KIDAPAWAN CITY โ (September 1, 2023) WELCOME DEVELOPMENT para sa City Government ang kahilingan ng Simbahang Katolika na magkipagtulungan sa usapin ng Climate Change.
Nagpadala ng liham ang Diocese nitong August 18, 2023 kay City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista upang gawing kabalikat nito sa kanilang programang Integral Ecology Ministry, kung saan kabilang sa mapag-uusapan ang mga maaaring solusyon sa climate change.
Ayon pa kay Bishop Colin Bagaforo, DD., layon ng Diocese na isama, ang pangangalaga sa kalikasan, sa kanilang ginagawang pagpapalaganap sa mga turo ng simbahan.
Umaasa din ang Diocese na mabibigyan sila ng seedlings ng ibaโt-ibang uri ng puno, para maitanim ng mga miyembro nito, sa mga lugar na sakop ng mga GKK o Gagmayโng Kristohanong Katilingban at mga barangay.
Isinusulong din nila ang mga backyard gardens tulad ng pagtatanim ng ibaโt-ibang klase ng gulay at fruit trees sa mga komunidad.
Positibo ang City Government na maisasakatuparan ang partnership lalo na at alinsunod ito sa flagship program ni Mayor Evangelista, na Canopy25, kung saan target nito na makapagtanim ng 2.5 Million na bilang ng puno sa lungsod, bilang proteksyon sa kalikasan at para narin sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (August 31, 2023) Tumanggap ng parangal mula sa Bureau of Fire Protection Region (BFP) XII si City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista bilang pagkilala sa kanyang ipinaabot na suporta at kontribusyon sa paghahatid ng basic fire services at pagsasakatuparan ng mga programa at mandato ng ahensya.
Kabilang sa mga ito ang pagpapatayo ng Client Service Area sa loob ng LGU compound na nagkakahalaga ng P126,416; isang unit ng firetruck na nagkakahalaga ng P2.8M; dalawang bagong unit ng motorsiklo (Honda Click 125cc), na nagkakahalaga ng Php. 236,000; emergency accessories para sa pagsasagawa ng Fire Safety Inspection, Fire and Arson Investigation at at koordinasyon ng ahensya sa mga barangay officials, na nagkakahalaga ng Php. 36,000; PPEs at Apparel; at Fire Sub-Station sa Brgy. Paco, na naitayo sa pakikipagtulungan ng AV Lumbayan Trading sa halagang P532, 241 na pundo.
Tinanggap ng alkalde ang parangal nitong August 16, 2023 kasabay ng selebrasyon ng 2nd BFP Anniversary, na ginanap sa Acacia Hall, Cinco Niรฑas, sa Koronadal City, South Cotabato.
(By: Vonkluck Herrera, City Information Office)
KIDAPAWAN CITY – (August 18, 2023) MAS PANGALAGAAN PA ANG KALIKASAN upang may maa-aning prutas at biyaya galing sa Poong Maykapal.
Ito ang ipinabatid ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kung saan siya ang panauhing pandangal sa culmination program ng Kasadya sa Timpupo 2023.
Saganang ani ng prutas, sari saring gulay, at iba pang pananim ay resulta umano ng pangangalaga ng mga Kidapawenyo sa kalikasan, ani pa ng senador.
Likas ang lungsod sa magandang klima, masarap at malinis na tubig at higit sa lahat ay mataba ang mga lupaing nasa paanan ng Bundok Apo kung kaya at sagana ito sa matatamis na prutas, wika pa ni Dela Rosa.
Pinuri din niya si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa mahusay at maayos na pamamalakad sa lungsod kung kaya at patuloy pa ang pag-unlad nito sa kasalukuyan at sa hinaharap. Batid ng lahat ang pangunguna ng City Government sa pangangalaga ng kalikasan at isa rito ang itinatag ni Mayor Pao Evangelista na Canopy 25 project na kasalukuyang pagtatanim ng 2.5 Million trees.
Sa kanyang mensahe, sinabi naman ni Mayor Evangelista na noon pa niya pinapangarap na gawing mas makulay ang pagdiriwang ng Timpupo para sa lahat. Pinasalamatan din ng butihing alkalde ang mga fruit growers at producers ng lungsod sa kanilang malaking nai-ambag sa tagumpay ng pagdiriwang.
Matapos ang culmination program ay pinangunahan nina Senador Dela Rosa, Mayor Evangelista, at lahat ng mga lumahok na mga local officials ang pinakatampok sa Kasadya sa Timpupo, ang halos isang kilometro at libreng Fruits Eat All You Can sa islands ng Quezon Boulevard na pinagsaluhan ng libo-libong mamamayan.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (July 24, 2023) MULING IPINAGBIGAY ALAM ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paninigarilyo sa lungsod ng Kidapawan.
Ibinalita ng alkalde na bumaba na ang bilang ng mga nahuhuling violators na Anti-Smoking and Vaping Ordinance at iba pang uri ng bisyo. Nitong mga nakalipas na araw ay abot na lamang sa 38 violators ng Anti Smoking and Vaping Ordinance ng lungsod ang nahuli ng KIDCARE Unit ng City Government. Lahat ng 38 na lumabag sa pagbabawal ng paninigarilyo o pag gamit ng vape ay magbabayad ng kaukulang penalidad sa City Government ayon na rin sa isinasaad ng naturang ordinansa. Nahuli sa akto ang mga nabanggit na nanigarilyo at nag vape sa mga lugar na hindi designated smoking area, ayon pa sa pamunuan ng Kidapawan City Anti-Vice Regulation and Enforcement Unit o KIDCARE.
Binigyang diin ni Mayor Evangelista na istrikto pa ring ipinapapatupad ang City Ordinance number 18-1211 na inamendahan sa pamamagitan ni City Ordinance No. 1363 na nagbabawal sa paninigarilyo, paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar pati na rin ang pagbebenta ng mga ito.
Maliban sa paninigarilyo sa mga lugar na hindi designated smoking area, ay bawal din ang pagbebenta ng sigarilyo at vape sa distansyang 100 metro mula sa mga eskwelahan, mga business establishments na may no smoking signs, pagbebenta ng sigarilyo at vape ng walang business permit, at pagtitinda ng mga ito ng mga ambulant vendors.
Pagmultahin ng hanggang P5,000 ang sinumang violator paulit-ulit nang nahuling lumabag ng Anti-Smoking and Vaping Ordinance at pagkakakumpiska ng business permit ng mga establishments na mapapatunayang pumayag sa paninigarilyo sa kanilang tindahan sa kabila ng mahigpit na pagbabawal nito. Ang multa para sa first offense ay P1,500 plus apat na oras na seminar hinggil sa health risk ng paninigarilyo habang P3,000 naman ang para sa second offense at apat na oras na seminar at isang buwan na suspension ng business permit ng lumabag na establishment.
Nais ni Mayor Evangelista na maging disiplinado ang lahat at sumunod sa mga itinatakdang batas. Hinihikayat din nya ang publiko na isumbong sa mga otoridad ang mga lumalabag sa mga Anti-Smoking Ordinances ng Lungsod. ##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (July 24, 2023) TINIYAK ng City Government na mabibigyan ng access ang hanay ng mga Persons with Disabilities o PWDโs sa usapin ng mga pangunahing serbisyo at programa.
Ito ang buod ng mensahe ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista para sa mga PWDโs sa pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
May nakalaang mga programa katuwang ang mga partners ng City Government mula sa national line agencies pati na sa pribadong sektor para sa mga may kapansanan, ani pa ni Mayor Evangelista.
Patunay nito ang mga ipinapatupad na programa tulad na lamang ng pamimigay ng mga ambulatory assistive devices gaya ng wheel chairs, mabilis na pagkuha ng mga personal documents tulad ng birth certificate at iba pa mula sa National Statistics Authority, scholarship and skills training programs mula sa Technical Education and Skills Development Authority, mga social interventions mula sa Department of Social Welfare and Development at mga health services mula sa Department of Health. May inilaang priority lanes ang pamahalaan para mas madali at mabilis na makatanggap ng serbisyo ang mga PWDโs base sa Magna Carta for Persons with Disabilities.
Nais din ng City Government na maging produktibo ang mga PWDโs sa kabila ng kanilang mga kapansanan, dagdag pa ni Mayor Evangelista. Sa kasalukuyan, ay aktibo ang City PWD Federation sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Mr. Reynaldo Herrera sa pagsegurong naipapatupad ng tama ang mga programa at serbisyong laan sa mga PWDโs.
Mayroon ding grupo para naman sa mga kababaihang PWDโs o ang Kidapawan City Empowered Women with Disability na siya namang tututok sa kalagayan ng mga babaeng PWDโs sa lungsod.
Kaugnay nito ay tumanggap ng P3000 na stipend ang may mahigit sa 300 na PWDโs mula sa City Government na dumalo sa okasyon ng persons with disabilities week.
Nagbigay din ng wheel chairs, baston at bigas ang City Government sa mga identified recipients ng programa.
Highlight din ng okasyon ang oath taking ng mga opisyal ng City PWD Federation at Kidapawan City Empowered Women with Disability pati na ang PWD Olympics.##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (July 18, 2023) HALOS KADA BUHOS ng malakas na ulan noon ay umaapaw na kaagad ang tubig baha sa isang bahagi ng Malamote River sa tapat ng Lowisun Hardware sa Brgy Lanao dahil maliban sa maliliit na imburnal ng overflow bridge nito ay binabarahan pa ng mga samot-saring mga basura.
Ang ilog na ito na matatagpuan sa purok 6B ng Brgy. Lanao ay may maraming naniniran sa tabi at ang lumang overflow bridge dito ay madalas na nagsisilbing daanan patungo ng Brgy. Kalasuyan at New Bohol. Subalit sa tuwing malakas ang ulan ay nagsisialsa-balutan ang mga residente malapit sa ilog dahil sa pagtaas ng level at pag-apaw ng tubig mula rito. Maliban sa mga residente ay apektado din ng nasabing pagbaha ang mga motorista na nagsasanhi sa kanilang pagkabara sa magkabilang panig ng ilog.
Kung di naman tag-ulan ay pahirapan din ang mga sasakyan sa pagdaan dito dahil sa dumahilig na daan na ang dulo ay nasa mismong crossing ng national highway. Kaya naman at kailangan ng mga motorista na maging maingat dahil sa maaari silang madisgrasya o di naman kaya ay magkarambola gaya na lang ng sinapit ng ilang mga tricycle at sasakyan.
Ito ang mga kadahilan kaya naglaan ng pundo ang City Government upang maipagawa ang box culvert rito. Kaagad naman itong ipinatupad at ngayon ay tapos na nga ang proyekto.
Subalit ang lahat ng ito ay nagbago na, mula nang ipaayos ang box culvert sa ilog. Matatandaang ginanap ang groundbreaking ng naturang proyekto sa lugar nito lamang March 22. Ang pondong ginamit sa pagpapatupad ng proyektong ito ay nagmula pa sa 20% Economic Development Fund na nagakakahalaga ng abot sa P5.3M. Ang nasabing ilog ay pinalagyan ng dalawang barrel box culverts, slope protection, flood control, open canal at portland cement concrete pavement o PCCP.
Walang kahalintulad na ginhawa at katiwasayan na hatid sa mga tahanan na malapit sa naturang ilog maging ang mga motorista at mga taong dumadaan dito lalo na tuwing tag-ulan dahil ligtas na sila sa sakuna at masamang epekto ng pag baha.Karamihan sa kanila noon ay madalas nagmamadaling umuwi kapag dumidilim na ang langit lalo pa at bumubuhos na ang malakas na ulan.
Hindi na rin magkakarambola ang mga sasakyan papasok sa lugar, pahayag ng isa sa mga residente ng Brgy. Lanao, Kidapawan City sa katatapos lamang na pinagawang proyekto ng City Government of Kidapawan na Barrel Box Culvert sa lugar.
Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ni Punong Barangay Alberto Canonoy ng Lanao hinggil sa proyekto dahil sa pagbibigay prayoridad at pagpapabilis ni Mayor Pao Evangelista sa pagpapatupad ng naturang infrastructure project ng City LGU. ##(cio/rvh/)
KIDAPAWAN CITY โ (July 24, 2023) NAGPA-ABOT NG suporta si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa bagong pinuno ng Kidapawan City PNP sa katauhan ni PLTCOL Dominador Liscano Palgan,Jr. sa ginanap na turn over at change of command ng pulisya sa lungsod.
Makakaasa umano ng suporta si Palgan mula sa City Government gaya ng ibinigay nito kay dating Chief of Police PLTCOL Peter Pinalgan Jr. na malilipat na sa ibang lugar matapos makompleto ang kanyang tour of duty sa Lungsod ng Kidapawan bilang hepe ng pulisya.
Magpapatuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa hanay ng pulisya ayon sa alkalde sa bagong pamunuan ng Kidapawan City Police Station sa kanyang pag welcome sa bagong hepe nito. Pinasalamatan din niya ang dating hepe sa magandang performance nito para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Kidapawan City.
SInaksihan ni Mayor Pao Evangelista ang ginanap na turn over and change of command na pinangasiwaan ni Cotabato Police Provincial Director PCOL Harold Ramos nitong umaga ng July 24, 2023 sa mismong himpilan ng KCPS. Sinabihan naman nito ang 136 na mga kasapi ng KCPS na maging mapagkumbaba at mahinahon sa lahat ng pagkakataon sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan at iwasang maging abusado at lumabag mismo sa mga ipinatutupad na batas.
Kaugnay nito ay pinarangalan naman ni Mayor Pao si outgoing COP PLTCOL Pinalgan at iba pang mga miyembro ng City PNP sa pagkadarakip ng anim na holdaper nitong July 18, 2023.
Iginawad nito ang certificate of commendation kina PLTCOL Pinalgan at sa mga kasamahan nito sa isinagawang Convocation at Flag Raising Program ng City Government. ##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (July 24, 2023) MATUTUPAD na ang matagal ng hangarin ng mga mag-aaral sa dalawang IP communities ng lungsod na magkaroon ng panibagong silid aralan.
Ito ay matapos ang groundbreaking ceremony (July 20, 2023) ng dalawang magkahiwalay na Two Classroom School Building Project sa Sumayahon Elementary School ng Barangay Perez at Lake Agco Integrated School ng Barangay Ilomavis, na kapwa matatagpuan sa lugar na tirahan ng mga Indigenous Peoples sa Kidapawan City.
Joint project ng GMA Kapuso Foundation, City Government of Kidapawan, DepEd City Schools Division, Philippine Army 52nd Engineering Brigade, PHINMA Construction at iba pang partners ang naturang mga itatayong bagong silid aralan. Tulong ito mula sa inisyatibo ng GMA Kapuso Foundation bilang tugon sa pangangailangan ng bagong silid aralan sa naturang mga ewkwelahan na sinalanta ng October 2019 earthquake.
Una nang na-identify ng City Government ang Sumahayon at Lake Agco na tamang pagtayuan ng bagong school building dahil na rin sa matatag ang lupang paglalagakan ng proyekto.
Pinasalamatan naman ni GMA Kapuso Foundation Executive Vice President at Chief Operating Officer Luz Annalee Escudero โ Catibog si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at si dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board Member Joseph Evangelista sa kanilang aktibong pakikipagtulungan sa GMA Kapuso Foundation para maisakatuparan ang nabanggit na proyekto.
Makatitiyak ang mga magulang na ligtas na papasok ang mga bata sa naturang mga bagong silid aralan na pinaplanong itatayo agad at matatapos naโt maibibigay na sa komunidad pagsapit ng buwan ng Oktubre 2023, ani pa ni GMA Kapuso Foundation EVP/COO Catibog.
Pumirma sa isang Memorandum of Agreement o MOA sina Mayor Evangelista, GMA Kapuso Foundation EVP/COO Catibog, DepEd City Schools Division Superintendent Dr. Natividad Ocon, PHINMA CSR Manager Derik Tabunar, Army10th Infantry Division Commander MGEN Jose Eriel Niembra, at Army 52nd Engineering Brigade Commander BGEN Francis Marlon Wong para sa pagsasakatuparan ng proyekto.
Sa GMA Kapuso Foundation magmumula ang pondo samantalang pagtutulungan namang itatayo ng Army Engineering Brigade at City Government of Kidapawan ang mga bagong silid aralan, base pa sa mga nakasaad na probisyon ng MOA.
Dumalo naman ng mga barangay at school officials, tribal leaders at mga magulang ng mga bata sa Ceremonial Groundbreaking ng naturang mga itatayong dalawang bagong 2-classroom building. ##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY โ (July 17, 2023) PERSONAL NA INIABOT NI City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang P20,000 na reward money sa isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT na nakahuli ng umanoy isang magnanakaw sa Brgy Kalasuyan.
Iniabot ni Mayor Evangelista ang naturang halaga ng pera kay Domingo Isaac Latras, BPAT member ng barangay Kalasuyan na aktong nakahuli sa isang magnanakaw ng rubber cup lump sa kanilang lugar nitong nakalipas na July 13, 2023. Maliban sa reward money ay pinapurihan din ni Mayor Evangelista ang mabilis at maagap na aksyon ng Kalasuyan BPAT para mahuli ang papatakas nang suspect.
Ayon naman kay Latras, nagtagumpay ang kanyang team sa paghuli sa suspect dahil na rin sa mga hand held radio na ibinigay mismo ni Mayor Evangelista sa kanila. Bawat BPAT ng barangay ay nabigyan ng radyo kung kaya ay 24/7 bukas ang linya ng komunikasyon para sa mabilis na pagtugon sa kriminalidad at emergency.
Sa spot report na inilabas ng pulisya, kinilala ang suspect na isang Lemar Gonzaga Dani, 30 years old na magsasaka ng nakatira sa Brgy. Malasila Makilala Cotabato. Siya ay hinuli ng BPAT team sa pamumuno ni Latras sa aktong pagpupuslit ng pinaniniwalaang ninakaw na 50 kilo ng rubber cuplump sa naturang barangay.
Hinikayat naman ni Mayor Evangelista ang publiko na tumulong sa kampanya kontra kriminalidad sa pamamagitan ng pagre-report sa mga otoridad sa presensya ng mga kahina-hinalang tao sa kanilang mga komunidad.
Sa mismong convocation program ng City Government (July 17, 2023) iniabot ni Mayor Evangelista ang P20,000 na pabuya kay Latras na sinaksihan naman ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan at mga elected officials na bumubuo sa Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan na sina City Councilors Jason Roy Sibug, Judith Navarra at ABC President Morgan Melodias, at City PNP Chief P/Lt. Col. Peter Pinalgan, Jr. ##(CIO/lkro)
KIDAPAWAN CITY – (July 14, 2023) IKINAGALAK NI City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang pinansyal na tulong na ipinaabot ng mga kooperatiba sa Canopy25 reforestration project ng City Government.
Malaking kontribusyon ito, wika pa ni Mayor Evangelista para maisakatuparan ang pagtatanim ng 2.5Million bilang ng iba’t ibang klase ng mga puno sa ilalim ng programang Canopy25 sa pagdiriwang ng ika dalawamput limang taon na pagiging component city ng Kidapawan sa Lalawigan ng Cotabato.
Ibinigay ng may 21 na kooperatiba na nakabase sa Kidapawan City ang halagang mahigit sa P36,000 na kanilang pinagsamang nalikom para sa pasahod ng mga nagtanim ng iba’t-ibang klase ng puno sa palibot ng ancestral domain sa Barangay Perez, Kidapawan City.
Pinasalamatan nina Ancestral Domain Management Office President Ronnie Emboc at City Cooperative Development Council Chair Rodolfo Baldevieso si Mayor Evangelista sa pagpapasali sa kanilang mga sektor para makatulong sa pagpo-protekta sa kalikasan at mga pinagkukunan ng tubig sa ilalim ng programang Canopy25.
Patuloy pa rin ang iba pang mga kooperatiba sa paglikom ng pinansyal na tulong para sa ikatatagumpay ng Canopy25.
Abot na sa 500,000 ang bilang ng mga puno ang naitanim ng City Government katuwang ang mga partners nito sa ilalim ng Canopy25 simula buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan, pahayag pa ni Mayor Evangelista.##(CIO/lkro)