KIDAPAWAN CITY (December 13, 2022) – NAKATANGGAP ng tulong ang abot sa 33 pamilyang nabiktima ng sunog sa Lungsod ng Kidapawan mula sa opisina ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.
Ginawa ang pamamahagi ng financial assistance ngayong araw na ito ng Martes, Disyembre 13, 2022 sa Senior Citizens Wellness Hub kung saan masayang tinanggap ng mga pamilya ang naturang ayuda mula sa senador.
Sa bilang na 33 pamilya ay 31 ang totally damage na tumanggap ng tig-P10,000 at 2 ang partially damage na tumanggap naman ng tig-P5,000, ayon kay Daisy Perez, ang City Social Welfare and Development Officer ng Kidapawan.
Matatandaang ilang insidente ng sunog ang naganap sa lungsod parikular na sa Purok Guava ng Brgy Poblacion, Brgy Singao, Brgy Perez, Brgy Kalasuyan, at iba pa kung saan naninirahan ang mga biktima.
Maayos namang naisagawa ang releasing at distribution ng ayuda sa pamamagitan ng mga staff ng opisina ni Sen. Go na sina Alabel Repollo, Karen Cloribel, at Mark Singanon. (CIO-jscj//if)
KIDAPAWAN CITY (December 13, 2022) – MADADAGDAGAN pa ang kakayahan ng mga kasapi ng Kidapawan City OFW Federation, Inc. o KCOFWI pagdating sa livelihood at income-generating project.
Ito ay sa ginaganap na 2-day Community-Based Training mula Dec. 13-14, 2022 tampok ang bread and pastries making sa City Pavilion.
Bahagi ito ng skills training na ibinibigay ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa mga indibidwal o grupo na tulad ng KCOFI na nais pang mapaangat ang kakayahan ng kanilang mga kasapi.
Una ng nakipag-ugnayan ang KCFOI sa Public Employment Service Office o PESO Kidapawan na tulungan isagawa ang bread and pastries making kaya inirekomenda ng huli ang pagsasagawa ng nabanggit na aktibidad, ayon kay PESO Manager Herminia Infanta.
Abot sa 103 miyembro ng KCFOI ang kalahok sa 2-day training at inaasahang makakapagsimula ng maliit na negosyo taglay ang natutunan sa bread and pastries, ayon kay Andrea Alvarez, presidente ng KCOFI.
Mula naman sa Provincial Training Center na nakabase sa Pigcawayan, Cotabato ang mga nagbigay ng kaalaman sa mga OFW-participants. (CIO-jscj//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (December 12, 2022) – LABING-APAT na mga Peoples Organizations mula sa Kidapawan City ang nabigyan ng one set of farm tools sa ilalim ng National Task Force TO End Local Communist Armed Conflict o NTF ELCAC.
Sa isang simpleng turn-over ceremony na ginanap sa City Hall Lobby na pinangunahan ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army ay ibinigay ang mga farm tools sa mga presidente ng mga POs.
Ito ay sa pamamagitan ni 1Lt Charles Ian Parel, representante ni LtCol Ezra Balagtey, Battalion Commander ng 39th IB.
Ang mga benepisyaryong PO ay mula sa mga Barangay ng Linangkob, Marbel, Sikitan, San Isidro, Katipunan, Gayola, Malinan, Perez, Sto Nino, New Bohol, Singao, Balabag, at San Roque.
Bawat PO ay tumanggap ng wheel borrow, garden shovel, shovel, rake, pick axe, machete (bolo), watering can at seedlings o 1 set of farm tools mula sa Department of Agriculture 12 na partner agency naman ng NTF ELCAC.
Ang Armed Forces of the Philippines ang lead agency o siyang naatasang manguna sa pagpapatupad ng NTF ELCAC sa mga barangay.
Sinaksihan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang turn over kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan na sina Judith Navarra, Francis Palmones, Jr., Galen Ray Lonzaga, Mike Ablang, ABC Fed Pres Morgan Melodias, at SK Fed Pres Cenn Teena Taynan.
Sa ilalim ng NTF ELCAC ay makikinabang ang isang barangay partikular na ang mga residente na dating nasa ilalim ng impluwensiya ng komunismo o komunistang grupo at babaguhin naman nito ang kanilang pamumuhay sa tulong ng pamahalaan.
Itinuturing itong whole-of-nation approach na inaasahang magpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng bawat sektor ng lipunan.
Itinatatag naman sa mga barangay ang samahan tulad ng PO upang maging mas matibay at mas maging maayos ang takbo ng livelihood program na ipagkakaloob sa kanila. (CIO-jscj//if/aa)
KIDAPAWAN CITY (December 12, 2022) – NAGING masaya at mas makubuluhan ang pagdiriwang ng Pasko ng mga kabataan sa Barangay Malinan, Kidapawan City.Ito ay matapos na idaos doon ngayong araw ng Lunes, Disyembre 12, 2022 ang Project Angel Tree 2022 ng City Government of Kidapawan sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment o DOLE at iba pang ahensiya ng pamahalaan.Abot sa 96 na mga child laborers ang nabigyan ng Noche Buena package bawat isa. Binigyan din sila ng 3 kilos rice, 2 sardines, 3 noodles, and hygiene kits (alcohol, towel, safeguard, tooth brush, toothpaste, at slippers.Para naman sa 161 pupils (Malinan Elem. School), binigyan ang bawat isa ng rice, sardines, noodles, hygiene kits, school supplies at biscuits.Ang Project Angel Tree ay bahagi ng Child Labor Prevention and Elimination Program ng DOLE na naglalayong tulungan ang mga kabataang nasasadlak sa hindi kaaya-ayang sitwasyon. Bahagi nito ang pagtupad sa mga kahilingan ng mga batang mahihirap sa pamamagitan ng mga “angels” o mga sponsors at benefactors.Isinusulat nila ang kahilingan sa papel at inilalagay sa Christmas tree upang makita o mabasa ng mga sponsors/benefactors. Kadalasan, hiling ng mga bata ay gamit sa eskwelahan o school supplies, sapatos, damit, at iba pa na hindi maipagkaloob ng kanilang mga magulang o pamilya.Ngayong taon ay napili ang mga bata sa Barangay Malinan upang maging recipient ng Angel Tree project upang mapasaya naman ang maraming mga child laborers at depressed families ngayong pasko.Dumalo rin ang mga representante ng iba’t-ibang government agencies tulad ng DOLE, DTI, CSWD, TESDA, Office of the City Agriculturist na patuloy na nagtutulungan upang mapaangat ang kalagayan ng mga bata sa Barangay Malinan.Nagbigay naman ng kanyang message of support para sa proyekto si DOLE Cot FO PD Marjie Latoja.Samantala, nakiisa din ang Kidapawan City OFW Federation, Inc. at ang Kidapawan National High School Batch ’81 sa aktibidad at nagpaabot ng sariling tulong para sa mga bata.Kaugnay nito, nagpasalamat naman sina Gemma Pajes, Punong Barangay ng Malinan at Cesar Molino, School Head ng Malinan Elem School sa mga tanggapan na nagbigay ng saya sa mga bata at sa pamilya ng mga ito. Partikular din nilang pinasalamatan si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa mga programa nito para sa kapakanan ng mga kabataan tulad na lamang ng pag-organisa sa hanay ng kabataan (Barangay Children Association) upang magkaroon ng boses at representasyon bilang mahalagang bahagi ng lipunan.Batid rin daw nila ang sinseridad ng mga ahensiya na matulungan ang mga bata lalo na ang mga child laborers at iba pang mahihirap na mag-aaral na malampasan ang mga suliranin at magsikap upang mabago ang takbo ng kanilang buhay. (CIO-jscj//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (December 10, 2022) – SA temang “Nagkahiusang Kidapawan, Pagkab-ot sa Kalambuan” o nagkakaisang Kidapawan sa pagkamit ng kaunlaran ay aktibong nakiisa ang abot sa 23 mga People’s Organizations o PO mula sa Kidapawan City sa Pakiglambigit 2022: People’s Organization Livelihood Summit na ginanap sa City Gymnasium, ngayong araw ng Linggo, Disyembre 10, 2022.Layon ng summit na mapalakas ang ugnayan ng mga Pos sa isa’t-isa at maging ang kanilang koneksyon o link sa mga government agencies at non-government organizations o NGOs pagdating sa livelihood projects. Ang Advancing the Peoples Organizations of Kidapawan o APOKIDS ang lead convenor ng “Pakiglambigit 2022”.Itinatag ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang APOKIDS bilang isang grupo na nakatuon sa pagpapalaganap at pagpapalakas ng mga programa para sa mga people’s organizations o POs tulad ng access sa livelihood programs at iba pang oportunidad mula sa pamaghalaan, national at international agencies at iba pang financial institutions na magbibigay ng daan sa pag-unlad ng naturang sektor.Tampok naman sa “Pakiglambigit 2022” ang mga sumusunod na mahahalagang aktibidad: Ribbon-cutting and tour of product display, presentation o pagpapakilala sa 23 mga people’s organization, panel discussion (POs/LGU/line agencies representatives), distribution of plaques and savings (savings kit), ceremonial signing of pledge of commitment (POs/LGU/line agencies represetatives), distribution of plaques to guest agencies, community dance at open house interaction sa pagitan ng mga POs at government agencies.Naniniwala si Mayor Evangelista na sa pamamagitan ng ginanap na summit ay mabubuksan ang iba’t-ibang oportunidad para sa mga people’s organization at matamo ang layuning mapalakas ang kanilang hanay.Ibinahagi rin ng alkalde na ito ay isang kapaki-pakinabang na inisyatiba upang tuluyang makabawi mula sa negatibong epekto ng pandemiya ng COVID-19 ang sektor ng mga POs.Samantala, narito naman ang talaan ng mga People’s Organizations na naglaan ng panahon at aktibong nakiisa sa “Pakiglambigit 2022”: Birada Indigenous Peoples Women’s Association, Perez Indigenous Peoples Women’s Association, Mateo Indigenous Peoples Women’s Association, Barangay Manongol Indigenous Peoples Women’s Association, Barangay Poblacion at Indigenous Peoples Women’s Association.Dagdag pa sa talaan ng aktibong lumahok ang Kidapawan City Fruit Growers Association, Kidapawan City Farmer Vendors Association, Kidapawan City Inland Fisherfolks Association, Kidapawan City Organic Association, Ginatilan Mushroom Growers Association, Kidapawan City Mushroom Republic Association, Organic Farmers and Practitioners Association of Kidapawan City, Persons with Disability Paco. Di naman nagpahuli ang Kalipunan ng Liping Pilipina – Nasyonal, Inc. Federation o KALIPI, Poblacion OFW, PWUDs Nuangan, AGJOAN Multi-Purpose Cooperative, San Roque Farmers Marketing Cooperative, Macebolig MPC, Hugpong sa mga Mag-uuma sa Fatima Multi-Purpose Cooperative, Sumbac Multi-Purpose Cooperative, Kidapawan City, Kidapawan City United Vendors Credit Cooperative, at Birada Multi-Purpose Cooperative.Pinasalamatan naman ni Mayor Evangelista ang mga partner agencies na makikipagtulungan sa mga POs kabilang ang DOLE, DOST, DOT, TESDA, DTI, NEDA, DILG, DA (OAP, PRDP, BFAR, ACPC, AMA, PCIC, CDA).Dagdag pa ang sumusunod na ahensiya na nangako ring magbibigay ng proyekto – DSWD, DBM, SEC, MDA, EDC, SEARICE, ICON-SP, World Vision, Asiapro Foundation, Inc., at With Love Jan Foundation, Inc.Inaasahan naman mas lawak pang koordinasyon sa pagitan ng mga POs, LGU Kidapawan, at line/partner agencies matapos na maisumite ng mga POs ang kani-kanilang proposed livelihood projects. (CIO-jscj//if//nl//aa)
KIDAPAWAN CITY (December 10, 2022) – LALAHOK ang dalawang mga kabataang magsasaka mula sa Lungsod ng Kidapawan sa gaganaping World Bazaar Festival sa World Trade Center, Pasay City mula Disyembre 10-19, 2022.
Ito ay sina Dennis Caaya ng Barangay Kalasuyan at Mark Joshua Padua mula sa Barangay Meohao na kapwa naging awardee ng Department of Agriculture – Young Farmers Challenge o YFC sa Region 12 o SOCCSKSARGEN.
Magiging daan ito upang maibenta ang mga produkto ng dalawang kabataang magsasaka at tangkilikin ng mga mamimili mula sa ibang lalawigan at maging ibang bansa o international buyers, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton.
Si Caaya ay nagmamay-ari ng Organic Herb Yard na nagsu-supply ng mga halamang gamot at organikong gulay sa pamilihan habang si Padua naman ay nagmamay-ari ng Pepz Integrated Farm na gumagawa ng Pepz Tablea pure cacao, Pepz sukang cacao, Pepz sinamak sukang cacao, Real rabbit tail keychain, at Real rabbit foot keychain.
Kapwa naging matagumpay sa kanilang ginawang defense sina Caaya at Padua sa YFC na isang program ani Senator Imee Marcos na laan para sa mga kabataang magsasaka kung kaya’t nabigyan ng malaking pagkakataon na lumahok sa World Bazaar Festival.
Tumanggap sila ng suportang pinansiyal mula kay City Mayor Jose Paolo Evangelista para sa kanilang travel at iba pang gastusin sa festival.
Natutuwa si Mayor Evangelista sa tagumpay ng mga young farmers lalo pa’t isa ang sektor ng agrikultura sa pinaglalaanan ng ibayong suporta ng kanyang administrasyon para matamo ng lungsod ang food sufficiency at sustainability.
Samantala, ang iba pang mga agri-preneur mula sa Region 12 na lalahok sa World Bazaar festival 2022 ay ang Shygia Beauty and Wellness Manufacturing, Kanate Banana Flour, at Talya’s Best. (CIO-jscj//if//photos by Agri-Tayo Soccsksargen)
KIDAPAWAN CITY (December 12, 2022) – MULI na namang tumanggap ng parangal ang City Government of Kidapawan mula sa Dept of Health – Center for Health Development o DOH-CHD 12.
Ito ay ang Plaque of Recognition for Best Practices in COVID-19 Response and Unrelenting Effort in Vaccination Campaign in Region 12 at Plaque of Recognition as one of the Achiever LGUs in Sustaining COVID-19 Response and Vaccination in Region 12.
Iginawad ang dalawang parangal sa Awarding Ceremony ng DOH-CHD na ginanap sa Greenleaf Hotel, General Santos City noong Disyembre. 7, 2022 at pormal na iniabot kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa flag raising ceremony ngayong araw ng Lunes, Disyembre 12, 2022.
Kasama ng alkalde sa pagtanggap ng awards sina City Health Officer Dr. Joyce Incienzo, Asst City Health Officer Dr. Nadine Paalan, Administrative Officer IV Ian Gonzales, Vaccination Monitoring In-Charge Jasna Sucol, at National Immunization Coordinator na si Evelyn Cari at ang mga konsehal ng lungsod na lubos na sumuporta sa kampanya laban sa COVID-19 na sina Francis Palmones, Galen Ray Lonzaga, John Roy Sibug, Judith Navarra, SK Fed Pres Centeena Taynan, at ABC Fed Pres Morgan Melodias.
Iginawad sa City Government of Kidapawan ang nabanggit na mga parangal dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga hakbang kabilang ang mga inisyatiba upang labanan ang COVID-19 at mas palaganapin pa ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mamamayan.
Matatandaan na sa nakaraang mga pagkakataon ay nabigyan din ng recognition ang City Government of Kidapawan, sa pamamagitan ng City Health Office, dahil sa mataas na vaccination rate at positibong tugon ng mamamayan sa vaccination rollout program ng LGU.
Patunay ito na naging matagumpay at maituturing na best practice ang ginawa ng City Government of Kidapawan sa COVID-19 response nito (quarantine, isolation and treatment facilities, hospital bed, sanitation and disinfection,) at rollout ng bakuna laban sa naturang karamdaman (school and barangay vaccination, resBUSkuna, vaccination campaign/drive, free quality rice and dressed chicken, city hall vaccination hub).
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang mga frontliners na buong pusong nagsilbi para sa kaligtasan ng mamamayan at walang pag-aalinlangang ginawa ang kanilang tungkulin upanbg sugpuin ang COVID-19.
Pinasalamatan din niya ang mamamayan ng lungsod sa pakikiisa at suporta sa mga programang pangkalusugan ng kanyang administrasyon. (CIO-jscj//aa//if//dv)
KIDAPAWAN CITY (November 28, 2022) – ISA na namang parangal ang iginawad sa City Government of Kidapawan na nagpapatunay ng mahusay na liderato at epektibong pamumuno ng mga local na opisyal ng lungsod.
Ito ay ang National Anti-Drug Abuse Council Performance Award 2021 na bago lamang iginawad ng National Anti-Drug Abuse Council sa City Government of Kidapawan.
Una ng sumailalim ang Lungsod ng Kidapawan sa performance audit na isinagawa ng NADAC at matagumpay nitong naipasa ang assessment at evaluation (functionality points) na nakapaloob sa performance audit sa larangan ng anti-illegal drug campaign at iba pang programa at inisyatiba sa pagsugpo ng droga.
Kinakitaan din ang City Government of Kidapawan ng magandang koordinasyon sa mga ahensiya ng gobyerno na nagsusulong ng kampanya laban sa droga tulad ng Dept of Interior and Local Government o DILG, Phil Drug Enforcement Agency o PDEA, Dangerous Drugs Board o DDB, Dept of health o DOH at mga Non-Government Organization o NGO.
Ito ay sa kabila ng mga suliranin at hamon na kinaharap ng city government sa pagtulong sa mga drug-addicts na nais ng magbagong-buhay o Persons Who Used Drugs o PWUD.
Samantala, ang iba pang mga lugar sa Lalawigan ng Cotabato na napabilang sa Anti-Drug Abuse Council National Awardee ay ang mga bayan ng Carmen, Magpet, Pigcawayan, President Roxas, Banisilan, at Arakan.
Ikinatuwa naman ni Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang naturang parangal at pinasalamatan ang lahat ng mga local officials kabilang na ang dating Mayor at ngayon ay Senior Board Member ng 2nd District of Cotabato Joseph A. Evangelista sa pagsisikap ng mga ito na mapalakas ang programa laban sa illegal drugs at mailigtas ang buhay ng mamamayan lalo na ng mga kabataan. (CIO-jscj//pb//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (November 25, 2022) – IPATUTUPAD na muli ang No Helmet, No Travel Policy sa Kidapawan City simula sa darating na Lunes, November 28, 2022.
Ito ay ayon mismo kay Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kung saan layon ng hakbang na maging ligtas ang mga motorista at maging ang mga angkas o back-rider mula sa aksidente.
Bilang panimula sa pagbabalik ng No Helmet, No Travel Policy ay ipapaalam muna at pagsasabihan ang mga motorista sa lungsod na kailangan ng gumamit ng full-face helmet habang bumibiyahe.
Bilang insentibo naman ng City Government of Kidapawan ay magbibigay ng libreng full-face helmet si Mayor Evangelista para sa mga motorista, ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Psalmer Bernalte.
Batid ni Mayor Evangelista na hindi lahat ng nagmamaneho ng motorsiklo ay may kakayahang bumili ng kalidad na full-face helmet kaya minabuti niyang mamigay ng mga helmet.
Kailangang dalhin at ipakita ng mga motorista sa City Mayor’s Office ang mga sumusunod: Driver’s License, original OR/CR, Barangay Certification (resident of Kidapawan City), no traffic violation, at hindi naka-alarma ang motorsiklo sa Highway Patrol Group o HPG, ayon pa kay Bernalte.
Abot sa 500 full-face helmet ang inisyal na ipamimigay ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng tanggapan ni Mayor Evangelista sa mga motoristang makakapasa sa itinakdang requirements.
Alinsunod naman ang kautusang ito ni Mayor Evangelista sa Republic Act 4136 – An Act to Compile the Laws Relative to Land Transportation and Traffic Rules, to Create a Land Transportation Commission and for Other Purposes at may titulong “Land Transportation and Traffic Code” at sa Republic Act No. 10054 o ang” Motorcycle Act of 2009” ay kailangang magsuot ng standard protective helmets ang mga motorista habang nagmamaneho, malayo man o malapit ang biyahe at anumang oras na bibiyahe.
Matatandaang itinigil ang pagpapatupad ng No Helmet, No Travel Policy sa lungsod nitong nakalipas na mga taon dahil sa mga shooting incidents kung saan ang mga suspects ay nakamotorsiklo at naka full-face helmet.
Ngunit sa mga panahong ito ay ipinatigil, hindi naman nalutas ang mga pamamaril at dumami pa ang aksidente sa daan na nagsasanhi ng kamatayan o pinsala sa mga drivers at back-riders.
Kaya naman minabuti ng City Government of Kidapawan na ibalik ang nasabing polisiya o ang No Helmet, No Travel Policy para na rin sa kaligtasan ng mga motorista, makaiwas sa malaking gastos sa ospital at higit sa lahat ay walang buhay na mawawala dahil sa hindi pagsusuot ng proteksiyon sa ulo.
May nakalaan namang parusa o penalty sa mga lalabag sa No Helmet, No Policy sa Lungsod ng Kidapawan. (CIO-jscj//pb//if)
KIDAPAWAN CITY (December 1, 2022) – MATAPOS ang ilang linggong pag-aantay, dumating na rin ang takdang araw ng Ceremonial Lights On ng Festival of Lights sa Kidapawan City, alas-sais ng gabi ng Huwebes, Disyembre 1, 2022 na labis na ikinatuwa ng mga mamamayan.
Mismong si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang nanguna sa aktibidad na dinaluhan ng mga Department Heads, personnel, at iba pang manggagawa ng City Government of Kidapawan kung saan sabay-sabay na nagliwanag ang giant Christmas tree (gawa sa plastic bottles at iba pang indigenous materials) sa harap ng City Hall, Barangay Avenue, at ang mga pine trees sa road island o kahabaan ng national highway.
Sinaksihan ito ng publiko na sabik na makita ang mga ilaw at iba pang palamuti na bahagi naman ng masayang Kapaskuhan sa lungsod.
Nakapaloob sa Festival of Lights ang Road Island Pine Tree Christmas Lights Decoration Contest na may temang “Luntian Kidapawan” na nilahukan ng mga business establishments at iba pang grupo na nag-adopt o pumili ng pine tree na kanilang lalagyan ng ilaw at palamuti.
Isang Technical Working Group o TWG ang itinalaga upang magsagawa ng judging sa mga pines trees at base ito sa tatlong criteria: Technical Judging (Round 1) – kung saan titingnan ang design, creativity, at neatness ng adopted pine tree; Longevity of lights (Round 2) – kung saan makikita ang kalidad ng mga ilaw o Christmas lights (white, warm white, at green) na inilagay o inilapat sa mga puno (bawat Lunes ang inspection ng mga ilaw); at Energy Efficient (Round 3) – kung saan sa pamamagitan ng inilagay na electric meter ay titingnan ng TWG ang energy consumption ng bawat entry (malalaman ang may pinakamatipid na konsumo ng kuryente).
Magbibigay ang City Government of Kidapawan ng halagang P300,000 para sa magwawagi ng First Place, para naman sa Second Place ay P200,000 at ang Third Place ay P100,000. Sa darating na December 28, 2022 ay gagawin ang Awarding of Prizes for Festival of Lights winners.
Hindi naman nagpahuli ang iba’t-ibang departamento ng City Government of Kidapawan kung saan naglagay din ng mga ilaw at palamuti sa kanilang napiling puno sa road island.
Bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa komunidad at sa layuning maging masaya at mapayapa ang pasko sa lungsod.
Lahat ng ito, ayon kay Mayor Evangelista ay naglalayong maging maliwanag, makulay, at masigla ang pagdiriwang ng pasko sa lungsod ngunit ito ay dapat maging simple lamang at makabuluhan.
Bukod dito ay naniniwala din ang alkalde na makatutulong ng malaki sa kampanya ng City Government ang paggamit ng mga recyclable materials tulad ng plastic bottles at iba pang indigenous materials para proteksyunan ang kapaligiran at makaiwas sa banta ng kalamidad tulad ng flashflood, landslide, at iba pa.
Samantala, tampok din sa ginanap Ceremonial Lights On ang LGU Dance Club Variety Show kung saan nagpakitang gilas sa pagsayaw ang mismong mga empleyado ng City Government at ang Mountain Bike Road Bike Night Circuit Race na may dalawang kategorya – MBT (age brackets, ladies open, fat boys) at Road Bike (age brackets). Tumanggap naman ng cash prizes, trophies at medals ang mga nanalo sa naturang biking race. (CIO-jscj//if//nl//)