235% naitalang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod
KIDAPAWAN CITY – 235% NA PAGTAAS KASO NG DENGUE ang naitala sa Kidapawan City simula Enero 1- Agosto 21, 2019 hudyat para irekomendang ideklara ang State of Calamity sa lungsod.
Nakapaloob sa Resolution numbers 17 and 18 na inaprubahan noong Agosto 23, 2019 ang pagdedeklara ng State of Calamity ng CDRRMC.
686 na kaso ng dengue ang naitala sa Kidapawan City kumpara sa 190 sa kaparehong panahon noong 2018.
Lumagpas na sa Dengue Epidemic Threshold ang bilang ng kaso sa sampung barangay ng lungsod na kinabibilangan ng: Poblacion, Birada, Amas, Balindog, Lanao, Sudapin, Manongol, Paco, Magsaysay at Singao.
Dalawa ang naitalang namatay dahil dito sa Poblacion at barangay Birada.
Kapag naideklara na ng Sangguniang Panlungsod ang State of Calamity, magpapalabas na ng P2.8 Million na pondo ang CDRRMC.
Gagamitin ang pondo na pambili ng tatlong fogging machines, 300 litro ng Permethrine, Larvaecides at Deltametrine na mga kemikal panlaban sa pagdami ng lamok at Mosquito Repellants.
Nasa bahagi ng Health Services Program Dengue Outbreak Response ng CDMMC ang aksyon kontra dengue.
Pinapayuhan naman ang lahat na sumunod sa kampanya ng pamahalaan para malimitahan ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue.##(cio/lkoasay)
(photo is from wicnews.com january 25, 2019)
PMA Admission test gagawin sa lunsgod sa August 25, 2019
KIDAPAWAN CITY – INIIMBITAHAN NI City Mayor Joseph Evangelista ang mga kabataan edad 17 to 21 years old na subukang kumuha ng Philippine Military Academy Admission Test sa August 25, 2019.
Gagawin ang pagsusulit sa City Gymnasium eksakto alas siyete ng umaga sa petsang nabanggit.
Bago pa man ang admission test, tatanggap ng on site application ang PMA para sa mga ‘walk-in’ examinees sa August 24, 2019 mula 8am-12:30 pm sa City Gymnasium.
Ilan lamang sa mga requirements ng PMA Admission test ay ang mga sumusunod: Duly Accomplished Application Form with 2pcs 2×2 ID picture with white background; Photocopy of PSA Issued Birth Certificate; at Form 137/138 or copy of latest grades.
Ang mga Qualifications naman para sa Admission Test ay ang mga sumusunod: Natural born Filipino Citizen; Physically fit and of good moral character; Single at hindi nakapag-asawa; Walang kinakaharap na kaso o asunto; At least High School Graduate na may 85% General Average; at least 5 feet flat at hindi lagpas sa 6’4” para sa mga lalaki at babae; at 17 years old at hindi na lagpas pa sa 22 years old pagsapit ng June 1, 2020.
Ilalathala ng PMA sa mga National Newspaper ang mga pumasa sa Admission Test o di kaya ay ipapadala ang notices sa pamamagitan ng mail.
May magandang oportunidad na naghihintay sa mga graduates ng PMA para maging opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Ito ay maliban pa sa pagiging iskolar sa akademya sa apat na taon na may kalakip na libreng monthly allowances.##(cio/lkoasay)
photo is from www.pma.ph
Kidapawan City LGU Outstanding Bridging Leader in Public Health Awardee 2018 – DOH 12
KIDAPAWAN CITY – PARARANGALAN BILANG Outstanding Bridging Leader in Public Health Award 2018 ng Department of Health ang City Government.
Pagkilala sa mga natatanging Local Government Units sa Rehiyon Dose ang parangal na nakapagbigay ng angkop na health services sa mga mamamayan nito.
Igagawad ng DOH SOCCSKSARGEN ang parangal sa gaganaping Mega Program Implementation Review and Awards Ceremony sa Agosto 23, 2019 sa General Santos City.
Malaki ang naging kontribusyon ng pagiging Champions for Health 2018 Awardee ng lungsod sa pagtanggap nto ng gawad at pagkilala mula sa DOH 12.
Aktibong ipinatupad ni City mayor Joseph Evangelista ang kanyang Health, Nutrition and Education program na naglalayung magabayan ang nutrisyunal na pangangailangan ng mga bata para sa kanilang tamang pagkali.
Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, ay ipinaseguro na ng City Government na magiging malusog ang bata sa kanyang paglaki sa pamamagitan ng mga libreng programang medical sa ipinatupad sa mga barangay ng lungsod.##(cio/lkoasay)
Timpupo 2019 umani ng positibong reaksyon sa mga turista
KIDAPAWAN CITY – UMANI NG positibong reaksyon mula sa mga turista ang pagdiriwang ng Timpupo 2019.
Nakatataba ng puso ang positibong feedback sa magagandang karanasan ng mga turista na dumayo pa sa Kidapawan City at tumikim ng mga prutas nito, wika pa ni City Mayor Joseph Evangelista.
Partikular na dinayo ng mga banyaga at mga local tourists mula pa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang Fruits Eat All You Can sa City Plaza na siyang isa sa mga highlights ng pagdiriwang.
Sa halagang P50, sinadya nilang tikman ang mangosteen, durian, rambutan, lanzones at marang na mga biyaya ng kalikasan sa lungsod na siyang tampok na atraksyon ng Timpupo.
Napakamahal din naman ang halaga ng mga nabanggit kapag ipinagbili na sa kanilang mga lugar, ayon pa sa ilang turista.
Dito lamang nila sa lungsod natikman at unlimited pa ang kainan ng mga nabanggit na biyaya ng kalikasan.
Ng tanungin, sinabi ni Mayor Evangelista na imumungkahi niyang isali rin ang mga gulay, at cut flowers sa pagdiriwang ng Timpupo 2020.
Hindi lamang kasi mga prutas tulad ng mangosteen, rambutan, lanzones, durian at marang ang biyayang dulot ng kalikasan sa lungsod kungdi marami rin ang mga gulat, at magaganda at mamahaling bulaklak ang nakatanim ditoat ipinagbibili sa ibang mga lugar.
Mas magiging makabuluhan ang pagdiriwang Timpupo na ang ibig sabihin ay ‘anihan’ kung ang lahat ng mga nabanggit ay ipapakita bilang pasasalamat sa biyaya ng kalikasan, opinyon pa ng alkalde.
Bagamat naka sentro ang katatapos lamang na pagdiriwang ng Timpupo sa mga prutas na nabanggit, nais ni Mayor Evangelista na mas mapalago pa ang produksyon ng mga ito at matulungan na magkaroon ng hanapbuhay ang mga magsasaka ng gulay at cut flowers at mga fruit growers.
Ihahanap ni Mayor Evangelista ng bilihan ng mga produkto na mula sa Kidapawan City.
Plano ng alkalde na bumili ng refrigerated van na siyang magdadala ng prutas at iba pang agricultural products mula Kidapawan City patungo sa mga pamilihan sa ibang lugar.
Pinag-aaralan na rin na i-develop hindi lamang ang Kidapawan City kungdi pati na rin ang fruit industry ng mga kalapit bayan ng Makilala, Magpet, President Roxas, Antipas at Arakan bilang “Fruit Corridor” nitong bahagi ng bansa. ##(cio/lkoasay)
The Working City Mayor Joseph Arellano Evangelista accompanied actors Philip Salvador and Robin Padilla, together with Senator Christopher Laurence “Bong” Go during their visit in Purok Chico, Kalye Putol, Barangay Poblacion, Kidapawan City on Friday afternoon. (August 16). The Senator ordered the Department of Social Welfare and Development Office to give financial assisatance to the fire victims. The DSWD gives out cash amounting to P5000 to 21 households. While the National Housing Authority (NHA) gives P30, 000 for four households that incurred total damages due to fire, while the 17 others that houses were partially damage receive P20, 000 financial assistance.
Kidapawan City LGU inirekomendang muling tumanggap ng SGLG Award
KIDAPAWAN CITY – INIREKOMENDA NA MULING makatanggap ng Seal of Good Local Governance ang City Government matapos pumasa sa national evaluation noong August 14, 2019.
Nakakuha ng matataas na marka ang City LGU sa SGLG Evaluation lalo na sa mga core areas na binigyang diin ng pagsusuri na kinabibilangan ng: disaster preparedness; anti-illegal drug campaign; social services; environmental protection at utilization of public funds.
Magiging four time winner na ng SGLG ang Kidapawan City Government kapag napili ng DILG na muling tatanggap ng award.
Nauna ng naging SGLG Hall of Famer ang lungsod matapos tumanggap ng selyo noong 2016, 2017 at 2018.
Ang SGLG ay ginagawad sa mga natatanging Local Government Units ng bansa na nakapagbigay ng maayos na serbisyo publiko at nagpakita sa tapat na pamamahala at paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Maliban sa pagtanggap ng selyo ng maayos na pamamahala, may kalakip din na Performance Challenge Fund na siyang gagamiting pondo naman ng mananalong LGU sa programa at proyekto.
Ang Kidapawan City lamang ang naging consistent na LGU sa Rehiyon 12 na pumasa at nominado sa SGLG Award mula taong 2013, pagbubunyag pa ni City Mayor Joseph Evangelista.
Kinabibilangan nina LGOO VII Mediatrix Aliño at LGOO V Hanna Lynel Elveña ng DILG Cordillera Administrative Region ang mga evaluators ng SGLG.
Kanilang sinuri ang mga dokumento patungkol sa mga nabanggit na core areas at nagsagawa din sila ng interviews sa mga department heads ng City Hall na siyang naatasan na ipatupad ang mga programa at proyekto sa ilalim ng disaster preparedness; anti-illegal drug campaign; social services; environmental protection at utilization of public funds.
Kanila ring binista ang iilang proketo at pasilidad na naipatupad na ng City Government sa ilalim ng mga nabanggit na core areas.##(cio/lkoasay)
Photo caption – Disaster Preparedness Program nakakuha ng mataas na marka sa SGLG: Ipinaliliwanag ni CDRRMO Psalmer S. Bernalte kay SGLG Evaluator LGOO V Hanna Lynel Elveña kung papaano ipinatutupad ng City Government ang mga programa nito patungkol sa paghahanda tuwing may kalamidad at pagtulong sa mga biktima nito. Isa ang mga programa ng CDRRMO na nakakuha ng mataas na marka sa nangyaring SGLG evaluation noong August 14, 2019.(cio photo)