KIDAPAWAN CITY β ( November 16, 2023)
Nasa apat naraan at pitumpong (470) residente ng lungsod, na mayroong hindi bababa sa 100 square meters na fish pond, ang tumanggap na ng fingerlings ng isdang tilapia at hito mula sa City Government.
Ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist, kasama na sa bilang na ito ang tatlumpong (30) na mga residente ng mga Barangay Sikitan, Meohao, Balabag, Ilomavis, Paco, Binoligan, at San Isidro, na mga miyembro ng Fisherfolks Association, nitong mga araw ng Martes at Miyerkules (November 14 at 15, 2023) ang nakatanggap ng tulong.
Layunin ng programa na mabigyan ng kabuhayan ang mga benepisyaryo, habang nakakatulong din sa isinusulong na food sufficiency program ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista.
Kung saan, ibinebenta sa Merkado Kidapawenyo kada araw ng Sabado ang mga locally produced na tilapia mula sa mga mangingisdang benepisyaryo ng programa.
Katuwang ng City Government sa programa ang Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC.
Isandaan at lima (105) pa na mga residenteng nagmamay-ari ng fishpond sa lungsod ang nakatakdang makatanggap ng tilapia at hito fingerlings sa susunod na mga araw.
KIDAPAWAN CITY β (November 15, 2023)
Tumanggap ng mga itlog, karneng manok, isda, mga gulay, at groceries ang mga tagapangasiwa ng isandaan at apat (104) na Daycare Centers mula sa apatnapung (40) Barangay sa lungsod, sa City Pavilion, kanina.
Kaugnay ito ng Supplemental Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) XII, katuwang ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO, sa pakikipagtulungan ng City Nutrition Office o CNO, upang tugunan ang undernourishment o kakulangan sa nutrisyon, taas na di angkop sa edad, at sobrang kapayatan na di angkop sa taas ng mga mag-aaral ng Daycare.
Ang feeding program ay magtatagal hanggang sa buwan ng Abril 2024 o sa loob ng isandaan at dalawampung (120) araw.
Kung kaya, dalawang beses sa isang buwan ang bigayan ng suplay.
Maghahatid din ng gatas at complimentary nutritious curls, na gawa sa bigas at monggo na manggagaling sa Complimentary Feeding Production Center ng LGU sa Brgy. Magsaysay, kada linggo.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas magiging malusog at maliwanag ang kinabukasan ng mga kabataan sa kanilang murang edad.
KIDAPAWAN CITY- (November 15, 2023)
Bukas, November 16, at sa Biyernes, November 17, nakatakda ang groundbreaking para sa ilalagay na traffic lights sa dalawang pangunahing intersections ng lungsod.
Sa dalawang intersection sa kahabaan ng Quezon Boulevard (partikular na sa may bandang Warehouse at bandang Iglesia ni Cristo) nakatakdang ilagay ang traffic lights na may kalakip na Closed Circuit Television o CCTV at Command Center, para masubaybayan ang daloy ng trapiko at posibleng aksidente o banggaan sa kalsada.
Sa May 2024, inaasahang matatapos ang installation at magagamit na ng mga motorista ang traffic lights.
Ayon kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, una pa lang ito sa serye ng ilalagay na traffic lights sa lungsod, bilang paghahanda sa pagpasok ng marami pang mamumuhonan.
KIDAPAWAN CITY- (November 13, 2023)
Abala na ang mga partisipante sa kanilang ginagawang Christmas Village sa City Plaza, para sa “Christmasaya sa Plaza: White Christmas Village Competition” ng Lokal na Pamahalaan.
Ibibida ng bawat partisipante sa kanilang Christmas Village Entry ang 10ft na Christmas Tree.
Limampung (50) entries ang magpapatalbugan sa kompetisyon mula sa Government, Non-Government Organization (NGO), at Pribadong mga Institusyon sa lungsod, na hinati sa dalawang kategorya: ang Category A (para sa mga business owners, establishments, corporation, associations, institutions, barangay districts, at government at non government agencies); at Category B (para naman sa LGU inter-departments and/or merged small departments).
Magkakaroon ng dalawang beses na judging: ang unang round ay isasagawa sa Festival of Lights 2023 Ceremonial Lights On, na gaganapin ngayong Disyembre 1; habang ang pangalawa at final round naman ay isasagawa sa Disyembre 27.
P200,000.00 ang naghihintay na premyo para sa mananalo sa kompetisyon sa Category A, P100,000.00 naman para sa Category B. Makakatanggap din ng cash prize na mula P150,000.00 hanggang P60,000.00 ang second at third place.
At dahil ang pasko ay isa sa pinakamalaking selebrasyon sa buong mundo, noong 19th Century ay sinimulan ang Christmas Village.
Sa City Hall Lobby naman, inihahanda naring itayo ng City Government ang 12feet na Christmas Tree, na gawa sa plastic bottles.
KIDAPAWAN CITY- (November 13, 2023) Kinilala at pinarangalan ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, ang mga mag-aaral sa lungsod na nag-uwi ng karangalan sa kanilang mga sinalihang kompetisyon.
Kabilang dito sina Miko John Bilog at Juan Manuel Caigas, na idinekralang 2nd place sa 1kg Autonomous Sumo Robot Category sa katatapos lang na National Robotics Competition sa Davao City National High School nito lamang November 9.
Nakamit din nina Rynz Rhygor Borcelo at Richard James Mendoza, Jr. ang 3rd place at star award sa kanilang ginawang concept prototype na Automated Water System with Wireless Monitoring.
Silang apat ay kasapi ng Kidapawan City Pilot Elementary School (KCPES) Robotics Club.
Pinarangalan din ng City Government ang iba pang mag-aaral na lumahok sa nasabing kompetisyon, na kinabibilangan nina: Ethan Aricinth Clor De Arta Dumok, Jaden Karsten Ablen Santos, Alejandro Mathias Dizon Lim, James Kyle Sancha Gallano, Francis Arvie Juan Alboroto, Emmanuel James Naparan, Mhalaya Shalyanell Descargar, Elizabeth Lucille Villanueva, Kael Andrea Bibit, Zia Lorraine Bula Gutang, Hayley Cimagala Mabanag, Roseanne Camille Amisola, Shelcey Pugoy Butcon, Dwight Anthony Nullada, Styn Geoff Gorreon, Jasmine Reign Marie Fernandez Olay, Marguurette Allyna Serag Nayga, Yohan Baquiano Domingo, Jan Gabriel Melchizedek Gerhid Ajoc, Glenn Ean Dannielle Sayago Bedano, Venice Sophia Polancos Joaquin, Leighton Terri Gonzales, Alqueza, Fiana Rashina RobiΓ±os, Silorio, March Angela Gilacan, Daniella Clarisse Pigno, pawang mga mag-aaral ng KCPES, gayundin ang kanilang coaches na sina Mark Julius Bula, Minnie Caisic, Leni Montero, Annabelle Acosta at Darleen Miranda.
Nag-uwi naman ng kampeyonato ang mag-aaal ng Kidapawan City National High School na si Johanne CabaΓ±as at Coach na si Marilou Alag sa Regional Super Consumer Quiz 2023 ng Department of Industry o DTI kasabay ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month nitong October 24, 2023 sa General Santos City.
KIDAPAWAN CITY β ( November 13, 2023) Tinatayang higit P158,900,000 na o katumbas ng 138.24% ang Tax Collection Efficiency Rate ng City Government bago pa man magtapos ang taong kasalukuyan.
Ang halagang ito ay Over All General Fund Collection pa lamang, at hindi pa kasali dito ang Business Taxes, Special Education Fund, Real Property Taxes, City Integrated Transport Terminal at Market/Slaughterhouse, na nakapagtala rin ng mahigit sa 100% tax collection rate.
“Sa kabila ng natapyasang National Tax Allotment (dating Internal Revenue Allotment o IRA) na nakukuha ng lungsod mula sa National Government, nagpunyagi parin ang City Treasurerβs Office sa usapin ng koleksyon ng lokal na buwis,” wika pa ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa flag raising ceremony, kanina.
Tiniyak naman ng alkalde na patuloy na mapupunta sa makabuluhang mga proyekto ang buwis na nakokolekta ng Lokal na Pamahalaan.
Mananatiling bukas ang City Treasurer’s Office sa mga araw ng Sabado at Linggo sa buong buwan ng Disyembre upang mabigyan ng pagkakataon ang mga taxpayer na makapagbayad ng buwis para sa taong ito.
ππππππ₯ππ‘’π¦ π π’π‘π§π ππππππ₯ππ§ππ’π‘ π¦π πππππ£ππͺππ‘, πππ‘π¨ππ¦ππ‘ π¦π π£ππ ππ ππππ§ππ‘ π‘π π£πππ§ππ§ππ‘ππ π‘π π£π¨π‘π’
Kidapawan City – (November 11, 2023)
Dalawandaang (200) seedlings ng (unsa na kahoy?) ang itinanim ng mga kawani ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa tabi ng Creek sa Barangay Singao, bilang pagbubukas ng Children’s Month Celebration, ngayong araw.
Nakiisa din sa aktibidad ang mga miyembro ng City Council for the Protection of Children (CCPC), mga presidente ng bawat Barangay Children Association (BCA), mga batang representate ng iba’t-ibang organisasyon, at mga miyembro ng Kidapawan City Federation of BCA (KCFBCA), upang suportahan narin ang Greening Program na Canopy25 ng City Government.
Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Nobyembre ang Children’s Month sa bansa, na may hangaring mabigyan ang bawat batang Pilipino ng malinis na kapaligiran, maayos na edukasyon, at pangangalaga sa kalusugan, alinsunod sa Republic Act No. 10661 o National Children’s Month Act.
KIDAPAWAN CITY – (November 10, 2023)
Nanumpa kanina sa harap ni Presidential Assistant for Eastern Mindanao Sec. Leo Tereso A. Magno at City Government Officials, sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, sa City Gymnasium, ang anim na raan at apatnapong (640) mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Officials sa lungsod.
Ayon sa COMELEC, nung December 31, 2022 pa natapos ang termino ng kanilang mga papalitang opisyal sa barangay, kaya pagkatapos ng kanilang proklamasyon at pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE, maaari na kaagad silang umupo sa kani-kanilang posisyon.
Sa pinakahuling Supreme Court Ruling, uupo ang mga bagong halal na mga opisyal ng barangay hanggang sa taong 2025.
Ang barangay ay tinaguriang pinakamaliit na administrative division sa ating bansa.
KIDAPAWAN CITY – (November 9, 2023) Sabay-sabay na nag Duck, Cover, and Hold at maayos na nagsilabasan mula sa kani-kanilang mga opisina ang mga empleyado ng City Hall bilang pagtupad sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED kanina.
Alas 9:00 kanina, tumunog ang Siren, bilang hudyat ng pagsisimula ng earthquake drill.
Kasali sa NSED ang mga pampublikong paaralan, maging ang mga tanggapan ng gobyerno at pribado.
Panawagan ng Office of the Civil Defense at City Government, mas paigtingin pa ang kaalaman patungkol sa lindol at iba pang kalamidad ng maiwasan ang malawakang kasiraan at posibleng pagkawala ng buhay, sa pamamagitan ng seryosong pakikiisa sa mga isinasagawang simulation drills gaya ng NSED.
KIDAPAWAN CITY — (November 8, 2023)
Walumpu’t isang (81) mga magsasaka ng Barangay San Roque dito sa lungsod ang tumanggap ng abono, mula sa Department of Agriculture (DA) Regional Office XII, para sa kanilang palayan, kahapon.
Pinamahalaan ng City Agriculture Office (CAO) ang pamamahagi ng complete fertilizer at Urea, sa mga magsasaka na mayroong sinasaka na kalahating ektarya pataas.
Ayon kay Deliea Roldan, ang Rice Coordinator ng CAO, 119 na magsasaka ang benepisyaryo, pero 81 lang ang dumating. Kaya naman, ngayong araw ay ipagpapatuloy nila ang pamamahagi ng binhi ng palay sa mga ito sa Irrigator’s Association sa Barangay San Roque.
Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), namamahagi ng abono at binhi ang pamahalaan sa mga magsasaka sa bansa tuwing Wet Season (mula March 16 hanggang September 15) at Dry Season (mula September 16 hanggang March 15) bilang tulong sa kanila.
Dito sa lungsod, mayroong 1,236 na magsasaka, na nagsasaka sa 1,033.79 na ektaryang palayan, mula sa 23 rice barangays, na benepisyaryo ng programa.