Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY – MAS PABIBILISAN pa ngayon City Government of Kidapawan ang pagbabakuna sa mga eligible population sa lungsod laban sa Covid19.

Napagkasunduan ng Local Inter Agency Task Force on Covid19 sa meeting nito ngayong Araw, October 25, 2021 na dagdagan pa ang kapasidad nito na magbakuna ng mula dating 1,000 ay abutin ang 4,000 vaccinees sa kada araw.

Ibinunyag ni City Mayor Joseph Evangelista, Chairperson ng LIATF na ito ay kayang gawin ng City Government dahil na rin sa isa ang Kidapawan City sa mga Local Government Units sa bansa na prayoridad na mabibigyan ng malaking alokasyon ng bakuna mula sa National Government na humigit-kumulang sa 36 milyong anti-Covid-19 vaccines na ipadadala sa maraming LGUs.

Sa pamamagitan ng isang zoom meeting ng mga identified LGU’s noong nakalipas na October 22, 2021, ay inihayag mismo ni NIATF Chair Carlito Galvez at DOH Secretary Francisco Duque na isa ang Kidapawan City sa tatlong LGU’s ng Region XII na kinabibilangan din ng General Santos City at Cotabato City na bibigyan ng prayoridad ng National Government sa Vaccination Roll Out nito.

Naging basehan nito ay ang mataas na performance rate ng lungsod sa pagbibigay ng bakuna at ang kapasidad nito na mag-imbak ng mga anti-Covid19 vaccines, ayon pa sa dalawang opisyal. 

Nasa bilang na 180,000 naman ang posibleng  ibibigay na bilang ng bakuna sa lungsod, ayon pa kay City Mayor Evangelista.

Sa pamamagitan ng malaking alokasyon ng bakuna ay makakaya ng City Government na mababakunahan ang may 110,000 o 70% ng mahigit sa 157,000 na populasyon ng Kidapawan City, kapag naipatupad ang 4,000 na vaccination jabs kada araw ng pamimigay nito, bago pa man matapos ang taon, ayon pa sa alkalde.

Naniniwala ang National Government sa kakayahan ng Kidapawan City na maabot ang 70% herd immunity at ng sa ganon ay una ring  mabigyan ng ‘booster shots’ bilang dagdag na proteksyon laban sa Covid19 sa Rehiyon XII kung saka-sakali, paliwanag pa ni Mayor Evangelista.

Kaugnay nito, posible ng ipatupad ang Walk In Vaccination para sa iba pang mga eligible population lalo na ang mga nagtitinda sa Mega Market at mga business establishments, essential workers, mga tsuper ng tricycle at iba pang public utility vehicles na hindi pa nababakunahan sa mga susunod na araw.

Pumayag na rin si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, DD. na pansamantalang ipagamit ang mismong Our Lady Mediatrix of All Graces Cathedral bilang dagdag na lugar kung saan isasagawa ang Walk In Vaccinations ng City Government.

Asahan na ng publiko na magpapatuloy ang mga ginagawang Walk In Vaccinations sa iba’t-ibang lugar sa lungsod para maabot ang inaasam na herd immunity laban sa Covid19, ani pa ni Mayor Evangelista.##(CIO/LKRO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – BINIGYANG PAPURI AT PAGKILALA ng Civil Service Commission o CSC  ang mga frontliners ng City Government of Kidapawan.

Nitong October 21, 2021 ay personal na iniabot ni Cotabato CSC Field Office Head Glenda Foronda ang Certificate of Appreciation ng ahensya kay City Mayor Joseph A. Evangelista.

Mismong ang CSC Head Office sa Kamaynilaan ang nagbigay ng parangal sa City Government frontliners na nagmula sa City Health Office at City Hospital dahil sa kanilang dedikasyon at sakripisyo sa panahon ng Covid-19 pandemic maibigay lamang ang nararapat na serbisyo sa mamamayan.

Maituturing na ‘morale booster’ para sa mga frontliners ng City Government ang pagkilala ng CSC, ayon kay Mayor Evangelista.

Sa kabila ng krisis na idinulot ng pandemya, ay naging matatag at patuloy na ginagawa ng mga frontliners ang kanilang tungkulin sa paglilingkod sa mga mamamayan lalo na yung mga nagkasakit ng Covid-19.

Ang pagbibigay naman ng Certificate of Appreciation ay bahagi ng pagdiriwang ng 121st Civil Service Anniversary noong nakalipas na buwan ng September. Highlight ng pagdiriwang ng Civil Service Month ang pagbibigay parangal sa mga natatanging government officials and employees at mga tanggapan ng pamahalaan na nakapagbigay ng mahusay na serbisyo publiko sa mamamayan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – City Mayor Joseph A. Evangelista on Tuesday, October 19, 2021, turned over six (6) new vehicles to be used by local farmers in selling their farm produce.

The vehicles consist of two refrigerated vans, one hauling truck and one backhoe.

The new trucks will be used for hauling and transporting the harvests of city farmers from Kidapawan to be sold to other markets.

Farmers’ produce are being bought by the City Government at farm gate prices to help them earn and sustain their livelihood.

It is the City Government now that will transport and sell these farm produce to other markets.

Meanwhile, the new backhoe, will be utilized to prepare the digging of identified fish ponds in the villages.

Farmers will greatly benefit from the said assistance, Mayor Evangelista said.

The City Agriculture Office will be tasked to manage the said vehicles.
The new vehicles are funded out of the P76M- Food Sufficiency Program of the City Government that is being allocated for this year. ##(CIO/LKRO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – ANIM na mga barangay sa lungsod ang makatatanggap ng abot sa P119M na development programs and projects sa ilalim ng Retooled Community Support Program o RCSP ng pamahalaan.
Bahagi ito ng Whole-of-Nation Approach ng Duterte Administration na naglalayong mabigyan ng programa at proyektong pangkaunlaran, mahusay na serbisyo publiko at pangmatagalang kapayapaan ang mga kanayunan.

Pinangunahan ng Department of Interior and Local Government o DILG ang kinakailangang Capacity Building Activity para sa mga opisyal ng anim na barangay ngayong araw ng Miyerkules, October 6, 2021 sa Mega Tent ng City Hall.

Ang nabanggit na mga barangay ay kinabibilangan ng Sto Nińo, San Roque, San Isidro, Malinan, Katipunan at Gayola.

Ilan lamang sa mga na-identify na mga programa at proyekto sa ilalim ng RCSP ay ang mga sumusunod: concreting ng farm to market roads, cash for work assistance, pagpapatayo ng school buildings, solar dryers, expansion ng water potable water system, at capacity development for agriculture and livelihood.

Sa tulong din ng RCSP, mabubuksan na ang mga rural areas sa pakikipagkalakalan ng kanilang mga produkto sa sentro ng lungsod at iba pang mga lugar.

Sa pamamagitan nito ay madagdagan ang kita ng mga magsasaka at mas lalago pa ang kanilang kabuhayan.

Ipapasa ng City DILG ang naturang mga proyekto sa national government para mapondohan at agad na maipatupad sa susunod na taon bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. ##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (October 1, 2021) – Matapos maantala dahil sa nakaraang mga lindol noong 2019 at sa pagputok ng pandemiya ng Covid-19 noong 2020, ay natuloy na rin sa wakas ang turn over at blessing and inauguration ng bagong birthing home center sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City.
Ginanap ang aktibidad ngayong araw ng Huwebes, October 1, 2021 bandang ala-una ng hapon sa pangunguna ni Acting City Information Officer Atty. Jose Paolo M. Evangelista.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Atty. Evangelista na mahalagang ituloy ng City Governement of Kidapawan kasama ang mga barangay officials ang kampanya laban sa Covid-19 at isantabi muna ang pulitika kasabay ang paghikayat sa bawat sector na magtulungan.
Kasama rin sa turn over ng proyekto si Kidapawan City Health Officer Dr. Jocelyn Encienzo at Punong Barangay ng Ilomavis na si Jimmy Mantawil at kagawad ng barangay.
Pinasalamatan naman ni Punong Barangay Mantawil sina Atty Evangelista ganundin si Mayor Joseph A. Evangelista sa patuloy na suporta sa kanilang barangay at pagpapatupad ng mga proyektong pinakikinabangan ng Barangay Ilomavis.
Abot naman sa P2.8M ang orihinal na pondong inilaan sa birthing home center ngunit kinailangan pa ang karagdagang P800,000 na pondo para sa repair o pagsasaayos ng gusali matapos itong maapektuhan ng sunud-sunod na lindol nitong 2019 kaya naman umabot ito ng P3.3M.
Nagmula sa Department of Health – Center for Health Development o DOH-CHD ang nabanggit na mga pondo.
Naging posible naman ito dahil sa pagsisikap ng City Government of Kidapawan na maipatayo ang isang pasilidad na laan para sa mga buntis at mga manganganak sa Barangay Ilomavis at iba pang barangay at matiyak ang kanilang kaligtasan.
Samantala, matapos ang turn over ay namigay naman ang City Health Office ng mga mahahalagang gadget at iba pang gamit para sa birthing homes kabilang ang 1 set emergency light, 1 box alcohol, cotton rolls, 1 set BP Apparatus, I tube plaster tube, 1 set stethoscope, 1 pack gauze swab, 1 set Aneroid Sphygmomanometer, 1 box disposable gloves, 1 Omron nebulizer at mga Personal Protective Equipment o PPE.
Dahil dito, lubos ang kasiyahan ng mga health workers na mangangasiwa sa birthing home center ng Ilomavis dahil maliban sa bagong gusali ay kumpleto pa sila sa kagamitan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – THE CITY GOVERNMENT OF KIDAPAWAN has awarded some 71 employees for their loyalty and longevity of service in the Local Government Unit.

Awarded were employees who worked continuously for 10, 15, 20, 25, 30, 35 and 40 years of length of service.

Regular and casual employees who continuously worked for the said periods qualified for the loyalty recognition and incentives given by the City Government, the Human Resource and Management Office said.

These employees were awarded in a simple ceremony held at the Mega Tent of the City Hall on September 30, 202.

In a message, City Administrator Ludivina Mayormita, who represented City Mayor Joseph Evangelista, commended the dedication of the awardees during their tenure of service.

Despite of the pandemic of COVID-19, the awardees showed good performance and gave exemplary service to the public, Mayormita added.

Loyalty pins, gold and silver rings and cash incentives were given to the awardees during their recognition.

Ms. Evelyn Cari of the City Health Office was the lone awardee for 40 years of service in the City Government of Kidapawan.

The loyalty recognition and giving of incentives highlight the 121st Civil Service Anniversary celebration in the City Government of Kidapawan.

Theme for this year’s celebration of the Civil Service Anniversary is “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant- Heroes”. ##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – MAHIGIT sa P100M ang puhunan na ilalagak sa lungsod ng Mitsubishi Motors Corporation.

Nitong umaga ng September 28, 2021, pinangunahan nina City Mayor Joseph Evangelista at mga opisyal ng Mitsubishi Motors Gensan ang ground breaking ceremony para sa bago nitong showroom and dealership sa Barangay Paco Kidapawan City.

Hindi lamang mga taga Kidapawan City ang direktang makikinabang sa pagpapatayo ng bagong pasilidad at showroom ng sasakyan kungdi pati na rin ang mga kalapit bayan ng lungsod, ayon kay Mayor Evangelista.

Pinuri naman ng mga opisyal ng Mitsubishi ang City Government of Kidapawan sa mahusay na pamamahala dahilan kung kaya marami pang malalaking negosyo ang posibleng papasok at maglalagak ng kapital sa lungsod.

Inilagay nina Mayor Evangelista, Mitsubishi President Nereo Regollo, Vice President for Parts and Service Russel Regollo Ang time capsule at iba pang opisyal ng kompanya, City Investment Promotions Officer Gillian Lonzaga at mga barangay officials ng Paco ang sa mismong site o pagtatayuan ng gusali.

Inaasahang magbubukas na sa publiko ang Mitsubishi Motors Kidapawan Showroom and Dealership pagsapit ng June 2022. ##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – NAMIGAY ng libreng anti-rabies vaccination ang Office of the City Veterinarian o OCVET para sa mga alagang aso at pusa sa City Pavilion ngayong araw Ng Martes, September 28, 2021.

Bahagi ng observance ng World Rabies Awareness Day na ipinagdiriwang sa nasabing petsa kada taon ang aktibidad.

Maaga pa lang ay pumunta na ang mga pet owners sa City Pavilion para magpabakuna ng kanilang mga alagang aso at pusa.

Kalakip din ang libreng ‘pagpapakapon’ sa mga aso at pusa sa aktibidad.

Patuloy naman ang panawagan ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga pet owners lalo na yung nag-aalaga ng mga aso na panatilihin ang pagiging responsible pet owners.

Maliban sa regular na pagbabakuna ng anti-rabies at proteksyon laban sa mga sakit, pagtiyak na may sapat na pagkain at maiinom na tubig sa araw-araw, malinis na tirahan at kapaligiran, responsibilidad din ng may-ari na masegurong hindi makakagat at makaperwisyo sa iba ang kanilang alagang aso.

Nakamamatay ang rabies lalo na kapag hindi agad naturukan ang taong nakagat ng aso o maging pusa babala ng OCVET.

Mandato din ng OCVET na manghuli ng mga asong gala para hindi makakaga at matiyak na hindi kakalat ang rabies sa mga komunidad.

Nagpatupad din ng programang ‘dog adoption’ ang City Government of Kidapawa para naman sa mga nagnanais mag-ampon ng mga aso.

Matatagpuan ito sa City Dog Pound facility ng OCVET.

Nagpasalamat naman ang mga pet owners sa City Government at OCVET dahil sa kabila ng pagtutuon ng pansin sa pandemya, ay nakapagbigay pa rin ng serbisyo para sa kanilang mga alagang aso at pusa. ##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – NAGSAGAWA ng landslide drill ang Local Government Unit ng Barangay Perez sa lungsod ngayong araw, September 16, 2021.
Layunin ng aktibidad na sukatin at alamin ang kahandaan ng naturang barangay sa oras na may magaganap n pagguho ng lupa o landslide sa kanilang lugar.
Bahagi ng Third Quarter Nationwide Earthquake Simulation Drill ang aktibidad.
Ginawa ang simulation activity sa may Sitio Embasi ng nabanggit na barangay.
Isang matarik at malayong lugar ang Sitio Embasi na nakaranas ng mga pagguho ng lupa noong October 2019 Mindanao Earthquake kung saan abot sa 90 na mga pamilya ang inilikas mula sa lugar na mapanganib sa landslide.
Pansamantalang nakatira ngayon ang nabanggit na bilang ng mga pamilya sa evacuation center habang tinatapos at kinukumpleto na ng City Government of Kidapawan ang relocation site na kanilang permanenteng malilipatan sa mas ligtas na lugar sa Barangay Perez.
Nagsilbing evaluators ng simulation activity ang Action Against Hunger, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Social Welfare and Development Office, Philippine Red Cross, Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police.
Ganap na alas 9:10 ng umaga ay pinatunog na ang sirena hudyat ng pagpapalikas ng mga otoridad sa may 30 pamilya na nakatira sa lugar.
Maagap ang ginawang pagresponde ng Barangay LGU ng Perez sa mga biktima ng landslide na lumikas sa kanilang tirahan.
Nagsagawa din ng triage at first aid ang Barangay LGU sa mga sugatan at nasaktan habang lumilikas at nagpaabot naman ng pagkain o food relief ang mga Barangay Social Workers sa mga pamilyang bumaba patungo sa Datu Igwas Integrated IP School na siyang ginawang evacuation center sa simulation drill.
Samantala, malaking hamon naman para sa mga otoridad ang evacuation kung halimbawang may ma-isolate, nagpositibo sa Covid-19 o sumasailalim sa quarantine na mga pamilyang na exposed sa Covid19.
Dito na papasok ang mga kagawad ng City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU na siyang tutulong sa pagpapalikas at pagtiyak na hindi makakahawa sa iba ang mga pasyenteng may Covid19.
Bunga nito ay inaasahang magkakaroon ng pagbabago para sa mas mabilis at epektibong pagsasagawa ng evacuation sa iba pang mga barangay sa panahon ng kalamidad. ##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – PINASALAMATAN NG pamunuan ng City Schools Division si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa tulong na ipinaabot nito sa kagawaran sa nakaraang school year sa harap ng krisis na dulot ng Covid19.
Malaki ang naibahagi ng City Government sa pangunguna ni Mayor Evangelista upang mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga kabataan sa pamamaraan ng blended learning, ayon kay City Schools Division Superintendent Natividad Ocon, CESO VI.
Matatandaang wala munang ‘face to face’ learning na ipinatupad ang DepEd sa buong bansa dahil na rin sa bantam ng Covid-19.

Aniya, naisakatuparan ito dahil na rin sa paglalaan ng City Government ng mahigit sa apat na milyong pisong pondo para sa printing ng mga learning modules ng mga bata mula kindergarten hanggang senior high schools.
Nagmula ang nabanggit na pondo sa Special Education Fund o SEF at bahagi ng Parents Teachers Association o PTA subsidy na bigay ng City Government.

Nakatulong din ang suporta ng mga barangay at purok officials hindi lamang dito sa Kidapawan City kungdi sa mga kalapit lugar din kung saan ay may mga batang nakatira na nag-aaral sa lungsod, ayon pa kay Ocon.

Bukod rito ay naging matagumpay din ang partnership ng DepEd, City Government at With Love Jan Foundation, Incorporated sa pagpapatupad ng blended learning sa pamamagitan ng radio-based learning o programa sa radyo.

Tumaas naman ng hanggang 47,000 ang enrollees sa public schools ang naitala ng DepEd Kidapawan City kahit pa sa panahon ng pandemya noong school year 2020 – 2021, ayon pa rin kay Ocon.

Kaugnay nito ay handa na ang City Schools Division para sa pagbubukas ng klase sa September 13, 2021.
Pinasalamatan din ni Ocon ang City Government sa pagpapabakuna kontra Covid19 ng mahigit sa kalahati ng tinatayang 1,200 teaching and non-teaching personnel ng DepEd.
Hinikayat din niya ang iba pang mga guro at kawani ng DepEd Kidapawan City na magpabakuna na pagsapit ng kanilang schedules. ##(CIO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio