Category: Press Release

You are here: Home

[tfg_social_share]


thumb image

KIDAPAWAN CITY (February 2, 2024) – Abot sa tatlumpu’t walo (38) na mga empleyado ng City Government of Kidapawan ang nag donate ng kanilang dugo sa ginanap na Blood Letting Activity sa City Blood Center nitong araw ng Huwebes, February 1, 2024, sa pakikipagtulungan ng City Human Resource Management Office o CHRMO.

Layon ng aktibidad na mapunan ang supply ng dugo sa City Blood Center para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.

Dagdag pa dito ay hikayat naman ng City Blood Center ang lahat na qualified na mag-donate ng dugo na gawin ito dahil maliban sa makakatulong na madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan nito, makabubuti din ito sa kalusugan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY ( February 1, 2024) – Simula sa February 5, ay maglalagay ng Social Welfare Desk Officer ang CSWDO sa bawat barangay ng lungsod.

Layun ng programa na mas mailapit pa ang mga serbisyo ng City Social Welfare and Development Office sa mga mamamayan lalo na yaong mga nakatira sa malalayong komunidad.

Tutulong ang mga nakatalagang Social Welfare Desk Officers para sa mas madali at mabilis na serbisyo dahil mayroon silang mesa sa bawat barangay hall kung saan doon na lang idudulog ng publiko imbes na sa mismong tanggapan ng CSWDO pupunta na may kalayuan din sa kanilang lugar.

Mas magiging magaan na para sa mga constituents ng City Government ang pagkuha ng serbisyo mula sa CSWDO tulad na lamang ng aplikasyon at pagpo-proseso ng mga identification cards para sa Persons with Disabilities o PWD, senior citizens, single parents, indigents at iba pa.

May saktong kaalaman na rin sa batas ang mga itatalagang Social Welfare Desk Officers na tatanggap at makikinig sa mga hinaing ng ilang mamamayan saka magbibigay ng payo sa kung papaano mabibigyang solusyon (sa pamamagitan ng tulong ng pamahalaan) ang kanilang mga suliranin.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (February 1, 2024) – Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang Groundbreaking Ceremony para sa kabuuang 405-meter Road Concreting, Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC at Slope Protection Installation Project sa Brgy. Meohao, partikular na sa Purok Mangosteen at Purok Mangga sa nabanggit na barangay nitong araw ng Huwebes, February 1.

Nais ng alkalde na ipatupad ang konkretong daan sa iba’t ibang barangay ng siyudad upang mas matagal mapapakinabangan ng residente at ng darating pang henerasyon.

Mainit ang pagtanggap ng mga opisyales ng barangay at mga residente sa nasabing proyekto.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (February 1, 2024) – MAKAKAPAG-ENSAYO na ng maayos ang mga estudyanteng naglalaro ng football sa Calaocan Elementary School ng barangay Paco ng lungsod, matapos tuparin at ibigay ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang kanilang hiling na ‘football goal’.

Hapon ng Huwebes, February 1, personal na ibinigay mismo ng alkalde ang goal na gagamitin ng mga bata sa football.

Kung noon ay yari lamang sa kawayan ang kanilang goal, ngayon ay gawa na sa bakal at may kasama pang net na ginawa naman ng mga kawani ng Office of the City Engineer.

Malugod na tinanggap ng pamunuan ng eskwelahan sa pangunguna ni Calaocan Elementary School Principal Glenn Tupas, mga guro, mag-aaral at mga opisyal ng Parents Teachers Association o PTA ang binigay ni Mayor Evangelista para sa mga bata.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (January 31, 2024) DALAWAMPU AT SIYAM (29) na violators ng City Ordinance number 18-1211 o ang pagbabawal na manigarilyo o mag vape sa mga pampublikong lugar, ang sinita at pinagmulta ng Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement (KIDCARE) Unit.

Nakapaloob ito sa KIDCARE Unit Apprehension Report na may petsang January 17-24 kung saan ginawa ang panghuhuli sa mga lumabag ng naturang ordinansa sa iba’t-ibang lugar sa Kidapawan City.

P1,500 para sa first offense, P 3,000 sa second offense at P5,000 para sa third offense ang naghihintay na kabayaran sa mga violators ng ordinansa.

Samantala, may isang bar naman sa Jose Abad Santos Street ng Barangay Poblacion ang sinita at inisyuhan ng citation ticket ng KIDCARE Unit dahil na rin sa pagtitinda nito ng nakalalasing na inumin na lagpas na sa itinakdang oras.

Basehan nito ang City Ordinance Number 15-1061 o An Ordinance enacting the Kidapawan City Public Safety, Security, Peace and Order of 2015.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (January 31, 2024) KAHIT KASAMBAHAY AY MAY KARAPATAN DIN.

Mahalagang impormasyong nagmula sa Department of Labor and Employment o DOLE na ipinagbigay alam sa labindalawang (12) mga kasambahay na taga Kidapawan na napili ng ahensya na mabigyan ng kaalaman sa pagdiriwang ng Araw ng Kasambahay sa buong bansa kahapon araw ng Martes, January 30.

Ibinahagi ng DOLE sa mga kalahok ang ilang mahahalagang probisyon ng Republic Act 10361 o Batas Kasambahay na dapat malaman ng mga namamasukan bilang domestic workers o kasambahay sa mga households sa isinagawang Technical Learning Session ng programa.

Ilan lamang sa mga panauhin sa okasyon ay sina City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, DOLE XII Regional Director Joel Gonzales, DOLE Cotabato Field Office Head Ernesto Coloso, iba pang opisyal ng DOLE at Public Employment Services Office (PESO) ng City Government of Kidapawan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 30, 2024) – Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa ipapagawang Road Concreting, Slope Protection, Open Canal at Reinforced Cement Pipe Culvert o RCPC Installation sa mga barangay ng Balindog at Lanao ng lungsod nito lamang araw ng Martes, January 30, 2024 bilang tugon sa suliranin ng mga residente sa kanilang daan.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente dahil mas mapapabilis nito ang pagpapalabas ng kanilang produkto papunta ng merkado at ang pagpasok ng kaunlaran sa kanilang mga lugar.

Inaasahan namang magagamit na ang mga proyektong ito sa Hunyo ng taong kasalukuyan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 30, 2024) – Isa sa pangunahing prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ang pagsiguro sa kapayapaan at kaayusan sa lungsod kung kaya ito’y nakikipagtulungan sa Kidapawan City PNP para mas mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad.

Upang mas maging mabisa ang tauhan ng Kidapawan City PNP sa pagpapalaganap ng batas at kaayusan sa lungsod ay sumailalim sila sa Gun Safety Orientation at Firearms Marksmanship and Proficiency Training sa Brgy. New Corilla, Makilala na pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at Kidapawan City Chief of Police PLtCol. Dominador L. Palgan, Jr. nitong araw ng Martes, January 30, 2024.

Bilang tulong sa pagpapabuti ng shooting and marksmanship skills ng kapulisan ay sinagot ng alkalde ang gastusin nila sa ammunition at pagsasanay upang masigurong ang lahat ng tauhan ng Kidapawan City PNP ay well-trained at handang rumesponde sa ano mang uri ng kriminalidad sa lungsod sa lahat ng pagkakataon.

Giit pa ng Alkalde na sa pamamagitan nito ay mas lalaki ang kumpyansa ng kapulisan sa kanilang kakayahan na masiguro ang kaligtasan at katiwasayan ng pamumuhay ng publiko.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 30, 2024) – Ginhawa ang hatid ng KDAPS Expand Health Services sa mahigit dalawang daang (224) residente ng Purok Tambis, Kanapia Subdivision ng Barangay Poblacion ng lungsod.

Mga Health Services gaya ng libreng tuli, nutritional needs para sa buntis at mga bata, laboratory services tulad ng ultrasound, urinalysis, random blood sugar, dental services o pabunot ng ngipin, consultation at pharmacy.

Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista at mga health services providers ng City Health Office ang KDAPS Expand Health Services.

Kung ang KDAPS (Kabaranggayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo) ay ginagawa sa mga barangay noon, simula ngayong taon ay ipatutupad na rin ito sa mga pamayanan sa lungsod para mas mailapit pa sa mga residente ang serbisyo, proyekto at programa ng City Government.

thumb image

Kidapawan City [January 30, 2024] – Humanga si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista sa dalawampu’t isang (21) mga IP mula sa ibat ibang barangay ng lungsod na nagtapos ng Vocational Training Program at Alternative Learning System Skills Training Program na ginanap sa Notre Dame of Kidapawan College (NDKC) noong sabado, January 27, 2024.

Kabilang sa mga kursong tampok sa Vocational Training at ALS ay Dress Making, Small Metal Art Welding, Hotel and Restaurant Services, Beauty Care at Computer Literacy.

Makakatulong ang mga nabanggit na mga kurso upang magkaroon ng kabuhayan ang mga IP na nagtapos sa pamamagitan ng nabanggit na programa.

Nangako naman si City Mayor Evangelista na magbibigay pa ng dagdag na livelihood kits ang City Government bilang dagdag na tulong sa mga nagtapos upang mapalago ang kanilang kabuhayan.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio