KIDAPAWAN CITY (October 6, 2022) โ MAGLILIWANAG na at makikinabang na sa serbisyo ng kuryente ang abot sa 38 na kabahayan sa Lungsod ng Kidapawan na dati ay walang koneksyon ng kuryente at hirap kung gabi dahil sa madilim na paligid.
Ang naturang bilang ng mga household ay matatagpuan sa Purok 2, Barangay New Bohol ng lungsod na pawang mga benepisyaryo ng Energization Project sa ilalim ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)
Nanguna sa ginawang Turn-over at Ceremonial Switch-on sa Covered Court ng Barangay New Bohol alas-10 ng umaga ang mga kinatawan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc o COTELCO, Inc at COTELCO West District Board of Director Alzen Ryan Embodo kasama si Pepito Iremedio, Sr., ang Punong Barangay ng New Bohol pati na mga kagawad.
Sa pamamagitan ng proyekto mula sa LGSF-CBDP ng NTF-ELCAC ay nabiyayaan ng libreng koneksyon ng kuryente ang naturang bilang ng mga household at nabigyan ng tugon ang matagal na nilang kahilingan na magkaroon ng kuryente.
Ipinaliwanag ng COTELCO sa mga benepisyaryo na libre ang lahat ng gastusin sa pagpapakabit ng kuryente tulad ng elect wirings, electric meter, pipes at iba pang materyales na ginamit sa connection ngunit kailangan nilang bayaran ang monthly bill kung saan sila ay ganap na miyembro na ng kooperatiba
Katuwang naman ang NTF-ELCAC ang City Government of Kidapawan sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga barangay na may presensiya ng armadong grupo o impluwensiya ng communist terrorist group at himukin silangh mnagbalik-loog sa gobyerno.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na nilagdaan ni President Rodrigo R. Duterte noong Dec. 2018 ay inilatag at ipinatupad ang whole-of-nation approach upang tuluyang sugpuin ang armadong pakikibaka laban sa pamahalaan at pakinabangan ang tulong ng pamahalaan tungo sa pangmatagalang kapayapaan. (CIO-jscj//if)
KIDAPAWAN CITY (October 5, 2022) โ NAGWAGI bilang Second Placer sa Search for Outstanding Rural Women in Region 12 ang isang lady agripreneur mula sa Barangay Sumbac, Kidapawan City
Ito ay sa katauhan ni Shiela F. Livera, may-ari ng SJC Products na isa sa mga local producer ng premium coffee.
Ginanap ang awarding sa Agua Frio Hotel and Restaurant sa Koronadal City kung saan dumalo si Livera at iginawad sa kanya ang isang Plaque of Recognition na may lagda ni DA12 OIC Regional Executive Director Sailila E. Abdula, Ph.D.
Kasamang dumalo sa okasyon si Corafer I. Moreno, Agriculture Technician mula sa Barangay Sumbac.
Bahagi ng Gender and Development program ng Dept. of Agriculture o DA 12 ang pagbibigay ng parangal o pagkilala sa mga natatanging agripreneur sa Region 12 o SOCCSKSARGEN Course kung saan nagpakita ang mga ito ng best practices at natatanging kontribusyon sa larangan ng negosyo at agrikultura.
Bilang isang Agripreneur, isinusulong ni Livera ang paggawa ng mga na gumawa ng mga kalidad na kape gamit ang makabagong teknolohiya at maayos na koordinasyon sa ahensiya ng gobyerno, ayon kay Marissa T. Aton, City Agriculturist.
Kabilang rito ang Kape Kidapawan premium coffee, Kape Kidapawan Arabica kung saan nabibili sa mga piling outlet at sa pamamagitan ng kanilang Facebook account na SJC Food Products. (CIO-jscj//if//photos by OCA)
KIDAPAWAN CITY (October 5, 2022) – HANGAD ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista na maging Champion of Education.
SInabi ito ng alkalde sa kanyang mensahe sa mahigit dalawang libong guro mula sa pampubliko at pribadong eskwelahan ng lungsod sa pagdiriwang ng National Teachers Day ngayong araw ng Miyerkules October 5, 2022.
Nais ni Mayor Evangelista na maging committed at matiyak na walang batang maiiwan sa larangan ng edukasyon sa Lungsod ng Kidapawan.
โ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐ด๐ข ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ณ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ณ๐ข๐ญ ๐ข๐ต ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏโ, sinabi ni Mayor Evangelista.
Bilang bahagi ng kanyang commitment ay hiniling niya sa mga guro na dadalo siya at uupo sa loob ng klase upang direktang maobserbahan kung papano naibibigay ang lessons sa mga bata.
Kakausapin niya ang mga mag-aaral at mismong mga guro at magulang upang malaman ang hinaing ng mga ito sa pagpapa-aral sa mga bata.
Nagbigay pugay din ang alkalde sa mga guro na nagsisikap na magturo sa mga bata sa araw-araw.
Si Mayor Evangelista ay siyang panauhing pandangal sa launching ng Division Educational Development Plan o DEDP ng Kidapawan City Schools Division noong September 30, 2022.
Ang DEDP ay magiging gabay sa kung papaanong ipatutupad ng DepEd ang mga programa nito mula taong 2023 hanggang 2028.
Bilang pakikiisa sa okasyon ay nagbigay si Mayor Evangelista ng cash prizes para sa mga mananalo sa patimpalak ng National Teachers Day sa lungsod ng Kidapawan na ginanap sa City Gymnasium.
##(CMO-cio)
KIDAPAWAN CITY (October 4, 2022) โ NABIYAYAAN ng 50,000 fingerlings ng isdang tilapia at 12,500 hito fingerlings ang abot sa 28 fish farmers o mga nagpapalago ng fishpond sa Lungsod ng Kidapawan.
Ito ay sa ilalim ng Cost Recovery Program ng City Government of Kidapawan na ipinatutupad ng Office of the City Agriculturisty o OCA.
Layon ng naturang programa na mapalakas ang food production and sustainability at makabawi ang mga fish farmers sa lungsod sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic nitong nakalipas na dalawang taon, ayon kay City Agriculturist Marissa T. Aton.
Kaugnay nito, masayang tinanggap ng mga benepisyaryo ang ayuda sa distribution na ginanap sa Farmerโs Market o bagsakan ng gulay na malapit lamang sa City Hall at nangakong palalaguin ang kabuhayan sa pamamagitan ng naturang programa.
Kabilang sa mga fish farmers na nakatanggap ng mga tilapia at hito fingerlings ay sina Rolando Ramos โ Balabag, Dary Pagatpatan- Perez, Rey Balili โ Perez, Elmer Occillada โ Binoligan, Henry Neyra โ Indangan, Jacinto Banga- New Bohol, Marciano Obrador โ Singao, Edgardo Jaso โ Kalaisan, Bernabe Pagatpatan- Indangan, Marlyn Hilot โ Sumbac, Loveine Kate Layaoen – San Isidro, Pionio Julio โ Ilomavis, Teresita Igharas โ Balindog, Ian Capilitan โ Perez, Teresita Martin โ Ginatilan, Sonny BoyAdriatico โ Ilomavis, Rosally Cay-an โ Ginatilan, Jevelyn Diaz- Ilomavis, Danilo Lontoc- San Roque, Josefino Pantorilla Jr- Perez, Lauro Alcantara -Mua-an, Cristopher Macalipes โ Ginatilan, Abelardo Cay-an โ Ginatilan, Roger Dela Cruz- Ginatilan, Ricky Dela Torre- Nuangan, Benedicto Salvador- Ginatilan, Ric Madeja -Ginatilan
(CIO-jscj//if//aa)
KIDAPAWAN CITY (October 4, 2022) โ NASA 97% na ang completion rate ng paglalagay ng first batch ng mga solar street lights sa 40 barangay sa Lungsod ng Kidapawan.
Nasa 600 ang kabuuang bilang ng solar street lights na nakapaloob sa first batch kung saan 582 dito ay na-install na sa 39 barangays โ pinakahuli ay ang installation ngayong linggo sa mga barangay ng Kalaisan, Sumbac, Macebolig, at Onica habang ang nalalabing barangay ng Patadon ay palalagyan sa Miyerkules, Oct. 5, 2022.
Nasa 15 solar street lights ang inilagay sa bawat barangay at itinatayo ang mga poste nito sa bawat kanto kung saan marami ang dumadaang sasakyan at naglalakad na mga residente.
Ang Office of the City Engineer (OCE) sa pamamagitan ng Task Force โKahayagโ ang naatasan sa naturang proyekto na naglalayong mapailawan at maging mas maliwanag ang mga barangay sa Kidapawan City.
Isa ito sa priority projects ni City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista na kanyang ipinatupad sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan bilang alkalde.
Nais ni Mayor Evangelista na maging maginhawa ang mga mamamayan sa pamamagitan ng proyektong pailaw maliban pa sa kaligtasan ng mga residente laban sa magnanakaw at iba pang uri ng kriminalidad.
Hindi naman magtatagal ay madadagdagan pa ang mga solar street lights sa mga barangay sa oras na simulan ang second batch ng installation, ayon sa CEO.
Panibagong 600 units ng solar street lights ang muling ilalagay sa ibang pang lokasyon sa mga barangay.
Nasa kabuuang P5.9M ang halaga ng solar street lights project kung saan P2.9M ang pondong inilaan para sa 1,200 solar lights at karagdagang P3M naman ang inilaan para sa mga accessories nito tulad ng G.I. pipes, deformed bars, cement, welding rod, gravel, fine sand, coarse sand, epoxy primer, at paint brush.
Nagmula ito sa Supplemental Budget No.1 for CY 2022. (CIO-jscj//if)
KIDAPAWAN CITY (October 3, 2022) โ SAMA-SAMANG nakiisa sa pagbubukas ng Elderly Filipino Week celebration ang mga miyembro ng Pederasyon ng Kapisanan ng Senior Citizens ng Kidapawan City, Inc. (PKSCKCI) sa City Convention Center ngayong araw na ito ng Lunes, October 3, 2022.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang Holy Mass na pinangunahan ni Fr. Fred Palomar, CDK at sinundan ito ng opening program na hudyat ng pagsisimula ng 4-day activity ng PKJSCKCI.
Nagbigay naman ng opening remarks si Daisy P. Gaviola, City Social Welfare Development Officer kung saan kinilala niya ang malaking kontribusyon ng mga senior citizens sa pangunguna ni Renato B. Torralba, President ng PKSCKCI sa larangan ng pag-unlad ng pamayanan.
Bahagi din ng unang araw ng pagdiriwang ang mga paligsahan na kinabibilangan ng comical play, sayawit, at folk dance. Sa pamamagitan nito ay maipapakita ng mga senior citizen ang kanilang angking talento at sa kabila ng kanilang edad ay may ibubuga pa sila sa acting, singing and dancing, ayon naman kay Susana L. Llerin, Head ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA).
Sa ikalawang araw, October 4, 2022 ay tampok naman ang competition sa chorus o choral, harana, at Zumba. Kasama pa rito ang parlor games at blood letting naman na gaganapin sa Senior Citizensโ Social Hall.
Gagawin naman ang synchronized barangay level celebration sa ikatlong araw, October 5, 2022 at sa ikaapat o huling araw ng aktibidad, October 6, 2022 ay gaganapin ang Gala Search for King and Queen of Senior Citizens 2022 at ang Culmination Program and Awarding of Prizes.
Samantala, kabilang din sa line-up of activities ng Elderly Filipino Week ang pamamahagi ng libreng eyeglasses para sa mga senior citizens hindi lamang sa Kidapawan City kundi pati na rin sa iba pang bayan sa 2nd District of Cotabato sa pamamagitan ni Senior Board Member Joseph A. Evangelista, ayon kay OSCA Project Coordinator Melagrita S. Valdevieso.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo M. Evangelista ang PKSCKCI sa pagsisikap nito na mapanatili ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng senior citizens at patuloy silang maging kabahagi sa pag-unlad ng lungsod.
Batay sa Presidential Proclamation No. 470 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong September 26, 1994, itinakda ang pagdiriwang ng Elderly Filipino Week sa bawat unang linggo ng Oktobre kada taon sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD kasama ang ibaโt-ibang organisasyon ng mga senior citizens sa bansa. (CIO-jscj//if//nl)
KIDAPAWAN CITY (September 30, 2022) โ BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Family Week ngayong Sep 26-Oct 3, 2022, magsasagawa ng job Fair ang Public Employment and Service Office (PESO) katuwang ang City Social welfare and Development Office (CSWD) ngayong araw na ito ng Biyernes, Sep 30, 2022.Kaugnay nito, abot sa pitong local companies at isang overseas agency ang nakatalaga ngayon sa Kidapawan City Gymnasium at magbibigay ng oportunidad para sa mga job seekers mula sa Lungsod ng Kidapawan at mga residente ng kalapit na mga munisipalidad ay maaaring magsumite ng kanilang application at mga credentials, ayon kay Herminia C. Infanta, PESO Manager.Narito naman ang talaan ng mga local companies at mga job opening:Sykgo Marketing โ Cashier, Collector, Credit and Collection OfficerCotabato Sugar Central Company, Inc. โ Health and Safety Officer, Staff Engineer, Quality Assurance Staff, Quality Assurance Section Head, Partner Relationship Management StaffGaisano Grand Mall โ Stock in Charge, Customers Service Staff, Warehouse Staff, Receiving Staff, Electrical Engineer, Mechanical Engineer, Cashier, Sales Assistant, Sales Utility Clerk, Bagger, Re-filler, Utility ManCooperative Bank of Cotabato โ Account Officer, Collection Clerk, Micro-finance Clerk, VXI Global Holdings B.V. โ Customer Service Champion, Technical Support Expert, Sales Representative Home Credit โ Sales AssociateToyota Kidapawan โ Marketing Professional, Parts Warehouseman, Service Billing, Skilled Maintenance PersonnelSamantala, ang Zontar Manpower Services (overseas agency) ay naghahanap ng sumusunod: Waiter (bound for Qatar), Receptionist (bound for Qatar), at Care Worker (bound for Japan).Layon ng aktibidad na mabigyan ng mas malaking pagkakataon ang mga job seekers na makahanap ng mapapasukan na angkop o match sa kanilang kakayahan bilang mga manggagawa.Itinaon ang Job Fair sa kasagsagan ng Family Week celebration sa lungsod sa pangunguna ng CSWD kaya naman inaasahan na magbibigay ito ng oportunidad sa mga pamilya na makabawi mula sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic at makatulong sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng pamilya, ayon kay CSWD Officer Daisy P. Gaviola, CSWD. (CIO-jscj//nl//if)
KIDAPAWAN CITY (September 28, 2022) โ BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng World Rabies Day ngayong araw na ito ng Miyerkules, Sep 28, 2022, naglungsad ng massive anti-rabies vaccination ang Office of the City Veterinarian (OCVET) sa mga purok na matatagpuan sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.
Bandang alas-otso ng umaga ay tinungo na ng mga vaccination teams na binuo ng OCVET ang mga purok kung saan gagawin ang pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa, ayon kay Dr. Eugene Gornez, City Veterinarian.
Maliban rito, naglagay din ng vaccination hub ang OCVET sa City Pavilion kung saan maliban sa anti-rabbies vaccination ay nagsagawa din ng ligation, neutering, at pamimigay ng vitamins, antibiotics at wound spray, sinabi ni Dr. Gornez.
Abot naman 10 mga vaccination stations para sa 31 na mga purok ang itinalaga ng OCVET para mas mabilis at mas maraming alagang aso at pusa ang mabakunahan.
Kabilang dito ang Tisa, Cacao, Peras, Black Berry (Mundog Subdivision at Lumogdang Subdivision), Dalandanan, Golden Yellow, Coco, Ponkana, Kalubi (Taran Subdivision, Angie Subdivision, Madrid Subdivision, Villanueva Subdivision), Mansanitas, Apple Mango, Passion Fruit, Camansi, Dragon Fruit (Mendoza Subd., Bolong Subd., Mundog Subd. Beltran Subd., Oliveros Subd).
Dagdag pa rito ang Macapuno, Dalanghita (Lapu-Lapu Street, Baluyot Street), Nangka, Ponkan, Pomelo (Nursery Phase 1 and Phase 2, Encarnacion Subd), Lansones, Manga Pico, Singkamas (Rizal Street, Laurel Street, COTELCO Village), Sampalok, Sunkist, Banana (Bautista Street, Gov. Brynt Street, Carpenter Street), Granada, Papaya (Lola Delang Subd., Icdang Village), Guyabano, Strawberry, (J.I.L Subd., Salandanan Subd.,), Marang, Pilinut (Mt. Apo Village, Lamban Subv).
Nais naman ng OCVET na mabakunahan ng anti-rabies ang mula 500-1,000 na mga asoโt -pusa at 80-100 na mga alaga para sa ligation at neutering ngayong araw na ito.
Tema ng World Rabies Day ngayong taon ay โOne Health, Zero Deaths kung saan binibigyang-diin ang malawakang impormasyon at adbokasiya patungkol sa nakamamatay rabies sa buong mundo.
Kaugnay nito, nanawagan ang OCVET sa mga dog at cat owners na samantalahin ang pagkakataon at dalhin ang kanilang mga alaga upang mabakunahan ang mga ito.
Patuloy din ang paghimok ng tanggapan sa mga mamamayan na maging responsible pet owners kung saan dapat na alagaan at tiyaking hindi makakapaminsala ang kanilang mga aso, pusa at iba pang alaga. (CIO-jscj//if//nl)
PRODUKSYON NG RICE-MONGO CURLS AND INSTANT BABY BLEND PALALAKASIN PARA SA KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL
KIDAPAWAN CITY (September 27, 2022) โ NAGSIMULA ng gumawa ng rice-mongo curls and instant baby blend ang City Nutrition Council (CNC) para sa mga mag-aaral o maliliit na bata mula 2-8 years old.
Ayon kay Melanie Espina, City Nutrition Action Officer, mahalagang na magkaroon ng wasto o sapat na nutrisyon ang mga batang kabilang sa nabanggit na age bracket upang maging maayos ang kanilang paglaki at manatiling malusog ang pangangatawan.
Rice at monggo seeds ang pangunahing sangkap ng produkto na highly recommended para sa mga bata dahil taglay nito ang kinakailangang nutrients tulad ng carbohydrates, protein, fats, vitamins and minerals at nagsisilbi ring antioxidant, ayon pa kay Espina.
Taglay din naman ng rice o bigas ang carbohydrates, protein, potassium, at magnesium na kailangan ng katawan ng tao, dagdag pa ni Espina.
Dumadaan naman sa ligtas na proseso ang paggawa ng rice-mongo curls tulad ng grinding, pulverizing, mixing, at packaging (30 g) gamit ang mga makinaryang tulad ng disc grinder, pulverizer, cereal puffing machine, forced draft dryer, octagonal mixer at digital top loading balance.
Matatandaang una ng gumawa ng masustansyang Rise Mo o Rice-Sesame-Monggo baby food blend and CNC at DOTC para naman sa mga batang 6-35 months old.
Layon nito na mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga batang maituturing na malnourish upang maging malusog at maayos ang pangangatawan.
Samantala, katuwang ng CNC ang Department of Science and Technology (DOST) sa produksyon ng rice-mongo curls kung saan sila itinuturo nito ang step-by-step na pamamaraan ng pagluto at tinitiyak din ang kalidad at kaligtasan ng produkto.
Katunayan, nagsasagawa ngayon ng 2-day Complementary Foods Technology Transfer (Sep. 27-28, 2022/Complementary Food Production Center, Kidapawan City) ang DOST sa pangunguna nina Engr. Jayson G. Tagaroma, Science Research Specialist at Engr. Eugenio M. Ramirez, Specialist, DOST-Food Nutrition Research Institute.
Kasama sa aktibidad ang mga ilang mga personnel mula sa CNC, at Barangay Nutrition Scholars.
Matapos naman ang dalawang araw ay inaasahang makakapag-supply na ang CNC ng rice-mongo curls and instant baby blend sa ibaโt-ibang mga pampubliko at maging pribadong paaralan sa lungsod. (CIO-jscj//if/nl/vh)
KIDAPAWAN CITY (September 25, 2022) โ REGULAR na nagsasagawa ng Pre-Employment Orientation Seminar at Pre-Employment Seminar for Local Applicants o PESLA ang Public Employment Service Office o PESO ng Kidapawan City.
Ito ang sinabi ni PESO Manager Herminia Infanta kung saan kanyang ipinabatid na gagawin ang pinakabagong PEOS-PESLA sa Kidapawan City Gymnasium sa araw ng Martes, Sep 27, 2022, alas-otso ng umaga.
Layon ng aktibidad na mabigyan ng tamang referral and placement at iba pang impormasyon ang mga regular walk-in applicants na naghahanap ng mapapasukan sa mga local companies ganundin ang mga overseas job seekers.
Bahagi naman ito ng mandato ng PESO na tulungan hindi lamang ang mga aplikante mula sa Lungsod ng Kidapawan kundi pati na mga naghahanap ng trabaho mula sa mga kalapit na mga munisipalidad.
Sa pinakabagong PEOS-PESLA ay nakibahagi at tumulong ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa PESO sa pamamagitan ng pag-forward ng pangalan ng mga interesadong job seekers na una ng nakiisa sa pagbubukas ng National Family Week celebrations ngayong araw na ito ng Lunes, Sep 26, 2022.
Kaugnay nito, inaasahan na mas marami ang makikinabang sa PEOS-PESLA at magiging daan ito upang makahanap ng trabaho ang malaking bilang ng mga job applicants mula sa Kidapawan City at mga kalapit na bayan sa Lalawigan ng Cotabato. (CIO-jsc//if//)