KIDAPAWAN CITY (November 29, 2022) โ INILAHAD ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang kanyang State of the Children Address o SOCA ngayong araw na ito ng Martes, Nobyembre 29, 2022 ganap na 10:30 ng umaga sa Kidapawan City Gymnasium.
Taglay ng SOCA ni Mayor Evangelista ang kagalingan at kapakanan ng kabataan na nakapaloob sa โFour Rights of the Childrenโ at ito ay ang Survival, Development, Protection, at Participation.
Ibinahagi ng alkalde ang mga programang isinusulong ng City Government of Kidapawan para sa mga kabataan kabilang dito ang Buntis Caravan, Maternal, Child Health and Nutrition, Oral Health Program, Vaccination of Anti Covid-19 vaccines, Operation Timbang, Complementary Feeding Program at marami pang iba.
Kanya ding inilahad na nasa 17,802 ang bilang ng pre-school children sa lungsod at sinisikap ng city government sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO na mabigyan ang mga ito ng kaukulang pansin at maipaabot sa kanila ang mga nararapat na tulong.
Abot naman sa 3,128 na pre-school children sa lungsod ang nabiyayaan ng masustansiyang pagkain sa mga ipinatupad na feeding program habang naka line up naman feeding para sa iba pang mga kabataan, dagdag pa ng alkalde.
Itinaon ang SOCA sa Culmination Program ng pagdiriwang ng 30th National Childrenโs Month Celebration ngayong araw.
Dumalo sa okasyon sina City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, Chairperson ng SP Kidapawan Committee on Women, Children, Family, and Gender Equality; CSWD Officer Daisy Gaviola, City Administrator Janice Garcia, City Local Operations Officer Julia Judith Geveso, Junior City Mayor at Youth Leader Ian Jay Sapitula, at Kidapawan City Federation of Barangay Children Association KCFBCA President Alima Usria Camsa, mga Barangay Officials, Children Development Workers, at iba pang sektor.
Tampok din sa aktibidad ang awarding para sa apat na mga Outstanding Barangay Council for the Protection of Children o BCPC sa Kidapawan City.
Kinabibilangan ito ng Barangay Kalasuyan (82% Functional Rating/First Place โ P20,000 cash incentive), Barangay Paco (81% Functional rating/Second Place โ P15,000 cash incentive), Barangay Ginatilan at Barangay Linangkob (80% Functional Rating/Third Place โ P7,500 cash incentive. (CIO-jscj//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (November 29, 2022) โ GINAWARAN ng parangal bilang Most Outstanding LGU ang Kidapawan City sa buong Lalawigan ng Cotabato sa Binhi ng Pag-asa Program Provincial Youth Summit o BPP na ginanap sa Provincial CapitolGymnasium, Amas, Kidapawan City kahapon, November 28, 2022.
Iginawad ang naturang parangal sa lungsod dahil sa maayos at mahusay na implementasyon ng mga programa para sa kabataang magsasaka o mga young farmers at young fisherfolks.
Nasa ilalim ng Dept. of Agriculture – Agricultural Training Institute o DA-ATI ang BPP na naglalayong palakasin ang programang pang-agrikultura sa hanay ng kabataan at maging kabahagi sila sa pagpapalakas ng food production ganundin ang food sustainability.
Sa pamamagitan ng BPP ay nabiyayaan ang abot sa 25 young farmers sa Kidapawan City kung saan tumanggap sila ng mga starter kits for free range chicken, trainings at iba pa ngayong 2022.
Si City Agriculturist Marissa Aton ang tumanggap ng Plaque of Recognition na may lagda ni DA-ATI12 Head Abdul Dayaan. Kasama niya sa pagtanggap ng parangal sina Assistant City Agriculturist Elpidio Gaspan, 4H Club Coordinator Charity Tayapad, City Agribusiness Coordinator Teodorico Pabalinas, Jr. at 4H Provincial Coordinator Judy Gomez.
Tumanggap din ng special award si Tayapad bilang Outstanding 4H Club Coordinator habang nakamit naman ni Darryl Flores ang First Place sa Documentary Making Contest.
Ibinahagi naman ni Jomarie Lao ang kanyang karanasan bilang kinatawan ng lungsod sa Taiwan (Filipino Young Farmers Internship Program in Taiwan) sa mga dumalo sa summit at hinimok ang iba pang kabataang magsasaka na ituloy lang ang kanilang pagsisikap sa tulong ng programa ng pamahalaan.
Bilang panghuli ay pinasalamatan ni Aton at ng 4H Club si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa patuloy na suporta sa mga layunin ng samahan at sa mga programang inilalaan sa mga kabataang magsasaka. (CIO-jscj//if//photos by OCA)
KIDAPAWAN CITY (November 25, 2022) โ NAGING mas kapana-panabik ang pagdiriwang ng Childrenโs Month sa Lungsod ng Kidapawan sa ginanap na Socio-Cultural Contest sa City Gymnasium ngayong araw na ito ng Biyernes, Nobyembre 25, 2022 kung saan itinampok ang poetry recital and field demo sa hanay ng mga kabataan.
Sa temang โ๐๐ข๐ญ๐ถ๐ด๐ถ๐จ๐ข๐ฏ, ๐๐ข๐ช๐ด๐ช๐ฑ๐ข๐ฏ, ๐ข๐ต ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐๐ข๐ต๐ข ๐๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ต๐ถ๐ฌ๐ข๐ฏโ ay nagtagisan sa Field Demonstration at Poetry Recital ang mga batang mag-aaral mula sa District 1-8 kung saan tumanggap ng Certificate of Participation at prizes ang mga nanalo.
Pinangunahan naman ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO ang naturang aktibidad na bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng Childrenโs Month ngayong Nobyembre, 2022.
Mahalaga ang ganitong okasyon upang maibahagi ng mga kabataan ang kanilang angking talino at maramdaman nila ang kanilang halaga sa lipunan, ayon kay CSWD Officer Daisy G. Perez.
Si City Councilor Rosheil Gantuangco-Zoreta, Chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Women, Children, Family, and Gender Equality ang naatasang magbigay ng inspirational message hindi lang para sa mga kabataan kundi pati na sa bawat dumalo sa aktibidad.
Hinimok niya ang ibaโt-ibang sektor na magkaisa sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga bata lalong lalo na ang mga hakbang na ginagawa ng City Government of Kidapawan para mapabuti ang kabataan. (CIO-jscj//nl//if)
ANTI-VICE REGULATION AND ENFORCEMENT UNIT SERYOSO SA PAGPAPATUPAD NG TUNGKULIN: 259 LUMABAG SA SMOKING AND VAPING ORDINANCE NABIGYAN NG CITATION TICKETS
KIDAPAWAN CITY (November 15, 2022) โ MULA ng nagsimula sa kanilang operasyon ang Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement Unit o KIDCARE Unit noong buwan ng September 2022 ay pinatunayan nito ang seryosong pagpapatupad ng tungkulin.
Katunayan, abot na sa 259 ang nabigyan ng citation tickets matapos maaktuhan lumabag sa Ordinance No. 18-1211 An Ordinance Banning Smoking and Vaping in Public Places Conveyances and Regulating the Sale, Procurement and Distribution of Tobacco and Vape Products in the City of Kidapawan and Imposing Penalty for Violation Thereof (Comprehensive Smoke Free Ordinance of the City of Kidapawan) mula Sep 14- Nov 12, 2022 o katumbas ng dalawang buwan ng seryosong pagbabantay sa mga lumalabag sa naturang ordinansa at iba pang batas ng lungsod.
Sa naturang bilang ng mga nabigyan ng citation ticket, 53 ay naitala mula Sep 14-30, 2022; 153 mula Oct 3-31, 2022; at 53 mula Nov 2-12, 2022, ayon kay Rey S. Manar, Head ng KIDCARE Unit.
Sinabi ni Manar na ang mga nahuli o nabigyan ng citation tickets ay hindi lamang mga residente ng Kidapawan City kundi maging ang mga residente mula sa mga bayan ng Kabacan, Mโlang, Makilala, Antipas, Carmen, Pikit, Magpet, Tulunan, Pres. Roxas, at Matalam na pawang nasa Lalawigan ng North Cotabato at iba pang mga lugar tulad ng Bansalan, Sta. Cruz, Magsaysay, Davao del Sur; Davao City, Koronadal City, Tagum City, Cotabato City, Sultan Kudarat, Lanao del Sur, Quezon City at iba pa.
Magbabayad ang mga nahuli o violators ng P5,000 bilang penalty batay na rin sa isinasaad ng Ordinance No. 18-1211.
Patunay raw ito na walang pinipili ang KIDCARE Unit at kapag lumabag sa ordinansa o batas na ipinatutupad sa Lungsod ng Kidapawan ay kanilang hinuhuli, dagdag pa ni Manar.
Matatandaang itinatag ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang KIDCARE Unit ilang buwan pa lamang siyang nanunungkulan bilang alkalde sa layuning maipatupad ang mga mahahalagang ordinansa o batas at hindi ito abusuhin ng mamamayan.
Nais din ni Mayor Evangelista na ipagpatuloy ang kaayusan, kaligtasan, at kaunlaran ng lungsod sa pamamagitan ng pagsunod ng mga mamamayan nito sa mga batas o itinakdang alituntunin.
Maliban naman sa ordinansa sa smoking at vaping ay binabantayan din ng KIDCARE Unit ang mga lumalabag sa iba pang ordinansa tulad Ordinance No. 15-1061 โ An Ordinance Enacting the Kidapawan City Public Safety, Security, Peace and order Code of 2015, Ordinance No.13 s of 1957 โ An Ordinance Prohibiting Minors to Enter in any Public Billiard Halls, Public Pool Room, Gambling, Den, Bars, and Night Clubs, at Republic Act 10568 โ Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.
Nilinaw naman ng KIDCARE Unit na kasama nila ang Kidapawan City Police at augmentation mula sa Armed Forces of the Philippines sa lahat ng oras na nagsasagawa sila ng mga operations. (CIO-jscj//if//photos by KIDCARE Unit)
KIDAPAWAN CITY (November 15, 2022) โ MAHIGPIT NG IPAGBABAWAL ng City Government of Kidapawan ang pagsasangla, pagbenta o di kaya ay iligal na paggamit ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Pโs ATM Cards ng mga beneficiaries sa lungsod.
Sa pamamagitan ng Executive Order number 063 series of 2022 na nilagdaan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista nitong November 14, 2022, ipinag-uutos na dapat gamitin sa wastong pamamaraan ng mga 4Pโs indigent beneficiaries ang kanilang ATM cards para makatanggap ng conditional cash assistance mula sa National Government sa pamamagitan ng DSWD.
โHindi dapat nasasayang at dapat nagagamit sa tama ang ayudang ibinibigay ng pamahalaan sa mga indigent nating kababayan na beneficiaries ng 4Pโs kaya mahigpit na nating ipagbabawal ang pagsasangla, pagbenta o paggamit ng ATM cards sa iligal na pamamaraanโ, paglilinaw ni Mayor Evangelista.
Hindi rin dapat gamitin ang ayudang natatanggap sa pagsusugal at iba pang bisyo kung kaya nagpalabas ng kautusan si Mayor Evangelista para mapigilan ang maling gawain ng ilang mga 4Psโ beneficiaries.
Dagdag pa ng alkalde na dapat gamitin lamang ang ATM cards ng mga 4Ps beneficiaries bilang pangtustos sa pag-aaral at kalusugan ng kanilang mga anak at pambili na rin ng importante at pangunahing pangangailangan para sa pamilya.
Dahil sa di mabuting gawaing ito ay nagagamit bilang โcollateralโ sa pambayad ng utang ang kanilang ATM cards na mahigpit namang ipinagbabawal ng DSWD.
Suspension ng ayuda o di kaya ay tuluyang pag-alis sa listahan ng 4Pโs beneficiaries para hindi na makatanggap ng tulong pinasyal ang naghihintay na kaparusahan sa sino mang mapapatunayang lumabag dito, ayon pa sa EO.
Mananagot din ang mga indibidwal na pinagsang-laan o bibili ng mga ATM cards ng 4Ps dahil sila man din ay lumabag sa batas.
Maaring magreport sa tanggapan ng alkalde, barangay o di kaya ay sa City Social Welfare and Development Office o CSWDO kapag may dokumentadong kaso na ibinenta o isinangla ang ATM card ng 4Ps.
Pinapayuhan naman ni Mayor Evangelista ang lahat ng 4Ps beneficiaries na gamitin na lang sa wastong pamamaraan ang kanilang ATM cards para tuloy-tuloy na makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan. ##(CMO-cio)
KIDAPAWAN CITY (November 14, 2022) โ BUMISITA sa Lungsod ng Kidapawan ang isang delegasyon mula sa Lungsod ng General Santos para sa benchmarking ng mga hakbang na ginawa ng Local School Board (LSB) ng Kidapawan na itinuturing na mga best practices para mapaunlad pa ang edukasyon at maisulong ang kapakanan ng mga mag-aaral.
Kabilang sa naturang delegasyon sina Lou Bernandino, Executive Assistant III for Education, LGU General Santos City at Rommel G. Flores, City Schools Division Superintendent, General Santos City at ilang mga miyembro at secretariat ng Gensan Local School Board.
Ilan sa mga ibinahaging best practices ng Kidapawan LSB ay ang School Subsidy Program, Empowerment of Parent-Teachers Association (PTA), No Collection Policy (unauthorized fees), Support in the fight against malnutrition, Vaccination of learners (COVID-19 and other vaccines).
Sinimulang gawin ang mga hakbang na ito sa administrasyon ni dating City Mayor at LSB Chair Joseph A. Evangelista na ngayon ay Board Member ng 2nd Legislative District of Cogtabato kung saan nakinabang ang maraming mag-aaral, pati na mga magulang at guro.
Ipinagpatuloy naman ng bagong alkalde ng na si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang mga hakbang o best practices na ito sa layuning mabawasan ang bayarin ng mga magulang sa eskwelahan, matiyak ang kalusugan ng mga mag-aaral o learners at ganundin ang kaayusan ng mga paaralan.
Sa briefing and presentation na ginanap sa City Convention Center nitong nakaraang linggo, binigyang-diin ni BM Evangelista ang kahalagahan ng mga education measures at polisiya para sa edukasyon ng mga kabataan.
Kasama sa naturang aktibidad si Acting City Administrator Janice V. Garcia at iba pang personnel ng LGU Kidapawan.
Nagagalak naman si Mayor Evangelista na ipagpatuloy ang mga nasimulan ng dating administrasyon at patuloy na nagsasagawa ng mga karagdagang inisyatiba upang lalo pang mapaunlad at maproteksyunan ang mga mag-aaral kabilang na ang magulang at mga guro.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang delegasyon mula sa Gensan sa mga nalamang best practices mula sa LSB ng Kidapawan City at sa mainit na pagtanggap sa kanila ng City Government of Kidapawan. (CIO-jscj//if)
KIDAPAWAN CITY (November 14, 2022) โ MAS lumawak pa ang kaalaman at kakayahan ng mga kasapi ng Kidapawan City Overseas Filipino Worker Federation, Inc. o KCOFWFI sa larangan ng negosyo at pagpapalago ng income-generating projects.
Ito ay sa ginanap na 1-day Entrepreneurial, Mind Setting, Financial Literacy and Simple Bookkeeping Training na ibinigay ng Department of Trade and Industry o DTI 12 sa pakikipagtulungan ng Public Service Employment Office o PESO ng Kidapawan na nagbigay ng Values Formation lecture.
Abot sa 39 na mga dating OFW ang lumahok sa naturang training na sa kasalukuyan ay may maliit na negosyong pangkabuhayan at nais na palaguin ito sa pamamagitan ng angkop na kasanayan o training.
Si DTI Junior Business Counselor Edbralen Shekina Ancheta (Negosyo Center Kidapawan) ang nagbigay ng lecture sa Entrepreneurial, Mind Setting, Financial Literacy and Simple Bookkeeping kasama si Kaye Jamero mula sa LGU Kidapawan.
Si Peso Manager Herminia Infanta naman ang nagbahagi ng kaalaman patungkol sa Values Formation na isa ring mahalagang bahagi ng pagsasanay.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni KCOFWFI President Andrea J. Alvarez si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa patuloy na pagbibigay ng suporta at inspirasyon sa pamamagitan ng PESO Kidapawan at iba mga ahensiya ng pamahalaan na direktang tumutulong sa kanila tulad ng DTI.
Pinasalamatan din ng KCOFWFI ang Mt. Apo Eagles Club na una ng nagsagawa ng proyektong โTulong Pusoโ para sa mga distressed OFW mula sa Kidapawan City at naging aktibong partner sa nabanggit na training. (CIO-jscj//if//Photos by KCOFWFI)
KIDAPAWAN CITY (November 11, 2022) โ NABIYAYAAN ng Starter Kits para sa Free-Range Chicken Production Project ang abot sa 25 miyembro ng Head, Heart, Hands and Health o 4H Club Kidapawan City.
Ito ay sa pamamagitan ng Binhi ng Pag-asa Program ng Dept of Agriculture โ Agricultural Training Institute o DA-ATI 12 kung saan ginawa nag pamamahagi sa Kidapawan City Trading Post, Barangay Magsaysay, Kidapawan City kahapon Nov. 10, 2022.
Kabilang sa starter kit na tinanggap ng mga benepisyaryo ay ang mga sumusunod: 12 heads of two-month-old chicken, 1 bag feeds, 10 meters net, 1 unit of 262 egg capacity incubator (per LGU).
Layon ng BBP ng DA-ATI na mapalakas pa ang kakayahan ng mga 4H Club members partikular na sa pagpapalago ng livelihood project tulad na lamang ng free-range chicken production.
Naisagawa ang distribution ng starter kits sa pamamagitan ni 4H Club Cotabato Provincial Coordinator Judy Gomez kasama ang ilang personnel mula sa Office of the Provincial Agriculturist.
Sinaksihan naman ito ni Marissa T. Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan kasama ang personnel na si Charity S. Tayapad. (CIO-jscj//if)
KIDAPAWAN CITY (November 9, 2022) โ ISA na namang karangalan ang natanggap ng City Government of Kidapawan sa larangan ng Disaster Risk Reduction Management o DRRM.
Ito ay matapos na mapabilang ang lungsod sa talaan ng mga Fully Compliant Local Government Units Awardees na bago lamang inilathala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kaugnay ng 22nd Gawad KALASAG Seal for Local DRRM Councils and Offices para sa kasalukuyang taon ng 2022.
Ang National Gawad KALASAG Committee ang siyang nagsagawa ng evaluation at selection ng mga DRRM councils, Civil Society Organizations, schools, hospitals, at iba pang mga grupo o indibidwal na napatunayang may mahusay na programa pagdating sa disaster preparedness at resilience.
Kabilang sa mga criteria upang mabigyan ng naturang recognition o Gawad KALASAG seal ay ang mga sumusunod: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery.
Nasa 436 na mga LGUs sa buong bansa ang nasa talaan kabilang ang Kidapawan City kung saan pumasa at nakakuha ng mataas ng marka ang kapwa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO at City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC.
Kaugnay nito, inaasahan na magpapatuloy ang mahusay na DRRM programs ng lungsod partikular na ng CDRRM Council na pinamumunuan ni City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista bilang Chairperson at ng CDRRM na pinamumunuan naman ni CDRRM Officer Psalmer Bernalte.
Samantala, ang iba pang mga napabilang sa fully compliant LGUs sa Cotabato Province ay kinabibilangan ng mga bayan ng Alamada, Aleosan, Carmen, Libungan, Magpet, Matalam, Pigcawayan, Midsayap at Tulunan. (CIO-jscj//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (November 8, 2022) โ ISANG daang sako ng bigas na naglalaman ng 25 kilos premium rice bawat sako ang inihatid ng City Government of Kidapawan sa Maguindanao del Norte, partikular na sa Barangay Kusiong, Municipality of Datu Odin Sinsuat kung saan naganap ang matinding landslide at flashflood dulot ng bagyong โPaengโ nitong nakalipas na linggo.
Sa pangunguna ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Psalmer Bernalte ay naihatid ang naturang tulong sa Barangay Hall na personal namang tinanggap ni Jaffer Sinsuat, Punong Barangay ng Kusiong.
Ang mga barangay officials na ang namahagi ng mga bigas sa mga lumikas na pamilya mula sa naturang barangay dahil hindi na maaaring pasukin ang lugar matapos na masira ang mga tulay na dadaanan papasok sa Barangay Kusiong.
Itinuturing na ground zero ngayon ang Barangay Kusiong matapos masawi ang abot sa 21 katao dahil sa matinding landslide at 20 iba pa ang namatay dahil sa flashflood habang 14 ang nawawala.
Isa ang munisipalidad ng Datu Odin Sinsuat sa Lalawigan ng Maguindanao del Norte sa pinakamatinding hinagupit ng bagyong โPaengโ. Matinding naapektuhan din ang mga bayan ng Datu Blah Sinsuat, Upi, Barira, South Up isa kaparehong lalawigan.
Sa pinakahuling tala, abot sa 398 barangays ang sinalanta ng bagyong โPaengโ sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM kung saan 202, 598 pamilya ang apektado o katumbas ng 582,884 na mga indibidwal. (CIO-jscj//if//photos by CDRRMO)