January 8, 2021
BAGONG EXECUTIVE-LEGISLATIVE OFFICE PINASINAYAAN AT BINUKSAN NA NG CITY GOVERNMENT
KIDAPAWAN CITY – SA LAYUNING MAKAPAGBIGAY NG IBAYONG SERBISYO ANG KONSEHO SA MAMAMAYAN NG LUNGSOD, pinasinayaan ni City Mayor Joseph Evangelista ang pagbubukas ng bagong Executive-Legislative Office ngayong January 7, 2021.
Dito na mag-oopisina at magtitipon ang mga City Councilors kung saan ay mas magagampanan na nila ng maayos ang kanilang mandato sa mamamayan lalo na ang paglikha ng mga ordinansa at lokal na batas.
Matatagpuan ang bagong tanggapan sa tabi ng City Agriculture Office sa unang palapag ng City Hall.
Mas magiging kumportable na rin para sa mga konsehal na makipagtalastasan sa kanilang mga constituents sa loob ng panibagong tanggapan.
Bago ang opisyal na pagbubukas nito, ay dinasalan at binasbasan muna ni Fr. Jun Balatero, DCK ang pasilidad na sinundan naman ng Ribbon Cutting Ceremony nina Mayor Evangelista at mga City Councilors.
Pasasalamat naman ang ipina-aabot ng konseho sa alkalde sa pagbibigay sa kanila ng bago at mas kumportableng opisina. ##(CIO/AJPME/lkro)
January 7, 2021
MAHIGIT ANIM NA RAANG BENEFICIARIES NABIGYAN NG LIBRENG BIRTH CERTIFICATES AT LATE REGISTRATION SA ILALIM NG ‘REHISTRO MO, SAGOT KO’ NG CITY GOVERNMENT
KIDAPAWAN CITY – PASASALAMAT ANG IPINAAABOT NG MAY 650 na beneficiaries sa ‘REHISTRO MO, SAGOT KO’ na programa ng City Government.
Dahil sa programa ay nagkaroon ng libreng birth certificates ang nabanggit na bilang ng mga benepisyaryo na naserbisyuhan ng Lokal na Pamahalaan.
Nagsimula ang programa noong Pebrero 2020 kung saan ay mismong mga kinatawan ng City Civil Registrar’s Office, City Legal at Information Office ang pumunta sa mga barangay upang direktang iproseso ang birth certificates at late registration ng mga beneficiaries na walang kaukulang dokumento.
Nakatulong din ang REHISTRO MO, SAGOT KO na makatanggap ng serbisyo ang mga mamamayan sa panahon ng Covid19 pandemic gayung pinadali na ng City Government ang proseso ng late registration dahil hindi na gagasto pa ang mga beneficiaries na pupunta pa sa City Hall para sa dokumentong nabanggit.
Malaking bilang ng mga beneficiaries ay mga senior citizens, indigenous people at mga estudyante.
“ Pangunahing karapatan ng bawat Filipino na kilalanin ng Pamahalaan ang kanyang kapanganakan. Paano ba tayo makakatanggap ng tulong o programa mula sa Pamahalaan kung tayo mismo ay hindi kinikilala nito? Ito ang nais nating iparating sa ating mga kababayan kaya patuloy nating ginagawa ito katuwang ang CCR para sa lahat ng Kidapawenyos”, paliwanag pa ni City Information Officer Atty. Jose Paolo Evangelista.
Sa panig naman ni CCR Raul Malaluan sinabi niya na ang REHISTRO MO, SAGOT KO ay alinsunod na rin sa hangarin ng Philippine Statistics Authority o PSA na marehistro ang lahat ng mga Filipino.
Pangunahing dokumento kasi ang birth certificate para makatanggap ng tulong at serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan, ani pa ng opisyal.
Kaugnay nito mahigit din sa limangdaang indibidwal ang nakabenepisyo sa libreng legal services ng CLO na kasali din sa REHISTRO MO, SAGOT KO program.
Magpapatuloy ang REHISTRO MO, SAGOT KO sa iba pang mga barangay, kabilang na ang Poblacion ngayong 2021.##(CIO/lkro)
January 7, 2021
STATE OF CALAMITY IREREKOMENDANG IDEKLARA SA LUNGSOD DAHIL SA COVID19 PANDEMIC, CITY GOV’T MAGLALAAN NG P20 NA PAMBILI NG COVID19 VACCINES
KIDAPAWAN CITY – ISASAILALIM SA STATE OF CALAMITY ANG lungsod dahil na rin sa epekto ng COVID19.
Kasabay din nito ang pagpapalabas ng pondo ng City Government sa abot dalawampung milyong piso na ibibili ng Covid19 vaccines para maprotektahan ang mamamayan laban sa pandemya.
Kahapon ipinasa na ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ang Resolutions number 1, 2 and 3 s. of 2021 na nagrerekomendang ideklara under the State of Calamity ang lungsod dahil sa Covid19 at reprogramming ng LDRRM Fund para pambili ng Covid vaccines.
Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang meeting ng CDRRMC kung saan napagkasunduan na gagamitin ang bahagi ng LDRRM Fund para tustusan ang kinakailangang bakuna.
Sakop ng P20 Million DRRM fund ang pambili ng Covid19 vaccines, apat na mga bagong ambulance at IEC Materials, ayon pa sa CDRRMO.
Manggagaling ang pondo mula sa bahagi ng LDRRM fund para sa 2021 at 2020.
Basehan ng pagdedeklara ng State of Calamity ang Presidential Proclamation number 922 ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalagay sa buong bansa sa National State of Health Emergency kasabay ng pagdedekalra mismo ng World Health Organization na isa ng ganap na pandemya ang Covid19, at ang paragraph 1 ng Criteria for Declaration of State of Emergency ng NDRRMC Memorandum Order number 60.##(CIO/AJPME/lkro)
January 6, 2021
CITY GOV’T BABALIK SA FOUR-DAY WORK WEEK DULOT NG DAGDAG NA KASO NG COVID19
KIDAPAWAN CITY – MULING BABALIK SA four-day work week schedule ang City Government simula ngayong January 6, 2021.
Dahilan nito ang dagdag na kaso ng Corona Virus disease 2019 sa lungsod.
Ito ang nakapaloob sa Memorandum number 039 s. 2021 kung saan ay i-ipinarecall ng opisina ni City Mayor Joseph Evangelista ang naunang Memorandum number 1865 dated December 23, 2020 na nag-uutos na ibalik na sa 5 days regular working schedule ang City Government.
Ibig sabihin, mula araw ng Lunes hanggang Huwebes lamang ang pasok sa maraming tanggapan ng Lokal na Pamahalaan.
Bukas naman para sa mamamayan ang mga essential offices ng City Government na sakop ng EO 73 s. of 2020 ni Mayor Evangelista na naatasang magbigay serbisyo sa panahon ng pandemya.
Sa ilalim nito ay maglalagay ng skeletal workforce sa mga opisinang sakop ng EO 73 at magkakaroon din ng work from home ang ilang mga empleyado para matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo sa mga mamamayan.
Bukas naman sa araw ng Biyernes ang mga opisinang hindi sakop ng Memo number 039 gaya ng: Business Processing and Licensing Office, Treasurer’s Office, City Assessor, CPDO Zoning Division, Office of the City Building Official at iba pa na napapabilang sa Business One Stop Shop o BOSS para tumanggap at magproseso ng transaksyon sa mga renewals and applications ng mga business permits at tricycle franchises.##(CIO/AJPME/lkro)
January 4, 2021
RENEWALS NG BUSINESS PERMITS AND LICENSES SINIMULAN NG GAWIN NG CITY GOVERNMENT
KIDAPAWAN CITY – NAGSIMULA NG IPROSESO ng City Government ang lahat ng renewals at applications ng mga Business Permits at Licenses ngayong January 4, 2021.
Bahagi ito ng Business One Stop Shop – BOSS na ginagawa ng City Government sa pagsisimula ng taon.
Inilagay ng lahat ng City Government ang mga tanggapang naatasang magbigay serbisyo sa mismong Mega Tent ng City Hall upang doon na iproseso ng mga business owners ang kani-kanilang mga lisensya.
Dahil na rin sa ipinatutupad na mga quarantine protocols kontra Covid19, dapat pa ring magsuot ng face mask at face shields ang lahat ng papasok at magpo-proseso ng kanilang mga business permits and licenses sa BOSS.
Dagdag pa rito ang pagpapasailalim sa thermal scanning. disinfection, CCTS Card scanning at log book.
Istrikto namang ipatutupad ang social distancing sa loob ng BOSS kung kaya at hinhingi ng City Government ang pang-unawa at pagsunod ng lahat.
May mga itinalagang empleyado na maaring lapitan ng publiko upang humingi ng gabay kung mgapo-proseso ng kanilang mga papeles.
Sa kabilang dako, ipinag-utos ni City Mayor Joseph Evangelista na wala munang gagawing ‘ inspection’ sa mga tricycle na magre-renew ng kanilang mga permit at franchise.
Layun nito na maiwasang magkaroon ng unnecessary exposure ang mga operator, tsuper at maging kawani ng Traffic Management Unit sa Covid19.
Matatandaang hindi muna ipinatupad ang seminar ng mga tricycle bilang paraan para iwas Covid19.
Ang mga nabanggit ay mga pangunahing rekisito para makapag renew ng permit ang mga tricycle.
Sa halip, kinakailangan na lamang na magdala ng OR/CR ng motor, old franchise, drivers license at ID, at iba pang pertinenteng dokumento para makapag-renew ang operator at driver ng tricycle sa BOSS.
Magtatagal ang BOSS hanggang sa January 31, 2021.##
WATCH VIDEO: MENSAHE NI MAYOR JOSEPH EVANGELISTA PARA SA TANANG KIDAPAWENYO KARONG PANAHON SA MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE (MGCQ):
Sumala sa desisyon sa atoang National Government, sugod Hunyo 1, 2020, ang tibuok dakbayan sa Kidapawan ipa-ilawom na sa MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE o MGCQ.
Ang MGCQ usa ka mas lu-ag nga bersyon sa GCQ kung diin ginatugotan na ang mga residente nga makagawas sa tagsa-tagsang panimalay, bisan pa wala na’y dala nga quarantine pass. Kini wala nagpasabot nga layo na kita sa Covid threat, kung dili kini gibuhat sa National Government aron hinay hinay nga makabangon ang mga negosyo ug ang atoang lokal nga ekonomiya.
Sumala sa Omnibus Guidelines sa National IATF, MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE: refers to the transition phase between GCQ and NEW NORMAL, when the following temporary measures are relaxed and become less necessary: limiting movement and transportation, the regulation of operating industries, and the presence of uniformed personnel to enforce community quarantine protocols.
Sa miaging mga semana, hugot ang preparasyon sa inyong lokal nga panggamhanan aron maka-responde sa maong sitwasyon. Daghan kitang gipang-set up nga mga tent sa mga pampubliko nga establishment aron maseguro ang physical distancing sa mga waiting area. Nagsugod na pud ang pag-inspeksyon sa atoang Compliance Monitoring Team sa mga kan-anan, restaurant, mall ug department store aron ma-briefing daan ang mga tag-iya, manager o operator sa insaktong pamaagi sa physical distancing ug uban pa nga health protocols sama sa sterilization, foot bath ug disinfection areas. Gimugna pud nato ang Kidapawan Covid Detection Team nga mu-alalay sa mga barangay aron ma-monitor ang mga taga-gawas nga nagasulod diri sa atoang dakbayan. Atoa napud gi-andam ang atoang overland terminal aron modawat og mga PUV gikan sa laing munisipyo ug probinsya nga gitugotan mobiyahe sa DOTr. Pipila lamang kini sa mga pagpaningkamot sa inyohang City Government aron mas mapalig-on pa ang atoang naghiniusang Covid response mechanism.
Alang sa kasayuran sa tanan, mao kini ang mga palisiya nga kinahanglan pagasundon sugod Hunyo 1, 2020 isip pagsunod sa mando sa National Government nga ipa-ilawom kitang tanan sa MGCQ:
1. KINAHANGLAN I-REPORT ang tanang mouliay nga OFW ug residente sa Kidapawan nga gikan sa High ug Moderate Risk Area (Manila, Cebu, Davao, Zamboanga, CDO, etc.) ngadto sa CESU o sa inyohang Punong Barangay o sa inyohang Barangay Midwife aron sila ma-lista ug ma-monitor og sakto. Priority ang home quarantine sa pagpatuman sa boluntaryo nga 14-day quarantine. Andam na pud ang atoang City ug Barangay Quarantine Facilities para sa mga dunay mild symptoms sa Covid-19;
2. MANDATORY ang pagsuot sa atoang mga facemask kung kita mogawas sa atoang mga panimalay ug muadto sa pampubliko nga lugar;
3. DILI na kinahanglan ang Quarantine Passes (KIDQIP, Blue Pass, Tricycle Pass) aron makagawas sa panimalay. Apan, dili gihapon magkumpyansa. Limitahan gihapon nato ang pag-adto sa pampubliko nga lugar kung dili importante ang tumong. Istriktong physical distancing gihapon sa tanang pampublikong lugar;
4. Tugotan na ang pag-dine in sa mga restaurant ug mga kan-anan, kung diin limitahan lamang sa fifty percent (50%) capacity. Kinahanglan kini ma-inspeksyon sa Compliance Monitoring Team. Ang tanan request for inspection pwede i-agi sa BPLO;
5. Tugotan ang pag-angkas sa mga couple, immediate nga miyembro sa pamilya, ug mga medical frontliners;
6. Tugotan ang pag-abri sa mga hotel ug lodging houses, apan kinahanglan kini ma-inspeksyon usa sa City Tourism Office para sa accreditation;
7. Tugotan na ang pagsulod sa tanang residente sa Probinsya sa Cotabato sa atoang Mega Market gikan 6am hantud 6pm, Lunes hantud Domingo;
8. Tugotan na ang religious activities kung diin limitahan lamang sa fifty percent (50%) capacity ang venue, ug kinahanglan dunay physical distancing, thermal scanning, regular disinfection, ug pagsuot sa facemask;
9. Padayon ang pagpatuman as CURFEW HOURS (9pm to 5am);
10. BAWAL gihapon ang pag-inom og makahubog nga ilimnon sa gawas sa panimalay ug sa pampublikong lugar;
11. BAWAL ang BSDU o “BALIK SA DATING UGALI.” Padulong na kita sa moabotay nga NEW NORMAL. Laban Kidapawan!!
This post is written in Cebuano. Please check auto-translate options if you are reading this in English.
Please share. Do not repost. Avoid disinformation.
#LabanKidapawan
#WeHealAsOneKidapawan
WATCH: STATEMENT OF CITY MAYOR JOSEPH ARELLANO EVANGELISTA ON THE PROVISIONS OF EXECUTIVE ORDER NO. 33
HIGHLIGHTS:
Under enhanced community quarantine po ang Kidapawan City hanggang Abril 30, 2020, subject to extension.
ONE ENTRANCE, ONE EXIT POLICY sa Mega Market. Bawal pumasok ang walang KIDQIP pass. Bawal pumasok ang senior citizen, buntis at menor de edad kahit may KIDQIP pass. Bawal pumasok lahat ng pribado at pampublikong sasakyan sa Mega Market, maliban na lang sa bulk deliveries ng supplies, goods at cargo.
The operation of the Kidapawan City Mega Market shall be from six o’clock in the morning (6:00 am) to four o’clock in the afternoon (4:00 pm).
Residents of Kidapawan City that come from places (whether abroad or domestic) with confirmed local transmission of Covid-19 (Luzon, Davao Region, etc.) shall not be allowed to enter Kidapawan City but shall be referred to the respective boundaries of the Province of Cotabato to undergo strict fourteen (14) day quarantine before entering the territory of Kidapawan City.
Residents of Kidapawan City found to have attended mass or public gatherings in places outside Kidapawan City shall NOT BE ALLOWED to re-enter Kidapawan City until the end of the enhanced community quarantine.
CLOSURE OF BUSINESS ESTABLISHMENTS: Department stores shall be ordered closed. Tailoring shops and textile/garment shops may open but only for the purpose of producing PPEs and facemask. Para sa ibang establishments, please refer to the enumeration under Section 5 sa EO 33.
Bawal lumabas ng barangay kung walang KIDQIP pass. Bawal lumabas ng barangay ang senior citizen, menor de edad at buntis kahit may dala pa na KIDQIP pass, maliban kung emergency.
Mandatory face mask sa lahat ng lalabas ng bahay. Curfew ay 9pm to 5am. Lahat ng violators ay kailangan sumailalim sa seminar/information education campaign sa pamamagitan ng pag-film viewing ng sunod-sunod na Covid-19 documentaries.
SPECIAL PASSES: A limited number of special color-coded passes shall be issued to each municipal government in the Province of Cotabato. Bearers of these special color-coded passes may be allowed to enter Kidapawan City ONCE A WEEK (half day only) for the limited purpose to purchase food, medicines, and/or other basic necessities.
REITERATION ON PROHIBITION AGAINST MASS GATHERINGS: All barangay and purok assemblies and other such activities that involve the gathering and congregation of people, regardless of crowd size, are hereby ordered PROHIBITED. This order shall include all government-initiated gatherings including but not limited to general assemblies, day care activities, senior citizen meetings, farmer association meetings, including sabong activities. All private activities that involved the congregation of people, regardless of crowd size, are also PROHIBITED, including but not limited to basketball and sports activities, gambling activities, religious activities (except funeral rites which may only be attended by direct family relatives), private celebrations involving the gathering of people, family reunions, and such other similar activities.
Please report all violators to your barangay and purok officials for immediate action.
Maraming salamat po.
PAHIMANGNO SA TANANG LUMULOPYO NING DAKBAYAN
“MAGPUYO SA BALAY, MANANOM OG GULAY”.
Ang inyong City Agriculture Office nagsugod na og panghatag sa mga vegetable seeds aron itanom sa inyong tugkaran panahon nga ginapatuman ang Enhanced Community Quarantine.
Dakong tabang kini hilabi na kay makatubag kini sa panginahanglanon sa pagkaron kung ugaling molungtad pa ang krisis nga dala sa COVID19.
Kini libre nga serbisyo sa City Government busa pakig-kitai ang mga tinugyanan sa City Agriculture Office sa ilang buhatan aron makatagamtam sa maong free vegetable seeds distribution.
Daghang Salamat.