Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

Maliban sa lubak-lubak at maalikabok na daan ay meron ding ilog ang Brgy. Katipunan na umaapaw sa tuwing malakas ang bugso ulan. Ito ay iilan lamang sa pangaraw-araw na hinaharap ng kapwa dumadaan at residente ng barangay na sanhi rin ang mga nakabara na debris sa lumang culvert. Dahil din sa maulan na panahon ay hindi na nakakayanan ng lumang culvert ang dami ng tubig.

Bilang sagot sa hinaharap ng mga residente sa lugar ay agad naman itong pinalagyan ng bagong culvert at rip-rap ng City Government of Kidapawan. Ang paglagay ng naturang mga imprastraktura ay bilang tugon sa dalawang bagay: Una ang pag-apaw ng tubig baha mula sa ilog tuiwng malakas ang ulan. Pangalawa ay upang maituwid ang nakatakdang ilagay na farm-to-market road sa nasabing barangay.

Sobra ang galak ng mga residente at mga dumadaan sa nasabing ilog dahiol hindi na nila kailngan pang magalala nab aka maantala ang kanilang mga lakad o transaksyon dahil sa tubig baha/ Maliban pa dito ay inaasahan nila na mas magiging maginhawa na ang kanilang pamumuhay at sunod-sunod nang darating ang mga pag-unlad sa kanilang barangay.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 30, 2023) – TUMANGGAP ng financial assistance o ayuda na may kabuohang halaga na P6,520,000 mula DSWD Sustainable Livelihood Program ang abot sa 21 asosasyon ng Lungsod ng Kidapawan.

Ipinamahagi ang naturang ayuda kaninang umaga sa Monday flag raising at convocation ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama ang mga myembro ng Sangguniang Panlungsod.

Kabilang sa nabigyan ng SLP ang mga sumusunod na asosasyon: 1. Agcasan San Isidro PAMANA (P300,000), 2. United As One Perez PAMANA (P 300,000), 3. Sunrise Travelling Rice Mill (P300,000), 4. Linangkob Gen. Mdse. PAMANA (P300,000), 5. BNB Agrivet Supply (P300,000), 6. Marbelous PAMANA (P300,000), 7. Matatag na Tindahan PAMANA (P300,000), 8. Birada Mapiya PWD SLP(P450,000), 9. Mua-an Bagong Buhay (P345,000), 10. Lanao Partners for Change Solo Parent (P450,000), 11. Amas PWD (P300,000), 12. Ginatilan PWD Kapit Kamay (P300,000), 13. Poblacion May Pag-asa PWD (P300,000), 14. Sudapin PWD (P300,000), 15. Magsaysay Solo Parents (P300,000), 16. Poblacion Solo Parents (P300,000), 17. Singao United Solo Parents (P300,000), 18. Sudapin Empowered Solo Parents (P250,000), 19. Amas Gabay (P225,000), 20. Nuangan Balik Pangarap (P300,000), 21. Poblacion OFW Entrepreneurs (P300,000).

Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD o DSWD-SLP na naglalayong tulungan ang nabanggit na bilang ng asosasyon na magsimula ng maliit na negosyo o palaguin ang kanilang nasimulang negosyo tulad ng agrivet supply, general merchandise, travelling rice mill, hog raising and fattening, events and party needs, tilapia and hito production, habang ang iba naman ay “pasalubong”center, school supplies and document printing, motor parts and services, at water-refilling station.

Ang SLP ay isang Capability Program ng DSWD na nagbibigay ng access o pagkakataon sa mga asosasyon na naitatag na mula pa noong taong 2019 at aktibo hanggang ngayon upang mapahusay at mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagkaroon ng sapat na kakayahan na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 27, 2023) – LIMANG major awards ang iginawad ng Dept of Labor and Employment o DOLE North Cotabato Field Office sa Public Employment Service Office o PESO Kidapawan para sa PESO Performance Awards for 2022.Ito ay kinabibilangan ng Best Performing PESO of the Province, Best in Public Employment Services (PES) Implementation, Best in Career Guidance Implementation, Best Job Fair Implementation at Best in Child Labor Prevention and Elimination Program.Nakamit ng PESO Kidapawan ang naturang mga awards dahil sa mahusay nitong performance bilang PESO hindi lamang sa lungsod kung di sa buong Lalawigan ng Cotabato, ayon kay DOLE North Cotabato Field Office Head/Provincial Director Marjorie Latoja.Iginawad ng DOLE North Cot FO ang mga awards sa kanilang tanggapan kahapon, Enero 26, 2023.Sinabi ni Latoja na naisakatuparan ng PESO Kidapawan ang mga ang mandato nito na tulungan ang mamamayan sa lungsod lalo na ang mga naghahanap ng mapapasukan na makakita ng trabahong angkop sa kanilang kwalipikasyon at kakayahan.Naging maganda din ang performance ng PESO Kidapawan sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang isang employment service facility ng gobyerno sa pakikipagtulungan ng DOLE at alinsunod na rin sa itinatakda ng RA No. 8759 – PESO Act of 1999.Kabilang dito ang Labor market Information, Referral and Placement, at Employment Coaching and Career Counseling kasama na ang pagpapatupad ng mga programang tulad ng Special Program for the Employment of Students o SPES, Job Fairs, PESO Employment Information System, Pre-Employment Orientation Seminar o PAOS at iba pa.Kaugnay nito, nagpasalamat naman si PESO Manager at Public Service Officer III Herminia Infanta sa DOLE North Cotabato FO sa mga parangal at recognition na natanggap. Magsisilbi raw itong inspirasyon sa PESO Kidapawan na lalo pang pagbutihin ang kanilang gawain at matulungan ang mas malaking bilang ng stakeholders.Kabilang naman sa tinutulungan ng PESO Kidapawan ay ang mga jobseekers, mag-aaral, Out-of-Schoo Youth o OSY, employers, Persons with Disability o PWDs, OFW/returning OFWs, Senior Citizens, at iba pa. (CIO-jscj//if//nl)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 26, 2023) – SUMASAILALIM ngayon sa calibration ang mga electric meter o metro ng kuryente ng mga stalls sa Kidapawan City Mega Market.
Ito ay makaraang ipinas-utos ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang pagsasaayos ng lahat ng electric meters ng mga tindahan o puwesto sa mega market partikular na ang Building 1, 2, 3, at Building 4 ganundin ang iba pang mga tindahan sa loob ng palengke.
Mahalaga na sumailalim sa checking at calibration ang nabanggit na mga metro ng kuryente uopang matiyak na gumagana at maayos ang mga ito at masiguro na tama ang reading ng electric consumption ng bawat stall.
Ayon kay Isidro Daplinan ng Economic Enterprise Management Office at Electrical In-charge sa palengke, mahalaga ang calibration upang matiyak na tama ang binabayarang konsumo ng bawat stall owner sa pamamagitan ng accurate o eksaktong metro at hindi na kailangan pang magbayad ng sobra o magtapal ang Market Administration o ang City Government of Kidapawan dahil sa mga maling reading ng electric consumption.

Kaugnay nito, patuloy ang isang team mula sa Cotabato Electric Cooperative, Inc o COTELCO na pinamumunuan ni Alfredo Jaum, Jr., Street Lights Analyst sa pagkuha ng mga metro ng kuryente kasabay ang paliwanag na kailangan itong gawin para na rin sa ikabubuti ng mga konsumidores. Kapag tama ang reading, natural lamang na tama din ang lbabayad ng mga stall owners.

Hindi naman matagal ang pagtanggal ng mga metro ng kuryente at ang may-ari na mismo ng tindahan ang personal na magdadala ng electric meter sa COTELCO Branch na matatagpuan sa Padilla Street, Barangay Poblacion, Kidapawan City. Magbabayad naman sila ng halagang P112 para sa calibration fee at pagkatapos nito ay ibabalik na ng COTELCO linemen ang electric meter sa kanya-kanyang puwesto o tindahan.

Samantala, abala naman ang mga personnel ng COTELCO sa pagsasagawa ng calibration at tinitiyak na pagkatapos ng proseso ay magiging accurate o eksakto na ang reading ng mga metro. Si Engr. Roland Lago, Head of Metering and Streetlighting Services ng COTELCO ang nanguna sa pagsasagawa nito, marami na ring mga metro ang kanilang naisaayos at meron din namang mga unit na kailangan na talagang palitan o subject for replacement pero wala na silang kailangan bayaran pa.
Sa normal na sitwasyon, kailangan matingnan o ma check ang mga metro ng kuryente kada dalawang taon at kailangang sumailalim sa calibration. Ito ay para makasiguro na maayos na gumagana ang mga electric meters ng sa ganon ay hindi na mag-aalala pa ang mga stall owners o ang mismong Market Administration sa hindi tamang computation ng electric bill.
Para sa Luntian Kidapawan Reports, ako si Jimmy Sta Cruz ng City Information Office, nag-uulat.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 26, 2023) – AKTIBONG lalahok ang City Health Office o CHO ng Kidapawan sa gagawing National Special Vaccination Day sa darating na Enero 30, 2023 na itinakda ng Department of Health o DOH.
Layon ng aktibidad na mabakunahan ang mga indibidwal na hanggang ngayon ay hindi pa kumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 at maghkaroon sila ng mas malakas na proteksyon sa naturang sakit.
Magtatalaga din ng abot sa anim na vaccination sites kabilang ang CHO at DepEd at iba’t-ibang barangay upang mapagsilbihan ang mas malaking bilang ng mga mamamayan, ayon kay Evelyn Cari, ang National Immunization Program Coordinator ng Kidapawan kung saan naka-cluster ang mga magkakalapit na mga barangay.
Kabilang dito ang Barangay Balabag (clustered with Meohao, Ginatilan, Ilomavis, Mua-an, at Birada), Barangay Sudapin (clustered with Manongol, Nuangan, Luvimin, at Indangan), Barangay Patadon (clustered with Amas, Malinan, Binoligan, at Paco), barangay Macebolig (clustered with Sumbac, Onica, at Amazion), City Health Office (clustered Balindog, Lanao, Kalasuyan, Poblacion, Singao, at Magsaysay), at ang DepEd (Kidapawan City Pilot Elementary School).
Pangangasiwaan ng mga vaccination teams ang special vaccination day na binubuo ng mga screeners, vaccinators, recorders, post monitoring, at encoders para tiyakin ang maayos na takbo ng bakuna.
Target na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga residente ng iba’t-ibang barangay partikular na ang booster shots (3rd and 4th dose) at kumpletuhin ang kanilang COVID-19 shots patra na rin sa kanilang kaligtasan.
Kaugnay nito, nananawagan si City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista sa mga mamamayan (general eligible population) na samantalahin ang naturang pagkakataon upang maturukan at makumpleto ang kanilang dosage ng kanilang COVID-19 vaccine.
Magbibigay naman ang City Government of Kidapawan ng ayuda o cash assistance na P200 para sa bawat indibidwal na magpapabakuna sa nabanggit na petsa bilang incentive na rin para sa mga magpapabakuna. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (January 26, 2023) – KAPWA AAKSYONAN NG City Government at ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang suliranin patungkol sa presensya ng mga delikadong poste at linya ng kuryente sa lungsod.

Napagkasunduan nina City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista at ng pamunuan ng COTELCO na gawin ang naturang hakbang para na rin sa kaligtasan ng mga motorista at ng publiko sa kabuo-an, sa isang pagtitipon na ipinatawag ng alkalde araw ng Miyerkules, January 25, 2023.

Pwedeng magresulta sa aksidente sa daan o di kaya ay pagkaka-kuryente ang presensya ng mga sira, nabubulok, nakatagilid o nakaharang na mga poste sa daanan at mga kawad ng kuryente na nakasayad na sa daan, mga sanga ng kahoy at iba pang bagay na maaring magdulot ng sunog sa komunidad kung kaya ay itinuturing ni Mayor Evangelista na banta sa Public Safety ang naturang usapin.

Hindi lamang mga peligrosong poste at kuryente ang nais alisin ng City Government at COTELCO kungdi pati na rin mga hazard structures na inilagay ng mga Telecommunication company at maging cable TV.

Basehan ng alkalde ang mga probisyon ng National Building Code of the Philippines na siyang nagsasabatas ng mga alituntunin sa kaligtasan at integridad ng mga gusali at istraktura sa bansa.
Bunga nito, ay susulat kapwa ang City Government at ang COTELCO sa mismong Department of Public Works and Highways o DPWH upang masimulan na ang pagbabaklas ng mga sira at hazard na poste at linya ng kuryente.

Napag-alaman na marami sa mga nabanggit ay nakalagay sa mga road expansion projects ng ahensya.

Hinggil dito ay nilagdaan at ilalabas na ng alkalde ang Executive Order number 02 series of 2023 ngayong araw ng Huwebes, January 26, 2023 na nag-uutos sa pag-aalis ng mga delikadong poste at linya ng kuryente sa lungsod.

Probisyon sa naturang EO na nag-uutos sa mga business establishments na makipagtulungan sa mga kinauukulan sa pag-alis ng mga delikadong kawad ng kuryente at mga delikadong poste na makapagdudulot ng aksidente sa sino man sa loob at labas ng kanilang mga tindahan.

Pwede maharap sa reklamo sa sino man na hindi susunod sa EO 02 s. 2023 na naglalayung gawing ligtas ang publiko laban sa mga delikadong poste at kawad ng kuryente.

Upang mas magkaroon pa ang diin ang naturang plano ng City Government at COTELCO, plano ni Mayor Evangelista na gawing isa sa mga agenda sa gaganaping meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ang naturang usapin. ##(CMO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 24, 2023) – Inanyayahan ni PESO Manager Herminia Infanta ang lahat ng mga interesadong naghahanap ng trabaho na dumulog sa kanyang tanggapan at magdala ng resume dahil may magandang balita na hatid ang Public Employment Service Office para sa kanila. Mayroon kasing job opening para maging Customer Service Representative o CSR ng Alorica Philippines, isa sa mga nangungunang Business Process Outsourcing o BPO company sa bansa.Naghahanap ito ng mga aplikante na may edad 18 years old pataas, lalaki o babae, high school o senior high school graduate. Kaugnay nito, Sinabi ni Infanta na isa itong magandang oportunidad para sa mga nais makapagtrabaho at maging bahagi ng Alorica Philippines, na nakabase sa Pasig City at may mga sangay sa iba’t-ibang lugar sa bansa.Maliban rito, nagagalak din ang PESO Kidapawan na ipaalam sa publiko na magkakaroon ng isang Special Recruitment Activity ang Zontar Manpower Services sa Enero 26-27, 2023 ganap na 8AM – 3PM na gaganapin sa PESO Kidapawan. Mga job vacancy naman sa Malaysia, Qatar, Singapore, Kuwait, at Japan ang maaaring pagpilian ng mga aplikante sa naturang aktibidad.Bilang karagdagan, ipinapabatid din ng PESO Kidapawan ang immediate hiring ng Davao Metro Shuttle Corporation kung saan naghahanap ang kumpanya ng 100 bus drivers (lalaki, 30-45 years old) at 100 bus conductors (lalaki, 18-35 years old). Hinimok ng PESO Manager ng Kidapawan ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa mga karagdagang detalye patungkol sa mga nabanggit na job vacancies. (CIO-jscj//if)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 20, 2023) – MALIWANAG na ngayon at ligtas ng daanan ang dating mga madidilim na purok sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng Kidapawan.
Ito ay makaraang mailagay ng City Government of Kidapawan ang abot sa 1,200 solar lights sa apatnapung barangay nitong nakaraang 2022 at nakumpleto nitong Enero 2023 sa pamamagitan ng Task Force “Kahayag” na pinangangasiwaan ng Office of the City Engineer.
Bawat barangay ay napalagyan ng 15 solar lights sa mga piling purok lalo na sa mga madidilim na bahagi kung saan posibleng maganap ang mga aksidente o krimen dahil sa dilim o kawalan ng ilaw maliban na lamang sa Barangay Poblacion kung saan maliban sa mga madidilim na bahagi ay naglagay din ng solar lights sa paligid ng overland terminal at iba pang mga government facilities.
Matatandaan na ipinag-utos ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang installation ng malaking bahagi ng 1,200 solar lights sa loob ng unang isang daang araw o first 100 days ng kanyang panunungkulan at tiniyak na makukumpleto ang installation bago magtapos ang 2022.
Malaking ang kaibahan na dulot ng mga bagong lagay na solar lights para sa mga residente. Lubos naman ang kasiyahan ng mga barangay officials dahil pangarap nila na maging maliwanag ang kanilang gabi at maging mapayapa ang kanilang lugar.
Ilan pa sa mga pakinabang ng solar lights sa purok ay napapanatili ang kaligtasan ng mga residente na umuuwi ng gabi, matipid dahil di gumagamit ng kuryente at tuluy-tuloy ang liwanag kahit pa may brownout.
Ang naturang 1,200 units ng solar lights na itinayo kasama ang poste at iba pang accessories nito ay may kabuoang halaga na P 4M at mula naman ito sa P23M unexpended o hindi nagamit na pondo ng 20% Economic Development Fund o EDF ng City Government of Kidapawan mula 2020-2022.
Isa naman ang solar lights installation sa priority projects ni Mayor Evangelista kasabay ng road concreting at street lighting, at iba pang programa upang magtuluy-tuloy ang kaunlaran at pagbabago sa lungsod.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 24, 2023) – PATULOY ang paghahatid ng tulong ng City Government of Kidapawan para sa mga nagpapalago ng fishpond sa lungsod.
Patunay rito ay ang matagumpay na pamamahagi ng hito at tilapia fingerlings na bago lamang naisagawa sa Mega Tent sa City Plaza sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the City Agriculturist kung saan abot sa 158 na mga maliliit na fishpond owners o operators ang nakinabang.
Ang nabanggit na distribusyon ay sa ilalim ng Agricultural Production and Food Sufficiency Program ng City Government na ang pondo naman ay nanggaling sa 20% Economic Development Fund for 2022 ng lungsod.
May sukat na mula 100, 200, 600 hanggang 1,000 square meters ang mga fishpond na pinalalago ng mga benepisyaryo ng fingerlings kung saan sa pinakahuling distribusyon ay nakatanggap sila ng mula 500 hanggang 1,000 fingerlings.
Nakapaloob sa programa ang 50-50 scheme with buy back kung saan bibilhin ng City Government of Kidapawan ang harvest na tilapia at hito at ang babayaran ng mga benepisyaryo ay kalahati o 50 percent lamang ng kanilang nakuhang ayuda sa loob ng production period o sa panahong sila ay nagkakaroon ng mga harvest.
May Memorandum of Agreement o MOA na lalagdaan sa pagitan ng Local Government Unit ng Kidapawan at beneficiary na kailangang tuparin ng bawat isa para matiyak ang maayos na implementasyon ng programa.
Ang mga nakinabang sa nabanggit na ayuda ay mula sa mga barangay kung saan dumarami na ang mga nagpapalago ng fishpond at kabilang dito ang Linangkob, Ginatilan, Paco, Singao, Ilomavis, Balabag, Sikitan, Santo Nino, Balindog ganundin ang Binoligan, Indangan, Kalaisan, Manongol, Meohao, at Mua-an.
Samantala, hinihimok din ng Office of the City Agriculturist ang mga benepisyaryo na magpa-miyembro sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC upang mabigyan ng insurance at proteksyon ang kanilang mga fishpond sa oras ng kalamidad o mga kasiraan na posibleng makaapekto sa kanilang mga hanap-buhay.
Maliban sa mga pananim o crops, layon din ng PCIC na proteksyunan sa pamamagitan ng insurance ang mga makinarya, pasilidad at iba pang mga kagamitang pansakahan para sa ikabubuti ng mga magsasaka at mga mangingisda.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Enero 23, 2023) – MATAPOS mamahagi ng abot sa 200,000 fingerlings ng hito at tilapia nitong nakalipas na linggo, ay muli na namang magsasagawa ng distribusyon ng fingerlings ang Office of the City Agriculturist bukas, araw ng Martes, Enero 24, 2023.
Gaganapin ang pamamahagi sa City Pavilion kung saan karagdagang mga benepisyaryo ang nakatakdang tumanggap ng binhi ng hito at tilapia para sa kanilang fishpond livelihood project, ayon kay Marissa Aton, ang City Agriculturist ng Kidapawan.
Abot sa 100,000 fingerlings ang ibibigay ng Office of the City Agriculturist para sa 48 recipients ng tilapia at 10 recipients ng hito fingerlings, dagdag pa ni Aton.
Nagmula naman sa 16 na mga barangay ang mga fishpond owners at ito ay kinabibilangan ng Balabag, Balindog, Ilomavis, Indangan, Kalaisan, Linangkob, Manongol, Meohao, Mua-an, New Bohol, Ginatilan, San Isidro, San Roque, Sikitan, Santo Nino, at Singao.
Ang distribusyon ng fingerlings ay nakapaloob sa Cost Recovery Program ng City Government of Kidapawan kung saan mas makikinabang ang mga magsasaka at tiyak ang kanilang kita.
Layon din ng fingerlings distribution na tulungan ang mga interesado at kwalipikadong indibidwal magsimula ng fishpond livelihood project maging ang mga dati ng nag-aalaga ng hito at tilapia na palaguin ang kanilang hanap-buhay. (CIO-jscj//if)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio