KIDAPAWAN CITY (January 30, 2024) – Pinangunahan ni Liga ng Barangay ABC President Ricardo P. Reforial ang sesyon ng mga Punong Barangay ng lungsod kaninang umaga ng Martes, January 30.
Espesyal na bisita ng sesyon ng Liga ng Barangay si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, at mga department managers mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Social Welfare and Development Office, City Health Office, City Environment and Natural Resources Office, at Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.
Nagpaabot naman ng suporta si Mayor Evangelista sa bagong pamunuan ng Liga ng Barangay sa pamamagitan ng ipatutupad na mga proyekto sa kani-kanilang lugar ngayong taon.
Ipinag-bigay alam naman ng iba pang department managers na magpapatupad ng programa, proyekto at serbisyo ang kanilang mga tanggapan sa mga barangay sa mga susunod na araw.
KIDAPAWAN CITY (January 29, 2024) – Upang mas mapalakas ang kampanya ng Kidapawan City PNP laban sa kriminalidad ay nagbigay ang City Government of Kidapawan ng limang bagong units dito.
Ito ay kinabibilangan ng dalawang scooter type at tatlong on/off road motorcycles.
Ang mga ito ay pauna lamang sa dalawampung (20) units na ipinangako ng Lokal na Pamahalaan upang mas mapaigting pa ang police visibility sa lungsod, hindi lamang sa mga pangunahing lansangan, kundi gayundin sa mga liblib na mga lugar.
Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, umaasa syang paiigtingin pa ng mga kapulisan ang pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan sa lungsod.
KIDAPAWAN CITY (January 29, 2024) – Isa sa pangunahing problema ng mga residente at motorista sa mga liblib na parte ng barangay ay ang mga lubak at maputik na daan.
Bilang tugon sa problemang ito ay isinagawa ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, ang Groundbreaking ceremony para sa Road concreting, Slope Protection, at Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC Installation sa mga Barangay ng Paco, partikular na sa Sitio Caloocan at Purok 6 ng Brgy. Mateo.
Inaasahan namang magdadala ng kaunlaran sa lugar ang mga nabanggit na proyekto na mapapakinabangan na sa buwan ng Abril.
KIDAPAWAN CITY (January 29, 2024) – Sinimulan ngayong araw ang paglalagay ng Solar Powered Streetlights, partikular na sa Icdang Street ng lungsod.
Ito ay pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, kaugnay sa pinaigting na kampanya ng Lokal na Pamahalaan laban sa kriminalidad, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng lungsod.
Ayon kay City Mayor Evangelista, ang pondo para sa pagpapailaw sa mga lansangan ay mula sa 1.2M Peace and Order Fund.
Laking pasasalamat naman ng mga residente ng lungsod, dahil sa kapanatagang dulot ng proyekto.
KIDAPAWAN CITY (January 25, 2024) – Isinagawa ngayong araw ng Huwebes, January 25, ang Groundbreaking ng Road Concreting Project sa Barangay Sudapin ng lungsod.
Nagkakahalaga ng mahigit P13 Million (P13,034,000) sa isa’t kalahating kilometro (1,658.6 meters) na proyekto na magkukonekta sa Estaňol Subdivision – KCRP Habitat at Barangay Sudapin.
Isa lamang sa nabanggit ang mga kahalintulad na proyekto na ilalagak ng City Government na magbibigay benepisyo sa mamamayan at kaunlaran sa mga barangay ng lungsod, ayon pa kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista.
Ipinaabot naman ni Punong Barangay Jon Karl T. Sibug ang pasasalamat ng kanyang mga constituents sa City Government sa paglalagak ng naturang road concreting project sa kanilang lugar.
KIDAPAWAN CITY (January 25, 2024) – Tumanggap muli ng mahigit isandaang (118) kahon ng supply para sa Supplemental Feeding program ang City Government mula sa Regional Office XII ng Department of Social Welfare and Development o DSWD nitong January 24, 2024.
Direktang makikinabang dito ang mga day care pupils at mga bata na identified beneficiaries ng programa sa ilalim ng Special Nutrition Program o SNP ng City Government.
Kada dalawang linggo tumatanggap ng supply ng pagkain para sa mga bata ang City Government mula sa DSWD 12 simula November 2023 hanggang sa kasalukuyan.
Ilan lamang sa laman ng bawat kahon ay isang buong dressed chicken, dried dilis, preskong itlog, iba’t-ibang klase ng gulay gaya ng monggo, at iba pang masusustansyang pagkain.
Limang(5) beses isinasagawa ang supplemental feeding ng mga bata sa loob ng isang linggo na magtatagal ng 120 days para masiguro ang pagkakaroon nila ng sapat na nutrisyon upang lumaking malusog at malayo sa sakit.
KIDAPAWAN CITY (January 25, 2024) – Makikinabang at ginhawa ang hatid sa mga Indigenous People ng Purok 7, Barangay Ginatilan ang halos isang kilometrong (936 meters) road concreting project na ilalagak ng City Government sa kanilang lugar.
Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, kasama ang mga opisyal ng barangay, Sangguniang Kabataan at tribal leaders ang Ground Breaking Ceremony ng Road Concreting, Open Canal, RCPC Installation and Slope Protection Project ngayong umaga ng Huwebes, January 25.
Ipinaabot ni Punong Barangay Nesiolin G. Malinao, Sr. ang pasasalamat ng kanyang mga constituents kay Mayor Evangelista sa pagbibigay sa kanila ng proyekto dahil napakalaking benepisyo ito sa mga residente at motorista.
Mas makabubuting ilaan na lamang sa mga road concreting projects ang pondo na pampatayo ng bagong City Hall building, dahil mas mapapakinabangan pa ito ng maraming mamamayan, wika pa ni Mayor Evangelista.
Target ng kanyang administrasyon na magpatupad ng isang daang proyektong pang-imprastraktura sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ngayong taon.
KIDAPAWAN CITY (January 24, 2024) – Magtatagal na lang hanggang alas singko ng hapon sa araw ng Sabado, January 27 ang Business One Stop Shop (BOSS) sa loob ng City Gymnasium at Public Market. Dahil dito, pinapanawagan ng City Government ang mga negosyante na hindi pa nakapagrenew ng kanilang business permit na samantalahin ang pagkakataong ito.
Simula sa January 29, araw ng Lunes, ay babalik na sa kani-kanilang opisina ang mga nagpo-proseso ng business permits and licenses subalit magpapatuloy parin ang Business One Stop Shop sa BPLO.
Sa ngayon mahigit na sa apat na libo (4,051)(new application & renewal) ang nakapagproseso na ng kanilang business permit, ayon sa Business Permit and Licensing Office o BPLO ng City Government.
KIDAPAWAN CITY (January 24, 2024) – Bilang tugon sa hiling ng mga motorista at residente ng mga barangay ng Manongol at Perez para sa mas maayos na daan ay ipapakongreto ng City Government, partikular na sa Purok 4B hanggang Purok 2A ng Barangay Manongol at Sitio Bagong Silang patungong Sitio Embasi ng Brgy. Perez.
Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang groundbreaking ceremony para sa Road Concreting Projects na nagkakahalaga ng mahigit dalawampung milyong piso (Php 20 Million), na may kalakip na Reinforced Concrete Pipe Culvert o RCPC Headwall, Open Canal, at Slope Protection ngayong araw ng Miyerkules, January 24.
Malugod namang tinanggap ng mga opisyales at residente ang nasabing mga proyekto, dahil mapapadali nito ang pagtransport ng kanilang mga produkto.
Inaasahan namang matatapos ang mga proyektong ito sa buwan ng Mayo at Hulyo nitong taon.
KIDAPAWAN CITY -(January 23, 2024) SIYAMNAPUT DALAWA (92) na mga bagong Samsung Ultra High Definition TV sets na may kasamang Soundbox ang ibinigay ng City Government sa Schools Division ng Department of Education sa lungsod nitong hapon ng Martes, January 23.
Inabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista ang lahat ng 65 inches TV sets kay City Schools Division Superintendent Miguel P. Fillalan, Jr., CESO V at DepEd Kidapawan officials.
Ikinagagalak ng pamunuan ng DepEd Kidapawan ang pamimigay ng bagong telebisyon sa kanila ng City Government dahil makakatulong ang mga ito ng malaki na maintindihan pa ng mga bata ang kanilang leksyon.