Category: Barangay

You are here: Home

[tfg_social_share]


Barangay Malinan

 

Itoy naging ganap na baryo nong 1959 sa pamamagitan ng pagsisikap ni Bise Mayor Juan Sibug. Mula sa salitang “Matin-ao” na nag-ibolusyon dahil sa salitang “malinaw” ng mga Tagalog na dumayo noon sa lugar sa malinaw, naging “Malinan.”

 

Lupang Sakop: 658.4

Distansiya mula sa Kidapawan: 22 km.

Barangay Magsaysay

 

Bago naitatag ang baryo Magsaysay, ito ay kilala bilang Sitio ng baryo Lanao. Ang pangunahing pamilya na unang tumira sa lugar ay sina G. Lonzaga, Pansacala, Sarino, Bolasa, Pandio, Familgan, Flores, Bartolaba, Rabago, Bajet, at Sayago.

Noong taong 1964, ang mga unang nairahan sa lugar ay nagdaos ng papupulong. Napagkaisahan na magpapatayo ng paralang primarya (grade-I) na panukala ni G. Dominador Carbonell na ang ipapangalan ay isusunod sa ngalan ng dating Pangulong Ramon Magsaysay na iniidol ng mga magsasaka.

Ang mga tao dito ay nagnanais na ito ay mahiwalay sa baryo Lanao. Ang SP ay nagtakda ng isang plebisito noong Nobyembre 29, 1986. Halos lahat ay sumang-ayon na ito ay maging ganap na baryo na tatawaging baryo Magsaysay. Naging ganap na baryo ito noong 1986.

 

Lupang Sakop: 185.6

Distansiya mula sa Kidapawan: 1.5 km.

Barangay Macebolig

 

Akronim na hango mula sa Manobo, Cebuano, Boholano, Leyte at Igorot. Naging ganap na baryo nong 1959.

 

Lupang Sakop: 802.4

Distansiya mula sa Kidapawan: 16 km.

Barangay Luvimin

 

Akronim na hango mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Naging regular na baryo noong 1947.

 

Lupang Sakop: 400.8

Distansiya mula sa Kidapawan: 7 km.

Barangay Linangkob

 

Ipinangalan sa 3 munting sapa (Kinamalig, Inilacob, at Elpaso), ang mga residente na predominanteng Cebuano at Boholano kinuha nila ito at ginawang isang salita na naging “(LINANGCOB”, na ang ibig sabihin “nagkaisang maging isa.” Ang nagsilbing instrumento sa pagkakatatag nitong baryo ay ang mga sumusunod na pamilya. Bolasa, Anzare, Clodin, Arabelo, Luna, Cagape, at Añabeza. ito ay naging ganap na baryo noong 1947 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 82.

 

Lupang Sakop: 908.4

Distansiya mula sa Kidapawan: 10 km.

Barangay Lanao

 

Noong taong 1935, isang Manobong nagngangalang Datu Siawan, Kasama ang ilang kristiyano ang nag organisa ng baryo Lanao, na matatagpuan tatlong kilometro sa hilaga ng Poblacion. ang lugar na ito ang ginawang panggitnang kalakalan maging noong panahon ng Hapones. Ito’y naging ganap na baryo noong 1959.

 

Lupang Sakop: 758

Distansiya mula sa Kidapawan: 3 km.

Barangay Katipunan

 

Noong 1945, ang katipunan ay nananatili pang sitio sa ilalim ng baryo Binoligan. Ang mga unang nairahan ay sina Pedro Barruela at mga Asiñero. kalaunan, ang mga residente ay nagpitisyon an ang kanilang lugar ay mahiwalay mula sa baryo Binoligan. Ito ay pinagtibay. Pinayuha sila ng dating Kagawad ng Munisipyo na si G. Gil dela Cruz na bigyan ng pangalan ang bagong baryo.

Sa dahilang ang mga residente ay binubuo ng mga Mnobo, Muslim, Boholanon, Ilongo, Cebuano, at Waray, napagkasunduan na ang ipangalan ay “KATIPUNAN” na ang kahulugan ay pagtitipon ng iba’t ibang tribu.

si G. Pedro Barruela ang kauna-unahang tenyente del baryo. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 748.8

Distansiya mula sa Kidapawan: 14 km.

 

Barangay Kalasuyan

 

Noong Agosto 1, 1969, ang mga mamamayan sa kalasuyan ay nagpetisyon sa Municipal Council ng Kidapawan na gawing baryo ang kanilang lugar.

si Atty. Wilfredo Jalipa Aproniano Borja ay pumunta sa sesyon ng konseho at naghain ng pitisyon. Noong Agosto 5, 1969, ang konseho at naghain ng pitisyon. Noong Agosto 5, 1969, ang konseho ng munisipyo at alkalde Emma B. Gadi ay siyang nag-apruba upang gawing ganap na baryo ang sitio Kalasuyan sa pamamagitan ng resolusyon bilang 89 serye ng 1969.

Noong Marso 11, 1970, ang Provincial Board ng Cotabato na ang opisina ay sa Pagalungan, pinagtibay ang resolusyon bilang 96 sa tulong ni bise Gobernador Alfonso Angeles, Sr. ang mga naninirahan sa mga lugar karamihan ay Bisaya na may halong Manobo, Muslim at mga galing sa Luzon.

 

Lupang Sakop: 561.2

Distansiya mula sa Kidapawan: 4 km.

Barangay Kalaisan

 

Ang baryo kalaisan ay nakasanayang tawaging sitio ng Singao ay naitatag sa pangunguna ni G. Faustino Achas, Pedro Sarong at ilang prominenteng residente sa lokalidad. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa papamagitan ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 801.2

Distansiya mula sa Kidapawan: 7 km.

Barangay Junction

 

Ang mga Ilocano, Boholano, Cebuano at Leyteño ay mga unang nairahan sa lugar na dating pinamumunuan noong unang panahon ng isang kilalang Datu na kilala bilang Datu Sumin. Dahil sa ang lugar au puwedeng lusutan ang lahat ng direksyon, and mga nakatira ay tinawag nila ang lugar na Junction. Ito ay naging ganao na baryo noong 1959 sa pamamagitan ng resolusyon bilang 50.

 

Lupang Sakop: 1472

Distansya mula sa Kidapawan: 9 km.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio