Category: Press Release

You are here: Home


thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 28, 2023) โ€“ BINUKSAN na ngayong araw na ito ng Martes, March 28, 2023 ang Cotabato Integrated Farm Training Center, Inc. na matatagpuan sa Purok Guyabano, KM 116 Paco, Kidapawan City at siyang pinakabagong Learning Site for Agriculture (Level 1).

Dumalo sa simpleng Opening Ceremony and Unveiling of Signage ng Cotabato Integrated Farm Training Center, Inc. ang ilang mga heads at representatives ng ibaโ€™t-ibang ahensiya na kinabibilangan nina Engr. Franklin Beltran (TESDA), Jose Cabulanan (Dept of Tourism), Ruel Villanueva (OPAG), City Agriculturist Marissa Aton, Punong Barangay Edgarlito Elardom mga personnel mula sa DA-ATI12 at iba pang mga bisita.

Naitatag ang CIFCTI matapos na irekomenda ito ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista upang mabigyan ng accreditation bilang learning site (Level 1) at makapasa sa mga requirements na itinakda ng DA-ATI12 tulad ng orientation of the prospective LSA, accomplishment of the farm profile form, field validation/ocular inspection, LSA development plan, at iba pa.

Sa pamamagitan ng CIFTCI ay magkakaroon ng pagkakataon ang magsasaka kabilang ang mga young farmers na mabigyan ng sapat na training sa mga makabagong pamamaraan ng agrikultura sa tulong ng mga nabanggit na ahensiya ng pamahalaan.
Kabilang dito ang agricultural technologies, doable farming strategies, emulation, at iba pa.

Nakapaloob din sa mga pakinabang bilang learning site for agriculture (Level 1) ang mga sumusunod โ€“ practicum area, venue for practical and hands-on training, visitation area, On-the-Job Training (OJT) site for ATI scholars and other interested students/individuals.

Ang CIFTCI na ang pang-apat na Learning Site for Agriculture sa Kidapawan City. Ang tatlong iba pa ay kinabibilangan ng La Villa Aqua Farm (Brgy Manongol), Dr. Alfred Essentials (Brgy Birada) at Heavens Bounty Farm (Binoligan).

Ginawaran naman ng Certificate of Learning Site for Agriculture mula sa DA-ATI12 si Engr. Jimmy Fontanilla, may-ari ng CIFTCI na nagpapatunay na may angkop na kakayahan ang kanyang pasilidad para sa pagpapaunlad ng kaalaman, produksiyon, at kita ng mga magsasaka o iba pang indibidwal o grupo mula sa sektor ng agrikultura.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng unveiling of signage ng CIFTCI na sinaksihan ng mga nabanggit na heads at representatives, barangay officials, farmers, at iba pa.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaring bumisita sa CIFTCI o tumawag sa CP no. 0910-555-7247 o di kaya ay makipag-ugnayan sa Office of the City Agriculturist sa City Hall, Barangay Avenue Drive, Brgy. Poblacion, Kidapawan City o magpadala ng email sa [email protected] (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 27, 2023) โ€“ MATAPOS ang ginawang practical exam ng abot sa 27 mga butcher o matadero nitong Biyernes, Marso 24, 2023 ay tuloy-tuloy na ang operasyon ng Kidapawan City Slaughterhouse o mas kilala sa tawag ng Kidapawan โ€œAAโ€ Slaughterhouse ngayong araw ng Lunes, Marso 27, 2023. Matatandaang natapos na ang isinagawang dry run ng bagong slaughterhouse na matatagpuan sa Barangay Kalaisan ng lungsod partikular na ang mga bagong pasilidad nito na kinabibilangan ng lairage/holding pen, restraining/stunning box, scalding vat, hoist, manual pulley system, dehairing platform pati na evisceration/splitting platform, offal cleaning room, meat hanging area at meat van.Nagkakahalaga ng P25M ang Kidapawan City Slaughterhouse na isang counter-parting project sa pagitan ng National Meat Inspection Service ng Department of Agriculture o DA-NMIS (P10M) at ng City Government of Kidapawan (P15M).Makakaya ng bagong slaughterhouse ang pagkatay ng mula 10-12 cattles o baka at mula 50-60 hogs o mga baboy bawat araw.Ang City Veterinarian Office sa pangunguna ni Dr. Eugene Gornez ang mangangasiwa sa technical aspect partikular na sa paggamit ng mga bagong makinarya o pasilidad ng Kidapawan โ€œAAโ€ Slaughterhouse.Malaking pakinabang naman sa mga mamamayan ng lungsod ang pagkakaroon ng modernong slaughterhouse dahil makatitiyak na maayos at nasusunod ang mga itinakda ng NMIS pagdating sa wastong pagkatay ng mga hayop tulad ng baka, baboy, at kambing na siya namang mandato ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa OCVET at sa Local Economic Development and Investment Promotion o LEDIPO at Market Administration na siyang mga tanggapan nangangasiwa sa operasyon ng slaughterhouse. Naigawad naman sa Kidapawan City Slaughterhouse o โ€œAAโ€ Slaughterhouse ang kinakailangang License to Operate o LTO kung kayaโ€™t tuloy-tuloy na ang operasyon ng naturang pasilidad. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 21, 2023) โ€“ DALAWANG natatanging aktibidad ang isinagawa ngayong araw na ito ng Martes, Marso 21, 2023 sa bahagi ng Sarayan River na matatagpuan sa Barangay Ginatilan, Kidapawan City partikular sa Purok 7 ng nabanggit na barangay.Ito ay ang paglulungsad ng Balik-Sigla sa Ilog at Lawa o BASIL at ang tree planting activity na pinangunahan ng Office of the City Agriculturist (OCA) kasama ang City Agricultural and Fishery Council, Inc (CAFCI) at mga opisyal ng Barangay Ginatilan sa pangunguna ni Punong-Barangay Arlene Cabacungan at ang mismong mga residente sa lugar.Abot sa 10,000 tilapia fingerlings ang inilagak o pinakawalan sa ilog ng Sarayan kung saan nagmula ang nabanggit na bilang ng fingerling mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR habang abot naman sa 100 cacao seedlings mula sa OCA ang itinanim sa gilid na bahagi ng ilog, ayon kay City Agriculturist Marissa Aton. Layon ng BASIL na manumbalik ang sigla ng naturang ilog pati na ang mga isdang nabubuhay dito at mapanatili ang natural habitat nito kung kayaโ€™t dito ibinuhos ang mga tilapia fingerlings, ayon pa rin kay Aton.Bahagi naman ng CANOPY 25 tree planting and tree growing project ng City Government of Kidapawan sa pangunguna ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista ang ginawang pagtatanim ng mga cacao seedling sa ilog. Madadagdag ang mga itinanim na cacao sa lumalaking bilang ng mga punong naitanim na ng mga volunteers kung saan target na makamit ang abot sa 2.5 milyong punong-kahoy sa loob ng isa o dalawang taon para na rin sa kaligtasan ng kapaligiran at proteksyon ng mamamayan.Para naman kay Punong-Barangay Cabacungan, mapalad ang kanyang barangay na isa sa mga piling lugar na pagtataniman ng ibaโ€™t-ibang uri ng punong-kahoy at mga fruit trees at sa ginawang launching ngayong araw ng BASIL ay manunumbalik ang dating kalagayan ng ilog ng Sarayan.At para naman mapaigting pa ang CANOPY 25 ay gumawa ng hakbang sa pamamagitan ng panukala ang mga opisyal ng Barangay Ginatilan upang makapagtanim hindi lamang sa palibot ng Sarayan River kundi pati na sa gilid ng kalsada o government roads.Bilang panghuli ay may mensahe naman ang Punong-Barangay sa mga mamamayan ng Ginatilan at pati na sa mga residente ng iba pang barangay sa Lungsod ng Kidapawan.Kaugnay nito, inaasahang magtutuloy-tuloy na ang sama-sama at nagkakaisang pagkilos para sa CANOPY 25 at tuluyan ng makamit ang mithiing maitanim ang abot sa 2.5 milyong punong kahoy para sa kapakanan hindi lamang ng mga tao sa kasalukuyan ngunit sa mga susunod pang mga henerasyon.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 23, 2023) โ€“ SA temang โ€œRespecting Diversity Through Joint Social Actionโ€ ay ipinagdiwang ng mga Registered Social Workers mula sa ibaโ€™t-ibang munisipyo sa Lalawigan ng Cotabato at sa Lungsod ng Kidapawan ang World Social Work Day 2023 ngayong araw ng Huwebes, Marso 23, 2023.

Ginanap ang pagdiriwang sa Kidapawan City Gymnasium na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO na nagsibi namang host ng aktibidad sa pangunguna ni Daisy Gaviola ang CSWD Officer ng Kidapawan.

Bilang panimula ay sabay-sabay na binigkas ng mga social workers ang Code of Ethics of Social Workers sa pangunguna ni John Karlo Ballententes, ang Municipal Social Welfare and Development Officer ng Midsayap, Cotabato.

Sinundan ito ng pagbibigay ng welcome message ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista kung saan mainit niyang binati at tinanggap ang mga partisipante kasabay ang pagkilala sa kakayahan at kahusayan ng mga social workers.

Sinabi ng alkalde na isa itong magandang pagkakataon para sa mga naturang empleyado ng pamahalaan na magtipon-tipon at magbigay ng updates.

Dumalo rin at nagbigay ng inspirational message si Cotabato Provincial Governor Emmylou Talino-Mendoza. Sentro ng mensahe ng gobernadora ang mahalagang papel ng mga social worker hindi lamang sa panahon ng kalamidad kundi sa lahat ng pagkakataon na nakahanda ang kanilang hanay upang tumulong sa mamamayan.

Bahagi rin ng aktibidad ang Presidentโ€™s Report ng Philippine Association of Social Workers, Inc. o PASWI North Cotabato Chapter na iniulat ni Aloha Ballos (President โ€“ PASWI) at ang Treasurerโ€™s Report na ibinigay naman ni Catherine Quijote (Treasurer โ€“ PASWI).

Nagbigay ng message and update si Lina Canedo, ang MSWD Officer ng Makilala na dumadalo sa isang international convention sa Vietnam.

Matapos nito ay namahagi ng mga Certificate of Recognition at Plaque of Appreciation ang PASWI โ€“ North Cotabato sa mga natatanging miyembro at ginanap din ang election of officers para sa taong 2023-2025.

Lalong naging memorable ang aktibidad dahil nagsagawa ng tribute para sa mga PASWI retirees at pati na patimpalak tulad ng singing, Tiktok dance, at Zumba contest kasama pa ang raffles and socialization.

Sa kabuuan ay naging makulay at tunay na makabuluhan ang okasyon dahil nagkaroon ng espesyal na pagkakataon ang hanay ng mga RSW na magkasama-sama at ipadama ang respeto at pakikiisa lalo na sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa bayan. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 20, 2023) โ€“ SABAY-sabay na namumpa sa tungkulin ang mga opisyal at miyembro ng Kidapawan City Tourism Council sa isang Oath-Taking Ceremony na ginanap sa City Convention Center, ala-una ng hapon ngayon araw ng Lunes, Marso 20, 2023.

Si Kidapawan City Mayor Atty Jose Paolo EvangelistA, Honorary Chairperson ang nagsibing Presider kung saan nanumpa sa kanyang harapan ang mga bumubuo ng tourism council.

Ito ay kinabibilangan nina City Councilor at Sangguniang Panlungsod Committee on Tourism Chairperson Galen Ray Lonzaga bilang Chairperson, Blanca Fe Isla-Villarico ng Kidapawan City Stakeholders Association bilang Vice-Chairperson at mga miyembro konseho na sina Ferdinand Cabiles (DTI Cotabato Provincial Director), Shirley Uy (Deputy Protected Area Superintendent), Edgar Paalan (CENRO), Datu Camilo Icdang (IP Affairs โ€“ Representative), Rey Narciso (Pres. Of Metro Kidapawan Chamber of Commerce), Chef Laura Camille Sison (Pres โ€“ Restaurant Sector/ AKHORR), Jennie Cabrera (Pres- Travel Agency and Tour Operators), at Renante Antac (Pres- Kidapawan Tour Guides Association).

Kabilang din sa mga miyembro ng naturang konseho sina Dennis Banta (Pres โ€“ Kidapawan City Bankers Association), Judilito Laniton (Media Representative), Warlito Salugsugan (Pres โ€“ Van Transport Group), Jovelyn Omandac (Pres โ€“ Federation of Kidapawan Integrated Tricycle Association), C JR Soler (Pres โ€“ Accommodation Sector), Jonathan Gabo (Pres Resort Sector), Emilio Lavilla (Farm Tourism Representative), Dr. Natividad Ocon (DepEd Kidapawan Schools Division), Naomi Yecyec (City Culture and Arts Officer), Psalmer Bernalte (Acting City Information Officer), Myrissa Tabao (Energy Development Corporation), at Cenn Teena Taynan (Sangguniang kabataan Federation President).

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 04, series of 2023 na nilagdaan ni Mayor Evangelista noong January 26, 2023 ay itinatag muli ang City Tourism Council alinsunod na rin sa DILG Memo Circular No. 95-162 at sa isinasaad ng RA 7160 – Local Government Code of 1991.

Inaasahang sa pagkakatatag ng konseho ay lalo pang mapapalakas ang industriya ng turismo sa lungsod sa pamamagitan ng pagpaplano, paggawa ng mga polisiya, at angkop na programa ganundin ang epektibong samahan ng City Government, private sector at iba pang stakeholders. (CIO)

thumb image

INILAHAD NG BFP KIDAPAWAN
KIDAPAWAN CITY (Marso 20, 2022) โ€“ SA temang โ€œSa Pag-iwas Sa Sunog Hindi ka Nag-iisaโ€ ay lalo pang pinalakas ng Bureau of Fire Protection o BFP Kidapawan ngayong buwan ng Marso (Fire Prevention Month) ang kampanya laban sa sunog at mapanatili ang isang fire-safe community.
Ito ang binigyang-diin ni CINSP Marleap Nabor, ang Fire Marshall ng Kidapawan City kasabay ang paglalahad ng mga napagtagumpayan ng BFP Kidapawan at iba pang mga aktibidad sa ginanap na Flag raising Ceremony at Monday Convocation ngayong umaga ng Lunes, Marso 20, 2023.
Bago pa man pumasok ang buwan ng Marso ng 2023 ay naglagay na ng mga fire safety advocacy tarp at banner ang BFP Kidapawan sa mga tanggapan ng gobyerno at mga business establishments sa lungsod.
Pagsapit ng March 1, 2023 ay nagsagawa ng Kick-off Ceremony ang BFP Kidapawan kung saan nakapaloob ang month-long activities para sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month at kabilang dito ang motorcade, nationwide simultaneous blowing of horn, pagpapalakas ng ugnayan sa 18 grupo para sa fire safety and protection advocacy, live streaming ng BFP OPLAN Fire Prevention Month (nationwide).
Pagsapit naman ng Marso 2, 2023 ay binuksan ang BFP Kidapawan open-house station tours, pamamahagi ng fire safety leaflets sa mga barangay at iba pang serbisyo sa pagsasagawa ng Kidapawan Dad-an ug Proyekto ug Serbisyo (KDAPS).
Pasok din sa mga aktibidad ngayong Marso bilang Fire Prevention Month ang fire safety and advocacy art contest, poster-making, photography, at spoken word contest.
Maliban rito ay pinalakas din ng mga local firefighters ang firetruck visibility patrol at ang pagtungo sa mga barangay upang ibahagi ang Oplan Ligtas na Pamayanan (OLP).
Magandang balita rin mula sa BFP Kidapawan ang pagtatatag ng Community Fire Protection Plan sa mga barangay ng Paco, Balindog, at Kalaisan.
Mula Marso 21-27, 2023 naman ay isasagawa ang Luntian Kidapawan โ€œFire Squareโ€ and road show sa Gaisano Grand Mall of Kidapawan kung saan palalakasin ang isang interactive life, safety and emergency procedures at mga simulations na angkop sa kakayanan ng mga batang mag-aaral pati na mga young adults (18-22 years old) na siya namang kauna-unahang pagkakataon sa Kidapawan City at sa buong Province of Cotabato.
Pagsapit naman ng March 31, 2023 ay gagawin ang Culmination Program ng Fire Prevention Month sa pangunguna ng BFP Kidapawan kasama ang mga partner agencies at stakeholders.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni City Mayor Evangelista ang BFP Kidapawan sa pangunguna ni Fire Marshall CISNP Marleap Nabor sa lahat ng mga hakbang at pagsisikap ng tanggapan upang mapanatili ang kaligtasan ng pamayanan mula sa sunog. (CIO)

thumb image

KIDAPAWAN CITY – MULING namigay ng libre ayuda sa pamamagitan ng hog dispersal ang City Government of Kidapawan sa mga identified hog raisers na matinding naapektuhan ng African Swine Fever o ASF nitong nakalipas na taon. Ngayong araw ng Miyerkules, March 15, 2023 ay nanguna si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista Kasama SI City Veterinarian Dr. Eugene Gornez sa pamimigay ng mga biik sa 25 mga identifed beneficiaries ng porgrama.Bahagi ng ASF Recovery Program ang nabanggit na tulong. Sa kanyang mensahe sa mga beneficiaries, sinabi ni Mayor Evangelista na paraan ito ng City Government para tulungang makabangon ang mga nag-aalaga ng baboy o hog raisers sa pinsalang idinulot ng ASF sa kani-kanilang mga lugar. Matatandaang nagpatupad ng โ€˜cullingโ€™ ang City Government upang mapigilan ang pagkalat pa ng sakit na siya namang naka-apekto ng malaki sa kabuhayan ng mga nag-aalaga ng baboy. Tumanggap ng dalawang biik ang bawat recipient ng programa. Kalakip din ang starter feeds (40 kilos starter, 1 sack/31 kilos grower, at 2 sacks finisher 6 kilos) bawat head bilang pangunahing pagkain ng biikLumagda din sila sa isang Memorandum of Agreement o MOA kung saan nakasaad na mula sa City Government ang mga biik at tungkulin ng mga nakatanggap na alagaan at paramihin ang mga ito. Wala ng babayarang halaga ang bawat recipient pabalik sa City Government mula sa biik na kanilang tinanggap. Tanging babayaran na lamang nila ay ang kalahati sa kabuo-ang halaga ng feeds sa City Government. Ginawa ito upang matiyak na magpapatuloy ang maayos na programa ng hog dispersal para naman sa iba pang mga naapektuhan ng ASF.Nagpadalamat naman ang mga recipients sa natanggap na ayuda Mula sa City Government na naglalayong unti-unti silang makakabangon mula sa kasiraang idinulot ng ASF. (CIO)

thumb image

Natupad ang matagal nang dalangin ng mga taga Purok Sambag ng Barangay Amas, matapos ayusin ang kanilang hanging bridge na nagdurugtong sa kanilang purok at Sitio Puas Inda, kung saan matatagpuan ang paaralan ng kanilang mga anak.

Ang edukasyon ang tulay tungo sa maliwanag at maginhawang kinabukasan. Ito ang pinakamahalagang pamana na maiiwan ng isang magulang para sa kanilang mga anak. Lalo na at ito ang tanging yaman na kailanman ay hindi mananakaw. Kaya todo kayod ang mga magulag upang mapag-aral ang kanilang mga anak upang masiguro ang kanilag maliwanag na kinabukasan. Subalit, maliban sa pambaon ay maraming sinisiguro ang mga magulang, nangunguna na dito ang kanilang seguridad papunta at pauwi mula sa eskwelahan.

Sa tuwing tayo ay napagsasabihan, madalas nating naririnig ang mga linyang, โ€˜ilang ilog pa ang kailangan naming tawirin para lang makapag-aralโ€™, at madalas ay binabale wala na lamang ito ng mga kabataan ngayon. Subalit, lingid sa ating kaalaman ay mayroon pa ring mga liblib na pook na humaharap sa ganitong pagsubok araw-araw. At isa na nga dito ang Purok Sambag ng Brgy. Amas. Ang paaralan na pinakamalapit dito ay ang Puas Inda Integrated Elementary School na matatagpuan sa katabi nitong sitio. Ang mga mag-aaral mula sa Purok Sambag ay kailangan pang bumaba sa pangpang at tawirin ang ilog na lubha na mang maanagnib, lalo na ngayong paiba-iba ang bugso ng panahon para lang makapasok sa eskwelahan. Dahil dito ay napilitan ang ibang bata na tumigil dahil sa pag-aalala ng kanilang mga magulang sa panganib na dala ng pagtawid ng kanilang mga anak.

Subalit ang kanilang pangamba ay napalitan ng tuwa at gihawa nang malagyan ito ng Lokal na Pamahalaan ng Steel Hanging Bridge na may habang dalawampuโ€™t limang metro o 25 meters na syang nagdudugtong sa naturang purok at Sitio Puas Inda. Ilang taon na rin ang nakalilipas ng mailagay ang naturang tulay kung kayaโ€™t upang mas maging panatag ang loob ng mga dumadaan dito at masigurong matibay at ligtas ito ay inayos at mas pinagtibay ang tuly. Ang nasabing Repair and improvement project ng Office of the City Engineer ay nagkakahalaga ng abot sa P247,336.74.

Malaki ang pasasalamat ng mga magulang sa ginawang aksyon ng City Government of Kidapawan sa pamumuno ni Atty. Jose Paolo M. Evangelista na naniniwalang edukasyon ang susi sa maliwanag na kinabukasan ng kabataan at pamayanan.

Ngayon ay ligtas nang makakapunta ang mga bata sa kanilang paaralan at makakatawid na sila ng walang takot o pangamba dahil sa proyekto ng Gobyerno para sa kanila. Umaraw man o umulan ay kaya nilang tahakin ang daan tungo sa kanilang maliwanag na kinabukasan at maitawid ang kanilang mga sarili at bayan mula sa kahirapan tungo sa maginhawa at panatag na kinabukasan.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 10, 2023) โ€“ MALAKI ang ginagampanang papel ng mga tourist guide at mga porter sa pagsusulong ng turismo sa isang lugar. Kaya naman mahalaga na mabigyan sila ng sapat na kaalaman pagdating sa pangangalaga ng turista o mga bumibisita sa isang lugar tulad na lamang ng Lungsod ng Kidapawan kung saan matatagpuan ang ibaโ€™t-ibang tourist destination.Nitong Biyernes, Marso 10, 2023 ay nagtipon-tipon ang abot sa 30 tourist guides at 80 porters na pawang mga miyembro ng Mt. Apo Guides Association at Mt. Apo Porters Association at sumailalim sila sa Capacity Building Workshop sa RC Martinez Farm and Resort, Barangay Mua-an, Kidapawan City.Bilang panimula ay nagbigay ng kanyang mensahe si City Councilor Atty. Dina Espina-Chua, na siya namang OIC-Mayor ng araw na iyon. Ibinahagi ng konsehal ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang emergency situations. Inihalimbawa niya ang kanyang personal experience kung saan sumiklab ang apoy sa isang bahagi ng kanyang bahay at ang kakulangan niya sa kaalaman pagdating sa paggamit ng firefighting equipment tulad ng fire extinguisher.Kaya naman para sa kanya ay napakaimportante ng workshop na ito para sa mga partisipante at lahat ng kanilang nalalaman sa pagtugon sa emergency ay madaragdagan pa.Dalawang mahahalagang lectures ang ibinigay sa mga guide and porters at ito ay kinabibilangan ng Basic Forest/Peat Land Fire Management Orientation na ibinahagi ng Bureau of Fire Protection o BFP at Basic Ropemanship, Demonstration and Evaluation na ibinahagi naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO.Si Chief Inspector Marleap Nabor, ang Fire Marshall ng Kidapawan City ang nanguna sa pagtuturo tungkol sa ground fire, crown fires, at surface fire na posibleng maganap sa bundok ganundin ang peat fire o sunog na nagaganap dulot ng matinding pagkatuyo ng lugar at ang mga bagay na dapat isaisip at gawin sa oras na magkaroon ng sunog sa kabundukan tulad na lamang ng Mt. Apo. Nagbigay din ng karagdagang lecture si Senior Fire Officer 2 Cecilia Nabor kung saan binigyang-diin niya na lubhang mahalaga para sa mga guides at porters ang malaman ang mga hakbang na gagawin para mailigtas ang mga turista pati na kanilang mga sarili.Sa kabilang dako, sumentro naman sa tamang paggamit ng tali o rope ang lecture ng CDRRMO na pinangunahan ni Local DRRMO II Kelvin Lloyd Seron at mahalaga ito para sa guide and porter dahil magagamit sa pag-rescue ng mga bisita sa oras na magka-aberya partikular na ang basic knots na kinabibilangan ng bowline, overhand safety knot, water knot , at iba pa.Ikinatuwa naman ng kapwa tourist guide at porters ang workshop dahil ito ay magsisibing gabay sa kanilang hanay at refresher na rin sa dati na nilang nalalaman kaugnay ng kanilang mga trabaho. Pareho nilang pinasalamatan si City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista sa pagbibigay ng pagkakataon na sila ay matuto at lalo pang magiging responsable bilang mga kabalikat ng lokal na turismo ng lungsod.Samantala, ang one-day Capacity Building Workshop na ito para sa mga guides at porters ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng City Tourism Office at naglalayong mapaangat ang antas ng naturang sektor sa larangan ng emergency awareness and response dahil ang mga porters at guides ang nagsisilbing first line of defense sa oras ng aberya o disgrasya, ayon kay Senior Tourism Operations Officer Gillan Ray Lonzaga. Sinabi ni Lonzaga na may malaking impact ang workshop para sa mga miyembro ng Mt. Apo Guides Association at Mt. Apo Porters Association pagdating sa personal development ng mga ito at sa kanilang pagiging LGU registered guide and porter at sa pagganap bilang mahusay na emissary o agent ng local tourism ganundin sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga turista, maging local man on international. Mula naman ng naging maluwag ang COVID-19 restrictions at magbukas muli ang lokal na turismo nitong nakalipas na taon ng 2022 ay naging aktibo muli ang mga guide at porter sa Mt Apo climb at ngayong nalalapit na ang Holy Week ay inaasahang dadagsa ang mga turista upang akyatin ang Mt. Apo at dito na magagamit ng mga LGU registered guides and porters ang kanilang mga natutunan sa workshop.

thumb image

KIDAPAWAN CITY (Marso 13, 2023) โ€“ GINAWARAN ng Department of Tourism o DOT 12 (SOCCSKSARGEN) ang City Government of Kidapawan ng isang parangal na kumikilala sa malaking suporta at pakikiisa ng lungsod sa mga programa at adbokasiya ng departamento sa larangan ng turismo.
Ibinigay ang Plaque of Appreciation na may lagda ni DOT12 Regional Director Engr. Armin Hautea sa isang simpleng awarding ceremony na ginanap sa Greenstate Suites, Koronadal City nitong nakalipas na buwan ng Pebrero.
Pormal naman itong tinanggap ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista kasama si Supervising Tourism Operation Officer Gillan Ray Lonzaga sa Flag raising ceremony at employeesโ€™ convocation ngayong umaga ng Lunes, Marso 13, 2023.
Nakasaad sa parangal ang suporta, pakikipagtulungan, at mga hakbang na ginagawa ng City Government of Kidapawan sa pamamagitan ng City Tourism Office upang mapahusay pang lalo ang sektor ng turismo at maging mas competitive pa kasabay ang pagsusulong ng social responsibility at environmentally sustainable projects.
Naging aktibo naman muli ang tourism industry sa Region 12 o SOCCSKSARGEN simula nitong nakalipas na taon ng 2022 matapos lumuwag ang mga ipinatutupad na COVID-19 restrictions at pinapayagan na ang pagbisita sa mga tourist destination sa ibaโ€™-tibang bahagi ng rehiyon tulad ng Kidapawan City at iba pang lugar na nagtataglay ng maraming magagandang tanawin o tourism spot. (CIO/photos by cio/citytourismoffice)

@ 2018 Kidapawan City. All rights reserved.

Developed and Maintained by: Durian Studio