Month: February 2024

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY ( February 9, 2024) – TINUPAD NI City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang kanyang pangakong mas mailapit pa ang mga serbisyo at programa ng City Government sa mga residente ng barangay.

Nitong umaga ng Biyernes, February 9 ay pormal ng binuksan ng alkalde ang Mayor’s Satellite Office sa Barangay San Isidro at Barangay Ginatilan dito sa lungsod.

Sa pamamagitan ng Mayor’s Satellite Office hindi na kinakailangan pang pumunta sa City Hall ang mga residente ng barangay dahil, tatanggapin at ipo-proseso ng mga nakatalagang empleyado ang request para makatanggap ng kaukulang serbisyo.

Ipinapaabot naman ng mga taga San Isidro sa pamamagitan ni Punong Barangay Dionisio A. Wanal at ng mga taga Ginatilan sa pamamagitan din ni Punong Barangay Nesiolin G. Malinao, Jr. ang pagpapasalamat ng kanilang mga constituents kay Mayor Evangelista sa pagpapalapit pa ng serbisyo ng City Government sa kanila.

Maliban kay Mayor Evangelista ay dumalo din sa opening ng Satellite Offices sina City Vice Mayor Melvin E. Lamata, Jr. at mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, iba pang mga Punong Barangay, mga department managers ng City Government at mga residente ng San Isidro at Ginatilan habang si Father Fred P. Palomar, Jr. DCK naman ang nagsagawa ng blessing ng pasilidad.

Pinaplano ng alkalde na magtatayo pa ng Satellite Offices sa lima (5) pang mga barangay sa taong ito.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (February 2, 2024) – SISIMULAN na ng City Government of Kidapawan ang pagpapatupad ng road concreting project nito sa malalayong komunidad sa dalawang barangay ng lungsod.

Pinangunahan nina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, City Vice Mayor Melvin E. Lamata, Jr. at mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod at mga barangay at purok officials ng Linangkob at Singao ang groundbreaking ng naturang mga proyekto.

Una rito ang P5 Million na road concreting project (434 meters), RCPC installation at slope protection na mag-uugnay sa Purok Mangosteen at Bayabas sa Barangay Linangkob.

Sinundan naman ito ng halos dalawang kilometro (1,930.50 meters) na P22 Million road concreting, RCPC installation at slope protection ng Purok Saging, Bayabas at Atis ng Barangay Singao.

Ang mga nabanggit ay bahagi lamang ng isandaang infrastructure development project ng City Government ngayong 2024.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (February 2, 2024) – Abot sa tatlumpu’t walo (38) na mga empleyado ng City Government of Kidapawan ang nag donate ng kanilang dugo sa ginanap na Blood Letting Activity sa City Blood Center nitong araw ng Huwebes, February 1, 2024, sa pakikipagtulungan ng City Human Resource Management Office o CHRMO.

Layon ng aktibidad na mapunan ang supply ng dugo sa City Blood Center para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.

Dagdag pa dito ay hikayat naman ng City Blood Center ang lahat na qualified na mag-donate ng dugo na gawin ito dahil maliban sa makakatulong na madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan nito, makabubuti din ito sa kalusugan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY ( February 1, 2024) – Simula sa February 5, ay maglalagay ng Social Welfare Desk Officer ang CSWDO sa bawat barangay ng lungsod.

Layun ng programa na mas mailapit pa ang mga serbisyo ng City Social Welfare and Development Office sa mga mamamayan lalo na yaong mga nakatira sa malalayong komunidad.

Tutulong ang mga nakatalagang Social Welfare Desk Officers para sa mas madali at mabilis na serbisyo dahil mayroon silang mesa sa bawat barangay hall kung saan doon na lang idudulog ng publiko imbes na sa mismong tanggapan ng CSWDO pupunta na may kalayuan din sa kanilang lugar.

Mas magiging magaan na para sa mga constituents ng City Government ang pagkuha ng serbisyo mula sa CSWDO tulad na lamang ng aplikasyon at pagpo-proseso ng mga identification cards para sa Persons with Disabilities o PWD, senior citizens, single parents, indigents at iba pa.

May saktong kaalaman na rin sa batas ang mga itatalagang Social Welfare Desk Officers na tatanggap at makikinig sa mga hinaing ng ilang mamamayan saka magbibigay ng payo sa kung papaano mabibigyang solusyon (sa pamamagitan ng tulong ng pamahalaan) ang kanilang mga suliranin.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (February 1, 2024) – Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang Groundbreaking Ceremony para sa kabuuang 405-meter Road Concreting, Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC at Slope Protection Installation Project sa Brgy. Meohao, partikular na sa Purok Mangosteen at Purok Mangga sa nabanggit na barangay nitong araw ng Huwebes, February 1.

Nais ng alkalde na ipatupad ang konkretong daan sa iba’t ibang barangay ng siyudad upang mas matagal mapapakinabangan ng residente at ng darating pang henerasyon.

Mainit ang pagtanggap ng mga opisyales ng barangay at mga residente sa nasabing proyekto.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (February 1, 2024) – MAKAKAPAG-ENSAYO na ng maayos ang mga estudyanteng naglalaro ng football sa Calaocan Elementary School ng barangay Paco ng lungsod, matapos tuparin at ibigay ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang kanilang hiling na ‘football goal’.

Hapon ng Huwebes, February 1, personal na ibinigay mismo ng alkalde ang goal na gagamitin ng mga bata sa football.

Kung noon ay yari lamang sa kawayan ang kanilang goal, ngayon ay gawa na sa bakal at may kasama pang net na ginawa naman ng mga kawani ng Office of the City Engineer.

Malugod na tinanggap ng pamunuan ng eskwelahan sa pangunguna ni Calaocan Elementary School Principal Glenn Tupas, mga guro, mag-aaral at mga opisyal ng Parents Teachers Association o PTA ang binigay ni Mayor Evangelista para sa mga bata.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (January 31, 2024) DALAWAMPU AT SIYAM (29) na violators ng City Ordinance number 18-1211 o ang pagbabawal na manigarilyo o mag vape sa mga pampublikong lugar, ang sinita at pinagmulta ng Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement (KIDCARE) Unit.

Nakapaloob ito sa KIDCARE Unit Apprehension Report na may petsang January 17-24 kung saan ginawa ang panghuhuli sa mga lumabag ng naturang ordinansa sa iba’t-ibang lugar sa Kidapawan City.

P1,500 para sa first offense, P 3,000 sa second offense at P5,000 para sa third offense ang naghihintay na kabayaran sa mga violators ng ordinansa.

Samantala, may isang bar naman sa Jose Abad Santos Street ng Barangay Poblacion ang sinita at inisyuhan ng citation ticket ng KIDCARE Unit dahil na rin sa pagtitinda nito ng nakalalasing na inumin na lagpas na sa itinakdang oras.

Basehan nito ang City Ordinance Number 15-1061 o An Ordinance enacting the Kidapawan City Public Safety, Security, Peace and Order of 2015.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (January 31, 2024) KAHIT KASAMBAHAY AY MAY KARAPATAN DIN.

Mahalagang impormasyong nagmula sa Department of Labor and Employment o DOLE na ipinagbigay alam sa labindalawang (12) mga kasambahay na taga Kidapawan na napili ng ahensya na mabigyan ng kaalaman sa pagdiriwang ng Araw ng Kasambahay sa buong bansa kahapon araw ng Martes, January 30.

Ibinahagi ng DOLE sa mga kalahok ang ilang mahahalagang probisyon ng Republic Act 10361 o Batas Kasambahay na dapat malaman ng mga namamasukan bilang domestic workers o kasambahay sa mga households sa isinagawang Technical Learning Session ng programa.

Ilan lamang sa mga panauhin sa okasyon ay sina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, DOLE XII Regional Director Joel Gonzales, DOLE Cotabato Field Office Head Ernesto Coloso, iba pang opisyal ng DOLE at Public Employment Services Office (PESO) ng City Government of Kidapawan.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio