KIDAPAWAN CITY – ISINAGAWA ng Public Employment Services Office (PESO) ang 1st Online Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fair 2021 nitong nakalipas na April 8, 2021.
Layun ng aktibidad na matulungan na makahanap ng trabaho at kabuhayan ang mga indibidwal na naging jobless nitong panahon ng pandemya.
“This is our way of helping those affected by the Covid19 pandemic slowly go back to earning a living and provide for their families”, mensahe pa ni City Mayor Joseph Evangelista sa isang video message bilang suporta sa mga jobseekers na sumali sa aktibidad.
Mas binigyang prayoridad naman ng aktbidad ang local employment generation.
Nagsagawa rin ng Business Coaching para naman sa mga indibidwal na nagnanais magkaroon ng maliit na negosyong pangkabuhayan sa panahon ng pandemya.
Pito mula sa walong kompanyang naghahanap ng empleyado na sumali sa Jobs Fair ay pawang mga local based employers.
Ito ay ang: VXI Holdings BV; Pryce Gas Inc, Taytay sa Kauswagan, Bluesun, KCC Mall of Marbel at Sky Go Motors, samantalang nag—iisang kompanya, ang Zontar Manpower ang naghahanap naman para sa overseas employment.
Bago pa man ang aktwal na screening at interviews, dumaan muna sa online pre-registration sa Public Employment Services Office ng City Government ang mga aplikante.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa mga pina-iiral na minimum health protocols kontra Covid19.
Dahil limitado lamang ang bilang ng dapat sumailalim sa face to face interview, dumaan na lamang sa online interview ang iba pang aplikante.
Katuwang ng City Government sa isinagawang 1st Online Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fair 2021ang Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Philippine Overseas Employment Administration, Technical Education and Skills Development Authority at ang Overseas Workers Welfare Administration.
Ginanap ang 1st Online Trabaho Negosyo Kabuhayan Job and Business Fair 2021 buong araw ng April 8, 2021 sa tanggapan ng PESO Kidapawan City. ##(CIO)
KIDAPAWAN CITY – PINASINAYAAN kapwa ng Department of Science and Technology XII at ng City Government ang bagong Complementary Food Center ng lungsod.
Malaking tulong ang nabanggit na pasilidad ng Lokal na Pamahalaan na maitaguyod ang Supplemental Feeding Program nito sa mga mga barangay, day care centers at public elementary schools, para mabawasan ang kaso ng malnutrisyon sa mga bata mula sa pagiging sanggol hanggang sa mga nag-aaral sa elementarya.
Kapwa pinangunahan nina DOST XII Regional Director Engr. Sammy Malawan at City Mayor Joseph Evangelista ang ribbon cutting ceremony ng pasilidad na matatagpuan sa Barangay Magsaysay umaga ng April 8, 2021.
Taong 2017 ng ipinasa ni Mayor Evangelista ang Establishment of a Common Service Facility for Nutritious Complementary Food Processing Project sa DOST upang mabigyang lunas ang dumarami noong bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon sa mga day care at public elementary schools sa lungsod.
Naisakatuparan ang proyekto sa ilalim ng DOST – FNRI o Food and Nutrition Research Institute ng ahensya, ayon pa kay Director Malawan.
Nagkakahalaga ng Php3 Million ang proyekto kung saan ay Php1.3 Million ang ginasto ng City Government sa pagpapatayo ng gusali at karagdagang Php1.7 Million na mga kagamitan na magpo-proseso ng pagkain ng mga bata ang nagmula naman sa DOST XII.
Sa kanyang mensahe, ini-ugnay ni Mayor Evangelista ang kanyang programa sa Edukasyon, Kalusugan, Nutrisyon at Social Services upang matamo ang pag-unlad ng mga bata sa lungsod.
Isang malaking hakbang na maisakatuparan ito sa pamamagitan ng Complementary Food Center, dagdag pa ng alkalde.
Hinikayat ni Mayor Evangelista ang City Nutrition Office na makipag-ugnayan sa City Agriculture Office upang makakuha ng mga pangunahing sangkap gaya ng gulay, bigas at iba pang masusustansyang pagkain na ipo-proseso ng pasilidad.
Ang naprosesong produkto ay kargado na sa tamang nutritional requirements na kinakailangan ng bawat bata na kakainin nila tuwing may isasagawang supplemental feeding activity sa barangay, day care center at eskwelahan.
Ikalawa na ang Kidapawan City na nakipag-ugnayan sa DOST XII sa buong Rehiyon na makapagpatayo ng local government run Complementary Food Center. ##(CIO)
KIDAPAWAN CITY – NABIGYAN na ng kani-kanilang pangalawang Sinovac doses ang 134 na mga front liners ng City Hospital ng lungsod.
Ginawa ang pagbabakuna nitong April 5, 2021 o isang buwan matapos ang unang dose ng Sinovac noong nakalipas na buwan ng Marso.
Ang bilang ay bahagi lamang ng 411 na mga front liners na naunang nabigyan ng bakuna sa first implementation ng Vaccination Roll Out Plan ng City Government.
Ito ay alinsunod na rin sa Vaccination Roll Out Plan ng City Government na target mabigyan ng unang prayoridad sa pagbabakuna yaong mga medical front liners na siyang nangangasiwa at nagpapatakbo sa mga Covid19 treatment facilities ng Kidapawan City.
Nagmula ang mga bakunang nabanggit sa Department of Health kung saan ay inuna yaong mga front liners laban sa Covid19 sa buong bansa.
Ginawa ang pagbabakuna sa mga Vaccination Hubs na itinalaga ng City Government na kinabibilangan ng Notre Dame of Kidapawan College, St. Mary’s Academy, Kidapawan Doctor’s College mga pribado at pampublikong ospital, at isolation and quarantine facilities.
Kumpara noong unang pagbabakuna, mas naging mabilis na ang pagbibigay ng second dose ng Sinovac sa mga front liners.
Panawagan naman ni City Mayor Joseph Evangelista na magpabakuna na rin ang publiko sakaling dumating na ang bakunang bibilhin ng City Government para na rin mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Covid19 at maiwasan na magka-komplikasyon dala ng sakit.
Target na unang mabibigyan nito ang mga senior citizens at indigent population ng lungsod.
Patuloy din na nananawagan ang alkalde sa lahat na sumunod pa rin sa mga itinakdang minimum health protocols para iwas Covid19. ##(CIO)
KIDAPAWAN CITY, April 5, 2021 – UPANG mapalakas pa ang kaalaman at kakayahan ng mga local medical physician sa Lungsod ng Kidapawan sa pagharap sa iba’t-ibang uri ng sakit o karamdaman, sumasailalim sila ngayon sa Public Health and Services Improvement Webinar sa City Convention Hall mula April 5-9, 2021.
Mga espesyalista mula sa International Urban Training Center, Gangwon Province ng Republic of South Korea ang mga lecturers ng naturang webinar na naglalayon ding magpalitan ng mga best practices at ilang mga natatanging paraan sa pagsugpo ng Covid-19 at sama-samang pagkilos sa pagharap sa health crisis na dulot ng pandemiya ng Covid-19.
Ayon kay Kidapawan City Health Officer Dr. Jocelyn Encienzo, lubhang mahalaga para sa tulad niyang front liner ang nabanggit na 5-day seminar sa harap na rin ng pandemiyang kinakaharap ngayon ng bawat isa.
Mga Chiefs of Hospitals, Medical Officers, OB-GYNE Department Heads, Nephrologists, Infection Control Officers at iba pa mula sa public at private hospitals ang mga partisipante ng webinar na inaasahang magbibigay daan sa pagtamo ng dagdag na kaalaman para sa kanilang hanay.
Una ng inatasan ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista si Dr. Encienzo at si City Tourism Operations Officer Gillian Ray Lonzaga na makipag-ugnayan sa mga miyembro ng North Cotabato Medical Society para sa pagsasakatuparan ng webinar.
Ayon sa alkalde, walang dapat na sayanging pagkakataon ang Kidapawan City Government particular na sa mga hakbang sa paglaban sa Covid-19 at iba pang mga karamdaman.
Lubos naman ang ibinigay na suporta ng medical and health sector sa naturang webinar sa paniniwalang malaki ang magagawa nito sa pagpapaunlad pa ng kapasidad ng mga doktor sa pagharap sa kasalukuyang health crisis partikular na ang Covid-19. (CIO-AJPME/JSCJ)
KIDAPAWAN CITY – BUMABA ANG KASO NG VIOLENCE Against Women and Children o VAWC sa lungsod nitong taong 2020.
Ito ay inihayag mismo ni City Mayor Joseph Evangelista sa kanyang mensahe sa Culmination Program ng National Women’s Month sa lungsod nitong March 30, 2021.
Ang pagbaba ng kaso ng VAWC ay dahil na rin sa pagpupunyagi ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO at partner stakeholders na maipa-alam sa mga kababaihan ang kanilang mga karapatan sa tahanan at sa lipunan sa kabuo-an at matulungan ang mga biktima ng pang-aabuso.
Sa report na inilabas ng CSWDO, bumaba ang kaso ng pisikal, emosyonal at sekswal na pang-aabuso sa mga kababaihan sa iba’t-ibang komunidad sa lungsod kumpara sa mga nakalipas na taon.
Narito naman ang bilang ng kaso ng VAWC sa lungsod: 2016 – 182; 2017-181; 2018-148; 2019-99 at 2020 – 68, ayon pa sa inilabas na report ni Acting CSWD Officer Daisy Gaviola. Mapapansin na bumaba ang kaso ng VAWC sa panahon ng pananalasa ng Covid19 pandemic.
Sa kabila kasi ng mga minimum health protocols at limitadong galaw ng mga mamamayan, binigyan ng ibayong atensyon ni Mayor Evangelista ang pagseguro na nasa maayos ang kalagayan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagsusulong sa mga programa lalo na ng DSWD at ng Women’s and Children’s Desk ng PNP.
Kaugnay nito, hinimok ng alkalde ang Sangguniang Panlungsod ng Kidapawan lalo na sa mga lady councilors Marites Malaluan, Airene Claire Pagal at SK Federation President Cenn Taynan na lumikha ng ordinansa na magbibigay ng tulong pangkabuhayan sa mga naging biktima ng VAWC.
Bagamat at limitado ang bilang dahil na rin sa mga umiiral na Covid19 minimum health protocols, nagtipon-tipon ang ilang mga women’s groups sa lungsod sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan sa Culmination Program nitong March 30, 2021 sa Mega Tent ng City Hall.
Ito ay kinabibilangan ng: Mothers Club, Rural Improvement Club, Kalipi ng Lahing Pilipina, Four P’s Women’s Organization, Bangsamoro Women, City Indigenous Women’s Federation at ang Cotabato Indigenous People Women’s Association. ##(CIO)
258 baboy at sako-sakong feeds ipinamahagi ng City Government of Kidapawan para sa mga Barangay Animal Healthcare Workers na matinding naapektuhan ng Covid-19
KIDAPAWAN CITY (March 31, 2021) – Upang matulungang makabawi ang mga Barangay Animal Healthcare Workers mula sa negatibong epekto ng Covid-19 pandemic, namahagi sa kanila ang City Government of Kidapawan ng abot sa 258 na alagang baboy at feeds sa pamamagitan ng City Veterinarian Office.
Ito ay sa ilalim ng Food Security and Economic Resiliency Plan in Relation to Covid-19 Program ng City Government na naglalayong palakasin ang produksyon ng karne at gulay sa lungsod, ayon kay City Veterinarian Dr. Eugene Gornez.
Kaugnay nito, ginanap sa Vegetable Trading Post sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City kaninang alas-nuebe ng umaga ang distribution para sa unang batch ng recipients na abot sa 46 ang bilang at nagmula sa mga Barangay ng Indangan, Gayola, San Isidro, at Sto Nino, Dr. Gornez.
Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng tig-siyam na baboy para sa pagsisimula ng maliit na kabuhayan o pagkakakitaan.
Maliban dito ay tumanggap din ang mga BAHW ng 286 sako ng starter feeds, 700 sako ng grower feeds, at 512 sako ng finisher feeds upang hindi na problemahin pa ng mga benepisyaryo ang pagkain ng mga baboy.
Mula sa 20% Development Fund ng City Government of Kidapawan ang pinambili ng mga alagang baboy at feeds.
Lumagda naman sa Memorandum of Agreement o MOA ang naturang mga BAHW kung saan naman nakapaloob ang mga alituntunin ng programa.
Kabilang dito ang wastong pag-alaga ng mga baboy upang mapakinabangan ng husto at ang pasumite nila ng mga pangalan ng iba pang front liners mula sa kanilang barangay na babahaginan nila ng tinanggap na mga baboy upang mas marami ang matulungan ng programa.
Sinaksihan ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista ang distribution kung saan pinasalamatan niya ang mga BAHW sa patuloy na pakikiisa at suporta sa mga programang pang-agrikultura ng City Government.
Sinabi ni Mayor Evangelista na ngayong 2021 ay pinaglaanan ng City Government ng pondong abot sa P76M ang agriculture sector sa layuning mapalakas pa ang food sufficiency at stability.
Laan ito sa mga programang angkop sa pangangailangan ng mga magsasaka at tumutulong sa produksyon ng gulay, prutas, at livestock, dagdag pa ng alkalde.
Pinasalamatan naman ni BAHW Federation President Conrado Tabanyag si Mayor Evangelista sa patuloy nitong pagsuporta sa kanilang hanay at nangakong gagawin ang lahat upangh mapalago ang natanggap na biyaya.
Samantala, sa naturang pagkakataon ay nagbigay din ng maikling orientation ang Dept of Agriculture -Special Area for Agriculture Development o DA-SAAD Goat Project Coordinator for Cotabato Province na si Charie Lyn Quinlat at pagkatapos ay namahagi ng abot sa 27 kambing para sa mga BAHW beneficiaries.
Bunga raw ng mahusay na koordinasyon ng City Government of Kidapawan at ng DA 12 ang naturang pamimigay ng alagang kambing, ayon kay Quinlat. (CIO-AJPME/JSCJ)
KIDAPAWAN CITY – MAGLILINGKOD na bilang bagong City Treasurer ng lungsod simula araw, March 29, 2021 si Ranulfo Japson, Administrative Officer V ng City Treasurer’s Office (CTO) bilang kapalit ng nagretiro nang si City Treasurer Elsa Palmones.
Ginawa ngayong araw ang simpleng turn-over ceremony sa naturang tanggapan kung saan ay ipinasa na ni Palmones ang lahat ng mga responsibilidad tulad ng mga cash and account books, accountable forms, properties and office equipment kay Japson hudyat ng pag-upo nito bilang pinuno ng opisina.
Sinaksihan naman ng mga kagawad Department of Finance Bureau of Local Government Finance Regional Office XII ang pagpapalit posisyon ng nabanggit na mga opisyal ng City Government.
Isang taon o mula March 28, 2021 hanggang March 27, 2022 manunungkulan bilang Acting City Treasurer si Japson.
Pinasalamatan naman ni City Mayor Joseph Evangelista si Palmones sa mga magandang nagawa nito bilang Ingat Yaman ng Pamahalaang Local.
Katunayan ay nahigitan pa ng opisyal ang target nito sa usapin ng tax collection lalo na at naging hamon para sa Kidapawan City ang 2019 Earthquake at ang patuloy na pananalasa ng Covid19 pandemic.
Suportado naman ng alkalde si Japson sa panunungkulan nito##(CIO)
KIDAPAWAN CITY (March 27, 2021) Tuluy-tuloy lang at naging maayos ang vaccination roll out ng Covid-19 vaccine para sa mga front liners sa Kidapawan City.
Ayon kay Kidapawan City Epidemiology and Surveillance Unit o CESU Operations Chief Dr. Nerissa Paalan, nasa 1,838 front liners na ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine mula ng umpisahan ito noong March 8, 2021 hanggang ngayong linggong ito gamit ang Sinovac at sinundan ng AstraZeneca.
Nakapaloob sa bilang na ito ang mga front liners mula sa iba’t-ibang pagamutan sa Kidapawan City at ilang mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT na sinimulan ng turukan tulad ng mga Barangay Health Workers o BHW, Barangay Nutrition Scholars o BNS at maging mga Barangay Chairpersons at mga Barangay Kagawad na humahawak ng Health Committee, ayon pa kay Dr. Paalan.
Maliban naman sa Notre Dame of Kidapawan College o NDKC IBED at school gym ay ginagamit na rin bilang mga vaccination site ang St. Mary’s Academy of Kidapawan o SMAK at Kidapawan Doctors College, Inc.o KDCI.
Pinasalamatan naman ni Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista ang mga front liners sa pagtanggap sa bakuna maging ito man ay Sinovac o AstraZeneca. Sinabi ni Mayor Evangelista na pinalalakas nito ang kumpiyansa ng mamamayan at bakuna lamang din ang tanging paraan upang tuluyan ng mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 disease.
Maliban naman sa mga mild discomforts ay wala namang naitalang
adverse reactions o di kanais-nais na pangyayari sa mga nabakunahang frontliners.
Sa ngayon ay tuluy-tuloy na pinalalakas ng CESU ang kahandaan nito sa pagbabakuna at patuloy din ang paala-ala sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols kahit pa may bakuna na upang lubusang makaiwas sa sakit. (CIO-AJPME-jscj)
KIDAPAWAN CITY – INAPRUBAHAN na ng Sangguniang Panlungsod ang pagpapasa ng Supplemental Budget number 2 na hiniling ni City Mayor Joseph Evangelista.
Naipasa ang nabanggit sa pamamagitan ng Special Session nitong March 24, 2021.
Iilan sa mga sakop ng SB number 2 ay ang dagdag na sahod para sa mga job order workers ng City LGU at ang dagdag pondo para sa Covid-19 response.
Pinasalamatan ni Mayor Evangelista ang mga kasapi ng konseho sa pagpapasa ng Supplemental Budget dahil mas mapapalakas pa nito ang epektibong Covid response ng lungsod.
Matatandaang umabot sa sobra siyamnapung aktibong kaso ang naitala noong nakaraang dalawang buwan, subalit dahil na rin sa pagtutulungan ng health workers, medical frontliners at City Government personnel ay naibaba na lang sa anim ang aktibong kaso ng Covid-19 ang sa Kidapawan City.##(CIO)
KIDAPAWAN CITY – Gipang apud-apud na sa Department of Agriculture ang hinabang sa mga hog raisers nga sagad naapektuhan sa African Swine Fever kon ASF kadtong milabay’ng tuig.
Php 3,585,000 ang kinatibuk-ang kantidad ang gihatag sa DA XII ngadto sa 144 ka mga naga-amuma og baboy nga naapektuhan sa ASF sa upat ka mga barangay ning dakbayan.
Suma pa sa pamunuan sa DA XII, ang ayuda gikan sa ASF Indemnification Program sa gobyerno.
Matag benepisyaryo nakadawat og Php 5,000 kada ulo sa baboy nga gipailaom sa ‘culling’ aron mapugngan ang pagkatag sa ASF.
Ang kadaghanon sa mga apektadong hog raisers nakadawat sa hinabang mao ang mosunod: 54 gikan sa Barangay Linangkob, 42 Sikitan, 24 Gayola ug laing 24 sa Mua-an.
Gihatag sa mga opisyales sa DA XII, City Legal Officer Atty. Pao Evangelista nga nirepresenta kang City Mayor Joseph Evangelista, Cotabato 2nd District Board Member Dr. Krista Piñol – Solis, Cotabato Provincial Veterinarian Office ug Kidapawan Office of the City Veterinarian ang nasampit nga ayudang pinansyal sa mga ASF affected hog raisers ning dakbayan.
Gihimo ang pang apud-apud sa hinabang sa mga ASF affected hog growers karong Marso 24, 2021 sa Amphitheater sa Kidapawan Pilot Elementary School. ##(CIO)