Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

Registered Voters Lists inilabas na ng Comelec

KIDAPAWAN CITY – INILABAS NA NG City Comelec ang official lists of registered voters ng lungsod para sa darating na May 13, 2019 mid term elections.
84,652 ang kabuo-ang bilang ng mga rehistradong botante ng Kidapawan, datos mula na rin sa City Comelec.
Pinapayuhan ang mga botante na mas maiging maagang pumunta sa opisina ng Comelec upang ma check kung saang presinto sila buboto sa araw ng Halalan.
Nakapaskil ang listahan ng mga botante sa labas mismo ng City Comelec Office.
Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang aberya sa panig ng mga botante sa pagpunta sa mga polling centers sa May 13.
Nakasaad sa voters lists ang pangalan, barangay, tirahan, precinct number at voter number ng bawat botante.
Nagbigay kaseguruhan naman ang Comelec na maglalagay sila ng mga kawani na aalalay sa botante sa paghahanap ng kanilang presinto sa mismong araw ng Halalan.
Magisimula ang opisyal na botohan ganap na alas sais ng umaga at magtatapos pagsapit ng alas sais ng gabi.##(CIO/LKOasay)

thumb image

Bagong tractor ibinigay sa mga magsasakang Moro sa lungsod

KIDAPAWAN CITY – MAS MAPAPADALI NA para sa mga magsasakang Moro ng Barangay Patadon ang bagong tractor na tulong mula sa National Government.
April 1, 2019 ng iturn over ng Department of Agriculture ang bagong gamit pangsakahan para sa mga magsasaka ng naturang barangay sa isang simpleng programa sa City Hall. 
Binigay ng DA ang four wheel drive farm tractor sa MNLF Zone of Peace 5 na grupong magsasaka ng Patadon.
Ang bagong tractor ay nagmula sa PAMANA o PAyapa at MAsaganang PamayaNAn ng DA Regional office XII at nagkakahalaga ng dalawa at kalahating milyong piso.
Ito ay katuparan sa pakikipag ugnayan ni City Mayor Joseph Evangelista sa DA na naglalayung paunlarin ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa mga malalayong barangay ng lungsod.
Malaking tulong ang bagong tractor para magbungkal ng lupa sa mga farming communities ng Patadon kapag nagsimula na ang mga normal na pag-ulan pagkatapos ng El Nino Phenomenon na nananalasa sa lungsod at karatig lugar sa kasalukuyan.##(CIO/LKOasay)

thumb image

thumb image

PRC ID’s available for release at the City overland terminal.Please check your names on the list provided below.Thank you.

 

thumb image

 

PRESS RELEASE
March 27, 2019
Mga kandidato muling pinaalalahanan sa responsableng pangangampanya
KIDAPAWAN CITY – MULING NAGPAALALA ANG Commission on Elections sa lahat ng Local Candidates sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagsisimula ng kampanya sa March 29, 2019.
Kinakailangang sumunod sa mga itinatakda ng Omnibus Election Code ang lahat ng kandidato ng hindi marahap sa reklamo, kapwa paniniyak pa nina City Election Officer Diosdado Javier at ni City DILG Director Aida Garcia.
Dapat nasa cartolina size ang campaign poster at ilalagay lamang sa mga common poster areas na pinili ng Comelec.
Pwedeng maglagay ng campaign posters sa mga tahanan, pribadong lugar o di kaya ay sa mga pampublikong sasakyan basta’t may pahintulot mula sa may-ari.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign posters sa mismong sasakyan ng Pamahalaan.
84,652 ang opisyal na bilang ng mga rehistradong botante sa Kidapawan City ayon na rin kay Javier.
Magbubukas ang polling precincts eksaktong alas sais ng umaga ng May 13, 2019 at matatapos ang botohan ganap na alas sais ng gabi.
Tiniyak ng opisyal na nakahanda ang Comelec sa ano mang aberya sa mismong araw ng Halalan.
Secured din ang mga balota at Vote Counting Machines na gagamitin ng Comelec para matiyak na hindi magkakaroon ng dayaan.
Sa usapin naman ng posibleng brownout, pwedeng gamitin ang VCM’s dahil sapat ang enerhiya ng baterya nito, wika pa ni Javier.
May 6-10, 2019 naman nakatakdang dumating sa lungsod ang mga VCM’s kung saan ay isasabay na rin ang final testing at sealing ng mga ito.
Agad malalaman ng resulta ng eleksyon sa gabi ng May 13 dahil automated ang sistema ng botohan at bilangan, pagtatapos pa ni Javier.##(CIO/LKOasay)

thumb image

PRESS RELEASE
March 23, 2019
Patutsada ni VM Jun Piñol ipinagkibit balikat lang ni Mayor Evangelista
KIDAPAWAN CITY – IBINAGKIBIT BALIKAT lamang ni City Mayor Joseph Evangelista ang mga patutsada ni Vice Mayor Bernardo Piñol Jr. sa media sa ipinatawag na presscon ng huli March 20, 2019.
Maliwanag na testamento ang tatlong taong magkakasunod na pagkamit ng City Government sa Seal of Good Local Governance sa maayos na pamamahala sa lungsod, paliwanag pa ni Mayor Evangelista.
Matatandaang nagpatawag ng presscon ang bise alkalde kung saan ay inilahad niya ang kanyang pagkayamot sa kapabayaan umano ni Mayor Evangelista sa pamamahala sa lungsod.
Nangyari ang presscon matapos aprubuhan ng Sanggunian ang declaration of State of Calamity ng lungsod dahil sa El Niño.
Maala alang nadelay ang deklarasyon matapos kwestyonin ni Piñol ang pagpapasa nito sa pangambang gagamitin sa pamomolitika ni Mayor Evangelista.
Ignorante umano sa batas ng Omnibus Election Code si Piñol buwelta ng alkalde dahil mahigpit na ipinagbabawal ng batas na makisawsaw o sumali ang mga politiko sa relief operation.
Mismo kasing si Piñol pa ang humiling kay Mayor Evangelista na kung maari ay isali din sila sa relief operation bagay na pinagtawanan ng alkalde dahil mananagot silang lahat sa batas kapag nagkataon.
Sa usapin naman ng Peace and Order lalo na sa isyu ng shooting incidents na nangyari sa Kidapawan na siya namang ikinayayamot ni Piñol dahil umano sa kapabayaan ng alkalde, ibinunyag ni Mayor Evangelista na hindi alam ng bise alkalde ang kanyang mga pinagsasabi dahil hindi naman siya umaattend ng CPOC Meetings bilang Vice Chair.
Bahala na ang mga mamamayan ng lungsod kung maniniwala sila kay VM Piñol ayon pa sa alkalde.
” Let the people decide”, wika pa ni Mayor Evangelista sa kung sino sa kanila ni VM Jun Piñol ang nararapat na mamuno sa lungsod pagkatapos ng halalan sa Mayo.##Lloyd Kenzo Oasay/CIO

thumb image

Pang-apat na LET exams sa Kidapawan City sa March 24, 2019 na
KIDAPAWAN CITY – 3,665 NA MGA LICENSURE Examination for Teachers examinees ang kukuha ng kanilang pagsusulit sa lungsod sa March 24, 2019.
Pang-apat na pagkakataon na na ginanap ang LET sa Kidapawan City mula ng makipag ugnayan si City Mayor Joseph Evangelista sa Professional Regulations Commission o PRC upang mabigyan ng pagkakataon na maka exam dito ang mga Education Graduates na taga Kidapawan City at karatig lugar.
Apat na mga testing centers ang ilalagay ng City Government para sa mga LET examinees na kinabibilangan ng Kidapawan City National High School; Kidapawan City Pilot Elementary School; Colegio de Kidapawan at ang Notre Dame of Kidapawan College.
Maglalagay ng istriktong seguridad ang City Government at City PNP sa mga testing centers, paniniyak pa ni Mayor Evangelista.
Pinapayuhan din ang mga examinees na kung maari ay maagang pumunta sa testing centers ng maiwasan ang ano mang klase ng aberya.
May itinalagang mga kawani ng City Government si Mayor Evangelista sa mga testing centers na siyang aalalay sa mga kukuha ng pagsusulit.
” I wish all the LET Examinees the best of luck.”, mensahe pa ni Mayor Evangelista sa mga LET examinees. ##(CIO/LKOasay)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio