Kidapawan City – (October 25, 2023)
Sinimulan na ng mga residente ang paglilinis sa mga sementeryo sa lungsod nitong araw ng lunes, October 23 o siyam (9) na araw bago ang Undas.
Maliban sa nagkalat na mga basura, nilinis din nila at tinanggal ang mga damo.
Mayroong dalawa (2) na pampublikong sementeryo dito sa lungsod, na kinabibilangan ng Catholic Cemetery sa Diamond Street, Barangay Poblacion, at ang Public Cemetery sa Brgy. Binoligan.
Mayroon ding dalawa (2) na mga pribadong sementeryo, na nasa barangay Kalasuyan, at Bautista Street sa Barangay Poblacion.
Sa darating na November 1 at 2, bawal na ang pagdadala ng matatalim at matutulis na bagay katulad ng kutsilyo at gunting, gamit pangsugal, at alak, papasok sa mga sementeryo.
Samantala, maglalagay ng assistance desk ang City PNP, habang libreng naman ang tubig maiinom, kape, arroz caldo, blood pressure check-up, dengue NS1 test, manicure, pedicure at gupit mula sa Lokal na Pamahalaan.
Apatnapu’t anim (46) na hog raiser mula sa ibat-ibang barangay ng lungsod ang tumanggap ng kabuuang 270 bags at 10kgs ng feeds sa programang Feed Loan ng Lokal na Pamahalaan, kahapon, October 23.
Kaya naman, mula buwan ng Agusto ng taong ito, isandaan at anim napu’t walo (168) ang bilang ng mga benepisyaryo.
Sa Feed Loan Program, imbes na magbayad ang mga Hog Raiser ng higit P8,000, kalahati nalang nito ang kanilang babayaran sa Office of the City Veterinarian (OCVET) kapag naibenta na ang kanilang mga alagang baboy.
Ayon kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga Hog Raiser sa gastos sa kanilang baboyan at pati narin sa pag-angat ng kanilang kabuhayan.
KIDAPAWAN CITY – (October 23, 2023)
Nakadisplay ngayon sa City Gymnasium ang sari-saring produkto na gawa ng iba’t-ibang kooperatiba sa lungsod kasabay ng pagtatapos ng Cooperative Month Celebration.
Sa product display, na magtatagal hanggang bukas, mabibili ang mga Local products katulad nalang ng native products and handicrafts, native foodstuffs, organic rice, at baked goods.
52 na mga kooperatiba sa lungsod ang nagtipon-tipon para sa okasyon.
Maliban sa product display, itinampok sa Coop Month 2023 ang bloodletting, tree planting, sports fest, larong pinoy, at ang pagkilala sa mga natatanging kooperatiba sa lungsod.
Inaasahan naman ang pagdalo ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista bilang panauhing pandangal sa programa.
KIDAPAWAN CITY – (October 24, 2023)
Sa Barangay Poblacion nakatakdang itayo ang dalawang palapag na multi-purpose building para sa Reserve Infantry Battalion ng Reserved Command ng Armed Forces of the Philippines o AFP ng Probinsya ng Cotabato.
Kanina, isinagawa ang groundbreaking ceremony, bilang opisyal na pagsisimula sa konstruksyon ng itatayong infrastructure project, na dinalohan ng mga kinatawan ng AFP, AFP Reservists, DPWH, Kidapawan City Councilors at Department Managers.
Ang pondong gagamitin sa pagpapatayo ng gusaling ito ay manggagaling sa Congressional Fund ng 2nd Congressional District habang ang lupa namang pagtatayuan ay mula sa Kidapawan LGU.
Kung kaya, bahagi ng gusali ay gagamitin din nito.
Ang AFP Reservists ay mga sibilyan na sumailalim sa mga pagsasanay upang maging katuwang ng AFP sa panahon ng emerhensya, kalamidad at iba pang krisis.
Inaasahang matatapos ang gusali sa Abril sa sususnod na taon.
Kidapawan City โ (October 23, 2023)
Pitong mga atleta, na nag-uwi ng karangalan sa lungsod, ang pinarangalan ng Lokal na Pamahalaan, kasabay ng convocation program sa City Hall Lobby, kanina.
Ito’y sina Sheen Nebres, Kristallen Gaspe, Randolph Gantuangco, Jefferson Medida, Von John Letada, at Limuel Fernandez, na nagkamit ng unang gantimapala sa pinakaunang Hermosa Ultimate Frisbee Tournament noong Oktubre 7-8, 2023 sa Edwin Andrewโs Air Base, Zamboanga City; at Jhong Marasigan, na nagkampeyon sa Offroad Challenge โ Stock Modified Category sa 67th Baungon, Bukidnon Charter Day Celebration nito lamang Oktubre 14, 2023.
Pinarangalan din si Disability Affairs Officer Louie Quebec ng City LGU, na tumayong Frisbee Team Manager.
Inaasahan ng Lokal na Pamahalaan na sa pamamagitan ng pagkilalang ito ay mas marami pang mga manlalaro sa lungsod ang mahihikayat na pagtagumpayan ang mga patimpalak na kanilang lalahukan.
Kidapawan City – (October 23, 2023)
Pinasalamatan at pinuri ng City Government ang ipinakitang kabutihang-loob ng labing isang (11) empleyado nito matapos nilang tulungan ang isang residenteng nagkaroon ng temporary amnesia kamakailan lang.
Kinilala ang mga empleyado na sina: Roel Camat, Gelbert Daligdig, at Victor Encarnacion ng Civil Security Unit (CSU); Noel Ledesma ng Traffic Management Enforcement Unit (TMEU); PEMS Mai Yasmin Labuga, Pat. Jerson Chavez, at Pat. Jobert Panictican ng City PNP; Alfred Manso, Rome Canson, Ryan Jan Simpao, at Rogelio Poselero III ng K9 Unit.
Inaasahan ng City Government na ang kanilang ipinamalas na kabutihang-loob ay magsilbing inspirasyon upang tularan ng kanilang kapwa lingkod bayan.
Kidapawan City — (October 23, 2023)
Pinuri ng City Government ang kagitingan ng tatlong kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa katatapos lang na flag ceremony sa City Hall, kanina.
Tumanggap ng Certificate of Commendation ang magkapatid na Dionisio at Albert Cortez dahil sa kanilang ipinakitang kagitingan sa pagkakahuli ng mga carnapper sa Barangay Amazion-Paco Boundary sa lungsod noong September 18, 2023.
Katulad na Certificate din ang tinanggap ng kasamahan nilang si Sanbert Tabanao, dahil din sa ipinakita nyang kagitingan sa pagkakahuli naman ng isang tulisan sa Barangay Balindog sa lungsod noong August 29, 2023.
Umaasa ang City Government, na magiging modelo ang tatlong BPAT members sa kanilang mga kasamahan at sa komunidad narin sa kabuoan.
Kidapawan City – (October 20, 2023)
Apatnapung (40) Persons with Disability (PWD) mula sa ibaโt-ibang barangay sa lungsod ang sumasailalim ngayon sa Livelihood Skills Training ng TESDA sa Senior Citizen Health and Wellness Center sa Osmeรฑa Drive.
Sa tulong ni Amelyn Layos, instructor ng Kidapawan Technical School, tinuturuan ang mga partisipante ng Basic Beauty Care, kagaya ng manicure, pedicure at haircutting o paggugupit ng buhok.
Sa pamamagitan ng training na ito, inaasahan ng pamahalaan na mas magkakaroon pa ng kompyansa sa kanilang sarili ang mga PWD, lalo na sa pagkakaroon nila ng kaalaman para sa kanilang kabuhayan.
(OCTOBER 20, 2023) – Nagtipun-tipon ngayon sa Camp Cesaria, sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City and tatlong daan (300) na mga Barangay Health Workers (BHW) mula sa anim na distrito ng lungsod.
Layon ng BHW Congress na ito, na ma-update ang mga Health Workers sa kanilang mga kaalaman at kasanayan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin bilang katuwang ng City Government lalo na sa pagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan sa kani-kanilang komunidad.
Inaasahang mas magiging epektibo ang mga BHW sa pagsasagawa ng kani-kanilang mga tungkulin pagbalik nila sa kanilang distrito para sa mas malusog at matiwasay na pamayanan ng Kidapawan.
Nakatakdang dumalo sa pagtitipon ang ilang opisyal ng City Government, sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista.
Kidapawan City — (October 16, 2023)
Tumatanggap at nagpoproseso na ngayon ng online application sa building at occupancy permits ang Office of the Building Official (OBO) dito sa lungsod.
Ayon kay Engineer Jicylle Merin, ang Acting Building Official, kailangan lang magregister o gumawa ng account sa kanilang portal upang ma-access at madownload ang form.
Pagkatapos mafill-out at mapirmahan ng Professionals kagaya ng Electrical, Sanitary, Structural, Civil at Mechanical Engineer ang form, kailangan itong i-upload kasabay ang mga requirement na makikita rin sa portal. Maghihintay na lamang ng limang (5) araw ang aplikante para sa pagpoproseso ng mga dokumento.
Makakatanggap ng email mula sa OBO ang aplikante kapag kailangan nang magbayad sa Treasurer’s Office sa City Hall.
Para sa karagdagang impormasyon, maaring tumawag sa kanilang hotline sa 09518437677.