Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

Kidapawan City – (December 11, 2023)
Nakatakdang magbigay ng kanyang ulat si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa City Gymnasium, bukas ng alas 9:00 ng umaga, December 12.

Sa kanyang year-end report, inaasahang iisa-isahin ng alkalde ang mga programa at proyekto- na naipatupad na, at kasalukuyang ipinatutupad pa- ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon at limang buwang panunungkulan sa City Hall.

Kabilang dito ang tungkol sa Luntian Rice, kung saan nagbibenta ang LGU sa mga barangay ng P25 kada kilo na bigas; ang pagsasaayos sa mga telephone at cable wires sa mga pangunahing kalsada; Road and Box Culvert Projects, at Canopy’25 o ang tree growing initiative nito.

Inaasahan ding iuulat ni Mayor Pao sa publiko ang kanyang mga plano, programa at proyekto para sa nalalabing isang taon at pitong buwan pa nya na panunungkulan.

Kasabay ng year-end report ng alkalde ang selebrasyon naman ng Barangay Day.

Kanina, nagbigay na ng paunang ulat, simula buwan ng Enero hanggang unang linggo ng Disyembre ng taong kasalukuyan, ang sponsor ng flag ceremony- mula sa Civil Security Unit (CSU), Traffic Management and Enforcement Unit (TMEU), at Kidapawan City Anti Vice Regulation Unit (Kidcare).

thumb image

KIDAPAWAN CITY- (December 9, 2023)
Nagsilbing Santa Claus si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa Christmas Party celebration ng mga Barangay Health Workers (BHW) sa City Health Complex, kahapon, December 8.

Tumanggap ng tig 10 kilong premium rice mula sa alkalde ang higit dalawandaang (292) mga BHW.

Tumanggap din ng tig P20,000.00 cash, bilang pabaon, ang lima sa kanila, na magreretiro na sa serbisyo.

Laking pasalamat ng mga retirees na sina: Letecia Murados (Brgy. Katipunan, 31 years in service), Martha Eting (Brgy. Malinan, 26 years in service), Minerva Obenza (Brgy. Sikitan, 27 years in service), Virginia Romerde (Brgy. Singao, 34 years in service) at Pilar Bugtuan (Brgy. Kalaisan, 34 years in service), sa tinanggap na maagang pamasko mula sa City Government.

Nagpasalamat din si Mayor Evangelista sa serbisyo ng mga BHW sa kani-kanilang mga kabarangay at tiniyak na patuloy nyang susuportahan ang mga ito, sa kahit na anong paraan, upang mas maging epektibo pa sa kanilang panunungkulan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ ( December 7, 2023) Pinarangalan ng City Government ang mga natatanging Child Development o Day Care Workers at mga Barangay Councils for the Protection of Children o BCPC sa kanilang mahalagang kontribusyon sa pagpapalago ng mga bata sa ginanap na Culmination Program ng 31โ€™st National Childrenโ€™s Month sa lungsod nitong Martes, December 5.

Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang pagbibigay gawad sa mga Child Development Workers at BCPC.

Ang mga kinilala bilang Most Outstanding Child Development Workers ay sina: 1) Emily J. Genterone – Most Outstanding Child Development Worker (CDW) in the Search for the Most Outstanding Child Development Worker, achieving an average performance rate of 86%; 2) Evelyn Anub – Exceptional Child Development Facilitator (Special Award); 3) Emily Anfone – Best in Documentation (Special Award); 4) Amalyn C. Alquiza – Exemplary Partnership (Special Award).

Kinilala naman bilang Most Functional Barangay Council for the Protection of Children sina: 1) Barangay Linangkob – FIRST PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 87%; 2) Barangay Perez – SECOND PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 83%; 3) Barangay San Roque – SECOND PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 83%; 4) Barangay Magsaysay – THIRD PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 81.50%; 5) Barangay Paco – THIRD PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 81.50%; 6) Barangay Kalasuyan – FOURTH PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 81%; 7) Barangay Ginatilan – THIRD PLACE in the Search for the Most Functional Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) 2023, attaining an IDEAL FUNCTIONALITY rate of 80.6%.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ ( December 7, 2023) Halos kalahating milyong (P497,610.00) halaga para sa pagpapatayo ng isang karinderya at pagawaan ng hollow blocks ang tinanggap na kapital mula sa Department of Labor and Employment at City Government ng 17 magulang ng Child Laborer sa Brgy Indangan dito sa lungsod.

Iniabot ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, kasabay ng Flag raising ceremony sa City hall nitong December 4, ang tseke para sa mga beneficiaries na miyembro ng Nagkakaisang mga Magulang ng mga Batang Manggagawa.

Nagmula sa DOLE ang pondo at ang City Government naman ang nag facilitate para makatanggap sila ng tulong pangkabuhayan.

Sa pamamagitan nito, hindi na mapipilitang magtrabaho ang kanilang mga anak sa kanilang murang edad at maitutuon nalang ang atensyon sa pag-aaral.

thumb image

Kidapawan City – (December 6, 2023)
Mas naging makulay at makabulohan pa ang selebrasyon ng ika-58th Founding Anniversary sa Barangay Balabag, kahapon, dahil sa dinalang iba’t-ibang libreng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan doon, kahapon, December 5.

Sa outreach programa na, Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS) ng City Government, nagkaroon ng pagkakataon ang mga residente na makapagproseso ng dokumento sa mga opisina ng City Hall, katulad ng Office of the Building Officials (OBO), City Legal Office, Public Attorneys’ Office (PAO), City Civil Registrar, at City Assessor’s Office.

Sa kabuuan, higit isanlibo (1,525) residente ang naserbisyohan, di lang ng mga departamento ng City Hall kundi pati narin narin mga National Government Agencies kagaya ng Philippine Statistucs Authority (PSA), National Bureau of Investigation (NBI), Social Security System (SSS), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Internal Reveneu (BIR), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Envornment and Natural Resources (DENR).

Maliban sa mga bata, natuwa din sa pagkain ng masarap na champorado at arrozcaldo ang bawat isang naroon.

Animnapo (60) ding bata ang tumanggap ng libreng school bags mula kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.

Siyam (9) na magkasintahan din ang nabiyayaan ng libreng kasal.

Nagkaroon din ng Mini-Merkado Kidapaweno sa lugar, kung saan makakabili ng mga sariwang gulay, isdang tilapia, at bigas (sa halagang P25 kada kilo).

Ang Barangay Balabag ay mayroong 2,069 na populasyon base na sa 2020 Census ng PSA.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (December 6, 2023)
May gusali nang magagamit ang higit tatlumpong (38) mag-aaral sa day care sa Purok Pag-asa, Barangay Balabag, matapos iturn-over sa kanila ng Lokal na Pamahalaan ang Child Development Center facility, kahapon, kasabay ng pagtatapos ng National Children’s Month Celebration.

Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, na nanguna sa paghahabilin ng pasilidad sa pamamahala ng mga opisyal sa barangay, mahalaga para sa mga bata na sa kanilang murang edad, mahikayat sila na mag-aral upang matuto kung kaya’t kailangang mabigyan ng atensyon ang edukasyon ng mga bata, lalo na yaong mga nakatira sa malalayong lugar kagaya nito, upang magkaroon sila ng maliwanag na kinabukasan pagdating ng araw.

Ang pondong ginamit sa proyekto ay nagmula sa Local Council for the Protection of Children o LCPC.

Maglalaan din ng P200,000 ang alkalde para sa pagpapapintura at pagpapalagay ng tiles sa sahig pasilidad para mas lalong kumportableng gamitin ng mga bata.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (December 5, 2023)
Nakatuon sa Rights to Survive, Self-Development, Protection and Participation ng mga bata ang mahigit kalahating oras na State of the Childrenโ€™s Address ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa City Gymnasium, kaninang ala 1:00 ng hapon.

Ito ang siyang pinaka-highlight sa selebrasyon ng 31st National Childrenโ€™s Month sa lungsod.

Giit ng alkalde, habang nasa sinapupunan pa lamang ang isang bata ay nagsisimula na rin ang kanyang Survival Right, kung saan katuwang ng kanyang magulang ang City Government sa pamamagitan ng pag-aaruga sa kalusugan.

Ang Self-Development naman ay sa pamamagitan ng pagbibigay subsidiya at learning devices ng City Government sa mga Child Development o Day Care Centers para mapalago ang literacy at moral values ng mga bata.

Habang ang Rights to Protection ay nakatutok sa pagtitiyak na ligtas ang mga bata sa ano mang uri ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang tahanan, paaralan, komunidad at sa social media, ayon pa sa report ni Mayor Evangelista.

Binibigyan din ng pagkakataon ang mga bata na maging aktibo bilang bahagi ng kanilang Rights to Participation sa mga programa ng pamahalaan na naglalayung paunlarin ang pamayanan sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga opinyon at desisyon sa mga usapin ng lipunan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – ( December 5, 2023) Higit pitong daan (718) na mga rice farmers, na may palayang dalawang ektarya pababa, ang nabigyan ng cash card nung Huwebes, November 30.

Ang cash card ay magagamit para makatanggap sila ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

Nanguna sa distribusyon ng cash card ang taga Office of the City Agriculturist, Development Bank of the Philippines, at USSC remittance company.

Una ng tumanggap ng paunang P5,000 rice assistance ang mga magsasaka noong nakaraang buwan ng Marso, mula sa Rice Assistance Fund ng Department of Agriculture.

Ida-download ng DA ang mga susunod pang tulong para sa mga rice farmers sa pamamagitan ng cash cards na kanilang tinanggap, at mawi-withdraw sa mga ATM Machines ng DBP.

thumb image

KIDAPAWAN CITY โ€“ (December 5, 2023)
Ipinapaalam ng City Treasurer’s Office (CTO) sa lahat ng mga mamamayan ng lungsod, na magbubukas sila tuwing araw ng Sabado at Linggo ngayong buwan ng Disyembre para mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakabayad ng kanilang buwis (business at real property) para sa taong ito.

Bukas mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon ang CTO, pati na ang mga collection offices nito sa Mega Market at Integrated Transport Terminal, sa mga sumusunod na araw:

December 9, 2023 (Sabado)
December 10, 2023 (Linggo)
December 16, 2023 ( Sabado)
December 17, 2023 (Linggo)
December 23, 2023 (Sabado)
December 30, 2023 (Sabado/Rizal Day)

Pero sa December 24 at 31 ay sarado ang CTO para mabigyan naman ng pagkakataon ang mga kawani nito, na magdiwang sa bisperas ng pasko at bagong taon, kasama ang kani-kanilang pamilya.

Maaari rin namang magbayad ng business tax sa pamamagitan ng GCash o kaya naman ay sa Linkbiz portal ng Landbank of the Philippines.

thumb image

Kidapawan City – (December 04, 2023)
Pinuri ng City Government, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, ang anim na K9 handler, sa flag ceremony sa City Hall, kaninang umaga.

Tumanggap ng Certificate of Commendation sina Ruel Renegado, Warren Gallanas, Alfred Manso, Noli Meloren, Allan Masaglang, at Romel Canson dahil sa ipinakita nilang kagitingan sa agarang pagresponde kung kaya’t napigilan ang pagsabog ng isang hand grenade na iniwan sa isang kainan (Humprey’s Halo-Halo Dine) sa lungsod noong Nobyembre 12, 2023.

Umaasa ang alkalde na maging modelo sila sa kanilang mga kasamahan at sa komunidad, lalo na sa pagsugpo sa mga banta sa seguridad ng lungsod.

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio