Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (July 1, 2022) – PORMAL na binuksan ang Nutrition Month celebration sa Barangay Manongol, Kidapawan City na may temang “New Normal na Nutrisyon Sama-Samang Gawan ng Solusyon!”

Tampok sa akatibidad ang human breast milk extraction na nilahukan ng mga lactating mothers na handang magdonate ng kanilang breast milk para sa mga kapwa nilang mga ina na walang kakayahang magbigay ng gatas para sa kanilang mga sanggol.

Ang mga nabanggit na mga gatas na makukuha mula sa breast milk donors ay ilalagay sa freezer na may kakayahang mag-preserve ng gatas ng hanggang sa anim na buwan.

Nagbigay naman ng lecture para sa breastmilk donors si Tessa Mae Saguindan ng CHO,  sa Blood Screening ay si Alexus Jane Malaluan, sa Maternal Nutritioni habang si City Nutrition

Action Officer Melanie Espinas naman ang nanguna sa usaping Infant Young Child Feeding.

Maliban sa mga breast milk donors, dumalo rin sa launching ang mga Child Development Workers, Barangay Health Workers at Barangay Midwives.

Nakiisa din sina DepEd Kidapawan Schools Division Nurses Teresita Bustamante at Maria Cristina Rico at kinatawan ng Office of the City Agriculturist na si Elpidio Gaspan, at Punong Barangay Morgan A. Melodias.

Samantala, nagbigay naman ng kanyang mensahe si Dr.Nerissa Paalan, CESU Head; kung saan binigyang-diin nya ang pangangalaga sa kalusugan at ang pagpapanatili ng wastong nutrisyon.

Dagdag pa rito ay hinimok din niya ang lahat na magpabakuna na laban sa sakit na Covid-19.

Ibinahagi  naman ni Espinas ang line-up of activities para sa pagdiriwang ng Nutrition Month na kinabibilangan ng Nutri-quiz on-the-air, Online Nutri-Jingle contest, Online Buntis Tiktok Challenge, Online Nutri-Ad Contest at Gulayan sa Tugkaran.

Samantala, ang final judging naman para sa mga mananalo sa mga nabanggit na patimpalak ay gagawin sa July 25-26, 2022 at ang Culmination Program na gaganapin sa July 27, 2022 sa Kidapawan City Convention Hall. (CIO-vh/if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 29, 2022) – Sinimulan na ang pormal na pagbuo ng mga asosasyon para sa Person with Disability (PWD), Persons Who Used Drugs (PWUD) at Solo Parents sa limang priority barangays ng lungsod na kinabibilangan ng Barangay Amas, Poblacion, Sudapin, Ginatilan at Birada.

Ginanap ang orientation nito sa Convention Center, Kidapawan City, alas-diyes ng umaga, ngayong araw ng Huwebes, June 30, 2022.

Ang hakbang na ito ay kabilang sa requirement sa matatanggap na mga livelihood intervention mula sa gobyerno para sa nabanggit na mga sektor.

Ang nasabing programa ay naipatupad sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12

at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pangunguna ni Daisy P. Gaviola, ang Social Welfare and Development Officer ng lungsod katuwang Ang Department of Trade and Industry (DTI).

Umaasa naman si Gaviola na mas mapapabilis ang accreditation ng mga SLPA ng mga nabanggit na mga barangay sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Civil Society Organization (CSOs) para sa Local at Regional Level.

Samantala, dumalo naman sa nasabing aktibidad sina Focal Person for Solo Parents Jenny Lynne D.Langoyan, Focal Person for PWD Robelyn Borcelo, at Focal Person for PWUD’s Pamela Ann N. Peroy.

Nagbigay din ng crash course sa  paggawa ng project proposal at constitution and bylaws sina Project Development Officer Michael Joseph S. Salera ng DSWD-SLP XII at Rofhe  l Joy P. Cabaluna.

Masaya ang mga benepisyaryo ng naturang programa dahil sa mabibigyan sila ng kasanayan at kakayahan na itaguyod ang mga sarili sa pamamagitan ng pangkabuhayan na kanilang matatanggap mula sa asosasyon. (CIO-vh/aa/if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 30, 2022) – Tumanggap ng kanilang Social Pension na nagkakahalaga ng P1,500 ang humigit-kumulang na 1,800 na mga lolo at lola o mga Senior Citizens ng Barangay Poblacion, Kidapawan City para sa second quarter (April, May, June) ng kasalukuyang taon sa ilalim ng programang Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA).

Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa Kidapawan City Gymnasium na mula 8:00 ng umaga at magtatapos ng 5:00 ng hapon ngayong araw ng huwebes, June 30, 2022

Personal na pinangasiwaan ni OSCA Head Susana Llerin at ni Brgy. Poblacion Field Woker Donna Garcia ang distribusyon sa tulong  ng mga kinatawan mula sa DSWD-CIU XII na nagsilbi bilang tellers.

Layon ng Social Pension release and distribution na matulungan ang mga senior citizens na matustusan ang kanilang mga pangangailangan tulad ng maintenance medicines at iba pa

Damang dama naman ng mga lolo at lola ang pagmamahal ng City Government of Kidapawan sa kanila sa pamamagitan ng mga programang angkop sa kanila.

Lubos din ang galak at pasasalamat nila dahil sa pagdating ng inaasahang pension dahil makakatulong ito sa harap  ng patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin. (CIO-vh/if/aa)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 29, 2020) –  Abot sa 120 na Persons with Disability o PWD mula sa limang priority barangay na kinabibilngan ng barangay Amas, Birada, Ginatilan, Poblacion, at Sudapin ang tumanggap ng pagsasanay mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa pangunguna ni CSWD Officer  Daisy P. Gaviola.

Binigyan ang mga PWD ng mga kaalaman gaya ng investment options, financial market, capital budgeting at iba pa.

Layon ng naturang aktibidad na tulungan ang mga PWD sa lungsod na maging produktibo sa kabila ng kalagayan at hindi gaanong umasa sa iba.

Samantala, dumalo naman sa aktibidad si PWD Focal Person Robelyn Borcelo.

Resource speaker sa orientation si Junior Business Counselor Salomie L. Fuyonan ng Kidapawan City Negosyo Center.

Dagdag pa ni Fuyoman na  mahalaga na maturuan ang mga PWD ng tamang paggamit ng pera at mapunta ito sa makabuluhang bagay at wastong pamamaraan tungo sa pag-unlad ng buhay.

Malaki naman ang pasasalamat ni City Mayor Joseph A. Evangelista sa nabanggit na aktibidad dahil sa mas mararamdaman ng mga PWD ang pagmamahal sa kanila at makita ang kanilang kahalagahan bilang sektor ng lipunan.

Pinasalamatan din ng alkalde ang Department of Trade and Industry o DTI sa ibayong suporta para sa mga PWD. (CIO-vh/ed)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 29, 2022) – GINAWARAN ang Lungsod ng Kidapawan bilang Top 1 o nangungunang lungsod sa buong Region 12 o SOCCSKSARGEN Region na nakakuha ng mahigit 100% collection efficiency sa target locally sourced revenues.

Ang parangal ay iginawad ng Bureau of Local Government Finance – Department of Finance o BLGF-DOF para sa CY 2021 sa Office of the City Treasurer ng Kidapawan nito lamang June 24, 2022.

Target collection ng Office of the City Treasurer ang halagang P 151,592,099 para sa Locally Sourced Revenues para sa nakaraang taon ng 2021 ngunit umabot sa P225,261,026.68 ang nakolekta o katumbas ng 148.60% collection efficiency.

Ito ang nagbigay daan upang makamit ng City Government of Kidapawan ang dalawang award at ito ay kinabibilangan ng Top 1 Collection Efficiency of Locally Sourced Revenues at Top 1 Nominal Collection of Locally Sourced Revenues among the cities in Region 12.

Matatandaang noong 2020 ay ginawaran din ang City Government of Kidapawan bilang Top 2 o ikalawang puwesto sa Locally Sourced Revenues batay sa Year-on-Year Growth in Locally Sourced Revenues.

Abot sa P220,556,487.78 ang LSR para sa 2020 at ito ay tumaas pa ng 2.13% sa 2021 at umakyat sa P225,261,026.68 batay sa performance report ng Office of the City Treasurer, ayon kay City Treasurer Redentor Real.

Patunay naman ito ng mahusay at epektibong pamamahala o pagpapatakbo ng City Government of Kidapawan partikular na ng Office of the City Treasurer sa pagkamit ng kanilang mga target revenues.

Kaugnay nito, ikinatuwa ni City Mayor Joseph A. Evangelista ang tagumpay na ito ng Office of the City Treasurer at hinimok ang tanggapan na panatilihin ang kanilang mahusay na serbisyo publiko. (CIO-jscj/if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY, (June 28, 2022) – SA pagtatapos ng School Year 2021-2022 ay isinagawa ang parangal para sa mga Outstanding  Student Leaders na kabilang sa Kidapawan City Collegiate Federation (KCCF).

Ang naturang parangal ay bilang pagkilala sa natatangi nilang  kontribusyon o mga nagawa sa kani-kanilang mga paaralan at maging pamayanan sa loob ng apat na taon mula ng maitatag Ang KCCF.

Kabilang naman sa mga  pinarangalang miyembro ng KCCF ay sina Federation President Ian Jay Sapitula ng University of Southern Mindanao- Kidapawan City Campus (USM-KCC), Vice-President Kayezyl B. Lacia ng North Valley Foundation, Inc. (NVCFI), Secretary Rey Alvin B. Lumayon ng USM-KCC, Auditor Ace Benedict G. Acosta ng Kidapawan Doctor College, Inc. (KDCI), PIO Clemente L. Quirino at Mark Anthony G. Aviles, kapwa mula Collegio de Kidapawan (CDK) at mga kinatawan mula sa iba pang mga kolehiyo na kinabibilangan nina Krizza M. Castro, Ashton Suane G. Almocera, Raiza M. Mulat, Jomarie C. Gonzales, Rodelo A. Balaso, Picky John E, Billena, Shaina Mae M. Camad, Jhona Joy S. Paraon, Mark Bryan P. Maculada, Jo-Ann B. Damansila, Jayson P. Requita, Kent Brian P. Tortula, Andre Bonn R. Dimaano, Akim Pulpog, Marry Flor P. Avellanoza, Archee B. Garcia, at Olivia Ojeda.

Kaugnay nito, inaasahan ni incoming City Administrator Janice V. Garcia na siyang kumatawan kay City Mayor Joseph Evangelista na magpapatuloy ang mga KCCF leaders na ibahagi sa kani-kanilang pamayanan ang mga kasanayan na kanilang natanggap mula sa organisasyon.

Dagdag pa rito ay hinimok ni Local Youth Development Officer at KCCF Moderator Tryphaena A. Collado ang bawat isa sa kanila na ipagpatuloy at pangatawanan ang adbokasiya ng KCCF na iahon at gabayan ang mga kabataan at mailayo sila sa droga at early o teen pregnancy at iba pa bagay  maaring sumira sa  kabataan.

Pinasalamatan naman ng mga KCCF members ang mga pagsasanay at mga exposure sa tulong na rin ng City Government of Kidapawan.

Magiging tatak naman ang mga nakamit na kaalaman saan man sila mapunta, ayon pa sa KCCF.

Nagpaabot din ng kanyang pagbati at pasasalamat si incoming City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa mga miyembro ng KCCF sa nagawa nilang kontribusyon sa komunidad at ang mga pagsubok na kanilang nalampasan mula noong kasagsagan ng lindol hanggang sa pagtama ng pandemya ng COVID-19. (CIO-vh/aa)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 28, 2022) – PINANGUNAHAN ni outgoing City Mayor at ngayo’y incoming Board Member ng Ikalawang Distrito ng Cotabato Joseph A. Evangelista ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRM) Meeting para sa 2nd Quarter ng 2022.

GInanap ang aktibidad sa CDRRM Office bandang alas-9:30 ng umaga na siya namang huling meeting ni Evangelista bilang Chairman at Presiding Officer ng CDRRMC.

Sa naturang pagkakataon ay ini-report ni CDRRM Officer Psalmer Bernalte ang mga accomplishments ng tanggapan sa loob ng siyam na taon mula ng maitatag ito noong 2013 sa Lungsod ng Kidapawan.

Kabilang dito ang mga infrastructure projects, disaster response, water system, trainings, Information Education Campaign o IEC, at iba pa.

Nagbigay di ng update ang City Health Office o CHO patungkol sa COVID-19 na nakapagtala ng tatlong active cases (as of June 27, 2022 6PM) sa lungsod at Dengue na abot na 359 cases (Jan. 1-June 27, 2022, 3 deaths).

Patuloy naman ang mga aktibong hakbang laban sa COVID-19 at Dengue at ang pagpapanatili ng minimum health standards para makaiwas sa COVID-19 ganundin ang intensified clean-up drive sa mga barangay para malabanan ang sakit na dengue fever.

Samantala, dumalo din sa meeting ang mga Head of Office at representante ng iba’t-ibang government agencies at department ng City Government. Ilan sa kanila ay nagbigay ng mga situational updates at mga panukala para mas mapalawak o mapalakas pa ang peace and order sa lungsod.

Bilang pagtatapos, buong pusong pinasalamatan ni Evangelista ang mga bumubuo ng CDRRMC sa suportang ibinigay sa loob ng siyam na taon o tatlong termino niya bilang Chairman ng organisasyon.

Tiniyak naman niya na ipagpapatuloy ni incoming City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang mga nasimulan ng kanyang administrasyon at mas pagiibayuhin pa ang paglilingkod sa mga mamamayan ng lungsod. (CIO-jscj/if/ed)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (June 28, 2022) KAHIT malapit ng magtapos ang kanyang huling termino bilang alkalde, ay abala pa rin si outgoing City Mayor Joseph Evangelista sa pagsasakatuparan ng kanyang mga proyekto sa mga barangay ng lungsod.

Nitong araw ng Martes, June 28, 2022 ay pormal ng ipinasa ni Mayor Evangelista sa pamamagitan ng turn-over activities ang mga bagong health stations sa anim ng mga barangay ng Kidapawan City na pinondohan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa ilalim ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program o NTF ELCAC LGSF-SBDP.

Layon ng proyekto na maihatid ang mga pangunahing programa at proyekto ng pamahalaan sa mga lugar na may dating presensya ng komunistang grupo.

Sa pamamagitan ng NTF ELCAC LGSF-SBDP ay mabibigyan ng pagkakataong umunlad ang mga pamayanan at mga mamamayan nito sa pamamagitan ng serbisyo at proyekto ng pamahalaan, pahayag ni New Bohol Barangay Chair Pepito Iremedio kung saan isa ang kanyang barangay sa mga  nakatanggap ng proyekto. 

Tumanggap ng tig-iisang bagong health stations ang mga Barangay ng New Bohol kung saan ginanap ang formal turn-over ngayong araw, Marbel, Sikitan, Perez, Singao at Balabag.

Nagkakahalaga ng mahigit sa P1.9Million ang bawat proyekto, ayon na rin kay Mayor Evangelista.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng alkalde sa mga barangay officials na tutulong ang City Government na mabigyan ng angkop na kagamitang medical ang bawat health station para makapagbigay ng serbisyo sa kanilang mga constituents.

Napag-alaman na ang Kidapawan City lamang sa buong SOCSKSARGEN Region ang may pinakamaraming proyektong naipatupad sa ilalim ng NTF ELCAC LGSF-SBDP.

32 mula sa 44 projects and programs ang naipatupad ng lungsod sa loob ng termino o panunungkulan ni Mayor Evangelista.

Kaisa ng City Government sa pagpapatupad ng naturang mga proyekto ang Armed Forces of the Philippines at ang Department of the Interior and Local Government. Bagamat at patapos na sa kanyang termino sa darating na June 30, 2022, tiniyak naman ni Mayor Evangelista na ipagpapatuloy ng kanyang anak na si incoming City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang iba pang proyekto at programang pinondohan ng NTF ELCAC LGSF-SBDP na nakatakdang ipatutupad sa lungsod ngayong taong 2022.##(CIO/lkro/aca)

thumb image

(KIDAPAWAN CITY- June 27, 2022) – PORMAL ng binuksan sa Lungsod ng Kidapawan ang Tech4Ed Center sa pamamagitan ng ginanap na Ribbon Cutting and Blessing Ceremony ng kanilang bagong hub sa Osmena Drive, Kidapawan City alas-nuwebe ng umaga ngayong araw, June 27, 2022.

Nanguna sa ginawang Ribbon-cutting at Turn-over si City Mayor Joseph A. Evangelista kasama sina DICT North Cotabato Provincial Director Engr. Mohadjirin P. Matanog, DICT XII Chief Technical Operations Division Engr. Guilbert D. Simene, mga Department Managers ng lungsod, at si Kidapawan City Councilor Aljo Cris G. Dixon, Chairperson Ng SP Kidapawan Committee on Education, Arts, and Culture.

Si Rev. Sergio Diaz, Sr. ang nagsagawa ng blessing ng pasilidad na sinundan naman ng project over view ni Engr. Hannah Grace M. Parcon ng DICT RegionL Office 12.

Layon ng Tech4Ed ang mga sumusunod: Maitatag ang mga sustainable Tech4ED centers upang makapagbigay at bumuo ng makabagong ICT-enabled na mga serbisyo at content para sa socio-economic development ng mga komunidad, lalo na sa nga unserved at underserved na mga komunidad; Tiyakin ang pagkakaroon ng may kakayahang Tech4ED knowledge workers at Pataasin ang kamalayan, pagpapahalaga at suporta para sa Tech4ED Project.

Partikular na makikinabang sa Tech4Ed ang mga Out-of-School Youth, guro, mag-aaral, People with Disability o PWD, grupo Ng kababaihan, OFW, at iba pa.

Nagbigay naman ng message of support sina DICT North Cotabato Provincial Director Engr. Mohadjirin P. Matanog at DICT XII Chief Technical Operations Division Engr. Guilbert D. Simene na nangakong ibibigay ang mga tulong na kakailanganin ng proyekto. Ikinatuwa ni Kidapawan Mayor Evangelista ang pagbubukas Ng Tech4Ed sa lungsod dahil sa pamamagitan ng proyekto ay matutugunan ang mga ICT-related concerns ng mga mamamayan at mabibigyan din sila mas malawak na oportunidad na magbibigay daan upang mas lumago pa ang lungsod. Dagdag pa rito ay nais din ng alkalde na mapatayuan ang mga karatig-barangay ng kaparehong proyekto upang sabay-sabay umusbong at makasabay sa modernong pamumuhay. (CIO-vh/aa/if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – PUMASA sa 2021 Seal of Good Local Governance o SGLG ng Department of Interior and Local Government o DILG ang Barangay San Isidro ng Kidapawan City.

Ang SGLG ay patunay sa maayos na pamamahala at pagbibigay serbisyo publiko sa mamamayan at wastong paggamit ng pondo ng Barangay San Isidro.

Nitong June 21, 2022 ay inilabas ng DILG Region 12 sa pamamagitan ng kanilang Official Facebook Page ang talaan ng mga barangay sa SOCCSKSARGEN na pumasa sa SGLG.

Agad namang nagpaabot ng pagbati sina outgoing City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista at incoming City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa mga opisyal at kawani ng Barangay San Isidro.

Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular No. 2021-074, matagumpay na pumasa sa SGLG ang Barangay San Isidro matapos makakuha ng mataas na marka sa tatlong pangunahing core areas gaya ng: Safety, Peace and Order, Financial Administration, at Disaster Preparedness.

Nakakuha din ng mataas na marka ang nabanggit na barangay sa mga essential areas tulad ng Social Protection, Business Friendliness and Competitiveness at Environmental Management.

Matatandaang dumaan sa masusing evaluation mula sa DILG ang Barangay Isidro bago pumasa sa SGLG.

Napag-alaman na isa ang Barangay San Isidro Kidapawan City sa limang mga Barangay Local Government Units ng Cotabato Province na pumasa sa SGLG.

Samantala, apat pang mga barangay ng Lalawigan ng Cotabato ang pumasa din sa SGLG at ito ay  kinabibilangan ng Barangay Marbel ng Munisipyo ng Matalam, Barangay Ugpay sa M’lang, Barangay Kitubod sa Libungan at Barangay Cajelo sa Bayan  ng Tulunan. ##(CIO/lkro/iff)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio