Barangay Patadon
Ang ngalan ng baryo “PATADON” ay hinango sa isang dakilang muslim na si “Datu Patadon Tongao”. Noong una siyang pumunta sa pook nong 1937, siya ay nabighani dito at nagpasyang dito na manirahan para sa kabutihan ng kanyang pamilya na dating nanirahan sa Davao noon.
Binigyan ng pahintulot si Datu Patadon ni Datu Siawan Ingkal, Chieftain, na nagmamay-ari sa buong Kidapawan noon. Puwede siyang tumira kahit saan niya gusto, at ang lugar na tinirhan niya ay napabantog bilang “Campo Muslim.” Noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig noong 1941, Si Datu Patadon kasama ang kanyang mga kapanalig ay umanib sa mga gerilya. Siya ay nahuli ng mga Hapones noong 1944 at ibinilanggo sa Maynila. Noong dumating ang mga Amerikano noong 1944, siya ay pinalaya kasama ang iba pang prisoners of war.
Taong 1947 nang dumagsa ang iba pang pamilyang Muslim na palagian nang nanirahan sa komunidad na itinatag ni Datu Patadon. Ang komunidad ay isinunod sa pangalan ni Datu Patadon sa karangalan ng butihing Datu noong 1946. Siya ang kauna-unahang Tenyente del Baryo noong 1959 sa bisa ng resolusyon bilang 50.
Lupang Sakop: 876.4
Distansiya mula s Kidapawan: 19 km.
Barangay Paco
Kinuha sa salitang Manobo na “Indyat Pako”, na ang kahulugan, “mula sa pako” (Ferns). Sa tuwing itinatanong sa mga katutubo kung saan sila nakatira, sinasagot sila ng “Indyat pako”, kaya namalagi ang pangalan ng lugar. Ang una nitong tenyente del Baryo ay si G. Toribio Pantaleon, na itinalaga ni Alkalde Alfonso Angeles noong 1947. Si G. Celestino Segovia naman ang unang ibinotong Tenyente del Baryo noong 1957. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa bisa ng resolusyon bilang 50.
Lupang Sakop: 1,076.8
Distansiya mula sa Kidapawan: 7 km.
Barangay Onica
Hango mula sa akronim na Occidental Negros, Ilo-ilo, Capiz at Antique. sila ang nagbigay ng pangalan na hinango sa kanilang orihinal na pinanggalanan. Ito ay dating sitio ng upper malamote. Minsan ito ay isang magubat na lugar, ang mga unang nairahan ay naghawan sa lugar noong 1949.
Ag Onica ay pirmal na nabuksan dahil sa itinalagang unang Tenyente del Baryo na si G. Restituto Dorado at Sabrino Prudente bilang bise Tenyente del Baryo ni Alkalde Gil B. Gadi. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959 sa bisa ng resolusyon bilang 50.
Lupang Sakop: 1,393
Distansiya mula sa Kidapawan: 18 km.
Barangay Nuangan
ang ngalang ito ay namula sa isang salitang Manobo na ang ibig sabihin ay “tubig”, subalit para sa mga Ilokano ito ay nangangahulugang “Kalabaw”, dahil sa salitang “NUANG”. Sa bahaging ito ng bayan, may isang ilog na hindi natutuyo kahit sa mga buwan ng tag-init, kaya ang mga tao at kalabaw sa lugar na ito at sa kalapt-lugar, dito sila naliligo. Ang orihinal na baryo ay parating tinatawag na “NUANGAN”, lugar kung saan maraming naliligong kalabaw. Ang mga unang nanirahan sa lugar ay mga Manobo. Ang mga Ilocano ang sumunod na tumira sinundan ito ng iba pang tribu. Ang unang Tenyente del Baryo ay si Katigan Icdang, sinundan ni Crisostomo David at Andres L. Tamayo. Ang Nuangan ay naging ganap na baryo noong 1950 sa bisa ng resolusyon bilang 50.
Lupang Sakop: 530.4
Distansiya mula sa Kidapawan: 3 km.
Barangay New Bohol
Si G. Alfredo Banga ay isang lalaking masigasig na nanguna sa ilang pangkat ng pamilya mula sa Bohol na tumira sa isang lupaing may malalaking punongkahoy ng Kidapawan. Pinagyaman nila sa ang lugar at tinawag na “New Bohol. Ito ay naging ganap na baryo noong 1959. Si G. Alberto Banga ang hinirang upag maging unang Tenyente del Baryo.
Lupang Sakop: 561.6
Distansiya mula sa Kidapawan: 8 km.
Barangay Mua-an
Ang pinagmulan ng baryong ito ay mula sa isang aso na pagmamay-ari ng isang bagobong pinuno na si Datu Lumayon. Ang asong ito ay atalino, aktibo at matulungin. Sa tuwing may bisita ang datu, sa isang simpleng senyas sa kanya agad na pupunta sa kagubatan upang mangaso ng maiilap na hayop ng na-iisa. Ilang sandali bumalik siyang may dala-dalang baboy-ramo o manok para sa mga panauhin at ng buong pamilya. Ang pangalan ng aso ay “MULA-AN” ang pinagmumulan ng pagkain para sa mga bisita. Sa tuwing tag-init, si Mua-an, ay madaling makahanap ng tubig sa ilalim ng lupa. Hinukay niya ang lupa hanggang bumulwak ang tubig at ginagabayan niya ang mga tao kung saan makakuha ng tubig.
Magkaparehong naging popular sa lugar ang Mua-an na pinag-uusapan at maririnig sa malalayong lugar. Maraming mga naninirahang kristiyano ang dumadayo sa lugar at pinangalanan ni Datu Lumayon ang baryo ng MUA-AN pagkatapos mamatay ang kanyang aso na si Mua-an.
Ang pagkakasuno-sunod ng Tenyente del Baryo ay natupad dahil mula sa Chieftain na si Datu Lumayon, ito ay napunta sa kanyang Apo at ang huli ay si Datu Ligue Lumayon, ibinigay naman ni Datu Ligue ang sunod na liderato kay G. Sandilo Calmo, isang kristyanong lider noong siya ay malapit nang mamatay.
Ang Mua-an ay naging regular na baryo sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap bilang 82 serye ng 1947.
Lupang Sakop: 650.8
Distansiya mula sa Kidapawan: 10 km.
Barangay Meohao
Pangalan ng isang ilog sa paligid. Ang “MEOHAO” ay nangangahulugang masidhig pagka-uhaw (very thirsty), sapagkat ang mga katutubo noon sa tuwing may mga pagod na manlalakbay na napapadaan ay hinahanapan ng tubig, dito kinuha dahil sa hadlang ng lenguahe. Ang mga manlalakbay na naglalakad ng ilang milya ay nakakaramdam ng pagka-uhaw at sa pamamagitan ng senyas ay humihingi ng tubig mula sa isang katutubo dahil ubos na ang kanilang sisidlan ng tubig na bigay sa kanila kaya humihingi pa ng karagdagan kung kaya, ang mungkahi ng mga katutubo “MEOHAO” nag ang ibig sabihin, “matindinh pagka-uhaw”. Noong Setyembre 1965, ang mga mamamayan ng Sitio Meohao sa pamamagitan ng aktibong liderato ng ilang pangunahing residente at mga Manobo na pinamumunuan ni Amado Ebboy ay nagpitisyon na ang sitio ay gawing ganap na baryo. A pitisyon na gawing regular na baryo ang sitio ay tinanggap at si G. Patricio Galacio ang itinalagang Tenyenteng del Baryo, at sa pagkabigo ng unang regular na eleksiyon, si G. Patricio Galacio ang napiling unang Tenyente del Baryo ng lugar.
Lupang Sakop: 644.8
Distansiya mula sa Kidapawan: 15 km.
Barangay Manongol
Ang pangalan ng Manongol ay hango sa isang munting sapa na gayon din ang pangalan. Unang una ang Manongol ay tinawag itong “Tagbak” ang lugar ay kinatitirhan ng mga tribung Manobo na pinangungunahan ng isang Datu Ugos Ingkal, mga kamag-anak at tagasunod.
Noong 1901, ang Pilipinas ay namamalagi pa ring nasa ilalim nang pamumuno ng American Military Government, Sina Datu Ugos Ingkal kasama si Datu Ugaingan Piang ay ipinatawag ng isang American Commanding Officer na nakabase sa Cotabato para sa isang komperensiya. Ito ang dahilan upang maging Cabesa de Barangay si Datu Ingkal ng Kidapawan District, Pikit, Cotabato.
Bilang itinalagang Cabesa de Barangay, gumawa at nagtatag ng mga sitio at naglagay ng mga hangganan si Datu Ingkal at naglagay ng pangalawang Datu upang manguna sa mga ito. Noong 1935, si Datu Siawan Ingkal ang humalili sa kanyang Ama na si Datu Ugos Ingkal, at siyang itinalagang pandistritong Alkalde ni dating pangulong Manuel L. Quezon. Dahil dito, humirang si Datu Siawan Ingkal ng kauna-unahang hanay ng pandistritong konseho at Tenyente del Baryo ng Kidapawan – ngayon ay tinatawag na “Old Townsite”, na ang dahilan ay ang Manongol ang siyang paglalagakan ng ngayong Poblacion, Kidapawan. Ang Manongol ay naging ganap na baryo sa bisa ng Atas Tagapagpaganap bilang 82 na may petsang 1947. Ang kauna-unahang itinalagang Tenyente del Baryo ay si Datu Amado Pinantao.
Lupang Sakop: 774.8
Distansiya mula sa Kidapawan: 6 km.