Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

HALOS dalawang daang mga residente ng Poblacion Kidapawan City ang nakabenepisyo sa KADIWA Community Pantry na hatid serbisyo publiko ng Department of Agriculture XII, City Government of Kidapawan at ng mga Farmers and Cooperative Associations ng lungsod. Layun ng aktibidad na makapagbigay ng pagkain sa mga residenteng apektado ng Covid19 na hirap makabili nito sa kasalukuyan. Nanguna sa pagpapatupad ng Community Pantry si DA XII Regional Director Arlan Mangelen, City Mayor Joseph Evangelista at City Agriculturist Marissa Aton kung saan, ay ginanap sa Pavilion ng City Plaza buong araw ng May 6, 2021.Iba’t-ibang klase ng sariwang gulay, pangsahog, itlog, tilapia at prutas ang ipinamigay ng DA at ng City Government sa mga residenteng pumunta sa community pantry. Nagmula ang mga nabanggit na produktong pagkain sa mismong DA XII at sa mga vegetable and fruit growers ng Kidapawan City. Dahil na rin sa mga ipina-iiral na minimum health protocols kontra Covid19, inobliga ang lahat na sumunod dito tulad na lamang ng pagsusuot ng face mask at face shields, physical distancing, at disinfection habang kumukuha ng kanilang pangangailangang pagkain sa community pantry. Mahigpit din ang pagbabantay na ginawa ng City Government katuwang ang City PNP para masegurong nasusunod ang minimum health protocols at seguridad na rin ng mamamayan na nasa lugar ng aktibidad. ##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – SA LAYUNING Mas mabigyan ng diin ang information dissemination kontra Covid19, sinimulan na kahapon ang pagpapalabas sa pamamagitan ng video presentation sa mga simbahan sa lungsod ang panghihikayat ng mga senior citizens na matagumpay na nagpabakuna kontra sa sakit.

April 30, 2021 ng ipamahagi ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Health Office at City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU ang video documentation sa mga nakakatanda na nauna ng nabigyan ng Sino vaccine sa roll out vaccination para sa mga nasa ilalim ng A2 Priority List ng Pamahalaan.

Sa pamamagitan nito ay makukumbinsi ang maraming nagsisimba na magpabakuna na kontra Covid19.

Maala-alang isinagawa ng City Government ang pagbabakuna ng may 419 na mga senior citizens mula sa barangay Poblacion, Sudapin, Singao, Lanao at Manongol nitong April 21-23, 2021.

Halos may mga ‘controlled co-morbidities’ o umiinom ng maintenance medicine kontra hypertension, diabetes, asthma at iba pang sakit ang mga nagpabakunang senior citizens sa roll out vaccination program na ginawa ng City Government.

Walang dapat katakutan ang mga magpapabakuna, ayon pa sa mga nakakatanda na nabigyan ng anti covid19 vaccine dahil na rin sa tama at maayos na pagbibigay impormasyon ng Pamahalaan.

Mas malaki ang benepisyo na hindi magkaka-komplikasyon sa sakit kaysa magka covid, anila, sabay ang panghihikayat din sa lahat na huwag maniniwala sa mga maling impormasyon patungkol sa pagbabakuna.

Ipinalabas ang video presentation dahil na rin sa kahilingan ng iilang religious communities na makatulong sa pagbibigay ng tamang impormasyon patungkol sa anti-covid19 vaccination.

Kaugnay nito ay patuloy na ipinananawagan ng CESU ang lahat ng mga Persons with Co-morbidities na kasali sa A3 Priority list sa vaccination roll out na magpalista na sa kani-kanilang barangay upang mabigyan ng bakuna. ##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY-MULING binuksan ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Tourism and Investment Promotions Center ang Pasalubong Center ng lungsod.

Isinabay ang pagbubukas nito sa pagbubukas ng ekonomiya ng lungsod tungo sa new normal sa panahon ng Covid19 pandemic.

Pinasalamatan ng mga food at arts and crafts sector si City Mayor Joseph Evangelista sa muling pagbubukas ng Pasalubong Center kung saan ay maibebenta na nila ang kanilang produkto sa mga turistang dumarayo sa Lungsod ng Kidapawan.

Matatandaang pansamantalang isinara ang nasabing pasilidad dahil na rin sa nagtamo ito ng kasiraan sa nangyaring lindol noong  October 2019 at ang pagpasok ng Covid19.

“Salamat kay Mayor Evangelista dahil mabibigyang kabuhayan ang marami sa aming miyembro ng food, arts and crafts sector ngayon”,  mensahe ng pasasalamat mula sa kanilang Pangulo na si Sheila Leong.

Matatagpuan ang Pasalubong Center sa City Overland Terminal kung saan mabibili rito ang mga local delicacy ng lungsod gaya ng nga kakanin, sweets and pastries, natural fruit beverages, brewed coffee, handicrafts, native bags and accessories at maraming iba pa.

Pawang gawa sa Kidapawan City ang ibinebentang produkto sa lugar na de-kalidad at sa abot kayang halaga.

Pinangunahan naman nina SP Tourism Committee Chair Junares Amador, City Tourism Operations Officer Gillian Lonzaga, City Tourism Council President Blanca Villarico, DTI Cotabato Head Ferdinand Cabiles at DOST Cotabato Director Michael Mayo ang pagbubukas ng Pasalubong Center.##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY- Pormal ng nanumpa bilang bagong konsehal ng Lungsod ng Kidapawan si Galen Ray Lonzaga na nakatatandang anak ni City Councilor Gregorio Lonzaga na nagbitiw sa kanyang posisyon kamakailan lang.

Nanumpa ang nakababatang Lonzaga sa harap nina Cotabato Governor Nancy Catamco at City Mayor Joseph Evangelista alas-onse nitong umaga ng April 26, 2021 sa Governor’s Office,  Provincial Capitol, Amas Kidapawan City.

Sinaksihan ng kanyang maybahay at mga kaaanak ang panunumpa ni Councilor Lonzaga.

Kanyang paglilingkuran ang nalalabing termino ng kanyang ama na nagbitiw dahil sa iniindang sakit.

Plano niyang ipagpatuloy ang mga programa ng kanyang ama patungkol sa pagpapatatag sa kakayahan ng mga barangay.

Inaasahang dadalo si Lonzaga sa kanyang unang regular session bilang bagong konsehal sa Sangguniang Panlungsod sa April 28, 2021.

Todo suporta naman ang ipinaaabot ni Mayor Evangelista kay Lonzaga.

Una na siyang nanungkulan bilang Executive Assistant ni Mayor Evangelista mula 2013 bago maging konsehal ng lungsod.##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY- Abot na sa 419 na mga senior citizens ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine sa pangunguna ng City Government of Kidapawan.

Sa datos na ipinalabas ng City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU, nakapaoob rito ang kabu-oang bilang ng mga senior citizens mula sa Barangay Poblacion, Sudapin, Singao, Lanao at Manongol na mga lugar naman kung saan ay naitala ang nakararaming kaso ng Covid19 sa Kidapawan City.

Ginawa ang vaccination ng Sinovac sa mga nakakatanda nitong April 22, 23 at 24, 2021 sa Kidapawan Doctors College Campus.

Sa nasabing bilang, 88 sa mga senior citizens ay napabilang sa A.1 priority list ng pagbabakuna o mga seniors na mga frontliners samantalang ang nalalabing bilang ay pawang nasa A.3 priority list.

Wala namang naiulat na adverse effects sa mga nakatatanda ang bakuna, bagkus, hinihikayat pa nila ang publiko na huwag matakot na maturukan nito.

Maliban pa sa malaking benepisyo ang maibibigay ng bakuna kontra Covid19, anila, huwag din maniwala sa maling impormasyon patungkol dito.

Marami sa kanila ang may controlled comorbidity  gaya ng hypertension, diabetes at iba pang sakit ngunit nabigyan ng bakuna.

28 days mula sa unang dose ang kanilang hihintayin bago ang second dose ng bakuna.##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY- SA kabila ng mga agam-agam patungkol sa pagbabakuna kontra Covid19, hindi pinalagpas ng maraming senior citizens na magpabakuna kontra Covid-19.

Hindi dapat makinig sa mga maling impormasyon sa pagbabakuna ng mga matatanda, nagkakaisang sinabi ng mga senior citizens na naturukan ng unang dose ng Sinovac ngayong araw ng Huwebes, April 22, 2021.

” Hindi dapat katakutan ang bakuna lalo pa at ito lang ang magbibigay sa atin ng proteksyon sa sakit.”, pahayag pa ni Rosalinda Villagonzalo, edad 82 na isa sa mga nabakunahan sa roll out vaccination na isinagawa ng City Government sa Kidapawan Doctors College, Inc., KDCI.

Si Villagonzalo ay isa lamang sa abot sa 160 na unang batch ng mga seniors na  naturukan ng Sinovac kung saan ay nagmula sa Barangay  Poblacion at Sudapin – mga lugar na pinangyarihan ng maraming kaso ng covid sa lungsod.

Tama ang ginagawang kampanya ng City Government of Kidapawan  na ipagbigay alam ang totoong impormasyon patungkol sa vaccine upang mahikayat na magpabakuna ang mga senior citizens lalo na yaong may iniindang karamdaman gaya ng hypertension, diabetes at iba pang co-morbidities.

“Mas malaki ang benepisyong dulot ng bakuna para hindi tayo magkasakit lalo na tayong matatanda ay madali ng mahawaan ng sakit”, sinabi  pa ni Mang Rodolfo, edad 74 na isang dating pulis kung saan sila ng kanyang maybahay ang kapwa naturukan ng bakuna.

Wala namang naiulat na masamang epekto sa mga senior citizens maliban na lang sa kirot sa parte ng katawan na nabakunahan.##(cio)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – Walang dapat ipag-alala o ikabahala ang mga senior citizens sa kanilang pagpapabakuna laban sa Covid19 na magsisimula na bukas April 22, 2021.

Ito ay dahil sa dumaan sa masusing counselling ang mga priority senior citizens ng Barangay Poblacion at Sudapin.

Ayon kay Dr. Nerie Paalan ng City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU na tanging ang dalawang barangay na nabanggit muna ang prayoridad dahil   nagmula sa mga lugar n ito ang nakararaming kaso ng Covid19 sa lungsod.

Makatitiyak naman na babantayan ng mga medical frontliners at  maaagapan ang ano mang adverse effects ng pagbabakuna gaya na lamang ng alta presyon dahil nakaantabay ang mga ito sa vaccination venue, dagdag pa ng CESU.

Bilang pagsunod sa vaccination roll out plan ng City Government of Kidapawan, hatid-sundo mula sa kanilang tirahan papunta sa vaccination hub ang mga senior citizens.

11,599 ang kabuo-ang bilang ng mga senior citizens na dapat mabigyan ng bakuna dagdag pa ng CESU.

160 ng bakuna mula sa DOH muna ang mabibigyan ng bakuna kung saan ay 110 ang sa Poblacion at 50 naman sa Sudapin.

Venue ng aktibidad ang Kidapawan Doctors College mula 8am-5pm.

Tiniyak naman ni City Mayor Joseph Evangelista na mabibigyang prayoridad ang iba pang senior citizens na hindi nakasali sa unang batch na mababakunahan din sila ng vaccine na bibilhin ng Lokal na Pamahalaan.

Target na maisakatuparan ito kasali na ang abot sa 40,000 Kidapawenyo pagsapit ng third quarter ng taong kasalukuyan.

Sa pamamagitan nito ay makakamit na ng lungsod ang herd immunity na mapo-protektahan laban sa Covid19, paliwanag pa ng alkalde.##(cio)

thumb image

MAGBIBIGAY ng abot sa P20M ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD para sa mga site development related projects sa dalawang housing settlements para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa Lungsod ng Kidapawan dahil sa October 2019 earthquakes.Pumirma sa isang Memorandum of Agreement sina City Mayor Joseph Evangelista at DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario nitong April 15, 2021.Layon ng MOA na pondohan ng DHSUD ang mga site development projects ng Ilomavis at Indangan Relocation sites para mabigyan ng serbisyong pangkaunlaran ang mahigit sa 700 displaced families ns nakatira sa lugar.Nakapaoob rito ang pagtatayo ng drainage canals, serbisyong patubig at kuryente, pagsasaayos ng mga daan at iba pa.Hindi lamang pagbibigay ng disenteng pabahay sa mga family recepients ang benepisyo nito ngunit pati na ang dagdag na mga serbisyo at pasilidad ay makakatulong para maging ganap at maayos na komunidad ang mga nasabing housing resettlement sites.Maaalalang hiniling noon ni Mayor Evangelista sa DHSUD ang dagdag na tulong matapos makahanap ng ligtas na lugar na malilipatan ang City Government para sa mga pamilyang nakatira sa mga high risk areas na delikado sa panahon ng lindol at iba pang sakuna.Kaugnay nito, ay pinuri din ng DHSUD ang maagap na pagkilos ni Mayor Evangelista para agad mahanapan ng ligtas na lugar ang mga pamilyang nabanggit.Ang Kidapawan City ang pinaka-unang LGU sa mga lugar na Lalawigan ng Cotabato na nasalanta ng lindol na nakapagpatayo ng housing resettlement site para sa mga pamilyang nakatira sa mga high risk areas.##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – BINIGYAN NG City Government ng two years property and business tax incentive ang dalawang business establishments na nag-ooperate sa lungsod.

Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang Certificate of Tax Incentives sa Marlit Realty at Peak Properties by CSR kung saan exempted silang magbayad ng buwis sa lupa, gusali at business tax mula April 2021 hanggang April 2023.

Ibinibigay ng City Government ang pribilehiyong ito sa mga business operators upang makahikayat ng dagdag na puhunan na naglalayong pasiglahin ang lokal na ekonomiya ng Kidapawan City.

Nagbibigay ng tax incentive ang City Government sa mga bagong business establishments o di kaya ay nag-expand ng kanilang negosyo sa lungsod alinsunod sa mga panuntunan na pasok sa kasalukuyang City Revenue Code.

Dumaan sa masusing proseso ang application ng dalawang mga nabanggit na business establishments sa Kidapawan City Trade and Investment Promotion Council o KCTIPC bago nabigyan ng tax incentive, ito ay ayon na rin sa Kidapawan City Investment Promotion Center.

Tanging mga bayarin na hindi sakop ng exemption sa ilalim ng kasalukuyang City Revenue Code ang babayaran kapwa ng Marlit Raelty at Peak Properties by CSR sa City Government sa loob ng dalawang taong Tax Holiday.##(CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – MAHIGIT sa 200 na mga magsasaka ng Kidapawan City at bayan ng Kabacan ang nakatanggap ng cash at food assistance mula sa Department of Agriculture XII nitong April 13, 2021 sa isang seremonyang ginanap sa Mega Tent ng City Hall.

Tumanggap ng Php3,000 cash, kalahating sako ng bigas at tig limang kilong dressed chicken ang mga farmer – beneficiaries ng ayuda mula sa ahensya.

Pamamaraan ito ng DA na makatulong na maibsan ang hirap ng maraming maliliit na magsasaka sa lalawigan ng Cotabato na apektado ng krisis na dulot ng Covid19 pandemic.

Sila yaong mga magsasaka na hindi napabilang sa Special Amelioration Program o SAP na tulong pantawid mula sa National Government sa panahon ng pananalasa ng Covid19 pandemic.

Mga magsasaka ng niyog, mais at palaisdaan na nasa isang ektarya pababa ang tumanggap ng tulong mula sa DA, ayon pa sa City Agriculture Office na isa sa mga nangasiwa sa pagbibigay ng nasabing tulong.

Matatandaang nagbigay kamakailan lang ng tig-lilimang libong pisong ayuda ang National Government sa mga indigent population bilang Amelioration assistance para pantawid sa panahon ng pananalasa ng Covid19.

Dumaan sa validation ng DA at ng mga Municipal Agriculture Office ng probinsya ng Cotabato ang pag-identify sa mga farmer – beneficiaries. 

Pasasalamat naman ang ipina-aabot ng mga magsasakang nakatanggap ng tulong mula sa Pamahalaan. ##(CIO)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio