KIDAPAWAN CITY โ (October 9, 2023) MALAKING TULONG kontra sunog ang bagong fire truck, na ibinigay ng Lokal na Pamahalaan, sa Bureau of Fire Protection o BFP sa lungsod. Itinurn-over ang bagong truck matapos ang blessing, kasabay ng flag ceremony kaninang umaga, Lunes, October 9, 2023.
Ayon kay FC/Insp. Marleap Nabor, ang City Fire Marshal, gagamitin nila ito bilang pangunahing taga responde sa mga insidente ng sunog hindi lang sa lungsod kundi pati narin sa mga kalapit na bayan.
Ang bagong Fuso Fire Truck, na binili ng LGU sa halagang, P2.1 Million mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund, ay may water capacity na 1,500 liters. Maliban sa malalaking sunog, malaki rin ang pakinabang nito sa mga insidente ng grass fires, dahil na rin sa mataas ang ground clearance ng bagong truck.
Pinasalamatan ng BFP ang Kidapawan City Government sa walang humpay na suporta nito sa programa ng kanilang departamento.
Ito na ang pang-anim sa fire truck ng City BFP sa kasalukuyan. ###(CIO/lrko)
Kidapawan City – (October 9, 2023)
Nakatakdang ayusin at pagandahin ng Lokal na Pamahalaan ang halos limang (5) ektarya na pampublikong Sementeryo sa Barangay Binoligan.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga residente, na may mga libing ng kamag-anak sa sementeryo, na makipag-ugnayan sa mga opisina ng Economic Enterprise Management Office (EEMO) o kaya sa Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) sa City Hall, para sa pagpapa-exhume o pagpapahukay ng mga ito upang malagyan ng tamang pangalan, bago ang paglilipat ng mga ito sa bone niches.
Ngayong October 27, 2023 nakatakdang isagawa ng City Government ang general exhumation o paghuhukay ng mga puntod at paglilipat ng mga remains ng mga sumusunod na pangalan ng mga yumao.
Kidapawan City — 682 na mga furparents ang nakinabang sa libreng ligation, castration at anti-rabies vaccination ng kanilang mga alagang hayop nitong Huwebes, September 28, 2023.
Umabot sa 1,108 na kabuoang bilang ng mga domestic animals ang nabigyan ng serbisyo kasabay ng selebrasyon ng World Rabies Day.
Layunin nito na maitaas ang kamalayan, at maisulong ang pagpapabakuna laban sa nakamamatay na rabies.
At upang matiyak ang tagumpay ng aktibidad at mas maraming kliyente ang mapaglingkuran, nakiisa din sa pagdiriwang ang mga kinatawan ng ibaโt-ibang ahensya at pribadong sektor, kagaya ng Therpyโs Vet Clinic, MFC Pet Life, Toledo-Dela Cruz Animal Health, Highlands Veterinary Clinic, Office of the Provincial Veterinarian o OPVET, Veterinary Medicine Students ng USM-Kabacan, at Feed Companies ng Pilmico at Pigrolac.
KIDAPAWAN CITY โ (September 19, 2023)
PUPUNAN ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang budget para sa mga Persons With Disability (PWD) dito sa lungsod. Tiniyak nya ito sa pagtitipon ng mga opisyal ng PWD City Federation, kamakailan lang.
Sa kasalukuyan kasi, tinatayang aabot hanggang P19M ang 1% ng CY 2023 Annual Budget na maaaring magamit para sa mga kaakibat na programa ng PWD.
Bibigyan ng City Government ng mga skills at technical training, livelihood, medical at social welfare assistance ang 3,232 na mga PWD sa lungsod, para na rin mas mapaunlad pa ang kanilang kakayahan, magkaroon ng kompyansa sa sarili at marangyang kabuhayan.
Pinag-aaralan din ngayon ng Sangguniang Panlungsod, ang pagpapasa ng isang ordinansa na tutugon sa mga pangangailangan ng mga PWD, kabilang na ang sasakyang magagamit para sa mga aktibidad ng PWD Affairs.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Rey Herrera, ang presidente ng City Federation of PWD.
Direktang ipinatutupad ng mga tanggapan ng City Social Welfare and Development, PWD Affairs, Office of the City Mayor, PWD City Federation at mga partner agencies ang mga programa patungkol sa pagpapaunlad ng mga PWD sa lungsod. ##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY (September 15, 2023) โ
MGA SERBISYO katulad ng birth registration, medical, dental at social services, mga serbisyong legal, pagpaparehistro at enrollment sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture, ilan lang ito sa dinala ng Lokal na Pamahalaan sa mga residente ng Barangay Sudapin nitong Biyernes, September 8, 2024.
Kabilang sa serbisyong handog ng LGU ang kasalan, kung saan mismong si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nangulo, para sa mga magsing-irog na matagal nang nagsasama.
Umabot sa 1,400 na mga residente ang nakabenepisyo sa outreach program na ito ng LGU na tinawag na, Kabarangayan Dad-an og Proyekto ug Serbisyo (KDAPS), na karaniwang isinasabay sa selebrasyon ng Founding Anniversary ng mga barangay.
Ang Sudapin ay isa sa malalaking barangay ng lungsod, na may 11,563 na populasyon (na nagrerepresenta sa 7.19% na kabuuang populasyon ng lungsod), base narin sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong taong 2020. ##(CIO/ra)
KIDAPAWAN CITY โ (September 13, 2023) TUMANGGAP ng libreng Physical Therapy (PT) Session ang dalawampung (20) Persons with Disability (PWD), kasabay ng pagdiriwang ng World PT Day sa Dizon Clinic, sa JP Laurel Street, Barangay Poblacion, nitong nakaraang Sabado, September 2.
Kabilang sa mga tumanggap ng libreng serbisyo, mula sa PWD Affairs Office, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), mga doktor at Physical Therapists, ang mga batang PWD mula sa Special Education Program o SPED ng Kidapawan City Pilot Elementary School.
โ Ang libreng PT session ay tulong natin sa mga kapatid nating PWDโs. Dahil may kamahalan ang pagpapa-therapy, nakipag coordinate tayo sa sektor ng mga physical therapists at malugod naman nilang tinanggap ang ating imbitasyonโ, wika pa ni Persons with Disability Affairs Officer Louie Quebec.
Nagpasalamat ang mga nakabenepisyong PWD sa programang ito ng City Government.
Maliban sa libreng PT session, tinuruan din ang ilang mga benepisyaryo ni Dr. Jan Nathleen Dizon, isang Physical Medicine and Rehabilitation specialist , lalo na yung mga may edad na, ng mga paraan upang maiwasan ang sakit na arthritis at mga paraan upang mapanatiling malusog at malakas ang kanilang pangangatawan.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (September 13, 2023) โSA OCTOBER 19 -28, 2023 PA ang panahon ng pangangampanya. โ
Ito ang paalala ni City Election Officer Atty. Noor Hafizullah Abdullah, sa lahat ng mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong October 30, sa isinagawang Candidates Briefing nitong Lunes, September 11, sa City Gymnasium.
Ang premature campaigning o maagang pangangampanya ay sisitahin ng Comelec. Kabilang dito ang paglalagay ng tarpaulin sa mga pribado man o pampublikong lugar, at maging sa social media.
Bawal ding tumanggap ng kontribusyon mula sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan dahil obligado ang lahat ng mga kandidato na ilagay ito sa kanilang mga Statement of Contributions and Expenditures o SOCE na isusumite sa Comelec hanggang sa November 29, 2023.
Bagamat hindi naman maituturing na election hotspot ang lungsod, nagpaalala parin ang Comelec na bawal ang negative campaigning laban sa ibang kandidato. Ipinatutupad parin ang gun ban, at may ipa-iiral na liquor ban sa October 29 hanggang 30.
Hinihikayat din ng Comelec ang publiko na ireport sa kanilang tanggapan ang mga maoobserbahang paglabag ng mga kandidato upang masita nila. ##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (September 11, 2023) NAGPAPASALAMAT si Relian Jean Sampilo dahil nakauwi na sya sa kanyang pamilya sa Purok 5, Barangay San Isidro, dito sa lungsod, sa tulong na rin ng Lokal na Pamahalaan dito.
Nakauwi ang 26 taong gulang na si Sampilo, isang household worker sa bansang Jordan, matapos lumapag ang kanyang sinasakyang eroplano sa Manila International Airport nito lang September 8, 2023.
Nitong nakaraang buwan ng Agosto, humingi ng tulong ang mga kaanak ni Sampilo kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista para maiuwi siya ng bansa, matapos ang kanyang aksidenteng pagkahulog mula sa ikatlong palapag ng gusali habang naglilinis sya ng bintana.
Naoperahan sa pagkakabali ng kanyang mga binti si Sampilo kung kaya at naratay ito sa isang ospital sa Jordan ng ilang linggo.
Inatasan ng alkalde si Rose Astudillo, ang City Public OFW Desk Officer (CPODO), na agad makipag-ugnayan sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa national at regional offices nito para maiproseso ang pagpapauwi sa bansa ni Sampilo.
Sinagot naman ng kanyang employer ang pagpapa-opera sa OFW.
At dahil nga sa kanyang maselang kalagayan, ipinasundo sya ng alkalde sa ambulansya ng LGU, kasama ni CPODO Astudillo at mga opisyal ng OFW Federation Incorporated, nitong September 9 sa Davao International Airport at hinatid sa kanyang tirahan sa Barangay San Isidro ng lungsod.
Tutulungan din ng City Government na maproseso ang tulong kabuhayan sa pamilya ng OFW, sa pamamagitan ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay Livelihood Assistance, habang nilalakad na rin ang medical assistance mula naman sa City Health Office para sa tuluy-tuloy na kanyang pagpapagaling.
Limang buwan pa lang na nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) si Sampilo sa bansang Jordan.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (September 6, 2023) NAGTIPON sa City Convention Center para sa Capability Enhancement Seminar ang 30 na mga miyembro ng Peopleโs Law Enforcement Board o PLEB, mula sa mga Local Government Units ng 2nd Legislative District sa lalawigan ng Cotabato, nitong Lunes, September 4, 2023.
Itinuro sa kanila ng taga National Police Commission (NAPOLCOM) Region XII, sa pangunguna ni Director Rodel Calo, sa seminar ang mga tamang pamamaraan sa pagtugon ng mas mahusay sa mga reklamong isinasampa ng publiko laban sa mga abusadong kasapi ng Philippine National Police (PNP), mga tamang batayan para sa pagsasampa ng reklamo at ang patas na proseso para sa pagdinig at pagtugon dito.
Ang PLEB, na karaniwang binubuo ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod/Bayan, o kayaโy Punong Barangay, ay isang check and balance mechanism, na binuo sa pamamagitan ng batas na Republic Act No. 8551 o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998, upang tugunan ang mga reklamo ng mga mamamayan laban sa mga abusadong miyembro ng PNP.
Ipinaalalahanan naman ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, ang mga miyembro ng PLEB, na mas maging responsable sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.
Dumalo rin sa seminar si Cotabato 2nd District Board Member Joseph Evangelista, laloโt sakop nya ang mga PLEB members mula sa mga bayan ng Makilala, Magpet, President Roxas, Antipas, Arakan, at Kidapawan City.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (September 4, 2023) PASADO SA Compliance Audit ng Commission on Audit (COA) ang City Government hinggil sa tamang paggamit nito ng 20% Economic Development Fund (EDF) para sa taong 2022.
Ibig sabihin kasi nito, tama at tugma sa itinatakda ng batas ang paggamit sa pondo ng City Government, base narin sa pagsusuring ginawa ng COA Regional Office XII.
Ikinagalak ito ni Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista dahil patunay aniya ito na tapat at mahusay ang paggamit ng public funds sa ilalim ng kanyang pumumuno.
Mula sa kabuuang 2022 Annual Internal Revenue Allotment o IRA na P1,257,782,466.00, akma ang naging paggastos ng City Government ng 20% na EDF galing sa IRA na nagkakahalaga ng P251,556,494.00, kung saan inilaan ito sa pagpapatupad ng mga pangunahing proyekto at programa para sa kaunlaran ng ibaโt-ibang sektor sa lungsod at pagbibigay ng mahusay na serbisyo-publiko para sa mga mamamayan.
Naging masunurin din ang City Government, sa hindi paggamit ng 20% para sa pasweldo ng mga empleyado, travel expenses at seminars, pagbili ng mga bagong sasakyan at kagamitan.
Basehan ng ginawang compliance audit ng COA ang Department of Budget and Management, Department of the Interior and Local Government at Department of Finance Joint Memorandum Circular No 1 dated November 4, 2020 o mas kilala bilang โRevised Guidelines on the Appropriation and Utilization of the Twenty Percent (20%) of the Annual Revenue Allotment for Development Projects.โ
Sinertipikahan at nilagdaan ni COA XII Acting Assistant Regional Director Atty. Abdul Gaffar R. Ali ang compliance audit na ginawa nito sa City Government. ##(CIO/lkro)