PRESS RELEASE
December 27, 2018
Kidapawan City athletes tumanggap ng training allowances mula sa City Government
KIDAPAWAN CITY – BINIGAY na ng City Government ang November-December allowances ng mga manlalaro ng Kidapawan City Team na lalahok sa Regional Meet sa buwan ng Pebrero 2019.
Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang allowances ng mga atleta at ng kanilang mga coaches December 27, 2018 sa isang simpleng seremonya sa City Gymnasium.
Bahagi ng One City, One Team One Goal Sports Development Program ang pamimigay ng allowances bilang solidong suporta sa mga manlalaro at coaches na kakatawan sa Kidapawan City sa mga Sporting events.
Isang libong piso o P500 sa buwan ng Nobyembre at Disyembre ang halaga ng ayudang tinanggap ng mga atleta at coaches.
Una na nilang tinanggap ang P500 na monthly allowance noong Oktubre 2018.
May ibinigay din ang City LGU na mga bagong ‘training uniforms at sports equipments’ na gagamitin ng mga manlalaro habang nagsasanay para sa Regional Meet.
Saka naman ibibigay ang mga bagong ‘actual uniforms’ bago pa man tumulak ang Kidapawan City Team sa Regional Meet.
527 ang kabuo-ang bilang ng mga atleta ng Kidapawan City na maglalaro sa labinlimang events sa SOCCSKSARGEN Regional meet sa Pebrero 17-23, 2019.
Host ng Regional Meet ang Kiamba Saranggani Province at General Santos City.
Kumpiyansang mahihigitan ng Team ang seventh place finish na nakamit nito sa Regional Meet 2018.##(CIO/LKOasay)
Photo caption – BAGONG UNIPORME AT SPORTS EQUIPMENT BINIGAY NG CITY GOVERNMENT SA MGA MANLALARO NG KIDAPAWAN CITY – Iniabot ni City mayor Joseph Evangelista(orange shirt) at DepEd Schools Division Head Romelito Flores(red shirt) ang bagong training uniform at sports equipment sa isang atleta at kanyang coach na gagamitin nila sa paghahanda sa gaganaping Regional Meet sa February 17-23, 2018 sa Lalawigan ng Saranggani.(CIO Photo)
PRESS RELEASE
December 17, 2018
Sen. Zubiri magbibigay ng P2.5 M para sa itatayong Tribal Hall and Training Center
KIDAPAWAN CITY – P2.5 Million na karagdagang pondo para sa itatayong Tribal Hall and Training Center ang tatanggapin ng mga tribo mula kay Senator Juan Miguel Zubiri.
Inanunsyo ni City Mayor Joseph Evangelista ang naturang development sa Christmas Party ng mga IP Women Federation at IP leaders ng Kidapawan City December 14, 2018.
Mismong opisina ng butihing Senador ang tumawag at nagkumpirma kay Mayor Evangelista na magbibigay ito ng tulong pinansyal para sa itatayong pasilidad na magagamit ng mga indigenous people.
Dagdag na ang pondo ni Zubiri sa isang milyong pisong una ng inilaan ni Mayor Evangelista para sa pagtatayo ng gusali na matatagpuan sa bahagi ng City Plaza.
Sa halip na isang palapag lang na unang pinlano ng alkalde, magiging dalawang palapag na ang Tribal Hall and Training Center sa tulong na rin ng senador.
Dahil dito ay mas mabibigyang serbisyo pa ng gusali ang mga tribong pupunta sa lugar.
Sa kaugnay na balita, namigay na rin ng pamasko si Mayor Evangelista sa mga IP tribal chieftains at women leaders na dumalo sa okasyon.
Tumanggap sila ng mga gift certificates mula sa City Government.
Pasasalamat na rin ito ni Mayor Evangelista sa mga mahahalagang kontribusyon ng tribo partikular ang pagkaka-tanggap ng lungsod ng Seal of Good Local Governance o SGLG mula sa National Government sa tatlong magkakasunod na taon. ##(CIO/LKOasay)
PRESS RELEASE
December 17, 2018
Kidapawan City Best Performing Peace and Order Council ng Rehiyon Dose
KIDAPAWAN CITY – GINAWARAN BILANG BEST PERFORMING PEACE AND ORDER COUNCIL 2017 NG REHIYON DOSE ang Kidapawan City Peace and Order Council December 14, 2018.
Iginawad ng Department of the Interior and Local Government at ng Regional Peace and Order Council ang Plaque of Recognition sa Kidapawan City sa ilalim ng Component Cities Category.
Nakasentro ang pagbibigay parangal sa Public Safety Program ni City Mayor Joseph Evangelista katuwang ang City Peace and Order Council.
Sa pamamagitan ng mga resolusyon ng CPOC, naipatupad ang mga programa ng City Government na nakatuon sa kapayapaan at kaayusan.
Ilan lamang sa mga programang ito ay ang pagkakaroon ng Call 911 na nakatutok sa emergency, medical response at ambulance services 24/7; K9 unit kontra terorismo, pagpapatupad ng Task Force Kidapawan kaagapay ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, pagbibigay ng kagamitan sa komunikasyon sa pulisya, barangay at purok leaders at streetlighting projects na nakatulong sa ligtas na pagbabyahe sa daan at seguridad ng maraming komunidad pagsapit ng gabi.
Malaki ang naging ambag ng mahusay na Public Safety Program lalo pa at naka-akit ito sa ilang malalaking investors na magtayo ng kanilang negosyo sa lungsod.
Tinanggap ni City Disaster Risk Reduction Officer Psalmer Bernalte na kumatawan kay Mayor Evangelista ang naturang parangal.##(CIO/LKOasay)
(photo credit to CDRRMO Psalmer S. Bernalte)
PRESS RELEASE
December 13, 2018
City Government pinuri sa paglalagay ng streetlights sa Kidapawan-Magpet National Highway
KIDAPAWAN CITY – PINURI NG SANGGUNIANG BAYAN NG Magpet ang bagong mga streetlights na nilagay ng City Government sa Kidapawan City-Magpet National Highway.
Sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan Resolution number 276-2018 na nilagdaan noong November 28, 2018, pinapaabot ng LGU Magpet ang pasasalamat nito kay City Mayor Joseph Evangelista sa paglalagay ng mga pailaw sa lugar.
Ligtas na para sa mga motorista at tumatawid na pedestrians dulot ng streetlights na nilagay ng City Government sa lugar, ayon na rin sa Resolusyon ng SB Magpet.
Hindi lamang taga Kidapawan City ang nakikinabang dito kungdi pati mismong taga Magpet na rin lalo na kapag bumibyahe at napapadaan sa nabanggit na lugar pagsapit ng gabi, wika pa ng konseho ng Magpet.
November 26, 2018 ng sindihan ni Mayor Evangelista at ng Cotelco ang may 135 na LED 110 Watts Streetlights sa lugar mula Crossing Manga hanggang sa Marble Bridge na hangganan ng lungsod sa bayan ng Magpet.
Nagkakahalaga ng mahigit sa P6.7 Million ang proyektong nabanggit na siyang Pet Project ni Mayor Evangelista sa ilalim ng kanyang Public Safety program.
Sa buwan ng Pebrero 2019 ay sisindihan na ng alkalde ang limampu at walong streetlights na magkukonekta naman sa Kidapawan City – M’lang national highway mula Barangay Magsaysay hanggang Junction.
Isasailalim na rin sa public bidding ang mahigit sa P5 Million na streetlight project mula Balindog hanggang sa boundary ng lungsod sa bayan ng Matalam sa barangay Patadon.
Ito ay pinondohan ng Performance Challenge Fund mula sa Seal of Good Local Governance o SGLG na nakamit ng Kidapawan City sa tatlong magkakasunod na taon.##(CIO/LKoasay)
(photo credits to CDRRMO Drone Team)
PRESS RELEASE
December 10, 2018
City Government namigay na ng pamasko
KIDAPAWAN CITY – NAGSIMULA na mamigay ng pamaskong handog ang City Government sa pampublikong sektor sa lungsod.
Maliban sa pamimigay pamasko, pasasalamat na rin sa tagumpay na inani ng Kidapawan City Government sa taong 2018, wikang pasasalamat ni City Mayor Joseph Evangelista.
Simula December 8, 2018 sinimulan na ng City hall na ibigay ang gift checks ng mga guro sa pampublikong eskwelahan ng Kidapawan City.
Ngayong December 10, 2018, pinangunahan ni Mayor Evangelista ang pamimigay ng aginaldo sa mga Barangay Health Workers, Day Care Workers, Barangay Nutrition Scholars at Barangay Animal Workers sa kanilang Year End Assessment at Christmas Party sa City Gymnasium.
Mga gift checks mula P1000 – P2500 ang tinanggap ng mga nabanggit mula sa City Government.
Hindi lamang gift checks, may pa raffle pa ang alkalde sa mga mapalad na barangay paid workers sa okasyon.
May nanalo ng noche buena items, cellular phones at 32 inch LED Colored TV.
Magiging abala ang City Government mula December 10-14, 2018 upang bigyang daan ang pamimigay pamasko, year end assessment at christmas parties ng iba’t-ibang pampublikong sektor ng Kidapawan City.
Venue ng lahat ng aktibidad ang City Gymanasium.
Panawagan ni Mayor Evangelista sa lahat na patuloy ang pagsuporta sa mga programa ng City Government.##(cio/lkoasay)
Photo Caption – Barangay paid workers tumanggap na ng aginaldong Pamasko mula sa City Government: Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista(ikaapat mula sa kaliwa) ang pamimigay ng noche buena items at gift checks sa lahat ng empleyado ng barangay sa Kidapawan City. ito ay pasasalamat ng alkalde sa mga naging ambag ng mga kawani ng barangay sa patuloy na tagumpay ng Kidapawan City sa larangan ng pamumuno at pagbibigay serbisyo publiko.(CIO Photo)
PRESS RELEASE
December 10, 2018
ALS graduates posibleng makapag-trabaho sa bansang Japan
KIDAPAWAN CITY – HAHANAPAN NG PARAAN ni City Mayor Joseph Evangelista na makapag-trabaho sa bansang Japan ang mga Alternative Learning System o ALS graduates ng Kidapawan City.
Ibinunyag niya ito sa graduation ceremonies ng animnapu at tatlong nakapagtapos ng ALS sa lungsod December 10, 2018.
Nanatiling mataas ang demand ng bansang Hapon sa mga skilled workers at pwedeng mag-apply dito ang mga ALS Graduates na dumaan sa pagsasanay ng Technical Education Skills and Development Authority o TESDA.
May kaibigan si Mayor Evangelista na opisyal ng embahada ng Japan na maaring makatulong na mabigyan ng employment opportunities ang mga ALS graduates sa kanilang bansa.
Kapag naisakatuparan ito, tuturuan ng salitang Niponggo ang mga ALS graduates bilang pangunahing rekisito sa pagta-trabaho sa Japan, wika pa ni Mayor Evangelista.
Ang ALS ay non formal system of education na maliban sa pagtuturo ng Basic Education, nakatuon din sa livelihood education na nakasentro sa pagbibigay karunungan at kaalaman upang magkaroon ng ‘skills’ o angking kakayahan ang bawat graduate na gagamitin niya upang makapaghanapbuhay sa kalaunan.
Bukas ang ALS para sa lahat ng mga hindi nakapag –aral o di kaya ay hindi nakapagtapos ng elementary at high school na nagnanais ituloy ang pag-aaral at magkaroon ng karunungan, wika pa ng DepEd.
Ito na ang pang-apat na pagkakataon na nakapagtapos ng ALS Graduates ang City Government sa pakikipagtulungan ng With Love Jan Foundation, TESDA at ng Department of Education.
Ilan lamang sa napagtapusang kurso ng mga ALS Graduates ay ang mga sumusunod: Consumer Electronics Servicing, Solar Light Assembly, Electrical installation and Maintenance, Massage Therapy, Food and Beverage Servicing, at Beauty Care Servicing.
Anim na buwan ang ginugol na panahon ng bawat graduate sa ilalim ng programa.##(cio/lkoasay)
Photo caption – 63 graduates nakapagtapos sa ilalim ng Alternative Learning System sa Kidapawan City: Isa si Angelika Andres sa nakapagtapos ng Massage Therapy na isa sa mga kursong ibinibigay ng Alternative Learning System. Sa tulong ng ALS ay mabibigyang pagkakataon ang mga katulad niya na magkaroon ng hanapbuhay sa hinaharap.Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang diploma ni Angelika at ng iba pang graduates ng ALS December 10, 2018.(CIO Photo)
40 ka mga informal settlers nahatagan na ug lote sa proyektong LGU Pabahay IV
SAYONG pamaskong regalo ang nadawat sa 40 ka mga beneficiaries sa 5 ka ektaryang LGU Pabahay project sa Barangay Sudapin, Kidapawan City.
Mismong Si Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista, ang nanguna sa pagpang apud-apud sa mga luna sa mga residente nga nangandoy nga maka angkon ug lupa aron pabarugan sa ilang mga balay.
Gibana-bana nga mukabat sa 360 ka mga informal settlers ang maka benepisyo sa maong proyekto nga gituyo pang pondo sa City Government aron ilang kabalhinan.
Matud kang Mayor Evangelista, dili na maglisod ang mga mupuyo sa maong lugar, tungod kay sementado naman ang mga dalan sa maong subdibisyon.
Bisan pa gani ang farm to market road, padayon ang pag konkreto niini sa kasamtangan, dungag pa ni Mayor Evangelista.
Gipamulong usab sa mayor nga ang National Housing Authority, nanaad nga ilang I upgrade ang proyekto gikan na sa luna hangtud sa pagpabarog sa mga gambalay.
Lima usab ka mga balay nga pagatukuron sa nasud China, aron mamahimong model house ang ipa draw lots sab sa masuwerte nga beneficiaries.
Gihikutar napud sa City Government ang pagpabutang ug linya sa kuryenti ug tubig pasuod sa maong LGU Pabahay IV, ug ang pagtukod ug water reservoir aron dili na malisdan pa ang mga residente sa maong lugar.
Padayon ang City Planning and Development Office (CPDO), ilawom sa liderato ni Ms. Divina Fuentes, sa pagtuki sa mga dokumento sa uban pang mga informal settlers nga gusto sab maka angkon ug lote sa maong proyekto.
Makumpleto ang pag ayo sa kinatibuk-ang 5 ka ektarya ng proyekto ug ma award na kini sa mga kwalipikadong beneficiaries sa bulan sa Pebrero sa tuig 2019.
Kahinumduman ng ani-agi sa bangag sa dagom ang composite team nga gipamunuan ni Atty. Christopher Cabelin, kauban sila si kanhing Kidapawan chief of police Supt. John Meridel Calinga, Engr. Divina Fuentes, Lorna Morales ug Lu Mayormita, human nga gibi-ay bi-ay sila sa social media sa dihang gipahigayon ang clearing operation.
Bisan si Mayor Evangelista, nakaagom ug mga tumo-tumo, nga kuno iligal ang pagpalit sa city government aron patukuran ug baratong proyekto sa pabahay.
Apan, ang maong mali nga akusasyon wala panumbalinga sa mayor, ug tungod sa iyang liderato, natuman ug napahigayon ang pag develop sa maong luna. (CIO)