Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 29, 2023) โ€“ PORMAL ng nagtapos ang limang araw na pagsasagawa ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet Association o SRAA Meet 2023 kahapon, Abril 28, 2023.

Ginanap ang makasaysayang pagtatapos ng SRAA Meet โ€™23 sa Kidapawan City Plaza sa pangunguna ni Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang mga opisyal ng Department of Education o Deped 12 sa pangunguna ni Regional Director Carlito Rocafort.

Sa kanyang mensahe, taos-pusong pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang lahat ng sektor na nakiisa at nagbigay ng ibayong suporta sa pagsasagawa ng SRAA Meet sa lungsod sa kauna-unahang pagkakataon.
Sinabi ng alkalde na tinanggap niya ang napakalaking hamon na isagawa ang SRAA Meet sa Kidapawan City na siya namang pinakamalaki at pinakaaabangang sports event sa buong Region 12.

Hindi naman raw nabigo ang bawat isa dahil sa kabila ng maikling panahon ng preparasyon at sa harap ng malalaking hamon tulad ng masamang panahon, banta ng COVID-19 at iba pa ay nalagpasan lahat ito at sa katunayan ay namumukod-tangi sa kasaysayan ng SRAA ang pagsasagawa nito sa Kidapawan City.
Sa kanyang panig, pinasalamatan ni RD Rocafort si Mayor Evangelista at ipinahayag ang kanyang lubos na kasiyahan sa matiwasay at organisadong takbo ng SRAA Meet โ€™23 sa Kidapawan City.

Bahagi naman ng closing program ang performance o pagpapakita ng husay sa pagkanta ng Kidapawan City LGU Choral Group at sinundan ito ng lowering of banners sa pangunguna ng mga Schools Division Superintendent mula sa walong delegasyon kabilang sina Dr. Natividad Ocon ng Kidapawan City Schools Division at Romelito Flores ng Cotabato Schools Division at iba pa.

Naging madamdamin din ang ginawang extinguishing of the friendship torch na pinangunahan ni 2019 Palarong Pambansa athlete Mark Dwayne Cano na siyang hudyat ng pagtatapos ng SRAA meet ngayong taon.
Samantala, gaganapin naman sa General Santos City ang SRAA Meet sasusunod na taon, matapos na tanggapin ng Executive Assistant to the City Mayor’s Office na si Joey Concepcion ang SRAA Banner kahapon. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (April 27, 2023) CITY MAYOR ATTY. JOSE PAOLO EVANGELISTA welcomed Koronadal City Mayor Eliordo U. Ogena and Local Government Officials on the fourth day of the SOCCSKSARGEN- SRAA Regional Athletic Meet this city is hosting.

Mayor Ogena was in town to personally visit and show support to the Koronadal City delegation competing in the SRAA Meet.

Before he could do so, Mayor Ogena first dropped by Mayor Evangelistaโ€™s office at the City Plaza for a short courtesy visit.

The two officials talked on the recent developments in their respective cities and updates of the SRAA Meet.

Mayor Ogena thanked Mayor Evangelista for the successful hosting of the SRAA as well as making sure that all delegates are well taken cared during the week long athletic meet.

Mayor Ogena was joined by Koronadal City Councilor Bernardo Hinay, Community Affairs Officer Rey Abela, Executive Assistant I Tecs Usero and other staff coming from the Office of the Mayor of Koronadal.

Joining Mayor Evangelista in welcoming the local officials of Koronadal is Kidapawan City Administrator Janice V. Garcia.

After the short dialogue, Mayor Evangelista gave Mayor Ogena fresh herbs and vegetables harvested from the hydroponics garden just outside the formerโ€™s office.

Later the two officials joined in the photo ops with the winning athletes in the medal awarding ceremonies of the SRAA Meet held at the City Plaza. ##(CMO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 25, 2023) โ€“ PORMAL ng binuksan at ganap ng operational simula ngayong araw na ito ng Martes, Abril 25, 2023 ang Civil Registry System Outlet sa Lungsod ng Kidapawan.

Nanguna sa inauguration ng CRS Outlet si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na una ng lumiham sa Philippine Statistics Authority o PSA at sa Regional Development Council 12 at hiniling na maitayo ang naturang outlet sa lungsod.

Sa pamamagitan ng CRS Outlet o kilala bilang โ€œSerbilisโ€ Center ay mas mapapadali ang proseso ng issuance and authentication ng mga civil registry documents tulad ng birth certificate, marriage certificate, death certificate at iba pang mahahalagang dokumento tulad ng Certificate of No Marriage o CENOMAR.

Halimbawa nito ay ang pagkuha ng authenticated birth certificate na dati ay aabot ng isa hanggang dalawang linggong pag-antay bago makuha pero dahil sa CRS Outlet ay maaari na itong makuha sa loob ng isa hanggang dalawang oras na lamang.

Malaking pakinabang din ang CRS Outlet para sa mga job applicants na nangangailangan ng civil registry documents at sa mga requirements sa paaralan, passport application, pagkuha ng mga clearances of iba pa tulad ng premium annotation, viewable online transaction, document printing at integration of services with other government agencies.

Ang CRS Outlet ay nagsisilbing private service provider para sa PSA para sa mabilisang proseso ng nabanggit na mga dokumento.

Samantala, dumalo rin sa inauguration sina Cotabato Provincial Governor at RDC Chairperson Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo-Mendoza, 2nd District of Cotabato Representative Rudy Caoagdan na naging instrumento rin upang mapabilis ang paglalagay ng CRSO sa Kidapawan City at si City Councilor Aljo Cris Dizon na nagpahayag ng suporta at pasasalamat sa presensiya ng CRS Outlet sa lungsod.

Sa hanay naman ng PSA ay dumalo sina Undersecretary Dennis Mapa (National Statistician at Civil Registrar General), PSA 12 Regional Director Atty. Maqtahar Manulon, at iba pang opisyal ng tanggapan.

Nagbigay naman ng virtual message si National Economic and Development Authority 12 Regional Director Teresita Socorro Ramos kung saan pinuri niya ang ginawang hakbang ni Mayor Evangelista na magtatag ng isang pasilidad na tulad ng Civil Registry System Outlet na tunay na mapakikinabangan ng mga Kidapawenos at iba pang mamamayan ng lalawigan at mga kalapit probinsiya.

Maliban rito, ay malaking tulong din sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya ang pagkakaroon ng CRS Outlet at hudyat naman ito upang magkaroon ng iba pang tanggapan ng mga regional at maging national agencies sa lungsod.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Evangelista sa mga nabanggit na opisyal ng PSA at NEDA 12 sa kanilang positibong tugon at sa pakikiisa sa hangaring mailapit ang tunay na serbisyo publiko sa mamamayan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 25, 2023) โ€“ PORMAL ng binuksan ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet โ€˜23, kahapon, Abril 24, 2023 sa Magsaysay Eco-Park, Kidapawan City.

Si Department of Education 12 Regional Director Dr. Carlito D. Rocafort ang nanguna sa pormal na pagbubukas ng SRAA Meet โ€™23 na siya namang pinakamalaki at pinakaaabangang sports event sa buong SOCCSKSARGEN.

Dumalo ang mga matataas na opisyal ng Lungsod ng Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na una ng tinanggap ang malaking hamon ng pagsasagawa ng SRAA Meet sa lungsod sa kauna-unahang pagkakataon sa harap na rin ng ibaโ€™t-ibang hamon kabilang na ang dalawang taon na natigil ang SRAA dahil sa pandemiya ng COVID-19.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Evangelista ang kahalagahan ng sports at ang papel nito sa pagtamo ng pagkakaisa, kapayapaan, at pagmamahalan ng mga mamamayan ng SOCCSKSARGEN.

Nanawagan din ang alkalde sa bawat stakeholder ng palaro na panatilihin ang sportsmanship, camaraderie, at healthy competition sa pagitan ng mga athletes.

Dumalo rin sa maksaysayang pagbubukas ng SRAA โ€™23 si Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza, 2nd District of Cotabato Board Member Joseph A. Evangelista, mga city councilors, department heads at mga personnel ng City Government of Kidapawan, DepEd 12 officials, mga sports/technical officials at ang mga libo-libong manlalaro mula sa mga lalawigan ng South Cotabato, (North) Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong, at Kidapawan na lalahok sa SRAA Meet โ€™23.

Mahigit 6,000 indibidwal mula sa walong delegasyon ang dumagsa sa lungsod para sa SRAA Meet โ€™23 at kinabibilangan ito ng mga delegation officials, coaches, assistant coaches, trainers, chaperons, at mga athletes at pati na ang general management, Technical Working Group at officiating officials.

Paglalabanan naman ng mga atleta ang humigit-kumulang sa 27 sports events na kinabibilangan ng archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, billiards, boxing, chess, football, futsal, gymnastics, kasama pa ang Sepak Takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball ganundin ang wrestling, wushu, dancesport, Pencat Silat, goal ball, bocce, at swimming.

Samantala, nagpakita naman ng talento ang mga miyembro ng Kidapawan City LGU Drum and Lyre Corps at LGU Zumba Dance Group sa pamamagitan ng kanilang mga special number presentation.

Nagtapos naman ang aktibidad sa pamamagitan ng nakakamanghang fireworks display na isang malaking sorpresa ng City Government of Kidapawan para sa mga dumalo sa opening ng SRAA Meet โ€™23. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 25, 2023) โ€“ BAGO tuluyang buksan ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) Meet 2023 sa Kidapawan City ay ginanap ang unveiling of mural painting sa bahagi ng Quezon Boulevard, National Highway partikular na ang pader sa harapan ng Our Lady of Mediatrix of All Grace Cathedral o OLMAG kahapon, Abril 24, 2023., ganap na 3:30 PM.

Makikita sa mural painting ang mga obra-maestra ng mga kasapi ng Irinigyun Artist Guild na nakabase sa lungsod at ito ay ang mga magaganda at makasaysayang lugar o tanawin tulad ng Mt. Apo, highland springs, bulalak, prutas at ang ganda ng kalikasan na matatagpuan sa Kidapawan.

Nanguna sa makasaysayang unveiling si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na una ng nagpahayag na ang nabanggit na mural painting ay bahagi ng pagsusulong ng โ€œLuntian Kidapawanโ€ at layuning makamit ang sustainable development para sa lungsod.
Dumalo sa aktibidad sina DepEd 12 Regional Director Dr. Carlito Rocafort, kasama ang mga Schools Division Superintendent mula sa SOCCSARGEN kabilang si Kidapawan Schools Division Superintendent Dr. Naty Ocon at iba pa, mga konsehal ng lungsod na sina Gallen Ray Lonzaga, Aljo Cris Dizon, Carlo Agamon, at Michael Earvin Ablang at mga key personnel ng City Government of Kidapawan.

Maliban sa magagandang tanawin ay taglay rin ng mural painting ang seal ng SRAA na sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga lalawigan sa Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN sa pamamagitan ng sports o mga palaro.

Kabilang na ngayon ang mural painting sa OLMAG sa mga landmark ng Kidapawan City na lalo pang magpapakilala sa lungsod bilang isang mapayapa, nagkakaisa, at maunlad na lugar sa Rehiyon 12 as sa buong isla ng Mindanao. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 24, 2023) โ€“ BAGO paman pormal na magbukas ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA โ€™23 Meet sa Lungsod ng Kidapawan ngayong araw na ito ng Lunes, Abril 24, 2023, ay nagsagawa muna ng ceremonial tree planting activity ang mga partisipante at mga stakeholders ng palaro mula sa City Government of Kidapawan at Department of Education Region 12.

Matagumpay nilang naitanim ang abot sa 1,500 seedlings ng pine trees (Agoho) sa kahabaan ng national highway ng Barangay Balindog, Barangay Paco, Barangay Binoligan, at Barangay Amas (Road right-of-way Balindog-Amas boundary) ganap na alas-siyete ng umaga.

Nanguna sa tree planting si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kasama ang mga Department Heads ng City Government at ang mga counterpart mula sa Department of Education SOCCSKSARGEN o Region 12 sa pangunguna ni Regional Director Dr. Carlito O. Rocafort at iba pang mga dignitaries mula sa kagawaran kabilang ang Schools Division ng General Santos City, Cotabato Province, Koronadal City, Sarangani Province, South Cotabato Province, Sultan Kudarat Province, Tacurong City at Kidapawan City.

Humigit-kumulang sa 200 seedlings ang naitanim ng bawat delegation, ayon kay City Environment and Natural Resources Officer o CENRO Engr. Edgar Paalan.

Ikinatuwa ng mga partisipante mula sa DepEd ang aktibidad dahil naging bahagi sila ng Canopy 25 project ng administrasyon ni Mayor Evangelista na isa sa pinakamahalagang proyektong naglalayong mailigtas ang buhay ng susunod na mga henerasyon mula sa mga kalamidad tulad ng malawakang flashfloods.

Layon ng Canopy 25 sa pangunguna ng CENRO bilang lead office na makapagtanim ng abot sa 2.5 milyong punong-kahoy (endemic trees) sa mga piling lugar sa lungsod kabilang na ang mga riverbanks, watersheds at maging sa bahagi ng national highway at maging daan upang ma-mitigate o mabawasan ang mga matitinding bah ana sumisira ng buhay at ari-arian.

Inilungsad ang Canopy 25 sa bahagi ng Sarayan River, Barangay Ginatilan, Kidapawan City noong Pebrero 21, 2023 bilang mahalagang component ng pagdiriwang ng 25th Charter Anniversary ng Kidapawan City. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023) -NATANGGAP na ng abot sa 468 atleta o mga manlalaro ng DepEd Kidapawan Schools Division ang kanilang complete set of SOCCSKSARGEN Regional Athletic Meet o SRAA โ€˜23 uniforms ngayong araw na ito ng Linggo, Abril 23, 2023 o isang araw bago ang pagsisimula ng laro bukas Abril 24, 2023.

Mula damit pang-itaas hanggang pang-ibaba kasama na ang sapatos ang tinanggap ng mga manlalaro sa ginawang pamamahagi sa Kidapawan City National High School o KCNHS sa pangunguna ng mga guro at iba pang technical official.

Taglay ng uniporme ang disenyo ng official uniform ng Kidapawan Delegation na Mynas o isang uri ng aktibo at matalinong ibon.
Maliban rito ay kaaya-ayang tingnan ang mga atleta ng lungsoid sa suot nilang uniporme na tiyak na magpapalakas ng kanilang kumpiyansa sa bawat laro.

Kaugnay nito, tuwang-tuwa naman ang mga manlalaro ng lungsod maging ang kanilang mga guro, coaches at magulang dahil kumpleto na ang paghahanda ng kanilang mga manlalaro para sumabak sa pinakamalaki at pinakaaabangang laro sa buong rehiyon ng SOCCSKSARGEN.

Pinasalamatan nila si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa ibayong suporta at pagbibigay ng inspirasyon sa kanila. Ipinaabot din nila ang pasasalamat sa Kidapawan City Schools Division sa pangunguna ni Dr. Natividad Ocon, CESO VI at sa lahat ng mga guro, coaches, at trainers na walang sawang nagtuturo at gumagabay sa kanila.

Gagawin ang SRAA โ€™23 (Abril 24-28, 2023) sa Lungsod ng Kidapawan sa kauna-unahang pagkakataon kaya naman lubos ang ginawang preparasyon ng City Government at ng DepEd City Schools Division upang maisagawa ng maayos, masigla, at ligtas ang bawat sport event ng SRAA. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023)- ISANG araw bago magsimula ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA Meet 2023 ay kumpleto ng naipamahagi ng City Government of Kidapawan ang mga kinakailangang hygiene kits para sa mga delegates ng pinakamalaking palaro o sports event sa buong rehiyon.

Ayon kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, mahalaga ang pamamahagi ng mga hygiene kits para na rin sa kaligtasan ng mga manlalaro laban sa sakit at mapanatili ang maayos na kalusugan.
Sa harap na rin ito ng napaulat na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ibaโ€™t-ibang bahagi ng bansa at ang panawagan ng mga health officials na palakasin muli ang kampanya laban sa naturang sakit at iba pang karamdaman.

Laman ng hygiene kit ang anti-bacterial soap, mosquito lotion repellant, bath towel, at iba pa kalakip na ang brochure na nagtataglay ng ruta o travel route mula sa kanilang billeting school patungo sa mga sports events playing venues ng SRAA 2023, ayon naman kay Acting City Administrator Janice V. Garcia.

Maliban pa ito sa mga washing areas na matatagpuan sa bawat paaralan at dagdag pa ang mga alcohol at sanitizer na gagamitin ng mga manlalaro at iba pang kalahok.

Nasa 13 ang mga billeting quarters na tutuluyan ng mga delegado (athletes and technical officials) kung saan tutuloy ang 9 na mga delegado mula sa ibaโ€™t-ibang lalawigan ng SOCCSKSARGEN o Region 12 na una ng nabigyan ng mga kinakailangang hygiene kits.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Lanao Central Elem School, Lanao National High School at Isidoro Lonzaga Memorial Elem School na tutuluyan o billeting para sa mga delegates mula sa General Santos City, Paco Central Elem School at Paco National High School na billeting para sa Koronadal City, Kidapawan City National High School na billeting para sa Kidapawan City delegates and Technical Officials, Felipe Suerte Memorial Elem School at Saniel Cruz National High School na billeting para sa mga Sarangani delegates, Kidapawan City Pilot Elem School para sa South Cotabato delegates, Amas Central Elem School at Amas National High School para sa Sultan Kudarat delegates at Mariano Mancera Integrated School at Singao Integrated School naman para sa Tacurong City delegates at ang Magpet National High School para sa mga delegates mula sa North Cotabato.

Mula sa bilang na 3,000 hanggang 4,000 delegado ang nabigyan ng hygiene kits mula sa City Government of Kidapawan at inaasahang madaragdagan pa ito hanggang matapos ang araw.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang ocular inspection ng bawat sports o playing venues ganundin ang mga billeting quarters sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kasama ang mga key personnel ng Kidapawan City DepEd Schools Division upang matiyak na magiging maayos at matiwasay ang pagsasagawa ng SRAA 2023.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maging host ng SRAA ang Kidapawan City kung kayaโ€™t todo ang naging preparasyon ng lungsod sa 5-day SRAA mula April 24-28, 2023 na siya namang pinakamalaki at pinaka-aantabayanang sports event sa buong SOCCSKSARGEN o Region 12. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Abril 23, 2023) โ€“ MAS magiging sistematiko na ngayon ang takbo ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA Meet 2023.

Ito ay dahil sa ipatutupad na Digital Attendance System o DGS para sa mga athletes, coaches, trainers o mga technical officials, parents, at iba pang personnel na kabilang sa 5-day SRAA Meet na gaganapin sa Lungsod ng Kidapawan mula Abril 24-28, 2023.

Sa pamamagitan ng Digital Attendance System o DAS na isang web-based application ay mamo-monitor ng mabuti ang bawat manlalaro ganundin ang lahat ng mga kabilang sa SRAA Meet โ€™23.
Ang Communication Technology Office na nasa ilalim ng Office of the City Mayor ang naatasang magpatupad ng naturang sistema na magbibigay naman ng ibayong seguridad sa pagsasagawa ng SRAA Meet.

Isang linggo bago sumapit ang SRAA โ€™23 ay nagsagawa na ng online registration ang CTO sa mga athletes, coaches, trainers, mga magulang o caretakers at iba pang technical officials sa pamamagitan ng isang link kung saan kailangan ilagay ang ilang mahahalagang personal information tulad ng name, gender, address, sports event, email address, at contact number.

Matapos nito ay agad ding makakapag-generate ng QR Code ang DAS upang magiging basehan sa attendance ng isang indibidwal maging ito man ay sa billeting area o playing venues.

Para ito sa kaligtasan ng mga stakeholders ng SRAA Meet โ€™23 sa harap na rin ng mga posibleng nakaambang problema sa seguridad at maging sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon dahil magagamit ito sa contact tracing.

Mismong mga guro ng DepEd Kidapawan City Schools Division na una ng sumailalim sa pagsasanay tulad ng scanning at reading nitong Abril 21, 2023 ang magpapatupad ng Digital Attendance System simula bukas Abril 24, 2023 sa pagbubukas ng SRAA Meet hanggang sa pagtatapos nito sa Abril 28, 2023.

Una ng ginamit ang Digital Attendance System sa pamamahagi ng hygiene kits sa mga billeting areas at napatunayan namang ito ay epektibo at walang palya.

Dagdag pa rito ay nagsagawa ng dry-run sa paggamit ng DAS ang mga guro kahapon, Abril 22 at ngayong araw Abril 23, 2023 bago ang opening day bukas.

Ito ang pinakaunang pagkakataon na mag-host ang Lungsod ng Kidapawan ng SRAA Meet na siya namang pinakamalaki at pinaka-aabangang sports event sa buong rehiyon.

Ito rin ang kauna-unahang SRAA Meet na gagamit ng sistematikong Digital Attendance System para makamit ang organisado at matiwasay na laro at matiyak ang kaligtasan ng bawat-isa na makikilahok sa aktibidad. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (April 18, 2023) โ€“ DALAWANG mga piling barangay sa Lungsod ng Kidapawan ang pagtatayuan ng mga karagdagang mga Super Health Center na nagkakahalaga ng mahigit P8M bawat isa. Ito ay kinabibilangan ng Barangay Binoligan (Western Kidapawan Super Health Center- P8.1M) at Barangay San Isidro (North-Western Super Health Center- P8.2M) kung saan ginanap ang Groundbreaking Ceremony kahapon, Abril 17, 2023 sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista at si Dept. of Health (DOH) 12 Regional Director Dr. Aristides Concepcion-Tan. Layon ng paglalagay ng mga Super Health Centers ay upang mas mailapit pa sa mamamayan ang serbisyong pangkalusugan at medical at mapanatili ang maayos na pamumuhay sa mga barangay. Maliban rito ay mas madaling makatanggap ng serbisyo ang mga mamamayan dahil nasa mismong barangay na ang nabanggit na pasilidad at hindi na kailangan magtungo pa sa sentro o sa City Health Hospital upang magpatingin.Mga mahahalagang serbisyo ang hatid ng Super Health Center tulad ng TB DOTS, birthing center, laboratory, x-ray, ultrasound, pharmacy, kasama pa ang ambulatory surgical unit โ€“ basic services, EENT services, outpatient services at ang telemedicine. Sa pamamagitan naman ng telemedicine ay hindi na kailangan pa ng may sakit o ng pasyente na bumiyahe dahil sa pamamagitan lamang ng virtual communication ay gagawin ng espesyalista ang diagnosis sa kanya.Gagamitin ang pondo mula sa DOH para sa konstruksiyon ng mga Super Health Center ng Barangay Binoligan at San Isidro habang maglalaan din ng counterpart ang City Government of Kidapawan at ito ay ang sweldo ng mga itatalagang personnel, regular supplies, at mga gamot na kakailanganin ng mga pasyente na magpapatingin doon.Kaugnay nito, kapwa naman nagpahayag ng ibayong pasasalamat ang mga Punong-Barangay na sina Ricky Rogero ng Barangay Binoligan at Dionisio Wanal ng San Isidro pati na ang kanilang mga kagawad at residente o naninirahan sa lugar.Una ng nagkaroon ng P8M Urban Health Center sa Barangay Mua-an noong 2019 at P9M Super Health Center sa Barangay Kalaisan na sinimulang itayo nitong nakalipas na 2022 at matatapos na sa darating na buwan ng Mayo 2023 na tiyak namang magdudulot ng ginhawa sa mga mamamayan pagdating sa usapin ng essential medical services. (CIO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio