KIDAPAWAN CITY – ( February 18, 2024) APATNAPU AT PITONG (47) mga violators ng Section A ng City Ordinance number 18-1211 o ang pagbabawal na manigarilyo o mag vape sa mga pampublikong lugar ang pinagmulta ng Kidapawan Anti Vice Regulation and Enforcement (KIDCARE) Unit.
Ang bilang ay base na rin sa kanilang Apprehension Report na may petsang January 30 – February 10, 2024 kung saan nahuli ang naturang bilang ng mga violators sa iba’t ibang lugar sa Kidapawan City.
P1,500 para sa 1st Offense, P 3,000 para sa 2nd Offense at P5,000 para sa 3rd Offense ang multang babayaran ng mga violators, base na rin sa probisyong nakasaad sa ordinansa.
KIDAPAWAN CITY โ (FEBRUARY 17, 2024) NAGBIGAY ng malawakang impormasyon ang City Government para sa kapakanan ng riding public na magrereklamo laban sa mga pasaway na driver o operator ng tricycle.
Nitong umaga ng February 17, araw ng Sabado, naglagay ng sticker sa mga rehistradong tricycle ang City Government na siyang magbibigay ng gabay sa mga pasahero kung papaano at kanino sila magrereklamo laban sa mga driver o operator ng tricycle na mananamantala sa kanila.
Ganito ang pamamaraan ng tamang pagrereklamo : Kunin ang KD Number ng tricycle at pangalan ng driver.
a. itawag o itext sa hotline number o i-message sa FB pages ang mga sumusunod na detalye: petsa at oras ng pangyayari, ilahad ang totoong ginawa ng driver sa pasahero,
b. Pwede din na ipaabot ang reklamo sa TODA o asosasyon kung saan miyembro ang driver pati na kung saan ang kanyang ruta.
Ipapaalam ng City Government sa pasaherong nagrereklamo kung kailan gagawin ang hearing sa adjudication board para mapatawan ng kaukulang disciplinary action ang driver o operator.
Narito naman ang hotline numbers ng padadalhan ng reklamo: ๐๐ฑ๐ท๐๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ #๐ฌ๐ต๐ฒ๐ฏ-๐ด๐ฌ๐ฌ-๐ญ๐ฎ๐ฌ๐ต, ๐ง๐ ๐๐จ # ๐ฌ๐ต๐ฎ๐ฌ-๐ฐ๐ฌ๐ฌ-๐ฐ๐ฎ๐ฒ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ก๐ฃ #๐ฌ๐ต๐ฏ๐ต-๐ด๐ญ๐ฎ-๐ณ๐ญ๐ฒ๐ต.
Pwede din sa Facebook page ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista (FB Atty Pao Evangelista) at sa TMEU (FB Traffic Management and Enforcement Unit โ Kidapawan City.
Ginawa ang paglalagay ng sticker sa loob ng tricycle sa harap ng St. Maryโs Academy at Mariposa Building ng Kidapawan City Pilot Elementary School.
KIDAPAWAN CITY โ (February 15, 2024) MAHIGIT TATLONG DAANG (375) mga botante ang dumulog sa tanggapan ng Commission on Elections sa lungsod para makapagpatala sa gaganaping May 12, 2025 National and Local Mid Term Elections.
February 12 o araw ng Lunes na mismong 26th Charter Anniversary ng lungsod ng simulan ng Comelec ang pagpapatala ng mga bagong botante sa buong bansa.
Sa Kidapawan City, sakop ng naturang dami ng botanteng dumulog sa Comelec ay new voter registration, correction of entries, transfer of voters, at reactivation.
117 ang bilang ng mga botanteng pumunta sa Comelec nitong February 12, habang 142 noong February 13, at 116 naman sa February 14.
Kinakailangang magdala o magpakita ng alin man sa mga sumusunod na government issued Identification Card o valid ID na may kalakip niyang pirma para makapagpatala.
โข National Identification (ID) card under the Philippine Identification System (PhilSys);
โข Postal ID card;
โข PWD ID card;
โข Student’s ID card or library card, signed by the school authority;
โข Senior Citizen’s ID card;
โข Land Transportation Office (LTO) Driver’s License/Student Permit;
โข National Bureau of Investigation (NBI) Clearance;
โข Philippine Passport;
โข Social Security System (SSS)/Government Service Insurance System (GSIS) or other Unified Multi-Purpose ID card;
โข Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID card;
โข License issued by the Professional Regulatory Commission (PRC);
โข Certificate of Confirmation issued by the National Commission on
โข Indigenous Peoples (NCIP) in case of members of ICCs or IPs;
โข Barangay Identification/ Certification with photo; or
โข Any other government-issued valid ID.
Kasalukuyang ginagawa ang voter registration sa City Convention Center mula 8am-5pm Lunes hanggang Sabado kalakip na ang mga araw na may holidays.
Hanggang September 30, 2024 lamang ang voter registration period.
Kaugnay nito, suspendido naman pansamantala ang voter registration sa March 28, 29 at 30 para bigyang daan ang paggunita ng Mahal na Araw.
KIDAPAWAN CITY – (February 13, 2024) MAHIGIT SA LIMANDAANG LIBONG piso (P527, 753.02) na halaga ng mga personal na gamit ang ibinigay ng Regional Juvenile Justice Welfare Commitee o RJJWC sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development XII sa mga batang nakatira sa Kidapawan City Youth Center o KCYC.
Inabot ni DSWD XII Assistant Regional Director for Operation Bonifacio Selma, Jr., RSW ang mga nabanggit kina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at CSWDO Daisy P. Gaviola.
Bahagi ito ng Bahay Pag asa Support Project ng RJJWC.
Sa Kidapawan, direktang makikinabang dito ang sampung mga Children In Conflict with the Law o CICL na nakatira sa KCYC facility sa Barangay Singao ng lungsod.
Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat sa RJJWC si Mayor Evangelista sa ibinigay nitong gamit para sa mga CICL sa pamamagitan ng DSWD.
Nabigyang pagkakataon din si Mayor Evangelista na kumustahin at maka daupang palad ang mga batang nakatira sa pasilidad sabay ang panghihikayat sa mga ito na gumawa ng mabuti para na rin sa kanilang kapakanan at pag unlad.
KIDAPAWAN CITY (February 12, 2024) โ ITINANIM NI City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa City Plaza ang ONE MILLIONth Tree ng Canopy’25. Mag-iisang taon na simula ng ipatupad ang programang pangkalikasan ng City Government.
Isang puno ng Agoho ang itinanim ni City Mayor Evangelista sa City Plaza kasama ng mga City Councilors at nina Cotabato Provincial Environment and Natural Resources Officer Radzak B. Sinarimbo, Matalam CENRO Abdulnagib T. Ringia, MKWD General Manager Stella M. Gonzales, EDC Mt. Apo Geothermal Plant Facility Head Engr. Romeo I. Kee at Chairperson of the Council of Elders Datu Eduardo Umpan.
Sa kabila ng mga hamon, ay naitanim ang pang isang milyong puno sa kapistahan pa mismo ng lungsod kung saan tiniyak ni Mayor Evangelista na hindi malayong mararating ang minimithing 2.5 Million trees sa panahon ng kanyang panunungkulan dahil na rin sa aktibong suporta mula sa iba’t ibang sektor at civil organizations na magtanim ng puno.
Ang symbolic planting ng One Millionth Tree ng Canopy’25 ay isa sa highlights ng 26th Charter Day ngayong February 12.
KIDAPAWAN CITY (February 12, 2024) โ NAGING MAKAHULUGAN ang pagdiriwang ng 26th Charter Day Celebration ngayong araw matapos bigyang parangal at pagkilala ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at mga City Councilors ang mga dating opisyal at kawani na nagsikap para maging ganap na lungsod ang Kidapawan.
Iginawad ng alkalde ang plaque sa naganap na Culmination Program ngayong umaga ng February 12.
Ilan lamang sa kinilala at binigyan ng parangal ay sina:
Former Cotabato 2nd District Congressman Atty. Gregorio Andolana.
Former Kidapawan Municipal Mayor Luis P. Malaluan, MD.
Former Kidapawan Municipal Vice Mayor Alfonso Angeles, Jr.
Former Kidapawan Municipal Councilors Danilo Victoria, Wilfredo Ablang, Reynaldo Pagal, Rodolfo Cabiles, Jr., Mario Flores, Rodolfo Gantuangco, Florentino Kintanar, Atty. Gregory I. Yarra at Eliseo Novela.
Former Cotabato Sangguniang Panlalawigan Board Members Agnes Amador, Lino Casabar, Jr., Rodrigo Escudero, MD, Bai Farida Pendatun, Cresencio Gaviola, Jose Tejada, Maybelle Valdevieso, Tito Gallo, Atty. Freddie Baynosa, Edzlapel Andie, Sergio Catotal, MD, Onofre Respicio at Jesus Sacdalan.
Task Force Cityhood of Kidapawan members Bernardo F. Piรฑol, Jr., Edgar S. Paalan, Benjamin Mallorca, Nimfa R. Initan, Romana Jaculba, Marylyn Rabaya, Fernando Pagatpatan, Gil Dureza, at Marilou Capilitan
Technical Staff members Norma Acosta, Joel Patal, Florencia Era, Romeo Bragas, Divina Gracia Lariosa, Edna Balbon, Maria Magdalena Bernabe, Alex Pana, Virginia Tamayo, Constantino Torrejas, Luisita Abiera, Januario Espejo, Jr., Rogelio Bolasa, Alexander Macasaet, Engr. Divina Fuentes, Editha Gaspan, Marlene Vallescas at Benjamin Catolico.
Personal nilang tinanggap o ng kanilang mga mahal sa buhay ang parangal at pagkilala mula sa City Government of Kidapawan.
KIDAPAWAN CITY (February 12, 2024) โ Pormal nang binuksan ang Wall Art sa Kidapawan City Plaza sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista nito lamang araw ng Lunes, kasabay ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Anniversary Culmination Day.
Gamit ang graffiti art ito ay nakasentro sa temang, โLuntian Kidapawan: Malinis na Kapaligiran, Disiplinadong Mamamayan, Gobyernong Maaasahanโ na gawa ng labinlimang (15) partisipante sa Visual Wall Art Competition.
Namayagpag ang obra maestra ni Prince Wyne S. Melgar & Leander F. Tapia (1st Place) na sinundan naman ng gawa ni Neil Robin D. Gayramara (2nd Place) at nina Kent Carlo M. Manginsawan at Christian M. Manginsawan (3rd Place).
Maliban sa itoโy karagdagang atraksyon sa lungsod, ang Wall Art ay hihimok at hihikayat sa mga Kabataang may angking galing at potensyal sa pagpipinta.
KIDAPAWAN CITY ( February 9, 2024) โ MAGKAKAROON na rin ng kanilang Savings Group ang mga Punong Barangay ng Lungsod.
Nais ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na ipatupad ang programang ito sa hanay ng apatnapung mga punong barangay.
Una ng ipinatupad ang Savings Group sa mga opisyal at kawani ng City Government noong nakalipas na taon sa tulong ng Advancing the Peopleโs Organization of Kidapawan through Innovations and Development of Social capital o APOKIDS.
Makakatulong ang Savings Group na may pagkukunan ang mga miyembro ng pera kung sakaling sila o ang kapamilya nila ay magkasakit o sa panahon ng pangangailangan.
Ang kanilang inilalagak na ipon at social fund bawat buwan ay kanila ring makukuha pagkatapos ng isang cycle (9-12 months).
Ipinaliwanag ng mga kasapi ng APOKIDS ang sistema ng pagpapatakbo ng Savings Group sa orientation na ginanap sa City Convention Center kahapon, February 9.
Kaugnay nito, ay muling ipatutupad ang Savings Group sa mga opisyal at kawani ng City Government ngayong 2024.
KIDAPAWAN CITY ( February 9, 2024) โ BINIGYAN NG PAGKILALA ng City Government of Kidapawan ang mga business establishments sa ginanap na Gala Night Awarding of Top Local Taxpayers para sa taong 2023.
Paraan ito ng City Government na kilalanin ang kontribusyon ng sektor ng negosyo sa kaunlaran ng lungsod mula sa kanilang pagbabayad ng buwis sa nakaraang taon.
Hinati sa Micro, Small, Medium, Large at Corporation Business Enterprise Categories ang pagbibigay ng gawad.
Hindi makakapagbigay ng tamang programa, proyekto at serbisyo sa mamamayan ang City Government kung walang suporta ng business sectors sa pamamagitan ng buwis na kanilang ibinabayad sa pamahalaan, ito ang wika ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista.
Kanya ring sinabi na nararapat lamang na pasalamatan ang kanilang mga kontribusyon sa pagpapatupad ng mandato ng pamahalaan na mapabuti ang buhay ng mga mamamayan.
Saludo at buo naman ang kanilang suporta, ani pa ng business sectors sa administrasyon ni Mayor Evangelista, lalo pa at nakikita nila ang pagpupunyagi ng City Government na paunlarin pa ang kabuhayan ng mga Kidapawenyo mula sa local taxes na kanilang binabayad.
Ginanap ang Gala Night Awarding of Top Local Taxpayers sa Park Lay Suites sa Barangay Poblacion ngayong gabi ng February 9, isa sa mga highlights ng 26th Charter Day ng Kidapawan City.
KIDAPAWAN CITY (February 9, 2024) โ Bilang kabahagi ng selebrasyon ng ika-26th Charter Anniversary ng Lungsod ng Kidapawan.
Inaasahan na dadagsa ang mga bibisita sa lungsod, at mas maraming biyahero ang makikiisa sa nasabing selebrasyon.
Kaugnay nito, mas pinaganda ng pamunuan ang Kidapawan City Integrated Transport Station sa pangunguna ni Economic Enterprise Management Office Head Stella Hernandez ang kanilang waiting area.
Ito ay para maging mas komportable ang mga commuters habang naghihintay sa kanilang sasakyang van at bus.
Bukod pa rito nasa nasabing area din ang Bazaar at mga Pasalubong Centers na pinupuntahan ng mga residente at mga turista.