KIDAPAWAN CITY (Mayo 20, 2023) โ BINUKSAN na ang Luntian Basketball League 2023 โ Inter-Barangay Basketball na isa sa pinakaabangang laro tampok ang 40 barangays ng Lungsod ng Kidapawan.
Suot ang kanilang mga uniporme ay nagpasiklaban ang mga koponan ng bawat barangay at nakiisa sa opening program na ginanap sa City Gymnasium, alas-nuebe ng umaga ngayong araw ng Sabado, Mayo 20, 2023.
SI Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa formal opening ng naturang basketball league kung saan natuwa siya sa mainit na suporta ng bawat barangay.
Pero bago ang pormal opening, ginawa muna ang ceremonial turn-over ng 40 brand new basketball para sa 40 teams kasama ang kani-kanilang mga Punong-Barangay.
Si Mayor Evangelista ang nag-abot ng bola kasama ang iba pang panauhin na sina Kidapawan City Chief of Police LtCol Peter Pinalgan, Acting City Administrator Janice Garcia, City Councilors Gallen Ray Lonzaga at Jason Roy Sibug, at LGU Sports Coordinator Ramil Deldo.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Evangelista na sa pamamagitan ng inter-barangay sports ay mapapalakas ang ugnayan ng mga barangay lalo na sa aspeto ng sportsmanship at unity.
Masayang inihayag ng alkalde na tatanggap ng tumataginting na P100,000 cash prize ang magiging champion ng naturang palaro kung saan nagpalakpakan at nagpasalamat ang lahat ng mga players.
Naglaban sa opening game ang kapwa powerhouse team na Barangay Poblacion at Barangay Sudapin kung saan nagwagi ang Barangay Poblacion sa score na 83-75.
Gaganapin naman ang Luntian Basketball League โ Inter-Barangay Basketball โ23 bawat Sabado at Linggo hanggang sa sumapit ang kampeonato. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (May 20, 2023) โ DOBLE ang tinanggap na biyaya ng mga residente ng Lungsod ng Kidapawan na pumila para makabili ng murang bigas mula sa City Government of Kidapawan.
Libreng gupit, libreng manicure, at libreng pedicure ang dagdag na handog sa kanila ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista habang pumipila at nag-aantay sa pagbubukas ng outlet ng murang bigas na P20.00 lamang bawat kilo.
Kagabi ay napuno ng sigla ang City Gymnasium matapos na pinapasok doon ang mga residenteng bibili ng murang bigas at ganon na lamang ang kanilang tuwa dahil nag-aantay ang mga libreng serbisyo para sa kanila.
Daaan-daang mga residente ang kinakitaan ng ngiti at saya dahil sino ba naman ang mag-aakala na maliban sa napakababang halaga ng bigas ay may dagdag na benepisyo pa na libreng haircut, manicure at pedicure, dagdag pa ang libreng kape kaya naman sulit ang kanilang pag-aantay.
Samantala, tanging ang Kidapawan City lamang sa buong bansa ang nagawang ibenta ang quality rice sa murang halaga na P20 per kilo na siya namang pangako ng national government sa mamamayan.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 018 series of 2023 ay nilikha ni Mayor Evangelista ang Agri-Trade Fair o mas kilala sa tawag na Merkado Kidapaweno kung saan makakabili ng presko at murang gulay, prutas, isda, at iba pa kabilang na ang quality rice sa murang presyo na P20/kilo.
Laan ito para sa mga Kidapawenos sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa kasalukuyan.
Layon din nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na local crops growers na maibenta ang kanilang produkto at maging bahagi sila sa paglago ng lokal na ekonomiya. (CIO/CGSO/KIDCARE)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 18, 2023) โ NAIPAMAHAGI ang abot sa 1,020 bags ng agricultural salt para sa mga coconut farmers na miyembro ng 27 Small Coconut Farmers Organization o SFCOโs sa Kidapawan City.
Ito ay sa ginawang ceremonial distribution sa Mega Tent kahapon, Mayo 17, 2023, alas-tres ng hapon sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist o OCA.
Layon ng pamamahagi ng naturang bilang ng agricultural salt (50 kilos/bag) ay upang mapalaki ang produksiyon ng niyog o increase in coconut yield, ayon pa kay City Agriculturist Marissa Aton.
Bahagi ito ng Food Sufficiency Program ng OCA kung saan katuwang ang mga magsasaka ng niyog sa iba-t-ibang barangay tulad ng Paco, Indangan, Singao, Amazion, Marbel, Sikitan, Balindog at iba pa, ayon pa kay Aton.
Tinungo ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang mga farmer-beneficiaries kung saan nagbigay siya ng mensahe ng suporta at pasasalamat. โ๐๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐จ๐ณ๐ช๐ฌ๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐จ-๐ถ๐ถ๐ฌ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฃ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ด๐ช๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ฐ๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ข๐ณ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ด. ๐๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ถ๐ด๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ง๐ฐ๐ฐ๐ฅ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ถ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ด๐ถ๐ด๐ต๐ข๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ต๐บ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ช๐จ๐ญ๐ข ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ญ๐ถ๐ด๐ฐ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏโ, sinabi ng alkalde.
Ipinahayag din ni Mayor Evangelista na nasa tamang landas na tinatahak ang Lungsod ng Kidapawan pagdating sa mga programa at proyekto kaya naman ginawaran siya bilang Top 6 Best Performing Mayor sa buong bansa (RP Mission and Development Foundation) mula sa 450 lungsod/alkalde sa Pilipinas.
Sa kabila nito, mapagpakumbaba pa ring sinabi ng alkalde na hindi siya ang dapat pasalamatan sa mga tagumpay ng lungsod kundi ang mga mamamayan na buong pusong sumusuporta sa mga programa at proyekto lalo na sa sektor ng agrikultura.
โHindi pwedeng angkinin ng sinumang politiko o opisyal ng gobyerno ang isang proyekto dahil ang lahat na ipinatutupad na programa ay mula sa buwis na ibinabayad ng mamamayanโ, pagdidiin ng alkalde.
Dumalo naman si Joel Dayaday, Presidente ng Small Coconut Farmers Organization โ Kidapawan City at siyang nanguna sa pagtanggap ng agricultural salt kasama ang mga miyembro habang nagbigay naman ng pahuling salita o mensahe si Matthew Julius Alcebar, Agricultural Technologist at Coconut Coordinator kung saan pinasalamatan niya si Mayor Evangelista at ang OCA sa makabuluhang proyektong inilaan sa mga magsasaka ng niyog.
Samantala, matapos naman ang ceremonial distribution ng agricultural salt kahapon ay inaasahang magtutuloy-tuloy na ang pamamahagi ng naturang ayuda upang madagdagan pa ang bilang ng mga coconut farmers na matutulungan ng programa. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 17, 2023) โ MASAYANG tinanggap ng mga mamamayan ng Barangay San Isidro sa Lungsod ng Kidapawan ang proyektong Farm to Market Road (FMR) sa Purok 6 at Level 3 water system expansion Purok 1,2 at 3 (installation, interconnection, transfer of 70 units service connection) sa ginanap na formal turn-over ceremony ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 17, 2023, ala-una ng hapon.
Pinondohan ng Local Government Support Fund โ Support to Barangay Development Program o LGSF-SBDP ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ang FMR ng halagang P2M habang ang water system ay pinondohan din ng P2M o kabuoang halaga na P 4M infrastructure projects.
Tulad ng iba pang mga barangay na tumanggap din ng proyekto mula sa LGSF-SBDP, ay mismong si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa pagsasalin ng dalawang proyekto mula sa pamahalaan patungo sa kamay ng mga opisyal ng Barangay San Isidro sa pangunguna ni Punong Barangay Dionisio Wanal.
Masaya si Wanal ganundin ang mga residente sa natanggap na mga proyekto na tiyak na pakikinabangan ng barangay kayaโt ipinarating niya ang malaking pasasalamat kay Mayor Evangelista at sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagtulungan upang maipatupad ang naturang mga proyekto.
Sa kanyang panig, sinabi ni Mayor Evangelista na ang kapayapaan sa lugar ay ang pinakamahalagang bagay na nakamit ng Barangay San isidro at magtutuloy-tuloy ito sa pamamagitan ng suporta ng bawat isa lalo na sa maayos na pagtanggap at pag-alaga sa proyektong alay ng pamahalaan.
Ang iba pang mga nakiisa at nagbigay ng suporta sa aktibidad ay sina Dept of Interior and Local Government Cotabato Provincial Director Ali Abdullah na nagpahayag na marami pang proyektong ipatutupad ang NTF-ELCAC sa mga barangay, CLGOO Julia Judith Geveso, ABC Federation President Morgan Melodias at mula naman sa City Government ay sina Acting City Administrator Janice Garcia, Budget Officer Alex Pana, PESO Manager Herminia Infanta at MKWD General Manager Stella Gonzales.
Sa hanay naman ng PNP ay dumalo si PCPT Arnold Carillo habang sa AFP ay si 1LT Charles Ian Parel ng 39th IB PA na kapwa nagsabi na ang proyektong tulad ng natanggap ng Barangay San Isidro ay magbibigay daan upang maiwaksi ang insurgency at armadong pakikibaka sa isang lugar at laging nahanda ang kanilang hanay para tumulong sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa mga barangay. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 17, 2023) – ISA na namang magandang oportunidad ang ipinagkaloob sa mga local farmers/fish pond raisers sa pamamagitan ng Food Sufficiency Program na ipinatutupad ng Office of the City Agriculturist o OCA.
Ito ay sa ginanap na fingerling distribution sa City Pavilion alas-otso ng umaga ngayong araw na ito ng Miyerkules, Mayo 17, 2023 kung saan abot sa 68 magsasaka mula sa 24 barangays ang nakatanggap ng 120,000 tilapia fingerlings at 25,000 hito fingerlings, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.
Ilan sa mga recipients ay mga magsasaka mula sa mga barangay ng Ginatilan, Ilomavis, Kalaisan, Linangkob, Paco, Perez, San Isidro, Manongol, Amazion, Onica, at iba pa na nagpapalago ng fishpond bilang livelihood o pagkakakitaan.
Matapos naman ang distribution ng fingerlings ay sama-sama nagtungo sa Mateo River sa bahagi ng Barangay Perez ang abot sa 30 members ng City Agriculture and Fisheries Council o CAFC, personnel ng OCA, at ilang mga opisyal ng barangay pati ilang residente para sa Balik Sigla sa Ilog at Lawa o BASIL program.
Sa naturang pagkakataon ay nagpakawala sila ng abot sa 10,000 fingerlings ng hito/tilapia bilang bahagi ng pagpapanumbalik ng sigla at mapalakas ang diversity at natural habitat ng ilog ng Mateo.
Una ng isinagawa ng BASIL sa ilog ng Sarayan, Barangay Ginatilan noong Marso 21, 2023 kung saan nagpakawala rin ng maraming fingerlings ang OCA at CAFC sa naturang ilog. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (May 16, 2023) โ DALAWANG makabuluhang proyekto ang ipinagkaloob sa mga opisyal at mamamayan ng Barangay San Roque sa Lungsod ng Kidapawan.
Kahapon, Mayo 15, 2023 ay ginanap ang formal turn-over ng 64-meter Farm to Market Road concreting project (Purok 4) na nagkakahalaga ng P1M at Level 3 water system (Purok 7- installation of overhead tank, water pump and lay outing of pipes) na nagkakahalaga naman ng P3M laan para sa mamamayan ng Barangay San Roque.
Nagmula sa Local Government Support Fund- Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ang P4M pondong ginamit sa dalawang proyekto.
Tulad ng mga ginawang turn-over sa ibang barangay, si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa aktibidad kung saan muli niyang ipinaalala sa mga mamamayan na bigyang halaga at ingatan ang naturang mga proyekto.
Magpapatuloy rin daw ang kanyang administrasyon sa pakikipag-koordinasyon sa mga ahensiya at programa ng gobyerno tulad ng NTF-ELCAC upang maisakatuparan ang mas maraming proyekto sa mga barangay.
Kaugnay nito, pinasalamatan din ni Mayor Evangelista ang kasundaluhan at kapulisan sa pagsisikap ng mga ito na mawala ang insurgency at armadong pakikibaka sa mga barangay.
Layon ng proyekto na maipakita sa mga mamamayan ang lahat ng pagsisikap ng gobyerno upang maiwaksi na ang pakikibaka laban sa pamahalaan at tuluyan ng mawala ang impluwensiya ng insurgency sa lugar.
Lubos naman ang pasasalamat ni San Roque Punong Barangay Simplicia Calvo sa biyayang ipinagkaloob sa kanyang barangay at sinabing malaking pagbabago ang dulot nito lalo na sa mga magsasaka na nagdadala ng produkto palabas ng barangay.
Nakiisa sa okasyon sina City Councilors Michael Earvin Ablang, Jason Roy Sibug, at ABC Kidapawan Federation President Morgan Melodias.
Dumalo rin at nagbigay ng suporta sa aktibidad sina CLGOO Julia Judith Geveso, Acting City Administrator Janice Garcia, City Treasurer Redentor Real, City Budget Officer Alex Pana, City Veterinarian Dr, Eugene Gornez, Francisco Tanaid, Jr. mula sa CGSO, at Assistant Assessor Aurora Abril.
Mula naman sa hanay ng Armed Forces of the Philippines ay dumalo si 1LT Charles Ian Parel mula sa 39th IB PA at sa Philippine National Police naman ay si PCAPT Godofredo Tupas II. (CIO)
KIDAPAWAN CITY – ( Mayo 16, 2023) Giila isip ika unom nga pinakamaayong Mayor sa mga dakbayan sa tibuok Pilipinas si Kidapawan City Mayor Atty, Jose Paolo Evangelista para sa unang quarter ning tuiga base sa Boses ng Bayan independent and non commissioned survey sa RP Mission and Development Foundation Incorporated.
Nakakuha og 83.57โ nga Job Performance Rating si Mayor Pao sigon pa sa nasampit nga survey nga naglangkob niadtong Pebrero 25 – Marso 8, 2023.
Ang maong survey nagapakita sa pagkamaayo sa pipila ka mga lider sa nasud nga nagpakita og maayong pagdumala, epektibong paghatag serbisyo publiko, husto ug tinu-oray nga paggamit sa pondo sa gobyerno, ug pagtubag sa suliran sa katawhan nga ilang ginadumalahan ug ginaserbisyohan.
Usa ka non-government organization kining RPMD nga ang tinguha mao ang makuha ang pulso sa katawhan kung unsa ka maayo ang ilang gipili nga lider pinaagi sa maong survey.
Bisan pa nga makunsiderang bagito sa politika kay mao pay pagsugod sa iyang termino isip mayor ning dakbayan, nakakuha og taas nga grado sa iyang performance si Mayor Pao sa pito ka mga criteria nga gitagana sa RPMD Boses ng Bayan survey nga gilangkuban sa: service delivery, financial management, economic development, governance and leadership, environmental management, social services and public engagement.
” People of Kidapawan, this is for you”, reaksyon pa sa mayor sa naasoy nga pag ila.
Aminado si Mayor Pao nga dili lamang kini personal nga dungog isip amahan ning dakbayan, apan, repleksyon sab kini sa determinasyon ug pakiglambigit sa mga opisyal ug empleyado sa mga katawhan aron mahatag sa pinaka maayong pamaagi ang mga programa, proyekto ug mga batakang serbisyo ngadto sa tanan. ##(CMO)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 15, 2023) โ TANGING ang Kidapawan City ang siyang nanguna at nag-iisang Local Government Unit sa buong Pilipinas na nakapagbenta ng bigas sa mababang halaga na P25 hanggang P20 bawat kilo, na mithiin at ipinangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa mamamayang Pilipino.
Ito ang isa sa mga nakapaloob sa ulat ni City Agriculturist Marissa Aton sa ginanap na flag-raising ceremony at employees convocation ngayong araw na ito ng Lunes, Mayo 15, 2023, kung saan ang Office of the City Agriculturist ang sponsoring department.
Sinabi ni Aton na habang ang ibang LGUโs ay nagsisimula pa lamang sa pagpaplanong makapagbenta ng mababang presyo ng bigas ay sinimulan na ito sa Lungsod ng Kidapawan batay sa kautusan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista nito pang nakalipas na Disyembre 2022 (KDAPS Program) sa halagang P25/kilo at sa pagbubukas ng Merkado Kidapaweno ay pinababa pa ito sa P20/kilo.
Kaugnay nito, nakapagbenta na ang Office of the City Agriculturist sa abot 10,508 recipients/customers sa halagang P25 per kilo (up to 4 kilos per customer) o katumbas ng 42,032 kilos ng bigas at abot sa 4,769 recipients/customers sa halagang P20 per kilo (up to 5 kilos per customer) o katumbas ng 23,845 kilos ng bigas.
Abot ito sa kabuoang 65,877 kilos (65.877 tons) sold to customers/recipients na madaragdagan pa sa susunod na mga araw, ayon sa Office of the City Agriculturist.
Malaking tulong naman ito sa mga Kidapaweno sa harap na rin ng nagmamahalang presyo ng pangunahing bilihin kung saan ang kanilang matitipid mula sa murang bigas ay magagamit pa sa pagbili ng iba pang pangangailangan.
Samantala, iniulat din ni Aton na maliban sa mababang presyo ng bigas sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Evangelista ay patuloy ang implementasyon ng mga programa/proyektong laan para sa mga local farmers tulad ng seedlings and fertilizers distribution, fingerlings distribution, agri-marketing, farm development, pagpapalakas ng support learning site, farm tourism accreditation at iba pang ayuda..
Taglay din ng kanyang report ang mga sumusunod – apat na farms ang na-accredited ng Agricultural Training Institute ng DA12 kung saan ang dalawa rito ay aprubado na bilang mga Farm Tourism Site, nasa 8,881 assorted seedlings ang naitanim ng mga partner farmers para sa CANOPY 25 Project, at ang patuloy na registration ng mga local farmers sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) lalo na ngayong nagbabadya ang El Nino Phenomenon o matinding tag-init sa darating na Hulyo 2023 kayaโt hinihikayat ang mga magsasaka na magtanim ng gulay at iba pa sa kanila mismong mga bakuran.
Bilang panghuli ay nanawagan si Aton sa mga mamamayan na suportahan ang mga local farmers at fisherfolks sa pagdiriwang ngayong buwan ng Mayo, 2023 bilang Farmers and Fisherfolks Month na may temang โMasaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiyaโ at ito ay sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga lokal na produkto tulad ng gulay, prutas, isda, karne ng baka, manok, at baboy at iba pa. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 13, 2023) โ MAINIT na binuksan ang 2023 Inter-Department Sports Competition ng City Government of Kidapawan sa City Gymnasium nitong Huwebes, Mayo 11, 2023 alas-tres ng hapon.
Si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang pormal na nagdeklara ng pagsisimula ng laro (Declaration of Opening) na dinaluhan ng mga Department Heads/Heads of Offices at mismong mga empleyado na nakasuot na ng kani-kanilang uniporme.
โIsang magandang pagkakataon ang Inter-Department Sports Competition para sa mga empleyado ng City Government of Kidapawan para mapalakas ang sportsmanship and camaraderie ganundin ang physical and mental healthโ ayon kay Mayor Evangelista.
Inaasahan ng alkalde na sa lalo pang titibay ang samahan at paguunawaan sa pagitan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan dahil sa aktibidad.
Sumunod naman ang Oath of Sportsmanship na pinangunahan ni Jezzalyn Mae Tagum ng Office of the City Mayor.
Matapos nito ay agad ding sinimulan ang opening game kung saan naglaban sa basketball ang Civil Security Unit (CSU) at ang Office of the City Treasurer (CTO).
Dumagundong ang city gym sa hiyawan dahil sa mahigpitang laro kung saan sa bandang huli ay nanalo ang CTO sa score na 100-92.
Samantala, 16 na mga team ang maglalaban-laban sa naturang palaro. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Office of the City Mayor (Admin, Pag-Amuma Unit, BPLO, Barangay Affairs), Office of the Vice Mayor/Sangguniang Panlungsod, Office of the City Treasurer and City Civil Registrar, Civil Security Unit, Traffic Management and Enforcement Unit, City Disaster Risk Reduction and Management Office and City Information Office, City Hospital, Economic Enterprise Management Office and Kidapawan City Integrated Transport System, Office of the City Engineer and Office of the City Building Official.
Hindi rin naman pahuhuli ang mga team ng City Social Welfare and Development Office/City Planning and Development Office/City Cooperative Development Office/Office of the City Budget Officer, Office of the City Agriculturist and Office of the City Veterinarian, Public Employment Service Office/City Civil Registrar/Human Resource and Management Office at ang Office of the City Budget Officer/Office of the City Accountant/Office of the City Assessor.
Kabilang naman ang basketball, volleyball, badminton, chess, table tennis, at dart sa mga sports events na kanilang paglalabanan.
Mahigit tatlong taon ding natigil ang Inter-Department Sports Competition dahil sa serye ng lindol noong 2019 at pananalasa ng Covid-19 noong 2020 hanggang 2022.
Maliban sa opening day nitong May 11, 2023 ay gaganapin naman ang laro bawat araw ng Biyernes mula Mayo 12, 2023 hanggang huling linggo Ng Oktubre o unang linggo ng Nobyembre 2023 ayon Kay Ramil Deldo, Sports Coordinator/In-Charge kung saan malalaman na ang team na mamamayani. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (May 12, 2023) โ TULOY-tuloy ang buhos ng biyaya sa mga barangay sa Lungsod ng Kidapawan sa larangan ng infrastructure.
Kahapon, May 11, 2023 ay ginanap ang formal turn-over ng Farm-to-Market Road concreting project sa Barangay Gayola ganundin sa Barangay Sto Nino, Kidapawan City.
May haba na 345 meters ang Gayola FMR (Purok 3 to Purok 7) na nagkakahalaga ng P4,000,000.00 habang ang Sto Nino (Purok 4) naman ay may haba na 278 meters at ito ay nagkakahalaga din ng P4,000,000,00.
Ang pondong ginamit sa dalawang proyekto ay mula sa Local Government Support Fund-Support to the Barangay Development Program (LGSF-SBDP) na nakapaloob sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa formal turn-over ng mga FMR kung saan sinabi niyang mapalad ang mga barangay na nabiyayaan ng kahalintulad na proyekto.
Hinimok ni Mayor Evangelista ang mga residente lalo na ang mga opisyal ng barangay na ingatan ang kalsada dahil ito ay laan para sa kanila at sa pamamagitan nito ay mas mapapabilis ang mga serbisyo mula sa gobyerno tulad ng medical and health, maayos na pagdadala o transportasyon ng gulay, prutas, palay at iba pang produkto.
Binigyang-diin ng alkalde na ang mga FMR at iba pang proyekto ng pamahalaan ay hindi maaaring angkinin ng sinumang opisyal o pulitiko dahil ang tunay na nagmamay-ari nito ay ang mga mamamayan na siyang nagbabayad ng buwis.
Sa kanyang panig, ipinahayag naman ni Dept of Interior and Local Government Cotabato Provincial Director Ali B. Abdullah na hanga siya sa performance ng City Government of Kidapawan partikular na sa project implementation gaya na lamang ng FMR ng Gayola at Sto. Nino na maayos na sinimulan at nasunod ang contract duration.
Kaya naman tiniyak niya na masusundan o madaragdagan pa ang mga proyekto para sa lungsod sa pamamagitan ng pondo mula sa national government tulad ng NTF-ELCAC.
Sumuporta din sa okasyon ang mga Kagawad ng Lungsod na sina Michael Earvin Ablang, Jayson Roy Sibog kasama sina Acting City Administrator Janice Garcia, PESO Manager Herminia Infanta, Assistant Assessor Aurora Abril, City Local Government Operations Officer Julia Judith Geveso, habang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) naman ay nagpadala din ng kinatawan at ito ay sina Capt. Dennis Cortejo, Capt. Tuarez at si PCapt. Armando Carillo naman ang ipinadala ng Philippine National Police (PNP).
Masayang masaya na nagpaabot ng pasasalamat ang mga Punong Barangay na sina Albert Espina ng Sto. Nino at Dominador Nacua ng Gayola.
Inaasahan namang magtutuloy-tuloy na ang katahimikan at kaunlaran sa mga barangay tulad ng Gayola, San Roque at iba pang barangay sa pamamagitan ng mga proyektong ipinagkaloob ng LGSF-SBDP ng NTF-ELCAC at iba pang programa ng pamahalaan. (CIO)