Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY – Nakiki-isa ang City LGU sa ating mga kapatid na Muslim sa pagsisimula ng Holy Month of Ramadan ngayong araw.

“ The City Government is one with you in spirit in the observance of the Holy Month of Ramadan.”, pakiki-isang mensahe ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga mamamayang Muslim ng lungsod.

Kinikilala ni Mayor Evangelista ang mahahalagang kontribusyon ng ating mga kapatid na Muslim sa patuloy na pag-unlad ng Kidapawan City kaya at nararapat lamang na ibigay sa kanila ang buong paggalang at pakiki-isa sa panahon ng Ramadan.

Tinatayang isa at kalahating bilyong mamamayang Muslim sa buong mundo ang muling mag aayuno sa pagkain, pag-inom, paninigarilyo, at pagtupad ng marital obligations sa kanilang asawa mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito sa panahon ng Ramadan.

Mahalaga sa lahat ng mamamayang Muslim ang pagdiriwang lalo pa at ito ang panahon kung saan ay ibinunyag ni Allah ang Quran kay Propeta Muhammad.

Sa Kidapawan City, mangunguna sa paggunita nito ang mga Muslim Communities ng iba’t-ibang barangay ng lungsod.

Nakatakdang magtapos ang Holy Month of Ramadan sa pagdiriwang naman ng Eid al-Fitr.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – Magkakasabay na gagawin sa umaga ng July 22 ang City Wide Earthquake Drill sa mga pampublikong eskwelahan sa lungsod.

Ang gawaing nabanggit ay siyang pinaka highlight sa mga ginagawang paghahanda ng City LGU, Department of Education at ng iba pang sektor sa paggunita ng Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo.
Una ng ipinag utos ni City Mayor Joseph Evangelista sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO na isagawa ang Earthquake Drill katuwang ang DepEd upang ma-proteksyunan at malayo sa peligro ang mga bata sa mga eskwelahan kung sakali mang magkalindol.

Sa pamamagitan ng Earthquake Drill, malalaman ang kahandaan ng lahat sa panahon ng lindol at ang mga kakulangan na dapat mapunan upang maiwasan na may masaktan at malimitahan ang kasiraang dulot nito sa mga eskwelahan.

Ito ay liban pa sa mandato mula naman sa DILG na nag uutos sa lahat ng mga LGU’sa buong bansa na gawin ang kaukulang mga paghahanda laban sa lindol o ano mang uri ng kalamidad sa ilalim ng probisyong isinasaad ng RA 10-121 o Disaster Risk Reduction and Management Law.

Kaugnay nito ay may itinalaga ng DRRM Focal Person ang mismong DepEd upang mapag-tuunan ng pansin ang usapin ng disaster mitigation sa mga pampublikong eswelahan sa lungsod.
Payo naman ng City LGU sa lahat ng mga administrators, guro at mag aaral sa lahat ng public schools na seryosohin ang Earthquake Drill dahil makakatulong ito na malaki upang hindi masaktan kung sakaling magkaka lindol man.

‪#‎source‪‬‪#‎LKoasay‪‪#‎cityinformationoffice‬

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio