Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

Mayor JAE tutulong sa pagtatayo ng mga makeshift classroom sa nasunog na elementary school sa lungsod

TUTULONG ang Kidapawan City LGU sa pagtatayo ng mga temporary learning center para sa mga mag aaral ng New Bohol Elementary School na nasunugan ng mga classrooms nitong nakaraang Biyernes Santo.
Mismong si Mayor Joseph A. Evangelista, ang personal na nagtungo sa nasunog na paaralan kung saan sinalubong siya ng mga guro at mga magulang na nanghihinayang sa pagka sunog ng kanilang paaralan.
Pinawi naman ng alkalde ang kalungkutan ng mga magulang at ang pag alala ng mga mag aaral nang sinabi nitong maglalaan siya ng pondo para sa itatayong pansamantalang silid aralan.
Limang mga classrooms na nagkakahalaga ng P2.5 million ang nasunog at hindi pa kabilang diyan ang halaga naman ng mga natupok na instructional materials.
Apektado sa nasabing sunog ang May 188 na mga grades 2 hanggang grages 6 ng New Bohol Elementary School.
Sisimulan ang pagtatayo ng mga makeshift classroom sa May 6.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Kidapawan Bureau of Fire Protection sa sanhi ng sunog na tumupok sa nasabing paaralan.
Nanawagan naman ang Department of Education Kidapawan City Division sa mga magulang ng mga apektadong mga mag aaral na huwah nang mabahala dahil magkakaroon parin ng pagtatala para sa pagbubuks ng pasukan sa Hunyo. (WAM/CIO)

thumb image

Kidapawan City Division Alternative Learning System
Gustong makapagtapos at mag aral ng libre ito na ang iyong pagkakataon

ENROLL NA!

thumb image

6 na bagong motorsiklo ginagamit na para sa public safety program ng City LGU

KIDAPAWAN CITY – ANIM NA MGA BAGONG MOTORSIKLO ang ginagamit ngayon para mas mapabilis pa ng City Government ang pagsusulong ng Public Safety programs nito.
Ito ay katuparan sa pagpupunyagi ni City Mayor Joseph Evangelista na masegurong nakahanda 24/7 ang City LGU na gawing ligtas at agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga pamayanan. 
Apat na mga bagong Yamaha NMAX 155 at dalawang Honda CBR 150 ang binili ng City LGU at naiturn over na kamakailan lang para sa agarang pagtugon sa kaso ng emergencies.
Ginagamit na ang apat na Yamaha NMAX ng City Call 911 para tugunan ang mga medical emergencies na hindi na nangangailangan pa ng ambulance services.
Sa pamamagitan ng mga bagong motorsiklo, agad tutugon ang City Call 911 sa tawag sa radyo sa mga nagnanais makatanggap ng serbisyo tulad ng first aid, pagpapagamot sa mga simpleng sugat at iba pang katulad na emergencies na hindi na kinakailangan pang gumamit ng ambulansya.
Kapwa may kaalaman ang driver ng motor at ang Emergency Medical Technician na magkapares na magbibigay ng first aid.
Samantala, ang dalawang bagong Honda CBR 150 ay binigay ng City LGU sa task group Kidapawan.
Gagamitin ang mga bagong motor sa aspeto ng seguridad tulad na lamang ng paghabol sa mga masasamang loob at karagdagang visibility ng mga security forces sa pampublikong lugar sa lungsod.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga ginagawa ni Mayor Evangelista sa aspeto ng public Safety.
Maala-alang kinwestyon ng kanyang katunggaling si Vice Mayor Jun Piñol ang mga hakbang ni Mayor Evangelista na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Sa kabila ng isyung binabato sa kanya, nananatiling ‘ focus’ sa kampanya ang alkalde at ang kanyang Team Solid Performance.
Malinaw naman ang nakabenepisyo ng malaki sa kaligtasan ng publiko ang kanyang mga nagawa sa ilalim ng Public Safety programs,wika pa ni Mayor Evangelista.#(cio/lkoasay)

thumb image

PRC Satellite Office regular services simula na sa April 24, 2019

KIDAPAWAN CITY – MAGBIBIGAY NA NG Regular na serbisyo mula lunes hanggang biyernes ang Professional Regulations Commission PRC Satellite Office sa lungsod.
Ito ay katuparan sa matagal ng hiling ng mga professionals at mga nag-aapply sa board licensure examinations na mailapit sa kanila ang serbisyo ng PRC on a regular basis. 
Nagkaroon ng katuparan ang serbisyong regular ng PRC sa pamamagitan ng paglagda ni City Mayor Joseph Evangelista sa isang Memorandum of Agreement kasama ang mga opisyal ng ahensya.
Mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang magiging oras ng operations ng PRC.
Ngunit ililimita lamang muna sa tatlong serbisyo ang pansamantalang ibibigay ng PRC dahil na rin sa kulang pa ang kanilang mga tauhang itatalaga sa lungsod.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Application for Licensure Examinations; Initial Registration at Renewal ng mga Professional Identification Cards.
Nabenepisyuhan ng serbisyong ng PRC ang mga taga Kidapawan City at mga karatig lugar gaya ng Maguindanao, Sultan Kudarat, South Cotabato; Saranggani; Lanao Provinces at maging mga taga Davao Del Sur.
Matatagpuan ang PRC Satellite Office sa City Overland Terminal ng lungsod.##(cio/lkoasay)

thumb image

City Health Office at media magtutulungan para sa pagbibigay impormasyon sa publiko

KIDAPAWAN CITY – MAGTUTULUNGAN ANG City Health Office at ang mga kagawad ng media para mas maipa-alam sa publiko ang mga serbisyong binibigay ng opisina.
Ito ang napagkasunduan sa Media Dialogue na pinatawag ng CHO sa mga local na media para pag-usapan ang iilang mga programa at sagutin ang mga isyu patungkol sa pagpapatupad ng serbisyo ng kanilang opisina.
Mainit naman ang tugon ng mga dumalong kasapi ng media lalo pa at naiintindihan nila ang kanilang mahalagang papel para sa pagbibigay karagdagang impormasyon.
Angkop din ang partnership ng CHO at local media lalo pa at marami pa rin sa mga mamamayan lalo na sa mga kanayunan na limitado ang access sa social media.
Karamihan sa mga mamamayang ito ay tanging sa radyo lang din nakikinig para makaagapay sa mga programa ng pamahalaan.
Ilan lamang sa mga programa ng CHO na ibinahagi sa mga media na dumalo sa dayalogo ay ang mga sumusunod: kampanya kontra dengue; anti-measles program, Tubercolosis Direct Observe Treatment o TBDOTTS, kampanya kontra rabies; maternal health care, serbisyong binibigay ng City Blood Center; HIV/AIDS campaign program; Dental Health Care; Lifestyle Diseases campaign; Nutrition programs; at iba pang mga serbisyong binibigay ng CHO.
Ginawa ang Media Dialogue sa City Blood Center bahagi ng information and education dissemination mandate ng Department of Health para ibahagi ang kaukulang impormasyon para sa tamang pangangalaga ng kalusugan para sa lahat.##(cio/lkoasay)

thumb image

Kidapawan gipasidungan sa maayong implementasyon sa pondo gikan sa DILG

GIPASIDUNGAN ang Kidapawan City isip usa sa lima ka mga Local Government Unit kon LGU nga Best LGU Implementer sa tibuok rehiyon dose sa gipahigayon nga 1st Performance Challenge Fund, sa Koronadal City sa milabay nga adlaw’ng Biyernes.

Ang maong pasidungog gibase sa unom ka mga criteria sama sa TIMELINESS, QUALITY MANAGEMENT, SUSTAINBILITY, TRANSPARENCY, FUND MANAGEMENT ug INNOVATION.

Ilawom sa pagdumala ni Mayor Joseph A. Evangelista, gikan tuig 2011 hangtud 2018, nahimong epektibo ug han-ay ang implementasyon sa mga proyekto sa nagkadaiyang lugar sa dakbayan.

Sa maong nasampit nga mga katuigan, unom ka higayon nga nakadawat ug insentibo ang LGU-Kidapawan nga nagkantidad ug P18, 900, 000, nga gipondo alang sa siyam ka mga subprojects.

Apil niini ang pagpa semento ug 3 ka mga City Roads, pagmuntar ug lighting system, water system ug mga street lights.

“Pamatuod kini nga wala naga hunong ang LGU sap ag hatag sa mga batakang serbisyo alang sa mga constituents sa Kidapawan,” Sigon kang Mayor Evangelista.

Ilawom sa liderato ni Mayor Evangelista, tulo ka higayon nga gipasidungan ang Kidapawan City sa Seal of Good Local Governance (SGLG) gikan sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Tuig 2016, nakadawat ang LGU ug P3.4 million nga gigahin alang sa pagpanindot sa playground area sa City Plaza.

Mikabat usab sa P2.4 million ang gigahin aron pondohan ang pagmuntar ug Water System Project, asa mukabat sa 2000 ka mga lumupyo sa mga Barangays sa Malinan, San Isidro, Linangcob, Sto. Nino, Katipunan, Sikitan ug Gayola.

Napahayagan sab ang 21 ka kilometro nga highway nga nagasubay sa mga barangays sa Balindog, Paco, Binoligan, Amas ug Patadon.
Anaa sa 253 ka mga streetlights ang gimuntar ug anaa sa 57% ang kasamtangang ginagamit ug napahayag na.

Ginamit nga pondo alang sa pagpasuga sa mga nag unang kadalanan sa dakbayan ang insentibo nga anaa sa P5.1 million nga gihatag sa DILG sa tuig 2018 human nga giila ang dakbayan sa ikatulong higayon isip Seal of Good Local Governance (SGLG).

Si Mayor Joseph A. Evangelista, nagpasalamat sa mga katawhan nga walay puas nga nisalig sa iyang liderato ug nisuporta sa mga programa ug proyekto nga gipatuman.

“Dili ta muhunong sa pagpalambo sa atong dakbayan. Salamat sa inyong walay hunong nga pagsuporta sa atong mga programa. Nanghinaut ako nga sa sunod pang mga higayon anaa gihapon kamo naga suporta sa atong mga pangandoy nga mahimong progresibo ang dakbayan,” Pag hingapos ni Mayor Evangelista. (CIO/WAM)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio