84 gulang na Senior Citizen nabigyan ng libreng birth certificate
KIDAPAWAN CITY – MALAKING GINHAWA para kay Ginang Josefa Barrios Nengasca, edad 84 years old ng Barangay Kalasuyan ang panglilibre ni City Mayor Joseph Evangelista sa kanyang Birth Certificate.
Ginawang libre na ang pagpo-proseso ng birth certificate ng Ginang matapos dumulog sa opisina ng alkalde kamakailan lang.
Ipinanganak sa Toledo City Cebu noong March 15, 1935 si Aling Josefa.
Wala siyang dalang Birth Certificate at iba pang pertinenteng dokumento ng maghanapbuhay at tumira sa Kidapawan noong 1960, ayon pa sa kanya.
Nanilbihan siya bilang kasambahay ng isa sa mga kilalang pamilya sa Bayan pa noon ng Kidapawan, aniya.
Hindi na umano naasikaso ng kanyang ama ang kanyang rehistro sa Toledo City matapos mamatay ang kanyang ina limang taong gulang pa lamang siya noon at kasagsagan na rin ng World War II.
Maliban sa libreng Birth Certificate mula sa City Civil Registrar’s Office, inilibre na rin ni Mayor Evangelista ang kanyang Authenticated Birth Certificate mula sa Philippine Statistics Authority pati na ang kanyang PhilHealth Membership.
Patunay lamang sa pagmamalasakit at pagpapahalaga sa mga nakakatanda ang tulong ni Mayor Evangelista sa kanya, wika pa ni Aling Josefa.
Isa rin siyang indigent senior citizen na nakatanggap ng kanyang P6,000 na Social Pension noong September 5, 2019.
Isa lamang si Ginang Josefa Nengasca sa mga nakakatanda sa lungsod na natulungan ng City Government kasabay ng pagdiriwang ng Senior Citizens Week ngayong October 1-7, 2019 sa buong bansa.##(cio/lkoasay)
City Gov’t ginawaran bilang best implementor ng anti rabies program ng bansa
KIDAPAWAN CITY – GINAWARAN bilang Anti-Rabies Program best implementor ng bansa ang City Government.
Nakamit ang gawad bilang pagkilala sa narehistrong ‘zero’ rabies death cases ng Kidapawan City sa limang magkasunod na taon.
Iginawad ng Department of H ealth National Rabies prevention nd Control program ang pagkilala nitong September 30, 2019 sa paggunita ng World Rabies Awareness Day.
Ang zero date rate sa kaso ng rabies na mula sa kagat ng aso, ay bahagi ng Health, Nutrition and Education at Public Safety program na isinusulong ni City Mayor Joseph Evangelista.
Pagkilala rin ang gawad sa aktibong kampanya ng City Government sa Rabies Free Philippines na programa naman ng DOH.
Personal na tinanggap ni City Veterinarian Dr. Eugene Gornez ang parangal sa seremonya ng Rabies Awareness Day sa DepEd Complex sa lungsod ng Pasig. ##(cio/lkoasay)
(Photo courtesy of Dr Gornez and CIO Williamor Magbanua)
Bagong IP Tribal hall pinasinayaan ni Mayor Evangelista
KIDAPAWAN CITY – PINAGKAISA na ni City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng Indigenous People ng lungsod bago pa man ang pagdiriwang ng IP Month sa buwan ng Oktubre.
September 27, 2019 ng pasinayaan ni Mayor Evangelista ang limang milyong pisong IP Tribal Center complex sa City Plaza hudyat ng kagustuhan niyang ‘magkaisa’ ang lahat ng tribong katutubo sa lungsod.
Katuparan ang bagong pasilidad sa ipinangako ng alkalde sa mga tribo na mabigyan ng maayos na lugar para isagawa ang kanilang mga adhikain.
Welcome ang lahat ng tribo sa bagong pasilidad, mensahe pa ng alkalde.
Matatandaang nagkaroon ng ‘faction’ ang ilang grupo ng mga tribo noon, bagay na ayaw ng maulit pa ni Mayor Evangelista na mas kilala bilang si Datu Apotanan na ang ibig sabihin ay ‘mapagbigay na pinuno’.
Ang bagong gusali na magsisilbing Tribal Hall ay inisyal pa lamang sa limang milyong pisong pasilidad na pinondohan ng City Government para sa mga katutubong Kidapawenyo.
Sa kasalukuyan ay isang palapag pa lamang ang Tribal Hall ngunit, dadagdagan pa ito ni Mayor Evangelista ng isa pang palapag para maka accommodate ng dagdag pang mga kliyente.
Maliban sa meeting place ng mga katutubo, ang expansion ng gusali ay magsisilbi ring livelihood training center ng mga women IP’s sa paghahabi ng tribal clothing at magsisilbi ding museum para naman sa mahahalagang kagamitan na bahagi ng kasaysayan ng mga sinaunang tribo sa Kidapawan.##(cio/lkoasay)
Libreng Orthopedic Assistive Devices ipinamahagi ng City Government sa mga senior citizen beneficiaries
KIDAPAWAN CITY – DALAWAMPU AT LIMANG MGA LOLO AT LOLA ang libreng nabigyan ng Orthopedic Assistive devices ng City Government.
Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang tulong sa mga senior citizen beneficiaries noong September 20, 2019 sa Convocation Program ng City Government.
Malaking tulong ang mga nabanggit upang makakilos ng maayos at magawa ng mga senior citizen beneficiaries ang kanilang pang araw-araw na gawain.
Kinapapalooban ng labinlimang wheelchairs, siyam na walkers at isang baston ang ibinigay ng alkalde.
Tumanggap nito yaong mga hindi at hirap ng makalakad na matatanda na nilista ng kanilang mga barangay senior citizens associations na lubhang nangangailangan ng orthopedic assistive devices.
Maituturing na ‘advance na regalo’ ni Mayor Evangelista sa mga nakakatanda ang nabanggit bago pa man ang pagdiriwang ng senior citizens week sa October 1-7.
Kaugnay nito ay naipamahagi na rin ng DSWD at City Government ang P6,000 na social pension para naman sa indigent senior citizens na hindi pa nakatanggap ng tulong pinansyal.
Ginawa ang pamimigay ng ayuda noong September 23 at nagtapos kahapon sa Office of the Senior Citizens Affairs ng City Government.
Matatandaang una ng naibigay ng DSWD at City Government ang isang buong taon na social pension sa mga indigent senior citizen noong September 2-6, 2019.##(cio/lkoasay)
Photo Caption – MAYOR EVANGELISTA NAMIGAY NG WHHELCHAIR SA MGA SENIOR CITIZENS: 25 na mga senior citizens ang libreng nabigyan ng orthopedic assistive devices noong September 20, 2019.Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang nabanggit kung saan ay inihatid niya mismo ang isang senior citizen beneficiary gamit ang bagong wheelchair ng programa patungo sa kanyang mga kaanak.(cio photo)
ASF walang gamot at 100% mortality rate sa mga baboy – OCVET
KIDAPAWAN CITY – WALANG GAMOT, WALANG BAKUNA, LUBHANG NAKAKAHAWA AT 100% ANG MORTALITY RATE para sa mga baboy na magkakasakit ng African Swine Fever.
Ito ay ayon na rin sa City Veterinarian Office at Bureau of Animal Industry Regional Quarantine Services 12 sa isinagawang ASF Foum noong September 24, 2019 sa Kidapawan City.
Malaki ang epekto ng ASF sa mga babuyan dahil kapag isa sa mga baboy ang nagkasakit nito, ay dapat na patayin ang lahat para mapigilan ang pagkalat ng sakit, ayon pa sa mga otoridad.
Magdudulot ang ASF ng malaking pagkakalugi sa mga nag-aalaga ng baboy.
Una ng kinumpirma ng Department of Agriculture na ASF ang sanhi ng pagkakamatay ng mga baboy sa lalawigan ng Bulacan at Rizal.
Sa Forum, sinabi nina OCVET Dr. Eugene Gornez at Dr. Geralson Navara ng BAI RQS 12 na nagmula ang kaso ng ASF sa mga tirang pagkain na itinapon sa mga basurahan.
Maaring nagmula sa mga ASF infected na mga bansa ang tira-tirang pagkain na itinapon sa mga dumpsite na malapit sa nabanggit na mga lalawigan.
Ang mga tira-tirang pagkain na ito na kinabibilangan ng mga infected meat products ay pinakain sa mga baboy na siyang nagdulot ng ASF.
Nilinaw ng mga otoridad na pawang sa mga baboy lamang maglalagi ang ASF virus at hindi sa taong nakakain ng karne nito.
Kasalukuyan na ring ipinatutupad ang 1-7-10 Protocol upang masegurong hindi kakalat ang ASF sa mga babuyan sa lungsod.
Ibig sabihin ay isang kilometrong quarantine zone para sa infected na mga baboy at pagbabawal sa paglalabas ng mga ito, seven kilometers na surveillance zone kung saan ay oobserbahan ang mga baboy kung may ASF at hindi ilalabas ang mga ito at 10 kilometers naman para control zone kung saan ay pwede ng ilabas ang mga baboy na negatibo sa ASF.
Makokontrol ang pagkalat ng ASF kung magtutulungan ang mga komunidad, giit pa ng mga otoridad.
Mahigit sa dalawang daan na mga hog raisers na taga Kidapawan City at karatig lugar ang nakilahok sa ASF Forum na ginanap sa Cooperative Training Center facility ng City Government.##(cio/lkoasay)
Photo caption – African Swine Forum ginawa sa lungsod: Nagbigay ng mahalagang impormasyon patungkol sa ASF si City Veterinarian Dr. Eugene Gornez sa mga dumalong hog raisers sa forum September 24, 2019. Lubhang nakakahawa ang ASF at napakataas ng mortality rate nito kung kaya ay marapat lamang na magtulungan ang mga komunidad para masawata ang pagkalat ng sakit.(cio photo)
Mahigit limang libo kukuha ng LET sa lungsod sa September 29, 2019
KIDAPAWAN CITY – 5,356 na mga Licensure Examination for Teachers o LET ang kukuha ng pagsusulit sa pitong testing centers sa lungsod sa araw ng linggo September 29, 2019.
Karamihan sa mga LET Examinees ay magmumula pa sa mga karatig bayan ng lungsod na piniling dito kumuha ng pagsusulit upang magkaroon ng lisensya bilang Professional Teachers.
2,315 na bilang ang Elementary LET Examinees samantalang 2,041 ang sa Secondary, ayon na rin sa Professional Regulation Commission – PRC na siyang mangangasiwa sa pagsusulit.
Pitong mga testing centers ang ilalaan ng City Government at PRC para sa mga mag-eexam.
Ito ay kinabibilangan ng : Kidapawan City National High School main campus; Kidapawan City Pilot Elementary School; Central Mindanao Colleges; Notre Dame of Kidapawan College; Colegio de Kidapawan; Felipe Swerte Elementary School at ang Kidapawan Doctors College.
Magpapalabas naman ng memo ang opisina ni City Mayor Joseph Evangelista na nag-uutos sa ilang mga empleyado ng City Government na tumulong sa paghahanap ng testing rooms at alalayan ang mga examinees.
Istrikto din na ipatutupad ang seguridad sa paligid ng mga testing centers ng LET.
Pina-alalahanan naman ni Mayor Evangelista ang mga nagmamay-ari ng mga business establishments, mga tricycle drivers at maging ang publiko sa pangkalahatan na igalang at ayusin ang pakikitungo sa mga examinees bilang pagpapakita na rin sa magandang imahe ng lungsod sa mga dayo at bisita nito.##(cio/lkoasay)
Mga magulang na matitigas ang ulo at hindi uma-aatend ng PTA general assemblies, posibleng hindi na makatatanggap ng PTA subsidies
KIDAPAWAN CITY – POSIBLENG HINDI NA makatatanggap ng P400 PTA Subsidy ang mga magulang na hindi tumutulong sa mga school activities at hindi dumadalo sa mga meetings sa eskwelahan ng kanilang mga anak.
Mismong si City Mayor Joseph Evangelista na ang nagmungkahi na tanggalin sa listahan ng mga Parents Teachers Association subsidy beneficiaries ang mga magulang na ‘matitigas ang ulo at walang pakialam sa eskwelahan ng kanilang mga anak’.
Sinabi ito ng alkalde sa Oath taking at meeting ng City PTA Federation officials noong September 23, 2019.
May nakarating na reklamo kay Mayor Evangelista na maraming mga magulang ang hindi nakikilahok sa mga general assembly sa mga public schools, hindi pagtulong ng mga ito sa paghahanda tuwing may feeding programs, pati rin mismo sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela bago magbukas ang school year at iba pang aktibidad na kinakailangan ang suporta at presensya ng mga magulang.
Bagamat ay tataggapin pa rin na makapag enroll sa public school ang kanilang anak, kinakailangan na nilang bayaran ang P400 na PTA fee na sakop ng subsidy, paglilinaw pa ni Mayor Evangelista.
Malaki ang epekto ng delinkwenteng mga magulang sa pagpapatupad ng Health Nutrition and Education programs na isinusulong ng City Government, wika pa ni Mayor Evangelista.
Nais ng alkalde na maghanda ng isang Resolusyon ang PTA City Federation at ipatupad ang nabanggit sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa Kidapawan City. ##(cio/lkoasay)
Mga SK kagawad hinikayat na tumulong sa Voters Registration
KIDAPAWAN CITY – HINIKAYAT ni City Mayor Joseph Evangelista ang lahat ng kagawad ng Sangguniang Kabataan sa lungsod tumulong sa pagpapatala ng mga bagong botante para sa May 2020 Barangay/SK Elections.
Sa September 30, 2019 na ang deadline kung kaya at marapat lamang na makipag-ugnayan ang SK sa kanilang mga barangay officials na ipaalam sa mga botante ang pagpaparehistro sa City Comelec.
Mga botante edad 15 hanggang 17 years old ang target na magparehistro para sa SK samantalang disi-otso anyos pataas naman sa regular voters registration.
Una ng nagsagawa ng Satellite Voters Registration ang City Comelec sa mga barangay ng lungsod simula August 1, 2019.
Ngunit may mangilan-ngilan pa ring mga indibidwal na pasok sa voting age ang hindi pa nakapagpatala, bagay na nag udyok kay Mayor Evangelista na hikayatin ang mga kagawad ng SK na tumulong na sa pagpapa-alam ng ginagawang Voters Registration.
Bagamat may mga pinaplanong pagpapaliban sa Barangay/SK election na niluluto sa Kongreso sa kasalukuyan, mainam pa rin na ituloy ang Voters Registration hanggang sa September 30, 2019, panawagan pa ni Mayor Evangelista sa mga kagawad ng Sangguniang Kabataan. ##(cio/lkoasay)
Istriktong monitoring ng karneng baboy laban sa AFS ginagawa ng City Gov’t
KIDAPAWAN CITY – ISTRIKTONG monitoring ng mga karne ng baboy ang ginagawa ng City Government sa kasalukuyan laban sa banta ng African Swine Fever.
Hindi tatanggapin ng City Slaughterhouse ang mga baboy na walang kaukulang sertipikasyon na ligtas sa AFS ang mga ito mula sa mga beterinaryo o barangay animal health workers, paliwanag pa ng Office of the City Veterinarian na siyang nagpapatakbo ng nabanggit na pasilidad.
Mula kasi sa katayan ng City Slaughterhouse ay saka ibebenta sa Mega Market ang mga karne ng baboy, dagdag pa ng OCVET.
Sa ganitong pamamaraan ay mananatiling ligtas kainin ang mga karneng ibinebenta sa pamilihan.
Maliban dito ay patuloy naman na nakatutok sa mga babuyan ng lungsod ang OCVET para maiwasan ang pagkalat ng AFS.
Una ng nagsagawa ng blood sampling ang OCVET sa iilang piggery sa lungsod para malaman kung infected ba ang mga baboy ng AFS virus.
Ipinadala na nila ang blood samples sa Department of Agriculture Office 12 kung saan ay ipapalabas nito ang resulta sa kalaunan.
Magsasagawa ng AFS Forum ang OCVET sa September 24, 2019 ganap na ala una ng hapon para mapag-usapan ang isyu at kung papaanong matutulungan ang mga hog raisers na maiwasang magkasakit ang kanilang mga alagang baboy.
Pinananawagan ng OCVET ang mga hog raisers na samantalahin ang imbitasyon dahil dapat tulong-tulong ang lahat na mapigilan ang pagpasok ng AFS sa Kidapawan City.
Gagawin ang AFS Forum sa City Cooperative Center ng Barangay Magsaysay.##(cio/lkoasay)
Door to door delivery ng gamot para sa senior citizens sinimulan na ng City Gov’t
KIDAPAWAN CITY – MALAKING GINHAWA PARA sa mga Senior Citizens ng mga barangay sa lungsod ang ginagawang “door to door” delivery ng City Government ng kanilang maintenance medicines.
September 13, 2019 ng simulan ng City Government na ihatid mismo sa tahanan ng mga senior citizen ang gamot na ipinangako ni City Mayor Joseph Evangelista sa kanila.
Mga Anti—Hypertension maintenance drugs na Losartan at Amlodipine ang gamot na libreng ibinigay ng City Government.
Nagmula ang mga ito sa With Love Jan Foundation Incorporated na kapartner ng City Government sa Health at Social Services programs na isinusulong nito.
Unang inihahatid ang mga gamot sa tuwing may naka schedule na Senior Citizens Assembly sa barangay.
Kapag absent sa asembleya ang senior citizen member ng kanilang pederasyon, ay ‘ihahatid na mismo ng mga kawani ng Barangay Affairs Unit ng City Mayor’s Office ang gamot sa mismong tahanan ng beneficiary’.
Una ng ipinasa ng Office of the Senior Citizen’s Affairs ng City Government ang listahan ng mga nakakatandang nangangailangan ng anti-hypertension maintenance medicine kay Mayor Evangelista na inaksyunan naman ng alkalde.
Target ng mabibigyan nito ang lahat ng senior citizens ngayong buwan ng Setyembre bago muling uulitin ang programa sa hinaharap. ##(cio/lkoasay)