KIDAPAWAN CITY (Mayo 10, 2023) โ ONE is to one na ang ratio ng taglay na communication equipment ng mga Purok Presidents at mga Barangay Peacekeeping Action Team โ Special Action Team sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.
Ito ay matapos ang Orientation and Distribution of Communication Equipment na bago lamang ginanap sa Regional Evacuation Center, Barangay Sudapin ng lungsod.
Tiyak namang magiging mas mabilis at sistematiko na ang magiging takbo ng komunikasyon sa pagitan ng naturang sektor at ng Kidapawan City Police Station o KCPS kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Abot sa 60 na mga purok presidents at 48 na mga BPAT-SAT ang nabigyan ng tig-isang communication equipment sa naturang okasyon at tiniyak na bawat isa ay nakatanggap nito.
Magagamit nila ito sa pagbibigay ng impormasyon at pag-report ng mga emergency situation tulad ng krimen, kalamidad, at iba pang pangyayari.
Si Cyril Evangelista mula sa Office of the City Mayor ang nagbigay ng rationale ng pamamahagi ng communication equipment kung saan binigyang-diin niya na bahagi ito ng layuning mapalakas at mapabilis ang komunikasyon ng mga barangay sa mga ahensiya tulad ng PNP, BFP, 911 at maging sa COTELCO at ang Barangay Affairs Office sa pamamagitan ng mga makabagong communication equipment/gadget.
Ibinahagi naman ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer o CDRRMO Psalmer Bernalte ang kahalagahan ng maayos na komunikasyon upang maibigay ang tamang impormasyon sa kinauukulan sa pamamagitan ng communication etiquette and process.
Sinabi din ni Bernalte na sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon ay mabilis na marerespondihan ang mga emergency at agad ding makakakilos ang kinauukulan tulad ng pulis, bombero, search and rescue responders, at iba pa.
Sa kanyang panig, nagbigay naman ng lecture si Paquito Jacolbe, Jr., Board of Director ng KATROPA CIVICOM at miyembro ng Philippine Practical Shooting Association o PPSA patungkol sa basic operation ng communication equipment at inihalimbawa ang paggamit ng two-way hand-held radios at iba pa.
Ilan sa mga partisipante ay may alam na sa paggamit ng communication equipment ngunit marami pa rin ang kailangang turuan sa basic operation kayaโt itinuro sa kanila ang ilan mga practical steps tulad ng switch-on, switch-off, press to talk o PTT, at iba pa.
Nagbigay din ng message of support si Deputy Chief of Police Captain Razel E. Enriquez at tiniyak ang agarang aksyon ng local police sa mga tawag mula sa mga Purok Presidents at BPAT.
Ibinahagi din ni Enriquez ang papel ng Barangay Information Network for Support o BINS na sinimulan ng itatag at palakasin sa mga barangay at may layuning ipaalam agad sa local police ang mga insidenteng may kinalaman sa terorismo, nakawan, pagpatay, harassment and threat, at iba pang uri ng krimen.
Hindi naman ipinagkait ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang pagkakataon para bisitahin ang mga Purok Presidents ng Poblacion ganundin ang mga kasapi ng BPAT-SAT.
Ipinahayag din niya ang malaking suporta sa mga ito lalo na sa pagsugpo ng krimen sa mismong barangay sa pamamagitan ng maagap ng reporting at pagbibigay ng eksaktong impormasyon.
Para sa alkalde, walang puwang ang mga masasamang loob sa Kidapawan City dahil nais ng mamamayan nito na mapanatili ang katahimikan at kapayapaan at ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod.
Samantala, susunod namang mabibigyan nv communication equipment ang mga purok sa iba pang barangay sa susunod na mga araw. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 11, 2023) โ NABIYAYAAN ng tig-isang farm to market road concreting project ang Barangay Malinan na nagkakahalaga ng P4,000,000.00 at ang Barangay Katipunan na nagkakahalaga rin ng P4,000,0000.00 o kabuoang P8M infrastructure projects.
Sa turn-over ceremony na ginawa kahapon May 10, 2023 ay pormal na nailipat ang 305-meter Malinan FMR at 264-meter Katipunan FMR mula sa City Government of Kidapawan patungo sa kamay ng mga opisyal ng dalawang barangay.
Mismong si Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa turn-over na masayang dinaluhan ng mga opisyal at mamamayan ng Barangay Malinan at Barangay Katipunan.
Mula sa Local Government Support Fund โ Support to Barangay Development Program o LGSF-SBDP ang tig-P4M na pondo para sa dalawang nabanggit na proyekto na nakapaloob sa End Local Communist Armed Conflict o ELCAC ng national government.
Napabilang ang mga barangay ng Malinan at Katipunan sa mga priority barangays na nakabiyaya ng mga proyekto mula sa LGSF-SBDP tulad ng infrastructure, social services at iba pa.
Layon din nito na mabigyan ng ibayong tulong ang mga conflict-affected communities o insurgency-affected barangays upang makabangon sila sa pamamagitan ng mga biyaya mula sa gobyerno.
Dumalo sa project turn-over si Dept of Interior and Local Government o DILG Provincial Director Ali B. Abdullah at nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa maayos at epektibong implementasyon ng proyektong laan para sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang barangay.
Nakiisa din sa okasyon sina City Councilors Michael Earvin Ablang at ABC President Morgan Melodias kasama sina City Engineer Lito Hernandez, Acting City Administrator Janice Garcia, City Budget Officer Alex Pana, City Assessor Daniel Calawen, Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta, at CLGOO Julia Judith Geveso.
Bilang tugon, ay ipinahayag ng mga Punong Barangay na sina Gemma Pajes ng Malinan at Ricardo Reforial ng Katipunan ang kanilang pasasalamat sa natanggap na proyekto kasabay ang pangakong iingatan ang mga ito.
Ayon sa dalawang opisyal, ito ay sagot sa kanilang panalangin na mabigyan sila ng matiwasay na kalsada na pakikinabangan ng bawat residente ng barangay at maging ng iba pang nagtutungo sa lugar at higit sa lahat ay magbibigay ng daan sa pag-unlad ng pamayanan. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 10, 2023) โ ISANG makasaysayang okasyon para sa mga mamamayan ng tatlong adjacent o magkakadikit na barangay ng Sumbac, Macebolig, at Onica sa Kidapawan City ang ginanap na formal turn-over ng isang mahalagang infrastructure project kahapon, Mayo 9, 2023, bandang ala-una ng hapon.
Ito ay ang 9.34-kilometer Sumbac-Onica Farm to Market Road (10 meters width-5 mtr carriage way and 1.5 meter both shouldering) na nagkakahalaga ng P143,800,000.00 at pinondohan ng Philippine Rural Development Program o PRDP ng Department of Agriculture o DA.
Si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang nanguna sa turn-over na sinaksihan ng ibaโt-ibang sektor kabilang na ang mga opisyal at mamamayan ng tatlong barangay na labis ang kasiyahan sa pagkakaroon ng sementadong kalsada at magiging instrumento sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lugar partikular na sa larangan ng agrikultura.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang DA-PRRD at ang mga mamamayan ng tatlong barangay partikular na ang kanilang mga barangay officials sa pakikipatulungan upang maisakatuparan ang proyekto. Hinikayat din niya ang mga residente na alagaan ang kalsada dahil ito ay inilaan para sa kanila ng pamahalaan.
Sinimulan ang konstruksiyon ng proyekto noong 2019 kung saan layon nitong maging maginhawa at ligtas ang biyahe ng mga magsasaka na nagdadala ng kanilang mga produkto tulad ng gulay, prutas, at iba pang pananim tulad ng mais, niyog, at goma.
Makikinabang din sa bagong kalsada ang iba pang mga mamamayan na dumaraan sa lugar lalo na ang mga guro, mag-aaral, at mga negosyante.
Bago naipatupad ang naturang farm to market road project ay hirap ang mga residente lalo na ang mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa sentro lalo na kung umuulan kung saan hindi maiwasan ang pag-apaw ng tubig at ang lubak-lubak na daan.
Naging susi sa katuparan ng proyekto ang mahusay na koordinasyon sa pagitan ng City Government of Kidapawan at ng PRDP na nagnanais mapaunlad ang sektor ng agrikultura at mabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga magsasaka sa pamamagitan ng angkop na proyekto na siya namang prayoridad ni Mayor Evangelista.
Dumalo din sa formal turn-over at ribbon-cutting ceremony ang mga konsehal ng lungsod na sina Michael Earvin Ablang, Galen Ray Lonzaga, Rosheil Gantuangco-Zoreta, Judith Navarra, at ABC President Morgan Melodias.
Nakiisa din sa mahalagang okasyon sina Acting City Administrator Janice Garcia, City Agriculturist Marissa Aton, City Treasurer Redentor Real, Engr. Eduardo Tayabas na kumakatawan kay City Engr. Lito Hernandez, Philippine Councilors League – Cotabato Chapter President Rene Rubino na kumakatawan kay Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza at Kagawad Jerry Buscado mula sa Barangay Onica.
Mula naman sa PRDP ay dumalo sina I-BUILD Component Head Jocelyn Torres, Rural Infrastructure Focal Engr. Jerry Joseph Dujale, at Carl Aguilon.
Ipinarating naman nina Punong Barangay Michael Sagusay ng Sumbac, Punong Barangay Baltazar Daplinan ng Macebolig, at Punong Barangay Gasbamel Rey Suelan ng Onica ang kanilang malaking pasasalamat sa proyektong ibinigay sa kanila.
Sa muli, ang bagong kalsada ayon pa sa mga opisyal ay magbibigay ng daan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng kanilang mga barangay at ng buong pamayanan. (CIO)
PRESS RELEASE
KIDAPAWAN CITY (Mayo 8, 2023) โ SABAY na nagbukas ng kanilang puwesto sa loob ng Mega Market ng Lungsod ng Kidapawan ang Poblacion May Pag-asa PWD SLP Association at Poblacion Solo Parents SLP Association ngayong araw na ito ng Lunes, Mayo 8, 2023, alas-nuwebe ng umaga.
Ito ay ang Stall No. 171 at 181 na matatagpuan sa Building 2 ng Mega Market kung saan ginawa ang ribbon cutting of formal opening ng mga puwesto na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO kasama ang mga opisyal at miyembro ng dalawang mga samahan.
Matatandaang noong Enero 30, 2023, sa pamamagitan ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at ng CSWD ay tinanggap ng ibaโ-t-ibang asosasyon o grupo kabilang na ang Poblacion PWD SLP at Poblacion Solo Parents SLP ang pondo mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na tig P300,000 bilang financial assistance na kanilang gagamitin sa pagtatayo ng negosyo.
General merchandise ang napili ng Poblacion PWD habang Pasalubong Center naman ang napili ng Poblacion Solo Parents, ayon kay Assistant CSWD Officer Aimee Espinosa.
Sa pamamagitan ng SLP capability program ng DSWD ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Civil Society Organization sa lungsod na mabigyan ng accreditation at pondo para sa mapipiling livelihood project at iba pang tulong upang mapalago ang kanilang kabuhayan.
Dumalo sa aktibidad si City Vice Mayor Melvin Lamata, Jr. kung saan hinikayat niya ang mga miyembro na pagbutihin ang kanilang mga napiling negosyo upang mas umasenso ang kanilang buhay. Nagbigay din siya ng limang sakong bigas na magagamit bilang dagdag na stocks para sa PWD SLP Association habang mga furniture and fixtures naman ang ibinigay para sa Solo Parents SLP Association.
Samantala, dumalo rin sa okasyon sina DSWD FO Project Development Officer II James Lu at Tyrone Alberto, 4Ps Action Team Leader Elfa Leoncito at mga personnel mula sa CSWDO na sina Project Development Officer II Joseph Salera, PWD Focal Person Robelyn Barcelo at mga personnel mula sa Local Economic Development and Investment Promotion, Inc. o LEDIPO na sina Aljayvone Ganas at Theresa Pia na kumatawan kay LEDIPO Head Stella Hernandez.
Bilang panghuli ay nagbigay ng message of thanks sina Poblacion May Pag-asa PWD SLP President Florediosa Carillo at Poblacion Single Parent SLP President Consuelo Juarez kasabay ang pangakong pagbubutihin ang proyekto sa pamamagitan ng pagkakaisa, maayos na pamamalakad ng negosyo at pagharap sa ibaโt-ibang hamon.
Pinasalamatan din nila si City Mayor Evangelista sa patuloy na pagpapatupad ng mga proyekto at programang nakakatulong ng malaki sa kanilang sektor partikular na sa aspeto ng negosyo at pangkabuhayan. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (Mayo 8, 2023) โ MAGANDA ang naging resulta ng ginanap na 3-day Job Fair sa City Gymnasium mula May 1-3, 2023 kaugnay sa pagdiriwang ng Labor Day nitong May 1.
Abot sa 80 aplikante ang Hired On-the-Spot o HOTS o agad na natanggap sa trabaho sa local employment habang 16 naman ang natanggap agad para sa overseas employment, ayon kay Public Employment Service Office o PESO Manager Herminia Infanta.
Nasa 33 local companies at abot sa 13 overseas companies ang nagsilbing partner agencies ng PESO Kidapawan sa naturang job fair kung saan binuksan ang abot sa 1,921 local job vacancies at 160 overseas o abroad job opportunities.
Nakapagtala ang PESO Kidapawan ng abot sa 4,846 pre-registration of applicants mula sa Kidapawan City at mga bayan sa Cotabato Province at kalapit na mga lalawigan tulad ng Davao del Sur, Sultan Kudarat at Bukidnon.
Mula sa bilang na ito, abot sa 2,200 jobseekers o katumbas ng 42% actual applicants ang dumagsa sa tatlong araw na aktibidad, ayon na rin sa PESO Kidapawan.
Inaasahan namang magsasagawa muli ng kahalintulad na aktibidad ang tanggapan katuwang ang Department of Labor and Employment o DOLE at mga partner agencies upang marami pa ang matulungang makahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa. (CIO)
Mas maginhawa na ang daloy ng mga sasakayan sa daan ng purok 3 patungong purok 7 ng barangay Gayola matapos pagawan ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan ng road concrete ang lugar.
Ang Barangay Gayola ay matatagpuan sa pagitan ng Barangay San Isidro at Barangay San Roque. At may mga pangunahing produkto na kinabibilangan ng palm, niyog, goma, palay, mais, saging, graba at buhangin. Ang nasabing barangay ay isa lamang sa mga pook ng lungsod na namomroblema sa kalagayan ng kanilang daan, lalo na tuwing tag-ulan. Partikular na ang purok 3 ng nasabing barangay na syang pinakamadalas na daanan ng mga sasakyan dahil mas malapit ito papunta ng purok 7 at barrio, gayundin papunta ng brgy. San Roque na katabing barangay nito.
Madalas na ginagamit ng mga taga Brgy. San Roque ang daan sa purok 3 ng barangay Gayola palabas ng bayan upang ikalakal ang kanilang mga produkto โ na kadalasan ay ikinakarga sa mga nagsisilakihang truck. At dahil sa pinagsamang uri ng lupa, laki at bigat ng mga sasakyang dumadaan dito, at maulang panahon ay nagkakaroon dito ng mga animoy maliliit na fishponds na sya namang naging pangunahing problema na kanilang hinaharap. Ang mga sasakayan kasi na dumadaan dito ay madalas na naaantala dahil sa nababaon ang mga gulong nito sa daan, dagdag pa dito ay pinangangambahan nila na kapag sa panahon ng emergency ay maantala ang kanilang pagbyahe. Dahil dito ay napipilitan silang lumibot sa mas malayong ruta upang maiwasan ang pagkaantala.
Subalit ngayon ay mas mabilis na ang tranportasyon sa lugar mula nang matapos ang road concreting sa nasabing barangay ay mas naging matiwasay ang naging daloy ng kalakaran sa kaniang lugar. Ang nasabing road concreting project na nagdudugtong sa purok 3 at purok 7 ng barangay ay may habang tatlong daan at apat na puโt limang metro o 345 meters na nagkakahalaga naman ng abot sa P2, 877, 749 โ pondo na nagmula sa Local Government Support Fund โ Support to Barangay Development Program. Dagdag pa rito ay nakipagtulungan din ang NTF ELCAC, DBM at DILG sa proyekto na naisakatuparan sa pamamagitan ng City Government of Kidapawan.
Lubos ang galak at pasasalamat ng mga residente sa natanggap na proyekto. Inaasahan nila na sunod-sunod na ang pagpasok ng kaunlaran sa kanilang lugar at matamasa ng susunod na henerasyon ang benepisyo na hatid ng maayos at matibay na daan.
KIDAPAWAN CITY (May 3, 2023) โ UPANG mapalawak pa ang kanilang kaalaman at mapalalim ang kakayahan, sumailalim sa dalawang araw na Good Agricultural Practices o GAP Training for Fruits ang abot sa 25 mga fruit growers mula sa Kidapawan City.
Ginanap ang naturang training sa Dr. Alfredโs Essetials, Inc. mula Mayo 2-3, 2023 kung saan naging resource persons ang mga personnel mula sa Department of Agriculture โ Regional Field Office 12 na sina Isidro Abrazado at Aiza Mae Godornes, pawang mga Agriculturist II.
Nagsilbing facilitator ng aktibidad sina Agricultural Technologist Corafer Moreno at High Value Crops Coordinator Anthony Samoy (GAP Coordinators).
Sa unang araw ay ibinahagi sa mga partisipante ang pamamaraan sa pagkamit ng Philippine Good Agricultural Practices o PhilGAP Certification (4 modules) at matapos ay nagkaroon din sila ng open forum para sa paglilinaw at karagdagang tugon sa mga inquiries mula sa mga fruit growers.
Sa pangalawang araw naman ng pagsasanay ay ginawa ang field visitation, pre-assessment and validation sa mga fruit farms (durian, lansones, manga, pomelo, pineapple, at mangosteen) na matatagpuan sa mga barangay ng Ginatilan, Meohao, Balabag, Mua-an, Indangan, at Sibawan na pag-aari mismo ng mga partisipante.
Nagkaroon din sila ng pagkakataon na makapag-tour sa mismong farm ng Dr. Alfredโs Essentials, Inc. kung saan nakatanim ang daan-daang mga puno ng mangosteen na pinagmumulan ng ibaโt-ibang produkto tulad ng mangosteen coffee, juice, tea at iba pa.
Maliban sa layuning mapalakas ang produksiyon ng mga fruit grower, target din na gawin silang mga active partners sa pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura ng local government, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.
Bahagi naman ng pagdiriwang ng Farmersโ and Fisherfolkโs Month Celebration ngayong buwan ng Mayo, 2023 ang GAP training na may temang โMasaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiyaโ.
Naniniwala ang Office of the City Agriculturist na sa pamamagitan ng aktibidad ay magkakaroon sila ng mas malawak na market linkage and opportunity at magampanan ang mahalagang papel sa pag unlad ng sektor ng agrikultura sa Kidapawan City.
Tumanggap naman ng Certificate of Training ang mga partisipante sa pagtatapos ng 2-day training. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (May 2, 2023) โ KAILANGANG magkaroon ng sapat na proteksyon laban sa delikadong sakit na Measles Rubella ang mga sanggol at mga batang nagkakaedad ng 0-59 buwan. Ito ang layunin ng Measles Rubella โ Supplemental Immunization Activity o MR-SIA na inilungsad sa Barangay Balindog (Covered Court), Kidapawan City alas-nuwebe ng umaga, ngayong araw na ito ng Martes, Mayo 2, 2023.Magkatuwang ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Cotabato Province at City Health Office (CHO) ng Kidapawan sa Joint Provincial and City launching kung saan kasama ang mga personnel mula sa Department of Health (DOH-12).Si Dr. Jose Martin Evangelista, Pediatrician ng CHO ang nagpaliwanag kung gaano kahalaga ang Measles Rubella vaccine para sa mga bata at binigyang-diin niya ang panganib na dulot nito kung hindi sila mababakunahan. Ang Measles Rubella ay isang uri ng nakakahawang sakit na dulot ng virus at madalas tumama sa mga sanggol o mga bata kung saan kinakikitaan ng pantal o pamumula ng balat, lagnat, sakit ng ulo, pamamaga ng lymph nodes at iba pa.Dalawang bata ang unang binakunahan bilang bahagi ng ceremonial vaccination na isinagawa ng mga vaccinators mula sa IPHO at CHO. Matapos nito ay inumpisahan na ang pagbabakuna sa abot sa 50 mga bata mula sa Barangay Balindog na dinala ng kanilang mga magulang o caretakers sa vaccination site.Magtatagal ng 30 days ang MR-SIA kung saan pupunta sa mga Purok sa buong lungsod ang mga vaccinators para turukan ng measles-rubella vaccine ang mga batang edad 0-59 months old.Nasa bilang na 128,744 na mga bata sa buong Lalawigan ng Cotabato ang nasa talaan ng IPHO at target na mabakunahan ang abot sa 95% o katumbas ng 122,306 na mga bata, ayon kay Kathy Cino, Cluster Head ng DOH Vaccination Team.Ibinahagi din niya ang mahalagang layunin ng Universal Health Care (Kalusugan Pangkalahatan) na ang bawat mamamayang Pilipino ay magkakaroon ng access o makatatanggap ng kalidad na serbisyong pangkalusugan, kabilang dito ang pagbabakuna ng measles-rubella vaccine.Samantala, dumalo din sa aktibidad sina CHO Nurse Supervisor Juanita Santos, National Immunization Program Coordinator Evelyn Cari, Dr. Kenneth Pedregosa mula sa DOH-CHD, Barangay Kagawad Rosemarie Torralba na siyang kumatawan kay Punong Barangay Angelo Saniel at iba pang mga opisyal ng barangay. Inaasahang magbibigay-daan para sa dagdag na proteksyon at kaligtasan ng mga bata ang 30 araw na pagbabakuna laban sa measles rubella at makaiwas sila sa mas malalang sitwasyon tulad ng komplikasyon o kamatayan. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (May 1, 2023) โ MAHIGIT sa tatlong libong trabaho o job vacancies ang maaaring mapasukan ng mga jobseekers sa 121st Labor Day Job Fair simula ngayong araw na ito ng Mayo 1 (Labor Day) hanggang Mayo 3, 2023 o 3-day Job Fair na ginaganap sa City Gymnasium ng Kidapawan, 8AM-4PM.Ito ang masayang anunsiyo ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Joel M. Gonzales, Guest of Honor sa formal opening program ng aktibidad na isa sa tatlong mga highlights ng selebrasyon ng Labor Day sa Kidapawan City.Sinabi rin ni RD Gonzales na mahigit sa 4,000 ang mga aplikante na sumailalim sa pre-registration ng job fair, batay na rin sa data mula sa Public Employment Service Office o PESO ng Kidapawan na pinamumunuan ni PESO Manager Herminia Infanta.Patunay raw ito ng mainit sa suporta ng mamamayan sa aktibidad lalo na ang mga nais magkaroon ng maayos na trabaho at gawaing angkop sa kanilang kakayahan at kapasidad.Dumalo sa pagbubukas ng 3-day job fair si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kung saan pinasalamatan niya ang DOLE, PESO at mga partner companies/agencies sa patuloy na pagtutulungan ng mga ito na maisakatuparan ang job fair para sa kapakanan ng mga jobseekers.Masaya ang alkalde sa pagdagsa ng daan-daang mga jobseekers sa pagbubukas pa lamang ng job fair ngayong umaga kung saan nagmula ang mga ito sa Kidapawan City at mga karatig-munisipyo sa Lalawigan ng Cotabato at iba bahagi ng Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN. Nasa 33 naman mga kumpanya (26 local at 7 overseas) ang partner ng PESO Kidapawan sa pagsasagawa ng job fair kung saan nagbukas sila ng ibaโt-ibang uri ng trabaho tulad ng supervisors, laborers, technicians, cashiers, managers, drivers, cook, nurses, engineer, foreman, customer service, sales representative, project coordinators, sales executive, marketing assistant, mechanics, electrician, welder, at marami pang iba. Nakiisa din sa aktibidad si Cotabato Governor Emmylou Talino-Mendoza at sinabing ang presensiya ng maraming establisimiyento sa lungsod ay nagbibigay ng malaking oportunidad para sa dagdag na employment at kasunod nito ay ang lalong pagsigla ng lokal na ekonomiya.Samantala, dumating din at nagbigay suporta sa programa ang ilang mga opisyal mula sa Rehiyon Dose at ito ay kinabibilangan nina Department of Trade and Industry o DTI 12 Regional Director Flora P. Gabunales, Mayor Tomando Mangudadatu ng Colombio, Sultan Kudarat, 2nd District of Cotabato Political Officer Ii Douglas Moneva bilang kinatawan ni Congressman Rudy S. Caoagdan, DOLE Cot PD Marjorie Latoja, DOLE 12 Assistant RD Arlene Bisnon na siyang pormal na nagbukas ng job fair at iba pang mga bisita.Matapos buksan ang job fair ay ginawa naman ang ceremonial release ng DOLE integrated Livelihood Program o DLIP (P28.5M) para sa ibaโt-ibang benepisyaryo sa Region 12, Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD (P15.4M), at Direct Administration Project (P4M) o kabuuang P47.9M na halaga ng proyekto.Matapos nito ay sumunod ang ribbon cutting at formal opening ng dalawa pang mahahalagang bahagi ng Labor Day celebration at ito ay ang Kadiwa at Diswento Caravan.Laan ang mga ito para sa mga mamamayan upang makinabang sila sa mga murang bilihin tulad ng agricultural products, kagamitang pang-eskwela, at iba pang mahahalagang bilihin.Inaasahan namang makatutulong ng malaki ang 3-day job fair upang tumaas ang employment rate sa lungsod at ang ginawang releasing of livelihood projects dahil magsisilbing oportunidad sa mga naghahangad na mapaangat at mapaganda ang buhay sa pamamagitang ng mga programa at proyekto ng LGU at ahensiya ng pamahalaan. (CIO)
KIDAPAWAN CITY (May 1, 2023) โ PINANGUNAHAN nina Department of Labor and Employment (DOLE) 12 Regional Director Joel Gonzales at Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang isang tree planting activity sa National Highway โ Boundary ng Barangay Binoligan at Barangay Amas, Kidapawan City, alas-7 ng umaga sa pagdiriwang ngayong araw ng Labor Day.
Mga binhi ng pine tree (Agoho) ang itinanim ng dalawang opisyal kung saan ipinahayag ni RD Gonzales ang kanyang kasiyahan na maging bahagi sa sama-samang pagtatanim para sa proteksyon ng kapaligiran.
Sa naturang pagkakataon ay nagtanim din ang mga personnel ng Public Employment and Service Office sa pangunguna ni PESO Manager Herminia Infanta.
Mula 200-300 seedlings ang matagumpay na naitanim sa lugar, ayon sa City Environment and Natural Resources o CENRO na kasama rin sa pagtatanim ng nabanggit na mga puno at bilang lead agency ng tree planting.
Bahagi naman ito ng CANOPY 25 Project ng City Government of Kidapawan na naglalayong makapagtanim ng abot sa 2.5 milyong punong-kahoy sa mga strategic areas tulad ng Sarayan River sa Barangay Ginatilan, Watershed sa Barangay Perez, at kahabaan ng boundary ng Barangay Lanao-Barangay Amas ng lungsod at iba pang piling lugar.
Dumalo din sa aktibidad si DOLE Cotabato Senior Labor Officer Ernesto Coloso at si Acting City Administrator Janice Garcia.
Samantala, dadalo naman sa pagbubukas ng 3-day Job Fair sa City Gymnasium, alas-otso ng umaga ngayong araw si RD Gonzales bilang panauhing pandangal kung saan ibaโt-ibang local and overseas companies ang mag-aalok ng trabaho sa mga jobseekers. (CIO)