Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 23, 2023) – MAS magiging masigasig pa ngayon sa pagtatanim ang abot sa 468 magsasaka ng palay mula sa Lungsod ng Kidapawan dahil sa biyayang natanggap mula sa Department of Agriculture o DA – Fertilizer Discount Voucher sa ilalim ng Rice Program for Dry Season 2023. Sa pamamagitan ng programa, mabibigyan ng tulong ang mga magsasaka ng palay na nakaranas ng negatibong epekto ng pagbabago ng panahon lalo na sa kasagsagan ng dry season. Urea (46-0-0) ang uri ng pampataba na kanilang natanggap mula sa DA sa pakikipagtulungan ng Office of the City Agriculturist.Nakadepende sa lawak o laki ng lupang sinasaka ng isang farmer ang halaga ng fertilizer voucher na kanyang matatanggap, ayon kay City Agriculturist II Delia Roldan, ang Rice Program Coordinator ng lungsod na nangasiwa sa distribusyon kasama ang mga personnel ng City Agriculturist Office.Kung ang isang benepisyaryo ay may isang ektaryang lupaing sinasaka ay makatatanggap siya ng fertilizer voucher na P6,600 ang halaga, dagdag pa ni Roldan.Nagmula naman ang mga benepisyaryo sa mga barangay ng Amas, Binoligan, Balindog, Malinan, Gayola, Junction, Kalaisan, Katipunan, Linangkob, Macebolig, Onica, Paco, at Patadon (East), San Isidro, San Roque, Santo Nino, Sikitan, at Sumbac sa Lungsod ng Kidapawan.Ginanap ang pamamahagi ng warehouse ng Northern Agro Distributors, Barangay Poblacion, Kidapawan City kung saan nagsimula ang pila ng mga beneficiaries bandang alas-otso ng umaga ngayong araw na ito ng Lunes, Enero 23, 2023.Inaasahan namang maiibsan ang gastusin ng mga magsasaka matapos nilang tumanggap ng naturang discount vouchers at mas magiging produktibo sila pagdating ng panahon ng anihan sa tulong ng naturang ayuda, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton.

thumb image

KIDAPAWAN CITY – (JANUARY 23, 2023) SISIMULAN na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office 12 ang validation ng dagdag na 1,800 potential beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s sa Lungsod ng Kidapawan. Ito ang napag-usapan ng team mula sa DWSD-12 at CSWDO ng Kidapawan sa kanilang courtesy call kay Acting City Administrator Janice Garcia ngayong umaga ng Lunes, January 23, 2023.Napagkasunduan na magtutulungan ang DSWD- 12 at ang City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng CSWDO at mga opisyal ng barangay sa gagawing validation ng dagdag na mga 4P’s beneficiaries mula sa 40 barangay ng Kidapawan City.Target na maisagawa ang validation ngayong buwan ng January 2023. Basehan ng validation ang survey ng National Household Targeting System for Poverty Reduction ng Pamahalaan na isinagawa sa Kidapawan City sa nakalipas na unang linggo ng buwan ng December 2022, ay ayon kay Social Welfare Officer III Norhaidah D. Sanggacala, Team Leader ng DSWD 12. Saklaw ng survey ang mga indigent families ng lungsod na hindi pa mga miyembro ng 4P’s.Sa kabila nito, ay maari namang mabawasan ang bilang ng potential number of beneficiaries ng 4P’s lalo na at dadaan sa masusing validation ang mga identified families na makatatanggap ng ayudang pinansyal mula sa Pamahalaan, ayon pa sa DWSD 12. Bawat 4P’s beneficiaries ay makatatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Education and Health Cash Assistance para sa kanilang mga anak, Rice Subsidies at Grants mula sa National Government. Ito ay matatanggap sa pamamagitan ng cash cards kung saan ay dina-download ng DSWD ang cash assistance kada dalawang buwan ng bawat taon. Nagbabala naman ang DSWD na huwag isangla o ipambayad ng utang o di kaya ay gamitin sa bisyo ang natatanggap na tulong ng 4P’s mula sa pamahalaan. Maaring tanggalin sa listahan ng 4P’s o di kaya ay ma-blacklist sa mga tulong ng pamahalaan ang sino mang susuway sa panuntunan sa illegal na paggamit ng cash assistance cards.4,067 indigent families ang eksaktong bilang ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries sa lungsod ng Kidapawan sa kasalukuyan, ayon pa sa City Social Welfare and Development Office. ##(CMO-cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 20, 2023) – NATAPOS NA at inaasahang magiging full operational sa unang quarter ng taong 2023 ang Solar Powered Feed Mill project na pinondohan ng Mindanao Development Authority o MinDA sa lungsod.
Nagkakahalaga ng kabuo-ang P6,464,725.46 ang nabanggit na proyekto na itinayo ng MinDA sa Demo Farm ng City Agriculture Office sa Barangay Kalaisan Kidapawan City.
Naipatupad ang proyekto sa ilalim ng Integration of Productive Uses of Renewable Energy for Sustainable and Inclusive Energization in Mindanao or IPURE Mindanao Project.
Ikinagalak ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang naturang development matapos siyang bisitahin ng team mula sa MinDA kahapon, January 19, 2023 kung saan ay napag-usapan ang estado at updates ng Solar Power Feed Mill Project.
Layon ng proyektong nabanggit na makatulong sa sector ng agrikultura lalo na yaong nagpo-produce ng feed mula sa mais at palay na maiproseso ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng renewable energy solution particular ang solar energy.
Makakatipid din ng malaki sa bayarin ng kuryente ang mismong City Government mula sa naturang proyekto sa pagpo-proseso ng produktong mais at palay para gawing feeds na pagkain naman ng mga hayop na ginagamit sa pagsasaka o o di kaya ay livelihood ng mga mamamayan.

Inilagay ng MinDA sa Demo Farm ng City Agriculture Office ang Solar Powered Feed Mill Project mula March hanggang December 2022.
Ito ay kinapapalooban ng 112 units ng 450Watt Solar Panels at kalakip na mga components gaya ng inverters, controllers, monitoring devices and accessories, mounting structures, switches, lighting protection and grounding materials. (CMO-CIO)

luntiankidapawan

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 19, 2023) – DINADAYO na ngayon ng mga tourist ang isa sa mga pinkabagong resort sa Kidapawan City. Ito ang CARMS-VILLA RESORT na matatagpuan sa Purok 7, Brgy. Nuangan, Kidapawan City na pagmamay-ari ng mag-asawang sina Jonathan C. Gabo at Carmelina P. Gabo.Matatagpuan sa naturang resort ang mga sumusunod; isang mala-kristal sa sobrang linaw na swimming pool, dalawang magara at malaking silid para sa overnight stay, convention at function room na kayang tumanggap ng 30-40 ka tao, exclusive na air-conditioned videoke room at mga lamesa’t muwebles.

Tiyak na kagigiliwan ng mga bibisita ang nabanggit na lugar dahil sa malawak , malinis at kaaya-ayang lugar na akmang akma para sa ibat-ibang okasyon.Ayon kay Joanthan C. Gabo nagsimula ang kanilang operasyon nitong Setyembre 2022 lamang kung saan medyo lumuluwag na ang restriction o paghihigpit kaugnay ng Covid-19 Pandemic. Kaya naman sinikap ng mag-asawang Gabo na itayo ang naturang resort hindi lang para kumita kundi magbigay ng saya sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga pasilidad sa resort.Sinabi ng pamunuan ng CARMS-VILLA RESORT na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maibigay ang pinakamaganda at pinakamaayos na serbisyo upang maging sulit ang pagbisita ng mga turista at maipagmamalaki itnd bilang isa sa mga magandang puntahan sa Lungsod Kidapawan.Sa ngayon patuloy na tumatanggap ng mga turista mula sa iba’t-ibang bahagi ng SOCCSKSARGEN ang naturang resort kabilang na ang mga taga lungsod ng Kidapawan.Kaugnay nito, inaasahang mapapabilang sa mga tourist attraction ang CARMS-VILLA RESORT at magbibigay daan sa pag-unlad lalo ng local na turismo. (CIO)#luntiankidapawan

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 18, 2023) – Magiging mas mabilis, mas mahusay at mas malaki na ang kabuoang ayudang matatanggap ng mga biktima ng kasawiang palad mula City Government of Kidapawan dahil nagtatag na si Mayor Atty Jose Paolo M Evangelista ng PAG-AMUMA ASSISTANCE UNIT na syang mag-aasikaso sa mga ayudang nakalaan para sa kanilang pangangailangan.

Pag-iibayuhin nito ang mga serbisyong social tulad ng hospitalization, gamot, namatayan, relief goods, pagpapatayo ulit ng bahay dahil sa sunog at kasiraan na dala ng kalamidad at iba pang uri ng serbisyo sa mamamayan ay itinatag ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista ang “Pag-amuma Assistance Unit.

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 1, series of 2023 na nilagdaan ni Mayor Evangelista noong Enero 9, 2023 ay pormal na nabuo ang “Pag-amuna Assistance Unit” na direkta naman niyang pamumunuan at pangangasiwaan.
Kabilang sa mga tanggapan na bumubuo bilang miyembro ng PAU ay ang City Mayor’s Office, City Administrator’s Office, City Social Welfare and Development Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Office, City Legal Office, Office of the Barangay Affairs, Call 911, City General Services Office, at iba pa.

Magsisilbing coordinating body ang PAU na siyang tututok sa pagbibigay ng tulong mula sa City Government.
Sa ilalim ng naturang unit, magiging centralized ang pagtanggap at pagproseso ng mga tulong para sa mga lumalapit na residente ng Lungsod ng Kidapawan na tiyak naman na mas mabilis dahil may itatalagang personnel na mag-aasikaso rito.
Tungkulin ng itinalagang personnel na i-forward sa partikular na tanggapan ang request (kasama ang mga kailangang papeles/dokumento) ng mga humihingi ng tulong at magsagawa ng follow up upang ito ay maibigay ng mas mabilis sa nangangailangan.

Kailangan namang bigyan ng prayoridad ang mga disadvantaged o vulnerable individuals o ang mga mahihirap na mga residente (below average income) base na rin sa rekomendasyon ng City Social Welfare and Development Office.
At para mas maging epektibo ang komunikasyon at koordinasyon ng bawat tanggapan ay maglalagay naman ng PAU Desks sa bawat opisina upang matiyak ang maayos na daloy ng transaksyon at mabilis na maibigay ang kinakailangang serbisyo.

Isasagawa din ang digital monitoring ng mga pending at ongoing request for assistance para malaman ang status at makapagbigay ng agarang update sa ayuda. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 18, 2023) – PINAPURIHAN ng mga opisyal ng Mitsubishi Motors Philippines Corporation ang City Government of Kidapawan sa mahusay na pamamahala dahilan kung kaya marami pang malalaking negosyo ang papasok at maglalagak ng kapital sa lungsod.

Ito ang ipinaabot na mensahe ng pamunuan ng Mitsubishi sa City Government sa pamamagitan ng Mindanao Integrated Commercial Enterprises Inc o MICEI na siyang franchise holder ng Mitsubishi sa SOCCSKSARGEN o Region 12 sa Grand Opening ng kanilang dealership branch sa lungsod, umaga ng Miyerkules, January 18, 2023.

Ipinaabot ito ni MICEI President Nereo Placido Regollo, Jr., sa kanyang welcome remarks sa pagbubukas ng kanilang branch kung saan ay opisyal na ring binuksan para sa publiko.

Nangangahulugan ng dagdag na trabaho ang pagbubukas ng naturang sangay ng Mitsubishi kung saan mahigit sa P100 M ang pumasok na investment na mapapakinabangan ng Lungsod ng Kidapawan at mga karatig-bayan nito sa Lalawigan ng Cotabato.

Bilang panauhing pandangal sa okasyon, sinabi ni Kidapawan City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista na tumutugma ang mithiin ng Mitsubishi sa layunin ng kanyang liderato na tulungang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng lungsod na matupad ang kanilang pangarap tungo sa maginhawang pamumuhay.

Maliban kay Mayor Evangelista, panauhing pandangal din sa Grand Opening ng Mitsubishi Kidapawan si Cotabato Governor Emmylou Taliño- Mendoza at mga matataas na opisyal ng kumpanya sa Pilipinas at sa bansang Japan.

Matatandaang noong September 28, 2021 ng pangunahan ni dating City Mayor at ngayon ay Cotabato 2nd Legislative District Senior Board member Joseph A. Evangelista at mga opisyal ng MICEI ang groundbreaking ng Mitsubishi dealership na matatagpuan sa Purok Manga, Kilometer 115 Barangay Paco Kidapawan City.

Positibo ang naging tugon ng dating alkalde noon dahil mangangahulugan sa mahigit P100 Million ang puhunang ipinasok ng MICEI at MMPC sa lungsod.

Bukas na Ang Mitsubishi GenSan dealership para sa mga nagnanais bumili ng bagong sasakyan sa Kidapawan City matapos ang formal opening ceremony.

Maliban sa pagbebenta ng bagong mga sasakyan ay magbibigay serbisyo din ang Mitsubishi para naman sa mga after-market sales gaya ng mga genuine parts at vehicle maintenance sa pamamagitan ng kabubukas lang nitong dealership branch sa Kidapawan City .#(CMO-CIO)

luntiankidapawan

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 18, 2023) – UPANG mas maraming mangangalakal pa ng lungsod ang mapagsilbihan ng E-BOSS, pinalalawig pa ng City LGU ang oras ng transaction ng Electronic Business One-Stop-Shop mula alas-otso ng umaga hanggang alas siyete y media ng gabi (8:00 AM – 7:30 PM) o karagdagang dalawa at kalahating oras mula ngayon, Enero 18 hanggang Byernes, Enero 20, 2023.Ito ay ayon kay Redentor Real, ang City Treasurer ng Lungsod ng Kidapawan kasabay ang panawagan sa lahat na samatalahin ang pagkakataon para makapag-apply o makapag-renew ng Business Permit ng kani-kanilang mga negosyo para sa taong 2023. Sakop ng dagdag na oras ang mga lokasyon ng Electronic BOSS na ginaganap sa City Gymnasium at Mega Market (Old Terminal) kung saan ay nakaantabay ang ibat-ibang mga tanggapan ng City LGU katulad ng Office of the City Treasurer, City Building Official, Office of the City Assessor, City Health Office, City Tourism Office, City Environment and Natural Resources Office, City Engineering Office lalong lalo na ang Business Permit and Licensing Office ganundin ang mga ahensiya tulad ng Dept of Trade and Industry, Bureau of Fire Protection, at iba pa.

Kaugnay nito, inaasahan ang mas malaking bilang ng mga mabibigyan ng serbisyo sa pamamagitan ng pinalawig na Electronic BOSS kung saan mabilis, organisado, at mas maginhawa ang pagproseso ng business permit ng mga negosyante. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 16, 2023) – IPINATUPAD na ang No Helmet, No travel Policy sa Kidapawan City simula Enero 12, 2023, araw ng Huwebes kung saan kailangang nakasuot ng full-face helmet ang mga motorista pati na kanilang mga back rider.
Sa unang araw ng full implementation, abot sa 264 motorista ang pinara ng composite team ng Traffic Management and Enforcement Unit, Land Transportation Office 12, at Kidapawan City Police Station kung saan 102 ang naaktuhang bumibiyahe na walang suot na helmet. Abot naman sa 24 motorsiklo ang na-impound dahil sa iba pang mga traffic violations, ayon kay Moises Cernal, ang Head ng Traffic Management and Enforcement Unit p TMEU ng Kidapawan.
Pagsapit ng Enero 13, ikalawang araw ng full implementation ng naturang batas ay abot naman sa 312 motorista ang pinara at dito ay naaktuhan ang 100 motorista na bumibiyahe na walang suot na helmet bilang proteksyon sa ulo. Kasabay nito ay ang pag-impound sa 37 motorsiklo na kinakitaan din ng iba’t-ibang violation.
Lahat ng mga violators ay na-isyuhan o binigyan ng Temporary Operator’s Permit o TOP ng mga LTO personnel at kailangan nilang magbayad ng halagang P1,500 bawat isa bilang penalidad.
Sa kabila nito, patuloy naman ang TMEU sa pamamahagi ng libreng full-face helmet sa mga motoristang kumpleto ang mga papeles o dokumento sa biyahe tulad ng driver’s license, OR/CR ng sasakyan at maayos na kondisyon ng sasakyan.
Sinabi naman ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na seryoso ang kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng No Travel No Helmet Policy para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan partikular na ang mga motorista at back rider.
Alinsunod naman ang kautusang ito ni Mayor Evangelista sa Republic Act 4136 – An Act to Compile the Laws Relative to Land Transportation and Traffic Rules, to Create a Land Transportation Commission and for Other Purposes at may titulong “Land Transportation and Traffic Code” at sa Republic Act No. 10054 o ang” Motorcycle Act of 2009” ay kailangang magsuot ng standard protective helmets ang mga motorista habang nagmamaneho, malayo man o malapit ang biyahe at anumang oras na bibiyahe.

Samantala, dumating din sa lungsod si LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga kasama ang mga personnel mula sa LTO Regional Office 12 bilang tugon sa kahilingan ni Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na maipatupad ng buo ang No Helmet, No Travel Police sa lungsod sa tulong ng LTO.
Sinabi ni RD Gonzaga na tungkulin ng LTO na tiyaking nakarehistro ang mga motorsiklo at iba pang sasakyan, mag-issue at monitor ng driver’s license at ipatupad ang ang batas sa transportasyon.
Sa kabilang dako, nanawagan naman si City Disaster Risk Reduction and Management Officer o CDRRMO Psalmer Bernalte na sundin ang No Helmet, No Travel Policy para makaiwas sa mas malalang sitwasyon tulad ng pagkamatay sa aksidente dahil walang suot na proteksyon sa ulo o maiwasan ang malaking gasto sa pagpapagamot sa oras na maaksidente.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 12, 2022) – ENJOY na, may premyo pa. Ito ang pahayag ng mga nagwagi sa Stall-Rific – The Cleanest Stalls Contest sa Mega Market ng Kidapawan kung saan kalahok ang mga stall owners ng mga pangunahing bilihin tulad ng meat, fish, dressed chicken, at vegetable section.

Sa naturang contest may mga judges na pipili kung ano ang mga stalls na mananalo base sa kalinisan, pagiging organisado, at maganda sa paningin ng mga mamimili.

At para lalong maging inspirado ang mga tindero at tindera, ay magbibigay ng ng insentibo ang Mega Market Administration sa pamamagitan ng pa-premyo kaya naman patok ito sa mga stall owners

Sa ngayon ay nasa 3rd o pangatlong linggo na ang nabanggit na contest kung saan naideklarang panalo ang mga sumusunod na stall owners:
Dressed Chicken Section – Alfonso Mondia (Stall No. 61)
Fish Section – Antonieta Dorsey (Stall No. 21)
Meat Section – Mercedita Villegas (Stall No. 207)
Vegetable Section – Leticia Logarta (Stall No. 327)

Nagsimula ang Stall-Rific The Cleanest Stalls Contest nitong nakaraang Disyembre 2022 bilang isang inisyatiba ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na naglalayong himukin ang mga nagtitinda o mga stall owners na panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng kanilang mga pwesto.

Matatandaan na nitong unang linggo ng Enero 2023, sa first flag-raising ceremony ay inilahad ang mga nagwagi sa weekly judging at ito ay ang mga sumusunod:
Week 1
Dressed Chicken Section – Jeanette Abono (Stall No. 63)
Fish Section – Nelson Andan (Stall No.19)
Meat Section – Narcisa Carbon (Stall No. 225)
Vegetable Section – Lolita Palo (Stall No. 307)
Week 2
Dressed Chicken Section – Margarette Dorado (Stall 43)
Fish Section – Allan Tampan (Stall No. 72)
Meat Section – Analie Aleluia (Stall No. 222)
Vegetable Section – Ma. Angelita Caminos (Stall No.39)

Ayon kay Stella Hernandez, Head ng Local Economic Development and Investment Promotions Office o LEDIPO, tumanggap ng tig-P5,000 cash prizes ang mga winners at certificate of recognition mula sa City Government of Kidapawan.

Inaasahang magtutuloy-tuloy na ang contest na ito kung saan maeengganyo ang mga stall owners na panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng kanilang pwesto at mga paninda para na rin sa ikasisiya ng mga mamimili.

thumb image

KIDAPAWAN ITINAGHAL NA MODELONG PASILIDAD NG DSWD
KIDAPAWAN CITY (Enero 12, 2023) – MATAGUMPAY na nakapasa ang Senior Citizen’s Center ng Lungsod ng Kidapawan sa First Level Standards na itinakda ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD Standards Bureau na nakabase sa Quezon City.
Ito ang dahilan kung bakit itinanghal ang Senior Citizen’s Center ng Kidapawan bilang Model Senior Citizen’s Center at ginawaran ng Certificate of Accreditation na may lagda ni DSWD Undersecretary Denise Florence Bragas nito lamang nakaraang buwan ng Disyembre, 2022.
Nakasaad sa naturang certification na nakumpleto ng lungsod ang mga requirements alinsunod sa DSWD Memorandum Circular No. 17 series of 2018 at Section 23 ng Republic Act No. 4373 – “An Act to Regulate the Practice of Social Work and the Operation of Social Work Agencies in the Philippines and for Other Purposes”.
Ilan sa mga katangian ng Senior Citizen’s Center ng Kidapawan City ay ang maayos at organisadong pasilidad tulad ng Senior Citizen’s Health and Wellness Center at mga kapaki-pakinabang na serbisyo para sa mga miyembro.
Masayang tinanggap nina Senior Citizen’s Center Head Morita Gayutin at SC Special Programs Coordinator Melagrita Valdevieso. Office of the Senior Citizen’s Affair o OSCA Head Lorna C. Morales ang nabanggit na parangal kasama sina Senior Citizen’s Federation President Renato B. Torralba at City Social Welfare and Development Officer Daisy P. Gaviola, RSW.
Ilalagay ang certification sa mismong gusali ng Senior Citizen’s Center ng lungsod alinsunod sa kautusan ng DSWD Standards Bureau kung saan abot sa tatlong taon ang validity nito.
Ipinaabot naman ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang kanyang pagbati sa OSCA kasabay ang paghikayat sa lahat ng mga miyembro nito na ipagpatuloy ang matibay na samahan para na rin sa kapakanan ng mga senior citizens.
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga senior citizens upang makamit nila ang mga layunin ganundin ang mga pribilehiyo at karapatan ng kanilang hanay. (CIO-jscj//if)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio