the City Engineer and Office of the City Building Official.

Hindi rin naman pahuhuli ang mga team ng City Social Welfare and Development Office/City Planning and Development Office/City Cooperative Development Office/Office of the City Budget Officer, Office of the City Agriculturist and Office of the City Veterinarian, Public Employment Service Office/City Civil Registrar/Human Resource and Management Office at ang Office of the City Budget Officer/Office of the City Accountant/Office of the City Assessor.

Kabilang naman ang basketball, volleyball, badminton, chess, table tennis, at dart sa mga sports events na kanilang paglalabanan.

Mahigit tatlong taon ding natigil ang Inter-Department Sports Competition dahil sa serye ng lindol noong 2019 at pananalasa ng Covid-19 noong 2020 hanggang 2022.

Maliban sa opening day nitong May 11, 2023 ay gaganapin naman ang laro bawat araw ng Biyernes mula Mayo 12, 2023 hanggang huling linggo Ng Oktubre o unang linggo ng Nobyembre 2023 ayon Kay Ramil Deldo, Sports Coordinator/In-Charge kung saan malalaman na ang team na mamamayani. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (May 12, 2023) โ€“ TULOY-tuloy ang buhos ng biyaya sa mga barangay sa Lungsod ng Kidapawan sa larangan ng infrastructure.

Kahapon, May 11, 2023 ay ginanap ang formal turn-over ng Farm-to-Market Road concreting project sa Barangay Gayola ganundin sa Barangay Sto Nino, Kidapawan City.

May haba na 345 meters ang Gayola FMR (Purok 3 to Purok 7) na nagkakahalaga ng P4,000,000.00 habang ang Sto Nino (Purok 4) naman ay may haba na 278 meters at ito ay nagkakahalaga din ng P4,000,000,00.

Ang pondong ginamit sa dalawang proyekto ay mula sa Local Government Support Fund-Support to the Barangay Development Program (LGSF-SBDP) na nakapaloob sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa formal turn-over ng mga FMR kung saan sinabi niyang mapalad ang mga barangay na nabiyayaan ng kahalintulad na proyekto.

Hinimok ni Mayor Evangelista ang mga residente lalo na ang mga opisyal ng barangay na ingatan ang kalsada dahil ito ay laan para sa kanila at sa pamamagitan nito ay mas mapapabilis ang mga serbisyo mula sa gobyerno tulad ng medical and health, maayos na pagdadala o transportasyon ng gulay, prutas, palay at iba pang produkto.

Binigyang-diin ng alkalde na ang mga FMR at iba pang proyekto ng pamahalaan ay hindi maaaring angkinin ng sinumang opisyal o pulitiko dahil ang tunay na nagmamay-ari nito ay ang mga mamamayan na siyang nagbabayad ng buwis.

Sa kanyang panig, ipinahayag naman ni Dept of Interior and Local Government Cotabato Provincial Director Ali B. Abdullah na hanga siya sa performance ng City Government of Kidapawan partikular na sa project implementation gaya na lamang ng FMR ng Gayola at Sto. Nino na maayos na sinimulan at nasunod ang contract duration.

Kaya naman tiniyak niya na masusundan o madaragdagan pa ang mga proyekto para sa lungsod sa pamamagitan ng pondo mula sa national government tulad ng NTF-ELCAC.

Sumuporta din sa okasyon ang mga Kagawad ng Lungsod na sina Michael Earvin Ablang, Jayson Roy Sibog kasama sina Acting City Administrator Janice Garcia, PESO Manager Herminia Infanta, Assistant Assessor Aurora Abril, City Local Government Operations Officer Julia Judith Geveso, habang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) naman ay nagpadala din ng kinatawan at ito ay sina Capt. Dennis Cortejo, Capt. Tuarez at si PCapt. Armando Carillo naman ang ipinadala ng Philippine National Police (PNP).

Masayang masaya na nagpaabot ng pasasalamat ang mga Punong Barangay na sina Albert Espina ng Sto. Nino at Dominador Nacua ng Gayola.

Inaasahan namang magtutuloy-tuloy na ang katahimikan at kaunlaran sa mga barangay tulad ng Gayola, San Roque at iba pang barangay sa pamamagitan ng mga proyektong ipinagkaloob ng LGSF-SBDP ng NTF-ELCAC at iba pang programa ng pamahalaan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 10, 2023) โ€“ ONE is to one na ang ratio ng taglay na communication equipment ng mga Purok Presidents at mga Barangay Peacekeeping Action Team โ€“ Special Action Team sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.

Ito ay matapos ang Orientation and Distribution of Communication Equipment na bago lamang ginanap sa Regional Evacuation Center, Barangay Sudapin ng lungsod.

Tiyak namang magiging mas mabilis at sistematiko na ang magiging takbo ng komunikasyon sa pagitan ng naturang sektor at ng Kidapawan City Police Station o KCPS kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Abot sa 60 na mga purok presidents at 48 na mga BPAT-SAT ang nabigyan ng tig-isang communication equipment sa naturang okasyon at tiniyak na bawat isa ay nakatanggap nito.

Magagamit nila ito sa pagbibigay ng impormasyon at pag-report ng mga emergency situation tulad ng krimen, kalamidad, at iba pang pangyayari.

Si Cyril Evangelista mula sa Office of the City Mayor ang nagbigay ng rationale ng pamamahagi ng communication equipment kung saan binigyang-diin niya na bahagi ito ng layuning mapalakas at mapabilis ang komunikasyon ng mga barangay sa mga ahensiya tulad ng PNP, BFP, 911 at maging sa COTELCO at ang Barangay Affairs Office sa pamamagitan ng mga makabagong communication equipment/gadget.

Ibinahagi naman ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer o CDRRMO Psalmer Bernalte ang kahalagahan ng maayos na komunikasyon upang maibigay ang tamang impormasyon sa kinauukulan sa pamamagitan ng communication etiquette and process.

Sinabi din ni Bernalte na sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon ay mabilis na marerespondihan ang mga emergency at agad ding makakakilos ang kinauukulan tulad ng pulis, bombero, search and rescue responders, at iba pa.

Sa kanyang panig, nagbigay naman ng lecture si Paquito Jacolbe, Jr., Board of Director ng KATROPA CIVICOM at miyembro ng Philippine Practical Shooting Association o PPSA patungkol sa basic operation ng communication equipment at inihalimbawa ang paggamit ng two-way hand-held radios at iba pa.

Ilan sa mga partisipante ay may alam na sa paggamit ng communication equipment ngunit marami pa rin ang kailangang turuan sa basic operation kayaโ€™t itinuro sa kanila ang ilan mga practical steps tulad ng switch-on, switch-off, press to talk o PTT, at iba pa.

Nagbigay din ng message of support si Deputy Chief of Police Captain Razel E. Enriquez at tiniyak ang agarang aksyon ng local police sa mga tawag mula sa mga Purok Presidents at BPAT.

Ibinahagi din ni Enriquez ang papel ng Barangay Information Network for Support o BINS na sinimulan ng itatag at palakasin sa mga barangay at may layuning ipaalam agad sa local police ang mga insidenteng may kinalaman sa terorismo, nakawan, pagpatay, harassment and threat, at iba pang uri ng krimen.

Hindi naman ipinagkait ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang pagkakataon para bisitahin ang mga Purok Presidents ng Poblacion ganundin ang mga kasapi ng BPAT-SAT.

Ipinahayag din niya ang malaking suporta sa mga ito lalo na sa pagsugpo ng krimen sa mismong barangay sa pamamagitan ng maagap ng reporting at pagbibigay ng eksaktong impormasyon.
Para sa alkalde, walang puwang ang mga masasamang loob sa Kidapawan City dahil nais ng mamamayan nito na mapanatili ang katahimikan at kapayapaan at ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod.

Samantala, susunod namang mabibigyan nv communication equipment ang mga purok sa iba pang barangay sa susunod na mga araw. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 11, 2023) โ€“ NABIYAYAAN ng tig-isang farm to market road concreting project ang Barangay Malinan na nagkakahalaga ng P4,000,000.00 at ang Barangay Katipunan na nagkakahalaga rin ng P4,000,0000.00 o kabuoang P8M infrastructure projects.

Sa turn-over ceremony na ginawa kahapon May 10, 2023 ay pormal na nailipat ang 305-meter Malinan FMR at 264-meter Katipunan FMR mula sa City Government of Kidapawan patungo sa kamay ng mga opisyal ng dalawang barangay.

Mismong si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa turn-over na masayang dinaluhan ng mga opisyal at mamamayan ng Barangay Malinan at Barangay Katipunan.

Mula sa Local Government Support Fund โ€“ Support to Barangay Development Program o LGSF-SBDP ang tig-P4M na pondo para sa dalawang nabanggit na proyekto na nakapaloob sa End Local Communist Armed Conflict o ELCAC ng national government.

Napabilang ang mga barangay ng Malinan at Katipunan sa mga priority barangays na nakabiyaya ng mga proyekto mula sa LGSF-SBDP tulad ng infrastructure, social services at iba pa.

Layon din nito na mabigyan ng ibayong tulong ang mga conflict-affected communities o insurgency-affected barangays upang makabangon sila sa pamamagitan ng mga biyaya mula sa gobyerno. 

Dumalo sa project turn-over si Dept of Interior and Local Government o DILG Provincial Director Ali B. Abdullah at nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa maayos at epektibong implementasyon ng proyektong laan para sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang barangay.

Nakiisa din sa okasyon sina City Councilors Michael Earvin Ablang at ABC President Morgan Melodias kasama sina City Engineer Lito Hernandez, Acting City Administrator Janice Garcia, City Budget Officer Alex Pana, City Assessor Daniel Calawen, Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta, at CLGOO Julia Judith Geveso.

Bilang tugon, ay ipinahayag ng mga Punong Barangay na sina Gemma Pajes ng Malinan at Ricardo Reforial ng Katipunan ang kanilang pasasalamat sa natanggap na proyekto kasabay ang pangakong iingatan ang mga ito.

Ayon sa dalawang opisyal, ito ay sagot sa kanilang panalangin na mabigyan sila ng matiwasay na kalsada na pakikinabangan ng bawat residente ng barangay at maging ng iba pang nagtutungo sa lugar at higit sa lahat ay magbibigay ng daan sa pag-unlad ng pamayanan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 10, 2023) โ€“ ISANG makasaysayang okasyon para sa mga mamamayan ng tatlong adjacent o magkakadikit na barangay ng Sumbac, Macebolig, at Onica sa Kidapawan City ang ginanap na formal turn-over ng isang mahalagang infrastructure project kahapon, Mayo 9, 2023, bandang ala-una ng hapon.

Ito ay ang 9.34-kilometer Sumbac-Onica Farm to Market Road (10 meters width-5 mtr carriage way and 1.5 meter both shouldering) na nagkakahalaga ng P143,800,000.00 at pinondohan ng Philippine Rural Development Program o PRDP ng Department of Agriculture o DA.

Si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa turn-over na sinaksihan ng ibaโ€™t-ibang sektor kabilang na ang mga opisyal at mamamayan ng tatlong barangay na labis ang kasiyahan sa pagkakaroon ng sementadong kalsada at magiging instrumento sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lugar partikular na sa larangan ng agrikultura.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang DA-PRRD at ang mga mamamayan ng tatlong barangay partikular na ang kanilang mga barangay officials sa pakikipatulungan upang maisakatuparan ang proyekto. Hinikayat din niya ang mga residente na alagaan ang kalsada dahil ito ay inilaan para sa kanila ng pamahalaan.

Sinimulan ang konstruksiyon ng proyekto noong 2019 kung saan layon nitong maging maginhawa at ligtas ang biyahe ng mga magsasaka na nagdadala ng kanilang mga produkto tulad ng gulay, prutas, at iba pang pananim tulad ng mais, niyog, at goma.
Makikinabang din sa bagong kalsada ang iba pang mga mamamayan na dumaraan sa lugar lalo na ang mga guro, mag-aaral, at mga negosyante.

Bago naipatupad ang naturang farm to market road project ay hirap ang mga residente lalo na ang mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa sentro lalo na kung umuulan kung saan hindi maiwasan ang pag-apaw ng tubig at ang lubak-lubak na daan.

Naging susi sa katuparan ng proyekto ang mahusay na koordinasyon sa pagitan ng City Government of Kidapawan at ng PRDP na nagnanais mapaunlad ang sektor ng agrikultura at mabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga magsasaka sa pamamagitan ng angkop na proyekto na siya namang prayoridad ni Mayor Evangelista.

Dumalo din sa formal turn-over at ribbon-cutting ceremony ang mga konsehal ng lungsod na sina Michael Earvin Ablang, Galen Ray Lonzaga, Rosheil Gantuangco-Zoreta, Judith Navarra, at ABC President Morgan Melodias.

Nakiisa din sa mahalagang okasyon sina Acting City Administrator Janice Garcia, City Agriculturist Marissa Aton, City Treasurer Redentor Real, Engr. Eduardo Tayabas na kumakatawan kay City Engr. Lito Hernandez, Philippine Councilors League – Cotabato Chapter President Rene Rubino na kumakatawan kay Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza at Kagawad Jerry Buscado mula sa Barangay Onica.

Mula naman sa PRDP ay dumalo sina I-BUILD Component Head Jocelyn Torres, Rural Infrastructure Focal Engr. Jerry Joseph Dujale, at Carl Aguilon.

Ipinarating naman nina Punong Barangay Michael Sagusay ng Sumbac, Punong Barangay Baltazar Daplinan ng Macebolig, at Punong Barangay Gasbamel Rey Suelan ng Onica ang kanilang malaking pasasalamat sa proyektong ibinigay sa kanila.

Sa muli, ang bagong kalsada ayon pa sa mga opisyal ay magbibigay ng daan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng kanilang mga barangay at ng buong pamayanan. (CIO)

thumb image

PRESS RELEASE

KIDAPAWAN CITY (Mayo 8, 2023) โ€“ SABAY na nagbukas ng kanilang puwesto sa loob ng Mega Market ng Lungsod ng Kidapawan ang Poblacion May Pag-asa PWD SLP Association at Poblacion Solo Parents SLP Association ngayong araw na ito ng Lunes, Mayo 8, 2023, alas-nuwebe ng umaga.

Ito ay ang Stall No. 171 at 181 na matatagpuan sa Building 2 ng Mega Market kung saan ginawa ang ribbon cutting of formal opening ng mga puwesto na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO kasama ang mga opisyal at miyembro ng dalawang mga samahan.

Matatandaang noong Enero 30, 2023, sa pamamagitan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at ng CSWD ay tinanggap ng ibaโ€™-t-ibang asosasyon o grupo kabilang na ang Poblacion PWD SLP at Poblacion Solo Parents SLP ang pondo mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na tig P300,000 bilang financial assistance na kanilang gagamitin sa pagtatayo ng negosyo.

General merchandise ang napili ng Poblacion PWD habang Pasalubong Center naman ang napili ng Poblacion Solo Parents, ayon kay Assistant CSWD Officer Aimee Espinosa.

Sa pamamagitan ng SLP capability program ng DSWD ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Civil Society Organization sa lungsod na mabigyan ng accreditation at pondo para sa mapipiling livelihood project at iba pang tulong upang mapalago ang kanilang kabuhayan.

Dumalo sa aktibidad si City Vice Mayor Melvin Lamata, Jr. kung saan hinikayat niya ang mga miyembro na pagbutihin ang kanilang mga napiling negosyo upang mas umasenso ang kanilang buhay. Nagbigay din siya ng limang sakong bigas na magagamit bilang dagdag na stocks para sa PWD SLP Association habang mga furniture and fixtures naman ang ibinigay para sa Solo Parents SLP Association.

Samantala, dumalo rin sa okasyon sina DSWD FO Project Development Officer II James Lu at Tyrone Alberto, 4Ps Action Team Leader Elfa Leoncito at mga personnel mula sa CSWDO na sina Project Development Officer II Joseph Salera, PWD Focal Person Robelyn Barcelo at mga personnel mula sa Local Economic Development and Investment Promotion, Inc. o LEDIPO na sina Aljayvone Ganas at Theresa Pia na kumatawan kay LEDIPO Head Stella Hernandez.

Bilang panghuli ay nagbigay ng message of thanks sina Poblacion May Pag-asa PWD SLP President Florediosa Carillo at Poblacion Single Parent SLP President Consuelo Juarez kasabay ang pangakong pagbubutihin ang proyekto sa pamamagitan ng pagkakaisa, maayos na pamamalakad ng negosyo at pagharap sa ibaโ€™t-ibang hamon.

Pinasalamatan din nila si City Mayor Evangelista sa patuloy na pagpapatupad ng mga proyekto at programang nakakatulong ng malaki sa kanilang sektor partikular na sa aspeto ng negosyo at pangkabuhayan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Mayo 8, 2023) โ€“ MAGANDA ang naging resulta ng ginanap na 3-day Job Fair sa City Gymnasium mula May 1-3, 2023 kaugnay sa pagdiriwang ng Labor Day nitong May 1.

Abot sa 80 aplikante ang Hired On-the-Spot o HOTS o agad na natanggap sa trabaho sa local employment habang 16 naman ang natanggap agad para sa overseas employment, ayon kay Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta.

Nasa 33 local companies at abot sa 13 overseas companies ang nagsilbing partner agencies ng PESO Kidapawan sa naturang job fair kung saan binuksan ang abot sa 1,921 local job vacancies at 160 overseas o abroad job opportunities.

Nakapagtala ang PESO Kidapawan ng abot sa 4,846 pre-registration of applicants mula sa Kidapawan City at mga bayan sa Cotabato Province at kalapit na mga lalawigan tulad ng Davao del Sur, Sultan Kudarat at Bukidnon.

Mula sa bilang na ito, abot sa 2,200 jobseekers o katumbas ng 42% actual applicants ang dumagsa sa tatlong araw na aktibidad, ayon na rin sa PESO Kidapawan.

Inaasahan namang magsasagawa muli ng kahalintulad na aktibidad ang tanggapan katuwang ang Department of Labor and Employment o DOLE at mga partner agencies upang marami pa ang matulungang makahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa. (CIO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio